Home / Mistery / Thriller / Picture Perfect / Kabanata 11 - Kabanata 20

Lahat ng Kabanata ng Picture Perfect: Kabanata 11 - Kabanata 20

24 Kabanata

Ika-Sampu na Kabanata - Kasalukuyan

“Morning sleepyhead,” narinig kong malambing na bulong sa akin na ikinakunot-noo ko. Bakit naririnig ko ang boses ni Daiki. “Get up, sleepyhead. Oras na para magbreakfast.” “Daiki?” ungol ko. Inaatok pa ako. “Yes. Wa.ta.shi.da (It’s me)” bulong niya sa akin. “Ha?” Napadilat ako ng wala sa oras. Mabilis ko siyang hinahanap sa kwarto ko pero hindi ko siya makita. Saka ko naunawaan na nasa cellphone pala nanggagaling ang boses niya nang marinig ko ang tawa niya. Inaantok kong nasapo ang noo ko. Humihikab kong pinulot ang cellphone ko. Hindi ko namalayan na nakaligtaan kong patayin kaninang gabi. “Ohayo, Daiki-kun,” inaantok kong bati sa kanya bago ako bumangon at tinungo ako kusina. “Magandang umaga, hija,” bati sa akin ni Tiya Pepa. “Maghilamos kana para makakain kana.” “Opo,” sagot ko sa kanya. “Natulog ka ba?” baling ko kay Daiki na nasa kabilang linya. “Matutulog pa lang.” “Okay. Oyasumi, Daiki-kun,” paalam ko sa kanya. “Hai,” bulong niya. Bago pa humaba ang usapan namin ay
last updateHuling Na-update : 2021-11-08
Magbasa pa

Labing- isang Kabanata - Nakaraan

“Sana huwag mong isipin na masama ang araw ng kaarawan dahil ngayon sa parehong araw namatay si Leticia, Talulla,” komento ni Genevieve na umagaw sa atensyon ko. Napahinto ako sa paghiwa ng cake ko at napatingin ako sa kanya. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya iyon sa akin. Akala ko ang sasabihin niya sa akin kung gaano siya nanghinayang na maagang namatay ang ate Letty. Parang sirang plaka kasing ganun palagi ang reaksyon ng mga nakaka-usap ko tuwing dumarating ang araw na ito. Hindi ko inasahan ang sinabi ni Genevieve. Wala sa oras akong napalunok at mabilis akong umiwas ng tingin. Walang kumausap sa akin na ako ang paksa maliban kay Daiki. Nakakapanibago lang dahil maliban sa hindi kami ganoon kalapit kay Genevieve, ay madalang ko lang siyang kausapin noong mga panahon. “Huwag kang mag-alala, hindi sumagi sa isipan ko iyan,” pagsisinungaling ko sa kanya. Simula ng nataon ang pakamatay ni Ate Letty sa kaarawan ko ay sumpa na ang tingin ko sa araw ng kaarawan ko. “Siya nga pala, A
last updateHuling Na-update : 2021-11-09
Magbasa pa

Labing-dalawang Kabanata - Kasalukuyan

Bumalik ako sa lugar kung saan ko nakita ang kulay luntian na pinta. Madali ko lang natunton ang lugar salamat sa relo ko na mas matalino pa kay Siri at G****e. Pagkatapos kong kausapin si Bibo kanina ay nagpaalam ako kay Tiya Pepa at Tiyo Camarez na hindi muna ako uuwi ng ilang araw at oobserbaan ko muna ang takbo ng situwasyon ko. Noong una ay hindi sila sang-ayon dahil lubha raw na mapanganib na sa gubat ako magpapalipas ng gabi. Ngunit matiyaga kong ipinaliwanag sa kanila ang kasalukuyan kong situwasyon. Mahigpit kong inihabilin sa kanila na alagaan ang batang lalaki at huwag hayaan itong mapahamak. Ibinilin ko rin sa kanila na umiwas muna sa pagbaba sa patag dahil baka magtaka ang mga tao kung ko bigla silang baba ng paulit-ulit sa patag. Maliban doon, ay sinabi ko rin sa kanila na huwag nila akong hanapin. Ako na ang bahala sa sarili ko lalo na ngayon na mas delikado na ang situwasyon ko. Ako ang pupunta sa kanila at hindi sila ang pupunta sa akin dahil mas mapapanatili ko ang
last updateHuling Na-update : 2021-11-19
Magbasa pa

Labing-tatlong Kabanata - Nakaraan

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay nadatnan ko si Daiki sa kusino ko na naghahanda ng pagkain kasama si Nanay Yasmin. Gulat akong napahinto sa pagpupunas ng buhok ko at kunot-noo ko silang tiningnan. May iba’t-ibang pagkain na nakalagay sa mesa ko kasama na ang maliit na cake na nakalagay sa gitna ng mesa. “Akala ko ba sa Dining House tayo kakain?” tanong ko kay Daiki na naglalagay ng baso sa mesa. Sabay silang napatingin sa akin at matamis akong nginitian. “Gusto ni Señorito Daiki, Anak na ipagdiwang ang kaarawan mo ng tayo lang kasama ang Tatay Lanoy mo,” nakangiting pahayag ni Nanay Yasmin habang inilagagay ang mga pinggan sa mesa. “Gusto namin na maging masaya ngayong taon ang kaarawan mo kahit tayo lang,” patuloy niya. Napatingin ako kay Daiki na lumapit sa akin at pumunta sa likod ko at inagaw ang tuwalya sa kamay ko. Hindi ko tuloy maiwasang mapatingala sa kanya habang tinutuyo niya ang buhok ko. Hindi ko maiwasang malula kung paano nila ako tratuhin. Sa unang pagkakataon
last updateHuling Na-update : 2021-11-20
Magbasa pa

Labing-apat na Kabanata - Kasalukuyan

Magdadalawang-linggo na simula ng makausap ko si Loren. Dalawang linggo rin akong nakatira dito sa lumang bahay sa burol. Maayos na rin ang kalagayan ng batang lalaki sa puder nina Tiya Pepa. Noong nakaraan ay pumunta ako sa Hacienda at minanmanan ko kung ano ang nangyayari sa loob. At katulad ng inaasahan ay kontrolado lahat ni Mama ang mga nangyayari, walang alam pakialam ang mga kakilala niya sa mga nangyayari. Tungkol sa sinabi ni Nanay Yasmin sa liham na nakasingit sa aklat na ibinigay ni Kuya Celio. Nalaman kong limang tao ang kinuha ni Mama, lahat sila ay dating pribadong ahente sa isang tanyag na ahensya sa Russian Underworld Market. Dalawa ang naghahanap sa akin habang dalawa ang nagbabantay sa Hacienda at isa ang sumasama kay Genevieve kahit saan ito magpunta. Nitong mga lumipas na araw nagpag-isip-isip ko ang sinabi sa akin ni Loren at nakabuo na ako ng pasya. Hindi ko muna tatanggapin kung ano ang ibinigay ni Lolo sa akin. Iaatang ko muna sa mga balikat ni Attorney Peñaf
last updateHuling Na-update : 2021-11-21
Magbasa pa

Labing-lima Kabanata - Nakaraan

Katulad ng inaasahan ko, hindi nga kaarawan ko ang dinatnan ko sa Skye Hall kundi ang napakalaking larawan ni Ate Letty na nakapaskil sa bulwagan ng Hall mismo. Masakit, hindi ko itatanggi iyon ngunit mas pinili kong magiging matatag katulad ng paulit-ulit kong ginagawa sa loob ng walong taon niyang pagkawala. Taas-noo akong pumasok sa Hall habang nakaalalay sa akin si Daiki. Pero katulad ng nakasanayan, pinaglalaruan pa rin ako ng tadhana. Aminado akong hindi ko dapat isinisi ang lahat ng kamalasang tinatamasa ko subalit hindi ko kontrolado ang buhay, ano ang magagawa ko kundi isisi sa tadhana, ‘di ba? Parang may direktor at planado lahat ang sumunod na nangyari. Pagpasok na pagpasok namin sa Hall ay si Mama na ang nagsasalita sa harapan at nagbibigay ng mensahe, hindi para sa akin kundi para kay Ate Letty. Pinili kong magtaingang-kawali lang at mahigpit na humawak sa bisig ni Daiki. Hindi ko sasayangin ang damit na regalo ni Lolo para bigyang ligaya si Mama sa ginagawa niya. Mas ti
last updateHuling Na-update : 2021-11-22
Magbasa pa

Labing-anim na Kabanata - Kasalukuyan

Imbis na sagutin ako ni Daiki ay nakangti niyang hinawakan ang makabilang pisngi ko at walang paalam niya ako hinila at inangkin ang mga labi ko. Sa subrang gulat ko ay hindi ko nasundan ang mga sumunod na pangyayari, basta ang alam ko na lang ay kanlong na niya ako sa kandugan niya at patuloy akong hinalikan. Nanlalaki ang mata kong mabilis siyang itinulak ng tuluyang rumihistro sa utak ko ang ginagawa niya. “Stop!” gimbal at namumula kong pigil sa kanya. “But you haven’t kiss me back,” reklamo niya na lalong ikinapula ng pisngi ko. Dali-dali akong tumayo at iniwan siya sa kinauupuan niya. Wala sa sarili kong napakamot ako ng ilong at umupo sa sahig. “Don’t tell me you still don’t know how to kiss, love,” natatawang tudyo niya sa akin sabay tayo at naglakad siya papunta sa kinauupuan ko. “Gago,” namumula ko pa rin na sikmat sa kanyan. Ipinatong ko ulit sa lupa si Kei, ang relo ko, at muling inilabas ang keyboard kanina. Sinubukan kong ibalik ang pansin ko sa ginagawa ko kanina. An
last updateHuling Na-update : 2021-11-25
Magbasa pa

Labing-pito na Kabanata - Nakaraan

Pagkatapos kong makausap si Genevieve sa lumang tulay ay walang paalam ko siyang iniwan at bumalik ako agad sa Hacienda. Pinili kong tanggalin ang sinabi ni Genevieve sa utak ko at nagpasiya akong dumiretso ako sa bahay-aklatan. Agad kong hinahanap ang ARCHIVE section kung saan nakalagay ang lahat ng dokumento tungkol sa pamilya namin. Maliban sa mga impormasyon tungkol kay lolo na hanggang ngayon ay nasa bahay pa rin niya. Pinaandar ko ang lampara at kinuha ko ang hagdanan. Itinago lahat ni Mama ang lahat ng gamit ni Ate Letty, sa subrang pangungulila niya. Kulang na lang pagawan niya ng altar o monomento si Ate Letty. Noong una ay hindi ko maintindihan subalit pilit kong inintindi, iniisip ko na lang na karapatan niya ang mangulila at magluksa dahil nawalan siya ng anak, nawala sa kanya ang pinakapaborito niyang anak. Kinuha ko lahat ng impormasyon tungkol na nahanap ko pa tungkol kay Ate Letty at inilagay ko lahat iyon sa isang malaking kahon at binitbit ko pabalik ng Bag End. Ini
last updateHuling Na-update : 2021-11-27
Magbasa pa

Labing-walong Kabanata - Kasalukuyan

"Bigyan mo ako ng dalawang linggo pa, Daiki. Pakisabi kay Attorney ihanda niya ang lahat pero kailangan ko ng dalawang linggo para alam lahat ng kailangan kong malaman, ipaalam mo rin kay Kuya Celio,” paliwanag ko sa kanya. “Pagkatapos ng dalawang linggo, sunduin mo ako sa Hacienda.” “Ano ang balak mong gawin ngayon?” Katulad ng paulit-ulit kong sinasabi, hindi madaling kalaban si Mama. Isa siyang higante sa buong mundo hindi lang sa larangan ng negosyo kundi ang pangalan niya ay itinuturing na mukha ng yaman at kapangyarihan, kilala siya ng lahat bilang tagapagmana ni lolo kayawalang gustong bumabangga basta-basta. Napantingin ako kay Daiki, maliban sa pagtulong ni Daiki ay alam kong hindi ko siya maaaring idawit sa problemang ito lalong-lalo na at problemang pampamilya ang puno’t-dulo ng bagay na ito. Malaki ang posibilidad na ang katiwaliaan at kasamaan ni Genevieve ay konektado si Mama subalit kung gusto ko siyang bumagsak, dapat ako hahawak ng susi. I will be the one who will p
last updateHuling Na-update : 2021-11-29
Magbasa pa

Labing-siyam na Kabanata - Nakaraan

Carrie? Kinusot ko ang ilong at pilit kong inaalala si Carrie sa utak ko. Wala akong kilalang Carrie. Sino ba siya?“Carrie?” kunot na kunot ang noo kong tanong sa sarili ko habang pinipilit ko pa rin siyang maalala. “Señorita Talulla, I suggest you to stop,” natatawa niyang suhestyon sa akin. “Alam ko kung bakit hindi mo siya maalala,” pahayag niya bago niya ibinababa ang hawak niyang bago tasa ng kape. “Huh?” Nalilito akong napatingin sa kanya. Anong kalokohan ang ibig niyang sabihin? “Anong ibig mong sabihin na alam mo kung bakit hindi ko siya maalala?” Matama niya akong tiningnan tapos maya-maya ay mayumi siyang ngumiti at sumusukong huminga ng malalim na para bang inaasahan na niya ang tanong ko. “Dahil kinakalimutan mo ang mga tao at bagay na walang kinalaman sa’yo, Señorita Talulla. Kinakalimutan mo ang mga bagay na sa tingin mo hindi mo mapapakinabangan at hindi na mahalaga sayo,” nakangiti niyang paliwanag sa akin pero iba ang sinasabi ng mukha niya, lalong-lalo na ang ma
last updateHuling Na-update : 2021-12-01
Magbasa pa
PREV
123
DMCA.com Protection Status