Namutla ang mukha ni Mrs. Hughes sa sinabi ni Gwen. Lumaki ang mga mata niya at tumingin siya ng masama kay Gwen, “Wala kang pakialam kung ano ang mangyayari sa amin sa mga darating na araw. Makakaalis kami ng mas maaga sa inaakala mo. Hindi kita pagbibigyan, kahit kailan!”Tumawa si Gwen, “Sige. Hihintayin ko kayo.”Tumingin siya sa oras at sinabi niya, “Dalawampung taon, hihintayin kita dito. Sana ay mabuti kayo sa kulungan at hindi niyo pahabain ang sentensya niyo. Paalam.”Hinila niya si Sean at gusto niya nang umalis. Gayunpaman kumunot ang noo ni Sean at binitawan niya ang kamay ni Gwen. “Gwen, gusto ko silang kausapin tungkol sa isang bagay.”Kumunot ang noo ni Gwen at tumingin siya kay Sean. “Hihintayin kita sa labas?”Tumango si Sean.Nang umalis ng korte si Gwen, huminga ng malalim si Sean. Tumingin siya ng malamig kay Mr. at Mrs. Hughes, “Walang malay pa rin si Denise. Dahil nagpakamatay si Denise nang tumalon siya mula sa gusali, ang judge ay hindi isinama ang tungkol
Kumunot ang noo ni Sean nang marinig niya ang mahinang boses mula sa likod. Huminto siya at tumingin siya sa likod. Nakaluhod si Mr. Hughes sa sahig habang nakaposas. Ang dalawang pulis sa tabi niya ay sinubukan siyang patayuin.Hindi mapigilan ni Sean na ngumisi nang makita niya ito. “Nakakatawa naman. Hindi ako makapaniwala na sina Luke at Steven ay may walang kwenta at hindi matatag na lalaki bilang tatay nila.”Kahit na hindi kilala masyado ni Sean si Steven, alam niya na mabuting tao si Steven mula sa pagtrato nito kela Denise at Gwen. At least ay hindi prinotektahan ni Steven ang mga magulang niya at alam niya na may mga maling ginawa ito noong siya ang nagbenepisyo sa buong pangyayari. Kakaiba talaga ito.Naging matigas ang katawan ni Mr. Hughes. Yumuko siya at tinanong niya ng nahihiya, “Pwede… niyo bang isipin ang dalawang mga anak kong lalaki…”“Sasabihin ko sa gang member na ‘bantayan’ ka dahil sa dalawang anak na lalaki mo.” Sinasadya niyang idiin ang salitang ‘bantayan
“Pagkatapos mapunta ni Michael sa kulungan, patuloy si Celia sa pagrereklamo kay Adrian na nabigo ito sa pagprotekta ng anak nila.”Tumalikod si Joshua para tumingin sa kalangitan sa labas ng eroplano. Ngumisi siya, “Nairita si Adrian at nakipaghiwalay siya kay Celia. Pagkatapos, sinubukan ni Celia na kumuha ng hati niya ng pera. Pero, nalaman niya na si Adrian ay nagsisinungaling sa kanya sa mga nakalipas na taon noong nasa Civil Affairs Bureau siya.”Nabigla si Luna. “Nagsisinungaling si Adrian kay Celia nitong mga nakalipas na taon? Tungkol saan?”Tumalikod si Joshua at tumingin siya ng seryoso sa mukha ni Luna, “Peke ang marriage certificate nila.”Lumaki ang mga mata ni Luna, “Peke ang marriage certificate nila?”“Oo.” Tumango si Joshua at ang boses niya ay tila masaya, “Ayaw ko talaga umamin na tatay ko siya. Akala ko ay ang nanay ko lang ang hindi niya mahal. Pero…”Nagbuntong hininga siya, “Sa tingin ko ay hindi niya rin mahal si Celia kahit magkasama na sila ng higit sa
Napanganga si Luna. Makalipas ang ilang sandali, kumunot ang noo niya at tumingin siya kay Joshua. “Ibig bang sabihin nito ay hindi nagtagal pagkatapos makipaghiwalay ni Adrian kay Celia, nakahanap siya ng bagong girlfriend at plano niya nang magpakasal?”Tumango si Joshua. “Sa loob ng isang buwan.”Nakipaghiwalay si Adrian kay Celia ng isang buwan na ang nakalipas.Mas lalong nagulat si Luna dahil dito. “Isang buwan lang ang lumipas, nakipaghiwalay siya kay Celia, sumama siya sa bagong babae, at nagdesisyon siya na magpakasal?”Mas mabilis pa ito kaysa kela Sean at Denise.Gayunpaman, sina Sean at Denise ay bata pa na hindi pa alam ang pag ibig, kaya naiintindihan ni Luna kung ano ang nararamdaman nila; para humanap ng dalawang mainit na puso sa malamig na Saigen City ay madaling rason para ilaan nila ang buhay nila para sa isa’t isa.Gayunpaman, ang sitwasyon ni Adrian at ang babaeng si Jacqueline Grace ay iba; nakipaghiwalay siya sa girlfriend niya ng dalawampung taon, si Celi
Akala ni Luna ay pareho lang ang sagot ni Joshua sa sagot niya.Tutal, noong nagpakasal sila, si Luna lang ang may gusto kay Joshua, at ginagamit lang siya ni Joshua para lumaban sa pamilya nito.Hindi minahal ni Joshua si Luna sa mga oras na ‘yun, kaya hindi magugulat si Luna kung walang naalala si Joshua tungkol sa kasal nila.Kaya naman, wala siyang inaasahan masyado mula sa sagot ni Joshua, ngunit sa ikinagulat niya…Ngumiti si Joshua dahil dito. “Syempre naman. Naaalala ko pa rin ang dress na suot mo noong araw na ‘yun; ito ay isang puting bedazzled dress.”“Sa mga oras na ‘yun, hindi pa ipinakita ni Aura ang tunay na kulay niya, at kayong dalawa ay magkasundo pa. Noong una, pumili siya ng puting satin strapless dress para sayo, pero naisip mo na kulang pa ito. Sinabi mo pa…”Tinaas niya ang kamay niya at niyakap niya si Luna at nilagay niya ang ulo nito sa balikat niya. “Sinabi mo pa na dahil minsan ka lang magpapakasal, ang dress na susuotin mo dapat ay maganda at nakakaak
Huminto si Luna at lumingon siya para tumingin kay Joshua. “Sigurado ka ba dito?”Kahit na ang kasal ni Adrian ay tamang pagkakataon para mabunyag ang tunay na kulay niya, ang lahat ng mga kamag anak at kaibigan ni Joshua ay nandoon. Ang gawin ito ay para mabunyag ang drama nila Adrian at Rianna sa harap ng lahat ng kilala sila.Ito ay walang pinagkaiba sa pagbukas ng bandage at ipakita sa lahat ang lumang sugat niya.Tama lang ba ito?“Sigurado ako dito.” Ang tingin ni Joshua ay tila nasa malayong lugar. “Si Adrian ay isang walang hiyang lalaki; kung hindi ko siya haharapin sa harap ng lahat, magpapatuloy siya sa katayuan niya bilang tatay ko at pagsasamantalahan niya silang lahat.”Nakita niya na ang tunay na kulay ni Adrian pagkatapos ng pagkamatay ni Granny Lynch noong nakalipas na taon. Pagkatapos nito, hindi lang sa binawi niya ang mga asset sa pangalan nila Adrian at Michael, tumanggi rin siya na ibigay kay Adrian ang kahit anong pera maliban sa basic na allowance.Sa kany
8 p.m. na nang makarating ang eroplano sa Banyan City.Sina Anne at John ay hinihintay na sila kasama ang baby nila.Nang makita niya si Luna, nilagay ni Anne ang baby sa braso ni John at tumakbo siya patungo kay Luna. “Luna!”Sina Luna at Joshua ay naglalakad ng magkahawak ang kamay palabas ng terminal, at nang makita nila na tumatakbo si Anne patungo sa direksyon nila, agad niyang binitawan ang kamay ni Joshua para salubungin si Anne.Yumakap ng malaki si Anne kay Luna. “Hindi ako makapaniwala na umuwi ka na! Balak ko sanang bisitahin ka sa Merchant City! Sinabi sa akin ni Bonnie na may mga bagay ka pang dapat ayusin at hindi ka pa makakabalik sa Merchant City. Sinabi ko pa nga sa kanya na mangako siya na sabihin sa akin kapag bumalik ka na para lilipad kami nila John at sosorpresahin ka namin! Bakit bigla kayong nagdesisyon na bumalik?”Hindi mapigilan ni Luna na ngumiti sa tunog ng sabik na boses ni Anne. “Bumalik ako kasi kailangan ko.”Pagkatapos, hinawakan niya ang kamay n
Tumango si Joshua. “Tara na.”Nakahinga ng malalim si John, pagkatapos ay naglakad siya patungo sa tabi ni Anne at kinuha niya ang bata mula dito. “Tara na, lahat tayo.”Sumagot si Anne at kumapit siya sa braso ni Luna. “Tara na pala! Ang lugar na inihanda namin ni John para sa inyo ay pribado at eksklusibo; walang makakahanap sa inyo doon!”Kumunot ang noo ni Luna at lumingon siya para tumingin ng kakaiba kay Anne. “Ikaw ang naghanda ng tutuluyan namin?”Ito ay ang Banyan City—teritoryo ni Joshua, at marami siyang pagmamay ari na lugar dito sa bayan, kaya bakit nag abala sina Anne at John na maghanap ng lugar na tutuluyan nila?Hindi lang ‘yun, nag abala pa sila na maghanap ng lugar na pribado at eksklusibo?“Ako ang nagrequest nito.” Ngumiti si Joshua nang makita niya na nalilito si Luna. “Tinawagan ko si John bago tayo umalis ng Saigen City dahil dito.”Kumunot ang noo ni Luna sa pagkalito. “Bakit?”“Dahil ayaw kong malaman ng kahit sino na bumalik ako.” Sinuot ni Joshua ang