Hindi inaasahan nila Thomas at Yannie na makikita nila na umamin sa mga pagkakamali at hihingi ng tawad ng basta basta si Denise, sa punto na nabigla sila.Pagkatapos ng ilang sandali, kumunot ang noo ni Thomas at tumingin siya kay Denise, na siyang nakaluhod sa malamig na sahig.“Ano ang binabalak mong gawin? Balak mo ba kaming lokohin para pagbiyan ka namin?” Ang sabi ni Thomas.Tinikom ni Denise ang mga labi niya at tumingin siya kay Thomas. “Bakit? Nagulat ka ba na uamin ako bigla sa pagkakamali ko?”Umaamin siya sa pagkatalo niya. Desisyon niya na haharapin niya ang kaparusahan niya. Wala siyang kailangang pagsisihan at hindi niya kailangan tumanggi sa pag amin. Alam niya na haharapin niya pa rin sa huli ang parusa ni Thomas, at mas pinili niya nang harapin ito ngayon.“Oo, nagulat ako.” Sumingkit ang mga mata ni Thomas. Yumuko siya para tumingin sa magandang mukha ni Denise. “Sa totoo lang, nag iisip ako ng paraan kung paano kita paparusahan para ilabas ang galit ko. Hindi k
Tumahimik ang buong kwarto.Tumingin si Yannie sa tabi. Gusto niyang sabihin na masyadong malupit ito, ngunit tumanggi ang puso niya nang maalala niya ang lahat ng masamang ginawa ni Denise sa kanya.Oo, sumobra si Thomas sa ‘kaparusahan’ na ito, ngunit… walang sympatya si Yannie para kay Denise.Kumunot ang noo ni Sean. “Isa kang malupit na tao, Mr. Howard.”Tumawa si Thomas. “Baka nga. Baka maintindihan mo ang desisyon ko kapag naranasan mo ang pinagdaanan ko.”Pagkatapos, tumingin siya ng malamig kay Denise. “Sa tingin mo ba ay malupit ako?”HIndi agad sumagot si Denise sa tanong. Pagkatapos ng isang minuto, doon lang siya umiling. “Sa tingin ko ay hindi.”Tumayo siya at yumuko siya para tumingin sa oras. “Bukas. Sampung mga lalaki, tama? Kukuha ako ng mga litrato para patunayan ito.”Tumalikod siya at umalis.Kumunot ang noo ni Sean at tumingin siya ng masama kay Thomas bago siya mabilis na humabol kay Denise. “Hoy, ‘wag mong gawin ito!”Lumayo na ang tunog ng mga yapak n
“Denise!”Sa sandali na umalis ng hotel si Sean, kumunot ang noo niya at humabol siya kay Denise na siyang papunta sa labas ng bayan.Mabilis niyang hinawakan si Denise sa manggas nito. “Nababaliw ka na ba?”Lumingon si Denise at tumingin siya kay Sean. Ang mukha niya ay maputla na may maliit na ngiti. “Hindi tayo pareho. Hindi mo maiintindihan… Marami akong ginawang masamang bagay dati, at ito ang kaparusahan na nararapat para sa akin.”Ngumiti siya ng mapait at nagpatuloy siya sa pag alis, kahit na nararamdaman niya ang malamig na hangin ng taglamig sa Saigen City. Tinanggal niya ang coat niya noong nasa kwarto siya dahil naiinitan siya. Ngunit, dahil nagmamadali siyang umalis, nakalimutan niyang suotin ulit ang coat niya.Nanginig siya at niyakap niya ang sarili niya bago siya nagpatuloy sa paglalakad.Nakita ito lahat ni Sean, pati na ang panginginig ni Denise. Nagbuntong hininga siya at hinabol niya si Denise; tinanggal niya ang coat niya at nilagay niya ito sa katawan ni De
Mahangin ang taglamig ng Saigen City. Umihip sa mukha niya ang mga nyebe sa hangin. Mas naging malamig ang pakiramdam niya.Akala ni Denise ay mali ang pagkakarinig niya, lumingon siya at tumingin kay Sean habang puno ng pagkalito ang kanyang mga mata.Nakiliti ang mukha niya dahil sa mga nyebe na umiihip sa mukha niya. Ngunit, bumalik ang isip niya dahil sa lamig nito.Hirap niyang sinabi, “I—Kaw…”“Ang sabi ko…” Huminga siya ng malalim at tumingin siya kay Denise ng may malalim at madilim na mga mata. “Kung kailangan mo talaga maghanap ng taong sisiping sayo ngayong gabi, bakit hindi na lang ako? Isang lalaki rin ako. Kumpara sa mga lalaki sa labas ng bayan, mas malinis rin ako.”Kinagat ni Denise ang labi niya habang naging malabo ang tingin niya. Sa mga sandaling ito, hindi niya alam kung paano niya haharapin si Sean. Alam niya na sinasabi ito ni Sean para tulungan siya, ngunit… parang isang insulto rin ito.Ito ay para bang isa siyang maduming babae na sisiping sa kahit sino
Nabigla si Sean sa mga kilos ni Denise. Hindi niya inaasahan na hahalikan siya nito ng direkta.Gusto niyang tulakin palayo si Denise, gusto niya talaga.Gayunpaman, mabango talaga si Denise. Ang katawan ni Denise ay malambot.Napagtanto ni Sean na hindi niya matanggihan ang mga kilos ni Denise. Pagkatapos magkaroon ng debate sa isipan niya, sinunod niya ang puso niya, hinawakan niya ang baywang ni Denise, at binalik niya ang halik ni Denise.Matagal silang naghalikan at napuno sila ng pagnanasa sa isip at damdamin. Kahit na wala pang isang araw silang nagkakilala, naghalikan sila na para bang matagal nilang mahal ang isa’t isa.Mainit. Puno ng pag ibig.Walang may alam kung sino ang unang kumagat sa labi ng isa’t isa. Hindi nila alam kung sino ang unang nahulog para sa isa’t isa.Buong gabi, pareho nilang nakalimutan ang oras, nakalimutan si Thomas, at nakalimutan ang lahat ng nangyari. Ito ay para bang sila lang ang dalawang tao sa mundong ito.Mula sa pinto papunta sa carpet
Sa mga sandaling ito, kumakain ng hapunan si Steven kasama si Gwen. Pagkatapos ng isang busy na araw, may oras na sila para magpahinga at kumain ng hapunan pagkatapos nilang dalhin si Mr. Zink pabalik ng bahay nito.Si Steven ang nag imbita kay Gwen para kumain ng hapunan kasama siya. Sa hindi malamang rason, nagkaroon siya ng damdamin para kay Gwen at gusto niya itong makasama, gusto niyang kilalanin ng mas mabuti si Gwen. Kaya naman, nagmungkahi siya na kumain ng hapunan sa sandali na naghanda si Gwen na bumalik sa hotel.Alam ni Gwen kung ano ang binabalak ni Steven. Noong una, gusto niyang tumanggi kay Steven, ngunit nang makita niya ang mukha ni Steven at ang pagiging taos-puso sa mga mata nito, lumambot ang puso niya at tinanggap niya ang imbitasyon para mag dinner. Sinabi niya sa sarili niya na ito ang huling beses na hahayaan niya ang sarili niya na gawin ito.Pagkatapos ng gabing ito, kakasuhan niya ang pamilya nila Steven at Kate sa tulong nila Joshua at Thomas. Pinasa niy
“Lumuhod si Denise, humingi siya ng tawad mula kela Thomas at Yannie. Sinabi niya sa kanila na mali ang ginawa niya, pero sinabi ni T—Thomas…”Nahirapan huminga si Eva. “Pinapunta ni Thomas si Denise sa labas ng bayan para maghanap ng sampung mga tambay para… para gumawa ng mga nakakahiyang bagay, at sinabi niya na kumuha ng mga litrato si Denise. Sinabi niya rin…”“Ano pa ang sinabi niya?” Kumunot ng malalim ang noo ni Steven.Lumabas ang mga ugat sa kamay niya dahil sa higpit ng hawak niya sa kanyang phone.“Sinabi niya…” Suminghot si Eva. “Sinabi niya na kapag hindi ito natapos ni Denise bukas ng umaga, magdadala siya ng mga tao para gawin pa rin ito ni Denise…”Umiyak siya habang napuno siya ng kalungkutan. “Mr. Hughes, alam ko na hindi niyo tunay na kapatid si Denise, pero dapat niyo pa rin pahalagahan ang kapatid niyo! Kahit na marami siyang ginawa na masama dati, hindi tama na sirain ni Thomas ang buhay niya. Hindi dapat siya ininsulto at pinahiya ni Thomas ng ganito!”“Pa
“May nangyari ba kay Denise?” Ang mabilis na sinabi ni Gwen, ipinakita niya ang pag aalala habang nakakunot ang noo niya sa sandali na ibinaba ni Steven ang phone.Totoo, pareho sila ni Luna na kinamumuhian si Denise dahil sa ginawa nito kay Yannie, ngunit ang opinyon niya kay Denise ay nagbago pagkatapos niyang marinig ang pag uusap ng pamilya Hughes at ang mga ginawa nito kay Denise kahapon. Simula noong punto na ‘yun, naisip niya na hindi gaano masama si Denise. Tutal, nakatanggap siya ng tulong mula kay Denise.Kung hindi dahil kay Denise, hindi sana niya makukuha ang ebidensya kung paano nagtulungan ang pamilya Hughes at pamilya Miller sa panloloko kay Luke, hindi niya ito makukuha mula kay Joshua o kay Thomas.Kaya naman, ipinakita niya ang pag aalala niya pagkatapos niyang marinig na nasa isang gulo si Denise mula sa phone call ni Steven.Pumikit si Steven at ngumiti siya ng mapait. “Alam niya na mali ang ginawa niya. Akala ko ay matigas pa rin ang ulo niya tulad ng dati, pe