Lumingon si Luna at tumingin siya kay Shannon. “Oo, naaalala ko.”Tinikom ni Shannon ang mga labi niya at sinabi niya, “May kaibigan po ako mula sa college na reporter na ngayon, at lagi po siyang naghihintay sa harap ng mga airport. Nung kausap ko po siya kaninang umaga, sinabi niya po sa akin na nakita niya sa airport si Aura. Bumalik na po siya sa Banyan City.“Noong una, akala ko po ay baka nagkamali lang siya sa ibang Aura. Nagsend po siya sa akin ng litrato para patunayan na tama siya.”Pagkatapos, kinuha ni Shannon ang phone niya para ipakita kay Luna ang litrato. “Tingnan niyo po.”Nakakunot ang noo ni Luna at tumingin siya litrato na nasa phone ni Shannon.Si Aura nga talaga. Ilang buwan na simula nang makita nila si Aura, kaya’t ang unang napansin niya ay nabawasan ng timbang si Aura. Mas maganda na siya kumpara sa dati.May suot na pulang trench coat si Aura at nakangiti siya sa photographer, ngunit tila kinilabutan si Luna sa ngiti na ito.Tinikom niya ang mga labi n
Ngumisi si Luna.Lumapit siya kay Fiona at nang asar siya, “Bakit mo naman naisip na poprotektahan ka niya at aalagaan ka niya pagkatapos mong manganak?”Sumingkit ang mga mata ni Fiona. “Syempre gagawin niya ‘yun.”Nanunuya si Luna. “Gusto mo bang tulungan kita na magbilang ng mga babae na pinangakuan niya? Alam mo ba ang mga nangyari sa kanilang lahat sa huli? Wala kang alam.”Pagkatapos, tumalikod siya at aalis na sana siya ng kwarto nang marinig niya sa likod ang nanunuyang boses ni Fiona, “Ikaw ang walang alam. Alam mo ba kung bakit walang pakialam si Joshua sayo at kung bakit ayaw niya sa mga anak mo?”Tumayo ng elegante si Fiona. “Dahil ikaw ang may gustong magkaroon ng mga anak, habang siya hindi, pero iba ako.”Lumapit siya kay Luna at tumingin siya ng mapanglait na parang nanalo na siya. “Kaninang umaga, humiling sa akin si Joshua, sa harap ng puntod ng patay mong anak. Gusto niya na magkaroon kami ng anak.”Ngumisi si Fiona at nagpatuloy siya, nilagay niya ang buhok n
“Ano po ang ginagawa niyo? Bakit hindi po kayo kumakain ng tanghalian at hawak niyo lang po ang mukha mo ng ganyan?” May lalaking boses na tumunog mula sa direksyon ng pinto ni Luna.Agad na inalis ni Luna ang mga kamay niya sa mukha niya.Nakatayo si Christian sa tabi ng pinto habang may hawak siyang pagkain. Sumandal siya sa pinto sa posisyon na nakakaakit, nakatitig siya kay Luna habang sinabi niya ang mga ito.Agad na sumimangot si Luna. “Bakit nakabalik ka na agad?”Bumalik si Christian sa bayan niya kagabi, at akala ni Luna ay ilang araw na wala si Christian.“Gusto po ng pamilya ko na magsimula na ang kumpanya ko sa mas madaling panahon,” Sumagot si Christian habang naglakad siya papunta kay Luna at inabot niya ang pagkain kay Luna. “Kahit na pumayag po na mag invest si Joshua sa kumpanya ko, nag aalala pa rin po ang pamilya ko tungkol dito dahil wala pa po akong natatanggap na pera, at hindi pa po kami pumipirma ng kontrata.”Kinuha ni Luna ang pagkain mula kay Christian
Nabigla si Christian sa boses na hindi niya inaasahan.Ito ba ay… Bakit si Joshua ang sumagot sa phone ni Fiona?Halos mabitawan ni Christian ang phone niya. Umubo siya ng awkward at sinabi niya, “Joshua, kasi—”“Sinabi ko na ulitin mo ang sinabi mo!” Sumingit si Joshua bago pa matapos si Christian sa pagsasalita.Biglang napagtanto ni Christian na mali ang sinabi niya dahil sa galit…Tinikom niya ang mga labi niya at sinabi niya ng may mababang boses, “Kakalabas ko lang po ng opisina ni Luna… Nalaman niya po na pinag usapan niyo ni Fiona na magkaroon ng anak, sa harap ng puntod ni Neil. Sa sobrang sama po ng loob niya ay hindi po siya kumakain ng tanghalian, nakakulong lang po siya sa opisina niya, umiiyak.”Dahil wala nang rason para itago ang katotohanan, ginawa ni Christian na mas malungkot ang larawan ni Luna. “Ito po ang unang beses na umiyak si Luna ng sobrang lakas. Hindi po siya makahinga ng maayos… Sa sobrang galit ko po ay tumawag agad ako kay Fiona…”Nagbuntong hinin
Nagbuntong hininga si Fiona, pagkatapos ay agad siyang nagpanggap na inosente. Tinaas niya ang kamay niya para hawakan ang braso ni Joshua. “Joshua, sinasaktan mo ako. Sa totoo lang… Hindi ko sinasadya na sabihin ‘yun kay Luna…”Kinagat niya ang labi niya at sinabi niya ng may malungkot na tono, “Pagkatapos ng meeting nitong umaga, tinawag ako ni Luna pagkatapos umalis ng lahat at gusto niyang sabihin ko sa kanya kung ano ang mga sinabi ko sayo noong nasa puntod tayo ni Neil… Inakusahan niya ako na sinisiraan ko siya sa harap ng puntod ni Neil… Kaya’t wala akong nagawa kundi sabihin ang pag uusap natin sa kanya, para patunayan na inosente ako…”Namuo ang mga luha sa mata ni Fiona at nagpatuloy siya, “Joshua, hindi ko sinasadya na sabihin… Agresibo lang si Luna noong panahong ‘yun, kaya’t wala akong magawa kundi sabihin sa kanya ang lahat… Kung hindi, hindi ko mapapatunayan na inosente ako… Pakiusap, ‘wag kang magalit…”Akala ni Fiona na ito ang perpektong dahilan at agad na maniniwa
Pagtalikod ni Luna, naramdaman ni Joshua na dumaloy ang dugo sa buong katawan niya.May kakaibang pakiramdam sa katawan niya.Alam niya kung ano ang pakiramdam na ito.Gayunpaman, maaga at may araw pa, at nasa opisina pa siya ni Luna.Bukod pa dito, nasa hangganan na ang relasyon nila, at pagkatapos paniwalaan ang mga kasinungalingan ni Fiona, masama ang loob ni Luna sa kanya. Alam ni Joshua na hindi niya dapat pagnasaan si Luna ngayon, ngunit hindi niya mapigilan ang sarili niya.Hindi niya mapigilan ang sarili niya na lumapit. Pinigilan niya ang kakaibang pakiramdam sa puso niya at nagsalita siya ng namamaos, “Luna, ang rason kung bakit nandito ako ay para sabihin sayo…”Huminga ng malalim si Joshua at nagpatuloy siya sa mababang boses, “Wala akong intensyon na magkaroon ng anak kay Fiona.”Tumigas ang buong katawan ni Luna sa mga sandaling ito, ngunit tumawa lang siya pagkatapos. “Ganun ba?”Hindi siya naniwala sa kahit isang salita na lumabas sa bibig ng lalaking ito.Tuma
Pilit tumatakas ni Luna sa yakap ni Joshua, nagmumura siya kay Joshua na parang isang baliw na babae, ngunit wala itong nagawa.Soundproof talaga ang opisina niya, walang mga empleyado sa labas ang nakakarinig ng nangyayari sa loob, ngunit hindi rin siya makatakas.Baka nga dahil wala siyang magawa.“‘Wag kang sumigaw,” Ang namamaos na utos ni Joshua. Pagkatapos, hinalikan niya si Luna.Ang halik ni Joshua ay biglaan at hindi ito inaasahan ni Luna.Makalipas ang ilang sandali, nagpatuloy ulit siya sa pagpiglas. Sa huli, kinagat niya ang labi ni Joshua, at tumulo ang dugo sa kanilang mga bibig.Agad siyang binitawan ni Joshua, ngunit makalipas ang isang iglap, tinulak niyang tinulak si Luna sa saradong pinto at nagpaulan ng mga halik, mula sa bibig, sa panga, sa leeg, at sa huli ay sa collarbone ni Luna. Nagtagal siya dito ng mahabang sandali.Napapikit na lang si Luna. Alam niya na ang balat sa collarbone niya ay pula na ngayon.Ito ang paboritong gawin ni Joshua. Mahilig siyan
Pagkatapos itong sabihin ni Charmaine, sumingkit ang mga mata ni Shannon at lumapit siya kay Charmaine. Bago pa may makakilos, tinaas niya ang kamay niya at sinampal niya si Charmaine.May nakakabinging tunog ng sampal na narinig sa buong hallway.Tumingin ng mababa si Shannon kay Charmaine at sinabi niya, “Nasaktan ni Director Luna ang braso niya, kaya’t hinahatid siya ni President Lynch sa hospital. Walang hiya ka para sabihin ang mga ‘yun para gumawa ng mga tsismis sa kanilang dalawa? May girlfriend na si Mr. Lynch, pero kahit wala, hindi siya makikipagrelasyon kay Director Luna o sa ibang empleyado. Ito dapat ang resperto na pinapakita ng CEO sa kanyang mga empleyado!”“Hindi lang kay Director Luna ka walang respeto, pati rin kay President Lynch! Walang hiya ka!”Sa sobrang pagkabigla ni Charmaine dito ay hindi niya alam kung paano siya kikilos.Medyo nalito siya sa mga sinabi ni Shannon. Tila pinapagalitan lang siya ni Shannon, ngunit…palihim niya ring pinapagalitan si Joshua