All Chapters of Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko: Chapter 2821 - Chapter 2830

3080 Chapters

Kabanata 2821

“Nawawala si Riley?” Nabigla si Luna dahil dito. “Yannie, kumalma ka at sabihin mo sa akin ang nangyari.” “Sa ngayon, ito lang ang alam ko—”Hirap na huminga si Yannie habang nagpapaliwanag siya, “Inaresto sina Tina at Dan dahil sa tulong ni Mr. Lynch. Pagkatapos naming umalis ni Thomas ng police station, gusto namin siyang bisitahin siya, kaya pumunta kami sa hospital…” Suminghot siya at nagpatuloy, “Pero noong nakarating na kami, natuklasan namin na ang lahat ng mga guard na nagbabantay kay Riley ay naglaho.” “Hindi namin mapigilan na isipin na may mali, at nang lumabas kami ng elevator, tumakbo kami patungo sa doctor ni Riley. Pero, nang tanungin namin kung ano ang nangyayari, bigla siyang tumakbo na para bang may nakita siyang multo.” “Agad naming nalaman ni Thomas na may masamang nangyari, kaya tumakbo kami papunta sa kwarto ni Riley. Nang makarating kami doon, nakita namin na nawawala si Riley, at may ibang sanggol na ang naroon.” Umiyak si Yannie at sinabi niya, “Luna,
Read more

Kabanata 2822

Si Sean? Kumunot ang noo ni Luna sa pagkalito. “Ano ang ginagawa niya dito sa Saigen City?” Lumipad si Luna at Joshua sa Saigen City para sa ibang mga tao; sumama si Luna kay Gwen sa biyahe nito at si Joshua naman ay nandito para tulungan si Thomas sa negosyo nito. Gayunpaman, walang kaibigan o pamilya si Sean sa Saigen City, kaya ano ang ginagawa niya dito? “Syempre, nandito siya para maranasan ang sikat na taglamig ng Saigen City.” Ngumisi si Joshua, dahan dahan niyang hinawakan ang braso ni Luna, at hinila niya ito para yakapin. “Magkita tayo para mag dinner ngayong gabi. Dapat din nating imbitahan sina Thomas at Yannie.” Tumitig ng nalilito si Luna, nakakunot ang kanyang mga noo. “Ano ba ang pinagsasabi mo?” Bakit siya nagmumungkahi na imbitahan sina Thomas at Yannie para kumain ng dinner kasama si Sean? Silang tatlo ay hindi magkakilala, at kahit na magkakaibigan man sila… nag aalala pa rin siguro ng sobra sina Thomas at Yannie para kay Riley, kaya bakit sila sasama
Read more

Kabanata 2823

Kinagat ni Yannie ang labi niya nang makita niya ang screen sa harap niya.Ito ay ang surveillance tape noong ilang araw na ang nakalipas, bago mawala si Riley.Dahil may taong nagbura ng lahat ng surveillance footage sa araw ng pagkawala ni Riley, walang magawa si Thomas kundi maghanap ng mga clue mula sa nakaraan na surveillance footage.Sa kanyang ikinagulat, may nahanap siya.Humigpit ang mga kamao ni Yannie habang nakatitig siya sa imahe ni Tina at Denise sa screen, nakangiti ang mga ito at naguusap.Akala niya rin ay hindi papakialaman nila Tina at Denise si Riley dahil ang pangunahing puntirya nila ay si Thomas, ngunit sa ikinagulat nila…Hindi alam ng mga taong ito kung ano ang sumosobra na!Anim na buwan pa lang ang edad ni Riley, kaya paano nila ito nagawa sa isang munti at inosenteng bata?“Pupunta ako sa Hughes Residence ngayon.” Nakita ni Thomas na galit si Yannie at agad niya itong niyakap ng nakasimangot. “Haharapin natin si Denise ng personal tungkol dito.”Nap
Read more

Kabanata 2824

Nang makarating sina Thomas at Yannie sa Hughes Residence, tila may malaking kaguluhan sa lugar na ito.Tila hindi matawagan nila Mr. at Mrs. Hughes si Steven, hindi rin nila mahanap si Denise. Tila nagaalala silang dalawa ng sobra.Sa mga sandaling ito, eleganteng nakaupo si Kate sa sofa, pinapagaan niya ang loob ni Mrs. Hughes habang inuutusan niya ang mga tauhan niya para hanapin ang mga nawawalang magkapatid. “Mrs. Hughes, ‘wag po kayong mag isip masyado. Malaki na po sina Steven at Denise ngayon, kaya sigurado ako na ayos lang sila.”“Baka nakahanap sila ng isang pribadong lugar para mag usap bilang magkapatid.”“Mag usap?” Kumunot ang noo ni Mrs. Hughes. “Ano ang kailangan nilang pag usapan ng ganito katagal kung araw araw naman silang nagkikita? Bukod pa dito—”Tumingin siya sa phone niya at pinakita niya kay Kate ang video na kinuha sa entrance ng Howard Group. “Tingnan mo ito! Nasa Howard Group si Steven nitong umaga, at ipinagtanggol niya pa ang p*ta na si Gwen!”“Dahil
Read more

Kabanata 2825

Kumunot ang noo ni Mrs. Hughes nang makita niya na pumasok si Thomas, pagkatapos ay nagtago siya sa likod ng asawa niya. Sumilip siya at nagtanong siya, “Ano ang kinalaman ni Denise sa pagkawala ng anak mo?”Kumunot ang noo ni Mr. Hughes, tumingin siya sa mga guard na nakatayo sa likod ni Thomas, pagkatapos ay pinilit niyang ngumiti. “Tama. May hindi pagkakaintindihan lang siguro, Mr. Howard.”“Hindi pagkakaintindihan?” Suminghal si Thomas, nilabas niya ang kanyang phone, at pinakita niya ang balita ng pagkakaaresto nila Tina at Dan, at pinasa niya ang phone niya kela Mr. at Mrs. Hughes. “Inaresto na si Tina, at dahil si Denise ang tapat na partner-in-crime niya, hindi ito isang hindi pagkakaintindihan!”Nawala ang kulay sa mga mukha nila Mr. at Mrs. Hughes.Nagkatinginan silang dalawa at kinuha nila ang phone.Nakita nila ang litrato ni Tina na nakaposas.Sinasabi ni Thomas ang katotohanan; inaresto sina Tina at Dan sa salang pagpatay.Tumahimik si Mrs. Hughes, naging magulo an
Read more

Kabanata 2826

Kumunot ang noo ni Yannie nang marinig niya ang tanong ni Thomas. Doon niya lang naalala at sinabi niya kay Thomas na inimbitahan siya ni Luna na makipagkita sa pinsan ni Joshua.Hindi agad sumagot si Thomas. Pagkatapos ng ilang sandali, kumunot ang noo niya at tumingin siya sa oras. “Saan tayo makikipagkita sa kanila?”Kung titingnan ang family tree, si Sean ay ang anak ng tita ni Joshua. Sa ibang salita, ang ‘pinsan’ na ito ay kamag anak din ni Thomas.Noong bata pa si Thomas, naalala niya ang tungkol sa tita ni Joshua mula sa kanyang tita na may problema sa pag iisip. Kahit na nabaliw na ang tita niya, naalala pa rin nito na ang tita ni Joshua ay isang mabait at mabuting tao na trinato siya ng mabait.Dahil hindi nila mahanap si Riley at wala silang impormasyon tungkol kay Denise sa ngayon, hindi masama kung makipagkita sila kay Sean.“Gusto mong… pumunta?” Gulat na tumigin si Yannie kay Thomas, hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig.“Akala ko…” Akala niya ay magagalit si
Read more

Kabanata 2827

Nagulat si Denise nang makita niya na kabado si Luna para sa kanya, at namuo ang mga luha sa kanyang mga mata.Hindi niya inaasahan na ang taong nagpapahalaga sa kanya sa ganitong oras… ay si Luna.Pagkatapos matuklasan ang tunay na kulay ng pamilya Hughes, naisip niya na walang kahit sino ang magmamalasakit sa kanya maliban sa kapatid niya. Sa totoo lang, handa na siya para sa pinaka malala noong nagdesisyon siya na pumunta dito.Alam niya kung ano ang naghihintay para sa kanya kapag nakita niya sina Thomas at Yannie.Ayaw niya nang tumakas. Kung kaya siyang patayin ni Thomas, ito ang magiging pinakamagandang pagtatapos niya. Tinulungan niyang makuha ni Gwen ang gusto nito, at naniniwala siya na tutuparin ni Gwen ang pangako nito na hindi na abalahin si Steven.Kaya naman… ang natitira na lang ay ang ibalik si Riley kela Thomas at Yannie kasama si Sean. Wala na siyang mas ibang gugustuhin pa sa buhay niya.Isang malaking biro ang pagsilang sa kanya. Akala niya ay isa siyang prin
Read more

Kabanata 2828

Nanginig si Denise nang marinig niya ang boses ni Thomas.Makalipas ang ilang sandali, tinikom niya ang mga labi niya at naglakad siya palapit, gusto niyang maglakad palabas ng kwarto, ngunit pinigilan siya ni Sean pagkatapos lang ng dalawang hakbang.Kumunot ang noo niya at umiling siya kay Denise. Pagkatapos, huminga siya ng malalim at naglakad siya palabas.Magkahawak ang mga kamay nila Thomas at Yannie habang nakaupo sila sa harap ni Joshua sa kabilang kwarto sa harap ng kwarto ni Riley. Magalang na tumayo si Thomas at kinamayan niya si Sean nang pumasok ng kwarto si Sean. “Hi.”“Hi.” Ngumiti si Sean at umupo siya habang kaharap si Joshua.Tumingin siya sa magkasintahan na nasa harap niya. “Nakita ko kayong dalawa noong nasa Merchant City ako. Bagay talaga kayong dalawa bilang nagmamahalan na kasintahan.”Nabigla si Yannie sa komentong ito. Bumalik ang isip niya noong nasa Merchant City pa siya kasama si Thomas. Noong mga panahong ‘yun, mga celebrity pa rin sila. Si Thomas ay
Read more

Kabanata 2829

Noong una, kumunot ang noo ni Thomas dahil sa hiling na ito. Pagkatapos ng ilang sandali, ngumiti siya.Tumingin siya kay Joshua. “Nagpapasalamat ako sa anak mo at sinabi niya kay Sean na iligtas ang anak ko, pero bakit niyo ginagamit ang anak ko para makipag sundo sa akin?”Sumandal siya at tumingin siya ng malamig kay Joshua. “Ano ang binabalak niyong gawin?”Ngumiti si Joshua. “Plano ito ni Nigel; wala akong masasabi tungkol dito. Naisip niya na si Sean dapat ang magligtas kay Riley, at ‘yun ang ginawa niya. Nandito lang ako para ihanda ang meeting na ito.”Sumingkit ang mga mata ni Thomas at tumingin siya ng masama kay Joshua bago siya lumingon para tumingin kay Sean. “Mr. Wheeler, sabihin mo na kung ano ang kondisyon mo. Kung hindi ito masyadong masama, papayag ako dito.”Ayaw niyang tinatakot siya o nakikipag kasundo sa ibang mga tao. Ito ay si Riley, kaya kailangan niyang sumuko dito. Ang pinakamahalagang bagay sa kanya ay ang ipaghiganti ang nanay niya at ang manatiling li
Read more

Kabanata 2830

“Hindi ako naniniwala na isang mabait na tao si Denise,” Sumingit si Thomas bago pa matapos magsalita si Sean.Ngumisi siya. “Mr. Wheeler, hindi mo siguro alam kung ano ang ginawa ni Denise. Ito ang rason kung bakit sinabi mo na tumulong si Denise sa problemang ito.”Sinubukan niyang pigilan ang galit niya. “Alam mo ba, kung hindi dahil kay Denise, hindi sana mapupunta sa gulong ito ang pamilya ko?”Kung hindi sana nakinig si Denise kay Tina at ginawa nila ang hindi dapat nila ginawa kahapon, baka hindi sana mapupunta sa panganib si Riley!Ang sabihin na si Tina ay ang masamang tao at na si Kate ang nagkidnap kay Riley…Kung hindi dahil kay Denise, hindi sana mangyayari ang mga ito.Bukod pa dito, kung hindi dahil sa masamang babaeng ito, hindi sana iisipin ni Yannie na iwanan si Thomas kasama si Riley!Hindi lang si Yannie ang ganito ang iniisip. Sa sobrang pandidiri ni Thomas sa sarili niya ay gusto niyang dumuwal nang maisip niyang ginawa niya siguro ang hindi niya dapat gawi
Read more
PREV
1
...
281282283284285
...
308
DMCA.com Protection Status