Nagulat si Denise nang makita niya na kabado si Luna para sa kanya, at namuo ang mga luha sa kanyang mga mata.Hindi niya inaasahan na ang taong nagpapahalaga sa kanya sa ganitong oras… ay si Luna.Pagkatapos matuklasan ang tunay na kulay ng pamilya Hughes, naisip niya na walang kahit sino ang magmamalasakit sa kanya maliban sa kapatid niya. Sa totoo lang, handa na siya para sa pinaka malala noong nagdesisyon siya na pumunta dito.Alam niya kung ano ang naghihintay para sa kanya kapag nakita niya sina Thomas at Yannie.Ayaw niya nang tumakas. Kung kaya siyang patayin ni Thomas, ito ang magiging pinakamagandang pagtatapos niya. Tinulungan niyang makuha ni Gwen ang gusto nito, at naniniwala siya na tutuparin ni Gwen ang pangako nito na hindi na abalahin si Steven.Kaya naman… ang natitira na lang ay ang ibalik si Riley kela Thomas at Yannie kasama si Sean. Wala na siyang mas ibang gugustuhin pa sa buhay niya.Isang malaking biro ang pagsilang sa kanya. Akala niya ay isa siyang prin
Nanginig si Denise nang marinig niya ang boses ni Thomas.Makalipas ang ilang sandali, tinikom niya ang mga labi niya at naglakad siya palapit, gusto niyang maglakad palabas ng kwarto, ngunit pinigilan siya ni Sean pagkatapos lang ng dalawang hakbang.Kumunot ang noo niya at umiling siya kay Denise. Pagkatapos, huminga siya ng malalim at naglakad siya palabas.Magkahawak ang mga kamay nila Thomas at Yannie habang nakaupo sila sa harap ni Joshua sa kabilang kwarto sa harap ng kwarto ni Riley. Magalang na tumayo si Thomas at kinamayan niya si Sean nang pumasok ng kwarto si Sean. “Hi.”“Hi.” Ngumiti si Sean at umupo siya habang kaharap si Joshua.Tumingin siya sa magkasintahan na nasa harap niya. “Nakita ko kayong dalawa noong nasa Merchant City ako. Bagay talaga kayong dalawa bilang nagmamahalan na kasintahan.”Nabigla si Yannie sa komentong ito. Bumalik ang isip niya noong nasa Merchant City pa siya kasama si Thomas. Noong mga panahong ‘yun, mga celebrity pa rin sila. Si Thomas ay
Noong una, kumunot ang noo ni Thomas dahil sa hiling na ito. Pagkatapos ng ilang sandali, ngumiti siya.Tumingin siya kay Joshua. “Nagpapasalamat ako sa anak mo at sinabi niya kay Sean na iligtas ang anak ko, pero bakit niyo ginagamit ang anak ko para makipag sundo sa akin?”Sumandal siya at tumingin siya ng malamig kay Joshua. “Ano ang binabalak niyong gawin?”Ngumiti si Joshua. “Plano ito ni Nigel; wala akong masasabi tungkol dito. Naisip niya na si Sean dapat ang magligtas kay Riley, at ‘yun ang ginawa niya. Nandito lang ako para ihanda ang meeting na ito.”Sumingkit ang mga mata ni Thomas at tumingin siya ng masama kay Joshua bago siya lumingon para tumingin kay Sean. “Mr. Wheeler, sabihin mo na kung ano ang kondisyon mo. Kung hindi ito masyadong masama, papayag ako dito.”Ayaw niyang tinatakot siya o nakikipag kasundo sa ibang mga tao. Ito ay si Riley, kaya kailangan niyang sumuko dito. Ang pinakamahalagang bagay sa kanya ay ang ipaghiganti ang nanay niya at ang manatiling li
“Hindi ako naniniwala na isang mabait na tao si Denise,” Sumingit si Thomas bago pa matapos magsalita si Sean.Ngumisi siya. “Mr. Wheeler, hindi mo siguro alam kung ano ang ginawa ni Denise. Ito ang rason kung bakit sinabi mo na tumulong si Denise sa problemang ito.”Sinubukan niyang pigilan ang galit niya. “Alam mo ba, kung hindi dahil kay Denise, hindi sana mapupunta sa gulong ito ang pamilya ko?”Kung hindi sana nakinig si Denise kay Tina at ginawa nila ang hindi dapat nila ginawa kahapon, baka hindi sana mapupunta sa panganib si Riley!Ang sabihin na si Tina ay ang masamang tao at na si Kate ang nagkidnap kay Riley…Kung hindi dahil kay Denise, hindi sana mangyayari ang mga ito.Bukod pa dito, kung hindi dahil sa masamang babaeng ito, hindi sana iisipin ni Yannie na iwanan si Thomas kasama si Riley!Hindi lang si Yannie ang ganito ang iniisip. Sa sobrang pandidiri ni Thomas sa sarili niya ay gusto niyang dumuwal nang maisip niyang ginawa niya siguro ang hindi niya dapat gawi
Hindi inaasahan nila Thomas at Yannie na makikita nila na umamin sa mga pagkakamali at hihingi ng tawad ng basta basta si Denise, sa punto na nabigla sila.Pagkatapos ng ilang sandali, kumunot ang noo ni Thomas at tumingin siya kay Denise, na siyang nakaluhod sa malamig na sahig.“Ano ang binabalak mong gawin? Balak mo ba kaming lokohin para pagbiyan ka namin?” Ang sabi ni Thomas.Tinikom ni Denise ang mga labi niya at tumingin siya kay Thomas. “Bakit? Nagulat ka ba na uamin ako bigla sa pagkakamali ko?”Umaamin siya sa pagkatalo niya. Desisyon niya na haharapin niya ang kaparusahan niya. Wala siyang kailangang pagsisihan at hindi niya kailangan tumanggi sa pag amin. Alam niya na haharapin niya pa rin sa huli ang parusa ni Thomas, at mas pinili niya nang harapin ito ngayon.“Oo, nagulat ako.” Sumingkit ang mga mata ni Thomas. Yumuko siya para tumingin sa magandang mukha ni Denise. “Sa totoo lang, nag iisip ako ng paraan kung paano kita paparusahan para ilabas ang galit ko. Hindi k
Tumahimik ang buong kwarto.Tumingin si Yannie sa tabi. Gusto niyang sabihin na masyadong malupit ito, ngunit tumanggi ang puso niya nang maalala niya ang lahat ng masamang ginawa ni Denise sa kanya.Oo, sumobra si Thomas sa ‘kaparusahan’ na ito, ngunit… walang sympatya si Yannie para kay Denise.Kumunot ang noo ni Sean. “Isa kang malupit na tao, Mr. Howard.”Tumawa si Thomas. “Baka nga. Baka maintindihan mo ang desisyon ko kapag naranasan mo ang pinagdaanan ko.”Pagkatapos, tumingin siya ng malamig kay Denise. “Sa tingin mo ba ay malupit ako?”HIndi agad sumagot si Denise sa tanong. Pagkatapos ng isang minuto, doon lang siya umiling. “Sa tingin ko ay hindi.”Tumayo siya at yumuko siya para tumingin sa oras. “Bukas. Sampung mga lalaki, tama? Kukuha ako ng mga litrato para patunayan ito.”Tumalikod siya at umalis.Kumunot ang noo ni Sean at tumingin siya ng masama kay Thomas bago siya mabilis na humabol kay Denise. “Hoy, ‘wag mong gawin ito!”Lumayo na ang tunog ng mga yapak n
“Denise!”Sa sandali na umalis ng hotel si Sean, kumunot ang noo niya at humabol siya kay Denise na siyang papunta sa labas ng bayan.Mabilis niyang hinawakan si Denise sa manggas nito. “Nababaliw ka na ba?”Lumingon si Denise at tumingin siya kay Sean. Ang mukha niya ay maputla na may maliit na ngiti. “Hindi tayo pareho. Hindi mo maiintindihan… Marami akong ginawang masamang bagay dati, at ito ang kaparusahan na nararapat para sa akin.”Ngumiti siya ng mapait at nagpatuloy siya sa pag alis, kahit na nararamdaman niya ang malamig na hangin ng taglamig sa Saigen City. Tinanggal niya ang coat niya noong nasa kwarto siya dahil naiinitan siya. Ngunit, dahil nagmamadali siyang umalis, nakalimutan niyang suotin ulit ang coat niya.Nanginig siya at niyakap niya ang sarili niya bago siya nagpatuloy sa paglalakad.Nakita ito lahat ni Sean, pati na ang panginginig ni Denise. Nagbuntong hininga siya at hinabol niya si Denise; tinanggal niya ang coat niya at nilagay niya ito sa katawan ni De
Mahangin ang taglamig ng Saigen City. Umihip sa mukha niya ang mga nyebe sa hangin. Mas naging malamig ang pakiramdam niya.Akala ni Denise ay mali ang pagkakarinig niya, lumingon siya at tumingin kay Sean habang puno ng pagkalito ang kanyang mga mata.Nakiliti ang mukha niya dahil sa mga nyebe na umiihip sa mukha niya. Ngunit, bumalik ang isip niya dahil sa lamig nito.Hirap niyang sinabi, “I—Kaw…”“Ang sabi ko…” Huminga siya ng malalim at tumingin siya kay Denise ng may malalim at madilim na mga mata. “Kung kailangan mo talaga maghanap ng taong sisiping sayo ngayong gabi, bakit hindi na lang ako? Isang lalaki rin ako. Kumpara sa mga lalaki sa labas ng bayan, mas malinis rin ako.”Kinagat ni Denise ang labi niya habang naging malabo ang tingin niya. Sa mga sandaling ito, hindi niya alam kung paano niya haharapin si Sean. Alam niya na sinasabi ito ni Sean para tulungan siya, ngunit… parang isang insulto rin ito.Ito ay para bang isa siyang maduming babae na sisiping sa kahit sino