All Chapters of Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko: Chapter 851 - Chapter 860

3080 Chapters

Kabanata 851

Dahil sa tanong ni Luna, suminghot si Fiona at hindi niya mapigilan na sabihin ng nakakaawa, “Nandito pa rin ako dahil gusto ni Joshua na manatili ako para sa kanya.”Lumingon siya at tumingin ang pulang mga mata niya kau Luna. “Nasa tabi ko sina Charmaine at Arianna kanina, narinig siguro nila. Sinabi ni Joshua na hindi swerte ang hospital, at sinabi niya na ‘wag na akong sumama…”Pinunasan niya ang mga luha niya at nagsalita siya. “Mukhang ayaw ako ni Ms. Luna dito. Kung ganun, mas mabuti na lang na puntahan ko si Joshua sa hospital…”Dahil sa mga sinabi ni Fiona, hindi na ito natiis ni Charmaine at tumayo siya mula sa kanyang upuan. “Tama si Fiona, sinabi nga ni Mr. Lynch na manatili si Fiona dito, sinabi niya rin na magiging ayos lang siya!” Pag salita niya, hinila niya si Arianna at tinanong niya, “Narinig mo rin siya, hindi ba? Isa ka sa mga tauhan ni Luna, siguradong maniniwala siya sayo!”Marahas ang mga kilos ni Charmaine nang hilahin niya si Arianna, kaya’t napasigaw ng m
Read more

Kabanata 852

Tama si Luna.Bukod kina Christian at Joshua, wala siyang ibang kaibigan sa Banyan city. Gabing gabi na, wala si Christian sa Banyan City at nasa hospital pa rin si Joshua, hindi pa rin malaman ang sitwasyon ni Joshua…Ayaw niya rin namang sumakay ng taxi ng mag isa. Gabing gabi na, isa siyang magandang babae, paano kung may masamang nangyari?Kahit na ayaw niya itong gawin, ang pagalok lang ni Luna na ihatid siya pauwi ang tanging pagpipilian niya.Umandar na ang makina at gumalaw na ang kotse.Humalukipkip si Fiona habang nakaupo siya sa backseat ng kotse, tumingin siya ng malamig kay Luna. “‘Wag mo isipin na may utang na loob ako sayo dahil lang hinatid mo ako pauwi.”Ngumiti si Luna, umupo siya ng mas komportable, sumandal siya sa kanyang upuan. “Hindi ko inaasahan na magkaroon ka ng utang na loob, ‘wag ka lang gumawa ng mga bagay na ikakasama ng loob ko.”Umikot ang mga mata ni Fiona at hindi na siya nagsalita.“Nagtataka lang ako.” Pumikit si Luna at humikab siya. “May ut
Read more

Kabanata 853

Bumaba ang bintana ni Luna at tumingin siya ng malamig sa lalaking nakatayo sa labas ng pinto. “Pero ayaw kitang kausapin.”Ngumiti siya at tumingin siya kay Joshua. “Gusto mo ba akong pasalamatan at hinatid ko pauwi ang mahal mong Ms. Blake? Walang anuman, hindi ko ito ginawa dahil bukal ito sa puso ko, nag aalala lang ako na baka patayin mo ako kapag may nangyaring masama sa kanya.”Pagkatapos, humikab siya. “Gabi na, kailangan ko nang umuwi. Mr. Lynch, sana ay itabi niyo ng kaibigan mo ang kotse niyo, ‘wag kayong humarang.”Pumangit ang ekspresyon ni Joshua dahil sa malamig na pag uugali ni Luna. Huminga siya ng malalim. “Luna, bakit ba pinipilit mong magpanggap na wala kang pakialam? Kung malupit ka talaga, hindi mo ipagpapalit ang alak sa mga normal na inumin. Dahil may malasakit ka pa rin sa akin, bakit ayaw mo akong kausapin? Bukod pa dito, gusto kitang kausapin tungkol sa kompetisyon.”“Ganun ba?” Tumaas ang mga kilay ni Luna. “Pero President Lynch, wala nang oras ng trabah
Read more

Kabanata 854

[Ayos lang kami, ‘wag kang mag alala.]Sino ang ‘kami’ na tinutukoy sa email?Kahit na gaano kalalim ang pag isip niya, wala siyang maisip na sagot, kaya’t nag send siya ng reply pagkatapos itong pag isipan.“Sino ka?”Walang sagot.Naipadala na ang email, ngunit parang isang bato na hinagis sa dagat, wala nang sumagot dito.Higit sa isang oras naghintay si Luna ng sagot, sa huli, nang halos makatulog na siya, may tumunog na notification sa laptop niya.Ngayon naman ay nagsend ito ng email gamit ang ibang email address. [Ang taong namimiss mo ng sobra.]Sumimangot si Luna dahil sa mga salitang ito.Ang taong namimiss niiya ng sobra? Wlaang ibang tao na namimiss niya ng sobra. Kung magiisip siya ng tao na namimiss niya ng sobra… Walang iba ito kundi si Neil. Ngunit patay na si Neil…Pumikit siya, trinato niya na isang prank ang email, dinielete ito, at pinatay na ang computer.Dahil sa email na ito, naalala niya ulit si Neil.Nakahiga ang babae sa kama at tumitig siya sa kis
Read more

Kabanata 855

Nakatayo lang sa pwesto si Luna, na para bang tinamaan ng kidlat.Sumisinag ang araw sa taas niya, ngunit gininaw at kinilabutan ang katawan niya.Si Aura Gibson. Ang tuyong bouquet ng baby’s breath ay mula kay Aura Gibson.Ang babaeng ito… ay nakabalik na sa Banyan City? Anong ibig sabihin niya ng pagbibigay kay Neil ng bulaklak?Nagdiriwang ba siya? Nang aasar ba siya? O hindi kaya… nag dedeklara siya ng digmaan kay Luna?Naalala ni Luna ang maraming eksena kung saan muntik nang patayin ni Aura sina Neil at Nellie. Kinagat niya ang labi niya ng sobrang diin, naramdaman niya na parang nalaglag siya sa isang malamig na lawa sa gitna ng taglamig.Kung nasa ibang bansa pa siya, sa tulong ni Malcolm, hindi siya mag aalala sa paghihiganti ni Aura. Ngunit ngayon, nasa Banyan City siya.May bagong girlfriend na si Joshua; imposible para kay Joshua na mahalin din sina Luna at ang mga anak nika. Walang mag poprotekta sa kanila. Wala.Habang nakatayo sa pwesto, kinagat ni Luna ang lab
Read more

Kabanata 856

Nakatayo ng walang kibo si Luna at humigpit ang kanyang mga kamao. Pagkatapos, tumalikod siya at pinanood niyang palayo sa kanya sina Joshua at Fiona, ngumisi siya.“Mr. Lynch. Wala sa magandang kondisyon si Ms. Blake, maipapayo ko na lang na ‘wag mo siyang dalhin sa mga ganitong lugar sa susunod. Hindi ba’t ayaw mong lumala ang kondisyon niya?”Aamin si Luna na malupit at walang puso siya ngayon, pero wala siyang magagawa para pigilan sina Joshua at Fiona sa pagbisita sa puntod ni Neil.Kinamumuhian ni Luna si Joshua dahil hinayaan nito na makita ang ganitong pag uugali ni Joshua at kinamumuhian niya lalo si FIona dahil gusto nitong bisitahin ang puntod ni Neil.Ito ang tanging paraan para mapigilan niya ang dalawa.Pagkatapos itong sabihin ni Luna, kumunot ang noo ni Joshua at tumalikod siya, tumingin siya ng malamig kay Luna. “Luna!” Nagalit siya, ang ekspresyon niya ay kasing dilim ng kalangitan.Nakatingin siya ng malamig na para bang hindi sila magkakilala. “May mga bagay n
Read more

Kabanata 857

Sumimangot si Joshua nang marinig niya ang mga sinabi ni Fiona.Yumuko siya para tumitig kay Fiona habang may bahid ng panunuri sa tingin niya. “Fiona, alam mo naman ang kondisyon mo; nahihirapan ka huminga at napupunta ka sa ospital dahil kapag nawawalan ka ng kontrol sa emosyon mo. Mas marahas sa katawan ang pagtatalik kaysa sa pakikipaglaban. Sa tingin ko ay hindi ito kakayanin ng katawan mo.”Kinagat ni Fiona ang labi niya at kumapit siya ng mahigpit sa damit ni Joshua. “Joshua, hindi mo pa nga sinusubukan. Paano mo naman nalaman na hindi ko kaya?”Yumuko siya, may bahid ng kahihiyan sa mukha niya. “Paano kung… Paano kung kaya ko?”Halos isang buwan na simula nang magkasama sila ni Joshua, ngunit wala pang ginagawa si Joshua kundi yakapin si Fiona. Hindi pa rin sila naghahalikan, paano pa kaya ang mag siping.Hindi kuntento si Fiona sa mga yakap ni Joshua. Gusto niya pa ng mas higit dito mula kay Joshua.Ang gusto niya, higit sa lahat, ay gamitin ang pagsisiping para mapunta
Read more

Kabanata 858

Lumingon si Luna at tumingin siya kay Shannon. “Oo, naaalala ko.”Tinikom ni Shannon ang mga labi niya at sinabi niya, “May kaibigan po ako mula sa college na reporter na ngayon, at lagi po siyang naghihintay sa harap ng mga airport. Nung kausap ko po siya kaninang umaga, sinabi niya po sa akin na nakita niya sa airport si Aura. Bumalik na po siya sa Banyan City.“Noong una, akala ko po ay baka nagkamali lang siya sa ibang Aura. Nagsend po siya sa akin ng litrato para patunayan na tama siya.”Pagkatapos, kinuha ni Shannon ang phone niya para ipakita kay Luna ang litrato. “Tingnan niyo po.”Nakakunot ang noo ni Luna at tumingin siya litrato na nasa phone ni Shannon.Si Aura nga talaga. Ilang buwan na simula nang makita nila si Aura, kaya’t ang unang napansin niya ay nabawasan ng timbang si Aura. Mas maganda na siya kumpara sa dati.May suot na pulang trench coat si Aura at nakangiti siya sa photographer, ngunit tila kinilabutan si Luna sa ngiti na ito.Tinikom niya ang mga labi n
Read more

Kabanata 859

Ngumisi si Luna.Lumapit siya kay Fiona at nang asar siya, “Bakit mo naman naisip na poprotektahan ka niya at aalagaan ka niya pagkatapos mong manganak?”Sumingkit ang mga mata ni Fiona. “Syempre gagawin niya ‘yun.”Nanunuya si Luna. “Gusto mo bang tulungan kita na magbilang ng mga babae na pinangakuan niya? Alam mo ba ang mga nangyari sa kanilang lahat sa huli? Wala kang alam.”Pagkatapos, tumalikod siya at aalis na sana siya ng kwarto nang marinig niya sa likod ang nanunuyang boses ni Fiona, “Ikaw ang walang alam. Alam mo ba kung bakit walang pakialam si Joshua sayo at kung bakit ayaw niya sa mga anak mo?”Tumayo ng elegante si Fiona. “Dahil ikaw ang may gustong magkaroon ng mga anak, habang siya hindi, pero iba ako.”Lumapit siya kay Luna at tumingin siya ng mapanglait na parang nanalo na siya. “Kaninang umaga, humiling sa akin si Joshua, sa harap ng puntod ng patay mong anak. Gusto niya na magkaroon kami ng anak.”Ngumisi si Fiona at nagpatuloy siya, nilagay niya ang buhok n
Read more

Kabanata 860

“Ano po ang ginagawa niyo? Bakit hindi po kayo kumakain ng tanghalian at hawak niyo lang po ang mukha mo ng ganyan?” May lalaking boses na tumunog mula sa direksyon ng pinto ni Luna.Agad na inalis ni Luna ang mga kamay niya sa mukha niya.Nakatayo si Christian sa tabi ng pinto habang may hawak siyang pagkain. Sumandal siya sa pinto sa posisyon na nakakaakit, nakatitig siya kay Luna habang sinabi niya ang mga ito.Agad na sumimangot si Luna. “Bakit nakabalik ka na agad?”Bumalik si Christian sa bayan niya kagabi, at akala ni Luna ay ilang araw na wala si Christian.“Gusto po ng pamilya ko na magsimula na ang kumpanya ko sa mas madaling panahon,” Sumagot si Christian habang naglakad siya papunta kay Luna at inabot niya ang pagkain kay Luna. “Kahit na pumayag po na mag invest si Joshua sa kumpanya ko, nag aalala pa rin po ang pamilya ko tungkol dito dahil wala pa po akong natatanggap na pera, at hindi pa po kami pumipirma ng kontrata.”Kinuha ni Luna ang pagkain mula kay Christian
Read more
PREV
1
...
8485868788
...
308
DMCA.com Protection Status