Lahat ng Kabanata ng Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko: Kabanata 2881 - Kabanata 2890

3080 Kabanata

Kabanata 2881

May masamang tingin sa mukha ng mga magulang ni Steven pagkatapos makinig sa mga sinabi ni Steven.Sa kabilang palad, naramdaman ni Steven na may pag asa siya sa oras na makita niya ang maputlang mukha ng mga magulang niya. Akala niya ay magbabago ang isip ng mga magulang niya at ang masamang ugali nila ay hindi na mahalaga pagkatapos ng kanyang sinabi.Gayunpaman, ang nangyari sa susunod ay hindi niya inaasahan…“Kinulam ka ng p*tang ‘yun!” Galit na lumapit si Mrs. Hughes kay Steven at hinawakan niya ang braso nito. Tila galit ang boses niya, “Hindi lang si Gwen ang p*ta. Pati si Denise! Ginayuma ka ng dalawang babaeng ‘yun. Ito ba ang paraan ng pakikipag usap mo sa tatay mo? Ginagawa lang namin ang lahat ng ito para sayo. Kung hindi dahil sayo, sa tingin mo ba ay ayaw namin maging mabuting mga tao na pinupuri ng lahat? At sinasabi mo ito sa amin? Steven Hughes, tao ka ba?”Trinato ni Mrs. Hughes si Steven na para bang isa siyang bata na pinapagalitan, “‘Wag mo kaming ipahiya! Umu
Magbasa pa

Kabanata 2882

“Hindi ako makulit!” Kumunot ang noo ni Steven at inalis niya ang kamay ng tatay niya. “May sarili akong buhay. Mr. Hughes, tanggalin mo ang kamay mo sa akin!”Tumalikod siya at umalis.Tumingin si Mr. Hughes kay Steven habang naglalakad ito palayo. Kumunot ang noo niya at tumingin siya sa asawa niya.Kumunot ang noo ni Mrs. Hughes habang napuno ng lamig ang kanyang mga mata. “‘Wag mo siyang pansinin! Bumalik na tayo!”Pagkatapos itong sabihin, tinaas niya ang kamay niya at hinawakan niya ang kamay ng asawa niya. Naglakad na sila palayo sa mga manonood at umalis na sila. Nagalisan na ang mga madla nang umalis na ang mag asawang Hughes.Nang makarating na sina Luna at Joshua doon, hindi nila nakita sina Steven, Gwen, o ang mag asawang Hughes. Kumunot ang noo ni Luna at nilabas niya ang phone niya para tumawag kay Gwen. Sa mga oras na ‘yun, tumawag si Sean sa kanya.Iniligtas nila Lucas at ng iba si Sean mula sa bahay ng mga Hughes at papunta na sila sa hotel.“Luna,” Nang masagot
Magbasa pa

Kabanata 2883

Nang banggitin ni Joshua si Adrian, hindi mapigilan ni Luna na magbuntong hininga. May gusto siyang sabihin, ngunit hindi niya ito sinabi.Lumapit siya kay Joshua at hinawkan niya ang kamay nito, “Magkaiba kayong dalawa.”“Oo, iba ako.” Ngumiti ng mapait si Joshua. “Mas masaya ang buhay ni Steven kaysa sa akin. At least… ”Tumingin siya sa malayo habang malungkot ang itsura niya, “At least ang mga magulang niya ay iniiisip pa rin siya kahit na masama ang pagtrato nila sa iba. Oo, makasarili sila. Ginagamit nila si Steven para gumawa ng mga masasamang bagay. At least mabuti talaga sila sa kanya. Pero ang tatay ko…”Kahit kailan, hindi gusto ni Adrian kay Joshua. Si Adrian ang rason kung bakit nagdusa ang nanay ni Joshua. Pero, sinisisi niya kay Joshua ang pagkamatay ni Rianna. Sinabi niya sa lahat na ang rason kung bakit galit siya kay Joshua ay dahil namatay si Rianna habang pinapanganak si Joshua sa mundong ito.Sumingkit ang mga mata ni Joshua. Oras na para harapin niya ang prob
Magbasa pa

Kabanata 2884

Sa pangalawang araw na umalis si Steven sa Saigen City, kumilos sina Joshua at Thomas para kay Gwen upang magbigay ng ebidensya sa korte tungkol sa panloloko ng pamilya Hughes at pamilya Miller kay Luke. Kasabay nito, binigyan din nila ng impormasyon ang korte tungkol sa impormasyon na nahanap ni Sean sa information room sa bahay ng mga Hughes.Makalipas ang isang linggo. Pagkatapos ng maraming debate, may resulta na ang korte. Ang pamilya Hughes at pamilya Miller ay kumilos laban sa kabilang partido at ang ilegal na paggamit ng laman ng isang tao. Kaya naman, hinatulan sila ng guilty sa mga kasong ito at sinentensyahan ang pinuno ng bawat pamilya ng sampung taon sa kulungan. Bukod pa dito, pagkatapos ng mga lahat ng mga krimen na ginawa ng mag asawang Hughes, pareho silang sinentensyahan ng korte ng dagdag na dalawampung taon sa kulungan.Sa araw ng resulta, hindi nagpakita si Steven. Hindi pa rin nagigising si Denise sa hospital. Ang mga taong dumalo lang ay sina Sean at Gwen.N
Magbasa pa

Kabanata 2885

Namutla ang mukha ni Mrs. Hughes sa sinabi ni Gwen. Lumaki ang mga mata niya at tumingin siya ng masama kay Gwen, “Wala kang pakialam kung ano ang mangyayari sa amin sa mga darating na araw. Makakaalis kami ng mas maaga sa inaakala mo. Hindi kita pagbibigyan, kahit kailan!”Tumawa si Gwen, “Sige. Hihintayin ko kayo.”Tumingin siya sa oras at sinabi niya, “Dalawampung taon, hihintayin kita dito. Sana ay mabuti kayo sa kulungan at hindi niyo pahabain ang sentensya niyo. Paalam.”Hinila niya si Sean at gusto niya nang umalis. Gayunpaman kumunot ang noo ni Sean at binitawan niya ang kamay ni Gwen. “Gwen, gusto ko silang kausapin tungkol sa isang bagay.”Kumunot ang noo ni Gwen at tumingin siya kay Sean. “Hihintayin kita sa labas?”Tumango si Sean.Nang umalis ng korte si Gwen, huminga ng malalim si Sean. Tumingin siya ng malamig kay Mr. at Mrs. Hughes, “Walang malay pa rin si Denise. Dahil nagpakamatay si Denise nang tumalon siya mula sa gusali, ang judge ay hindi isinama ang tungkol
Magbasa pa

Kabanata 2886

Kumunot ang noo ni Sean nang marinig niya ang mahinang boses mula sa likod. Huminto siya at tumingin siya sa likod. Nakaluhod si Mr. Hughes sa sahig habang nakaposas. Ang dalawang pulis sa tabi niya ay sinubukan siyang patayuin.Hindi mapigilan ni Sean na ngumisi nang makita niya ito. “Nakakatawa naman. Hindi ako makapaniwala na sina Luke at Steven ay may walang kwenta at hindi matatag na lalaki bilang tatay nila.”Kahit na hindi kilala masyado ni Sean si Steven, alam niya na mabuting tao si Steven mula sa pagtrato nito kela Denise at Gwen. At least ay hindi prinotektahan ni Steven ang mga magulang niya at alam niya na may mga maling ginawa ito noong siya ang nagbenepisyo sa buong pangyayari. Kakaiba talaga ito.Naging matigas ang katawan ni Mr. Hughes. Yumuko siya at tinanong niya ng nahihiya, “Pwede… niyo bang isipin ang dalawang mga anak kong lalaki…”“Sasabihin ko sa gang member na ‘bantayan’ ka dahil sa dalawang anak na lalaki mo.” Sinasadya niyang idiin ang salitang ‘bantayan
Magbasa pa

Kabanata 2887

“Pagkatapos mapunta ni Michael sa kulungan, patuloy si Celia sa pagrereklamo kay Adrian na nabigo ito sa pagprotekta ng anak nila.”Tumalikod si Joshua para tumingin sa kalangitan sa labas ng eroplano. Ngumisi siya, “Nairita si Adrian at nakipaghiwalay siya kay Celia. Pagkatapos, sinubukan ni Celia na kumuha ng hati niya ng pera. Pero, nalaman niya na si Adrian ay nagsisinungaling sa kanya sa mga nakalipas na taon noong nasa Civil Affairs Bureau siya.”Nabigla si Luna. “Nagsisinungaling si Adrian kay Celia nitong mga nakalipas na taon? Tungkol saan?”Tumalikod si Joshua at tumingin siya ng seryoso sa mukha ni Luna, “Peke ang marriage certificate nila.”Lumaki ang mga mata ni Luna, “Peke ang marriage certificate nila?”“Oo.” Tumango si Joshua at ang boses niya ay tila masaya, “Ayaw ko talaga umamin na tatay ko siya. Akala ko ay ang nanay ko lang ang hindi niya mahal. Pero…”Nagbuntong hininga siya, “Sa tingin ko ay hindi niya rin mahal si Celia kahit magkasama na sila ng higit sa
Magbasa pa

Kabanata 2888

Napanganga si Luna. Makalipas ang ilang sandali, kumunot ang noo niya at tumingin siya kay Joshua. “Ibig bang sabihin nito ay hindi nagtagal pagkatapos makipaghiwalay ni Adrian kay Celia, nakahanap siya ng bagong girlfriend at plano niya nang magpakasal?”Tumango si Joshua. “Sa loob ng isang buwan.”Nakipaghiwalay si Adrian kay Celia ng isang buwan na ang nakalipas.Mas lalong nagulat si Luna dahil dito. “Isang buwan lang ang lumipas, nakipaghiwalay siya kay Celia, sumama siya sa bagong babae, at nagdesisyon siya na magpakasal?”Mas mabilis pa ito kaysa kela Sean at Denise.Gayunpaman, sina Sean at Denise ay bata pa na hindi pa alam ang pag ibig, kaya naiintindihan ni Luna kung ano ang nararamdaman nila; para humanap ng dalawang mainit na puso sa malamig na Saigen City ay madaling rason para ilaan nila ang buhay nila para sa isa’t isa.Gayunpaman, ang sitwasyon ni Adrian at ang babaeng si Jacqueline Grace ay iba; nakipaghiwalay siya sa girlfriend niya ng dalawampung taon, si Celi
Magbasa pa

Kabanata 2889

Akala ni Luna ay pareho lang ang sagot ni Joshua sa sagot niya.Tutal, noong nagpakasal sila, si Luna lang ang may gusto kay Joshua, at ginagamit lang siya ni Joshua para lumaban sa pamilya nito.Hindi minahal ni Joshua si Luna sa mga oras na ‘yun, kaya hindi magugulat si Luna kung walang naalala si Joshua tungkol sa kasal nila.Kaya naman, wala siyang inaasahan masyado mula sa sagot ni Joshua, ngunit sa ikinagulat niya…Ngumiti si Joshua dahil dito. “Syempre naman. Naaalala ko pa rin ang dress na suot mo noong araw na ‘yun; ito ay isang puting bedazzled dress.”“Sa mga oras na ‘yun, hindi pa ipinakita ni Aura ang tunay na kulay niya, at kayong dalawa ay magkasundo pa. Noong una, pumili siya ng puting satin strapless dress para sayo, pero naisip mo na kulang pa ito. Sinabi mo pa…”Tinaas niya ang kamay niya at niyakap niya si Luna at nilagay niya ang ulo nito sa balikat niya. “Sinabi mo pa na dahil minsan ka lang magpapakasal, ang dress na susuotin mo dapat ay maganda at nakakaak
Magbasa pa

Kabanata 2890

Huminto si Luna at lumingon siya para tumingin kay Joshua. “Sigurado ka ba dito?”Kahit na ang kasal ni Adrian ay tamang pagkakataon para mabunyag ang tunay na kulay niya, ang lahat ng mga kamag anak at kaibigan ni Joshua ay nandoon. Ang gawin ito ay para mabunyag ang drama nila Adrian at Rianna sa harap ng lahat ng kilala sila.Ito ay walang pinagkaiba sa pagbukas ng bandage at ipakita sa lahat ang lumang sugat niya.Tama lang ba ito?“Sigurado ako dito.” Ang tingin ni Joshua ay tila nasa malayong lugar. “Si Adrian ay isang walang hiyang lalaki; kung hindi ko siya haharapin sa harap ng lahat, magpapatuloy siya sa katayuan niya bilang tatay ko at pagsasamantalahan niya silang lahat.”Nakita niya na ang tunay na kulay ni Adrian pagkatapos ng pagkamatay ni Granny Lynch noong nakalipas na taon. Pagkatapos nito, hindi lang sa binawi niya ang mga asset sa pangalan nila Adrian at Michael, tumanggi rin siya na ibigay kay Adrian ang kahit anong pera maliban sa basic na allowance.Sa kany
Magbasa pa
PREV
1
...
287288289290291
...
308
DMCA.com Protection Status