Home / Romance / Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko / Chapter 451 - Chapter 460

All Chapters of Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko: Chapter 451 - Chapter 460

3080 Chapters

Kabanata 451

Hindi makapaniwala si Adrian sa nakikita niya.Klaro ang pagkakaalala niya, sa nakalipas na ilang taon, minsan niyang binisita ang pamilya Walter sa Sea City. Nalasing siya at naawa siya kay Hailey.Sa loob ng puso niya, si Hailey ang pinakamagandang kandidato na asawa ni Joshua. Bilang tatay ni Joshua, inisip niya na kahit hindi niya minahal o inalagaan ang anak niya, makikinig ito sa kanya, makikinig ito sa pamilya, at pakakasalan si Hailey na pinili na para kay Joshua simula pa nung bata sila.Sa halip, hindi inaasahan ni Adrian na tatanggi si Joshua ng tuluyan. Pinakasalan pa ni Joshua si Luna Gibson na lumaki sa Sea City, para lang tanggihan ang pamilya niya.Sa huli, kahit na nawawala si Luna Gibson, tinanggihan niya pa rin si Hailey. Para hindi madamay kay Hailey, balak niya pang maengage kay Aura, ang batang kapatid ni Luna.Noon, lasing siya, pinapagalitan niya si Joshua habang pinapagaan ang loob ni Hailey, sinasabi niya na mas mabuting lalaki ang nararapat para kay Hail
Read more

Kabanata 452

Tumawa si Joshua, “Noon, para pakasalan ako, gumawa siya ng mga pakana, at ngayon, gumawa rin siya ng ibang mga pakana, para harapin si Luna.”Gamit ang kaliwang kamay niya, elegante niyang tinanggal ang mga butones ng shirt niya. Napasigaw ang matandang babae dahil sa bandage sa kanang braso ni Joshua, “Joshua, ano, anong nangyari?”“Kasalanan ito ni Hailey.” Tumingin siya ng malamig kay Adrian, “Ang lahat ng sinasabi ni Luna, ang mga ebidensya ng mga krimen ni Hailey na nahanap ko. Una, akala ko, dahil patay na siya, hindi na kailangan ibunyag ang mga ebidensyang ito. Pero tatay, kung pinilit niyo na isang mabuting babae siya at si Luna ang nagset up sa kanya… Ayos lang sa akin na inbunyag sa mundo ang masamang ginawa ng isang patay na babae…”Namutla si Adrian, walang bahid ng kulay. Napaatras siya, nakatayo at nanginginig na para bang matutumba na siya. “Imposible… mabuting babae si Hailey…”“Adrian!” Mabilis na lumapit si Alice at tinulungan niyang tumayo si Adrian. Humawak si
Read more

Kabanata 453

“Ayos lang ba kayo?”Pagkatapos tulungan ni Alice si Adrian paakyat, tumingin si Joshua kay Luna, na may pulang marka ng palad sa mukha, kumunot lalo ang noo niya.“Gaano kalala ba?”Ngumiti ng malamig si Luna, kinuha niya ang yelo na inabot sa kanya ni Neil, at nilagay niya ito sa namamaga niyang pisngi. “Hindi naman ako mamamatay dito.”Pagkatapos, tumingin siya kay Joshua. “Pinasama ako nila Mr. at Mrs. Lynch pabalik ng bahay niyo dahil gusto mo akong gawing punching bag ng tatay mo.”Dumilim ang mga mata ni Joshua. “Hindi ko alam na nandito ang tatay at lola ko…”Sa tabi niya, umikot ang mga mata ni Granny Lynch. “Anong hindi mo alam?”Tinikom ng matandang babae ang kanyang mga labi. “Bago ka umuwi, inutos ko sa butler na sabihan ka! Joshua, ano ba ang pakialam mo sa empleyado na tulad niya? Kahit na utusan mo siya na magpasampal para mawala ang galit ng tatay mo, ano ngayon? Hindi ba’t nararapat lang sa kanya na masampal dahil sa mga ginawa niya?”Sa sandali na lumabas ang
Read more

Kabanata 454

Gumulong ang mga mata ni Granny Lynch. “Para sa mga may hindi alam, iisipin nila na si Luna ang nagbigay buhay sa mga bata.” Ngumiti ng mapait si Joshua. “Granny, hindi niyo pwedeng sabihin ‘yan ng basta basta.” Sa nakalipas na anim na taon, ang tanging babae sa buhay niya ay si Luna Gibson. Saan niya naman nakilala si Luna? Tinikom ng matandang babae ang kanyang mga labi. “Mali ba ako? Mas mahalaga pa sayo si Luna kaysa sa sarili mong ama. Para naman kay Alice, parang hindi naman sila malapit dati, pero ngayon ay tinatrato na siya ng ama mo na parang sarili niyang anak!” Pagkatapos, hindi niya napigilan na tumingin ng masama kay Joshua. “Umakyat ka at kamustahin mo ang ama mo!” Muling tinaas ni Joshua ang tasa ng tsaa at inubos niya ito, pagkatapos ay binaba niya ito ng elegante at umakyat na siya. Nang makarating na siya sa ikalawang palapag, kakasara pa lang ni Alice ng pinto ng guest room sa likod nito. Nang makita na umakyat siya ng hagdan, tumawa siya ng mahina, “
Read more

Kabanata 455

Hindi alam ni Luna kung paano kinumbinsi ni Alice si Adrian, pero nung sumapit ang gabi noong kumakain sila ng hapunan sa Blue Bay Villa, mas kalmado na si Adrian nang makita niya si Luna. Walang bahid ng galit mula kaninang hapon, siya pa mismo ang humingi ng tawad kay Luna. “Ms. Luna, kumilos ako ng basta basta. Pinaliwanag na ni Alice ang buong sitwasyon sa akin, napagtanto ko na tama ka, si Hailey ang may kasalanan. ‘Yun ang rason.” Tumingin ang matandang lalaki sa bakas ng palad niya sa pisngi ni Luna, nagbuntong hininga siya, “Gusto kong humingi ng tawad. Paumanhin sa ginawa ko.” Tila nabigla si Luna. Kahit na hindi maganda ang impresyon niya kay Adrian, kahit na mas matanda ito sa kanya. Ngumiti si Luna kay Adrian at pinabayaan niya na ang isyu. Baka dahil matagal na wala sina Joshua at si Alice at dahil nandito ang buong pamilya, inutusan ng butler ang chef na maghanda ng maraming masarap na pagkain para sa hapunan. Medyo sabik si Adrian, patuloy siyang inaalok umin
Read more

Kabanata 456

Pumikit si Alice at tinimbang niya ang mga pagpipilian niya.Minsan lang malasing si Joshua, lalo na sa ganitong kondisyon. Minsan lang ang pagkakataon na ito. Hindi niya hahayaan na pakawalan ito.Sa gabi ng party. Nakasiping ni Joshua si Luna, ngunit wala siyang ala ala ng gumising siya nung umaga. Akala niya ay nakasiping niya si Alice, kaya’t nagbago ang isip niya tungkol sa divorce at nagsimula niyang itrato ng mabuti si Alice pagkatapos nito.Pinag isipan ito ni Alice ng ilang saglit bago siya nakapagdesisyon: tatawagin niya si Luna at papapuntahin niya ito sa bisig ni Joshua.Bukod pa dito, kahit na nalaman ni Joshua na nakasiping niya si Luna, hindi siya aamin dito, sa halip, tatratuhin niya ng mas mabuti si Alice dahil sa pagsisisi. Ito ang tamang oportunidad para kay Alice na gumawa ng bitak sa pagitan ng dalawa.Nagbuntong hininga siya at kinuha niya ang phone ni Joshua. Pagkatapos, inayos niya ang sarili niya at nagsend siya ng message kay Luna.Isang espesyal na text
Read more

Kabanata 457

Buong gabi na nasa study room si Joshua kasama si Luna. Nakatulog na rin siya ng mga 4am.Medyo napagod at hindi komportable si Luna pagkatapos nito. Gayunpaman, natatakot siya na magising ang mga bata at malaman nila na wala siya doon, kaya’t dahan dahan siyang lumabas ng study room at pabalik sa kwarto ng mga bata.Pagbukas ni Alice ng pinto ng master bedroom para lumabas, tumingin si Alice sa direksyon na pinanggalingan ni Luna na may ekspresyon ng inggit at hinanakit.Pumasok siya sa study room, hinila ang lasing na Joshua pabalik ng master bedroom, at hiniga ito sa kama nila. Pagkatapos, nagdrawing siya ng peke na chikinini sa buong katawan niya gamit ang makeup, naghubad siya at sumiksik sa pagitan ng mga braso ni Joshua.Ang unang bagay na nakita ni Joshua pagdilat niya nung umaga ay ang natutulog na mukha ni Alice. Humiga ito sa tabi niya, nakahubad, na may ilang pulang chikinini sa dibdib at mga braso nito.Dumilim ang ekspresyon ni Joshua. Anong nangyari kagabi?“Gising
Read more

Kabanata 458

“8am na. Oras na para gumising siya at mag agahan.”Kumunot ang noo ni Neil dahil sa mga sinabi ni Alice at agad niyang nilabas ang kamay niya para harangan ito. “Hindi. Natutulog pa si Mommy. Hindi namin siya pwedeng gisingin.”Syempre, hindi nakinig sa kanya si Alice. Tumayo si Alice sa tabi ng pinto at sumigaw ng malakas, “Luna! Luna! 8am na, oras na para gumising! Ginawan kita ng agahan! Dapat kang pumunta sa kumpanya ni Joshua ng 9am para sa meeting mo! Luna!”Nakakabingi ang boses ni Alice, at nagising na rin si Luna mula sa pagkakatulog. Bumangon si Luna at tumingin sa oras—8am na. Tatlong oras lamang ang tulog niya.Gayunpaman, alam niya na tama si Alice. May trabaho pa siya, kaya’t gumapang siya pababa ng kama at bumulong, “Salamat. Bababa na rin ako mamaya.”Nang makita na gising na si Luna, may bahid ng tagumpay sa mga mata ni Alice. Tumawa siya at tumitig kay Luna ng may maamo na ekspresyon, sinabi niya, “Ipinagluto kita ng agahan. Kumain ka na habang mainit pa. Bakit
Read more

Kabanata 459

Ano ang ginagawa niya kagabi?Kinagat ni Luna ang labi niya at tumingin siya kay Joshua ng hindi natutuwa. “Ano pa ba sa tingin mo ang ginawa ko kagabi, Mr. Lynch?”Kahit na lasing si Joshua kagabi, nagawa niya pang magtext at imbitahin si Luna, kaya’t bakit siya nagpapanggap.Tumingin ng malamig si Joshua ka Luna at sumagot siya, “Paano ko naman malalaman?”Kagabi pagkatapos ng hapunan, pinaalala niya kay Luna na matulog ng maaga at magpahinga dahil marami silang gagawin kinabukasan. May meeting sila para pag usapan ang impormasyon na nakolekta nila mula sa business trip at para magdesisyon sa mga ilang plano.Bakit hindi siya pinansin ang mga paalala ni Joshua?Bukod pa dito, natulog si Luna sa kwarto ng mga bata kagabi. Natural lang na maaga matutulog ang mga bata, at walang lugar para sa kanya na magtrabaho, kaya’t hindi siguro siya nagtatrabaho buong gabi.Hindi maintindihan ni Joshua kung bakit hindi siya nakatulog kagabi. Gising ba siya buong gabi habang kausap si Theo? D
Read more

Kabanata 460

Nagbuntong hininga si Lucas.Nang sumapit ang 9am, tapos na si Luna sa pagsusuri ng mga materials para sa meeting.“Shannon, sabihin mo sa lahat na magkakaroon tayo ng department meeting mamaya. Gusto kong ipaliwanag ang lahat ng nakuha ko sa Sea City.”Tumango si Shannon. Ngunit, nang paalis na siya ng opisina ni Luna, huminto siya at tumingin kay Luna. “Director Luna, sigurado po ba kayo na ayaw niyong magpahinga muna?”Alam ng lahat na hindi maganda ang pakiramdam ni Luna. Ang mukha niya ay kasing putla ng pader sa likod niya.Ngumiti si Luna. “Mas importante ang trabaho.”Sumimangot si Shannon at tumingin siya ng kakaiba kay Luna. Alam niya na may mga workaholic na tao, ngunit higit pa dito si Luna.Lumabas ng opisina si Shannon, ngunit makalipas ang ilang sandali, nagdesisyon siya na parang may mali at tumigil siya sa pinto. “Director Luna, bakit hindi ko po kayo gawan ng kape?”Umiling si Luna. “Hindi na kailangan.” Laging pakiramdam ni Luna na masusuka siya kapag naaamoy
Read more
PREV
1
...
4445464748
...
308
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status