All Chapters of Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko: Chapter 2241 - Chapter 2250

3080 Chapters

Kabanata 2241

“Sigurado ako na hindi naman ito sinasadya ni Jim. Sana ay ‘wag kang magalit sa kanya.” Binigay ni Rosalyn ang hawak niyang bote ng gamot kay Sean at sinabi niya, “Maganda ang analgesic na ito; ginagamit ko ito mismo. Kung masakit pa rin pag uwi mo, dapat kang uminom nito.” Napuno ng init ang puso ni Sean sa tunog ng mahina at maamong boses ni Rosalyn. Tumigil siya ng ilang sandali bago niya kinuha ang bote mula kay Rosalyn. “Salamat… Maraming salamat.” “Nabalitaan ko na nakatira kayo ng kapatid mong babae sa mahirap na parte ng bayan.” Nagbuntong hininga si Charles. “Kung ayos lang sayo, tutulungan ko kayo ng kapatid mo na humanap ng bagong tirahan, at pwede rin kitang hanapan ng bagong trabaho.” “Tutal, anak ka ni Lucy, at sayang naman kung nagpatuloy ka na magtrabaho bilang isang mekaniko.” Sa huli, sinabi niya, “Nalaman din namin na may sakit ang kapatid mo, kaya’t kung may kailangan ka, ‘wag ka mahiya na lumapit sa amin.” Mas natuwa si Sean nang makita ang mabait na al
Read more

Kabanata 2242

“Hindi magsisinungaling sa akin si Nikki,” Ang kampanteng sagot ni Sean, pagkatapos ay binuksan niya ang recording device. Gusto niyang malaman kung anong ‘ebidensya’ ang ginawa ng pamilya Landry para ibrainwash siya para maniwala na isang masamang tao si Nikki! Nang pipindutin niya na ang ‘play’, pinigilan siya ng butler. “Mr. Wheeler, sa tingin ko ay mas maganda kung pakinggan niyo ito sa isang pribadong lugar. Ang lugar na ito ay…” Tumingin siya sa mga doctor at mga nurse na dumadaan sa hallway. “Baka hindi ito ang pinakamagandang lugar para makinig sa recording na ito.” Tumingin ng malamig si Sean sa butler. “Anong problema kung dito ko ito papakinggan?” Hindi siya naniniwala na may ginawang masama si Nikki. Sigurado siya dito. Gusto niyang iplay ang recording na ito sa harap ng pamilya Landry para mabunyag sila sa mga kasinungalingan nila. Maipapakita niya sa mga ito na hindi siya isang uto-uto na inaakala nila! Habanag iniisip ito, tinulak ni Sean ang butler at pini
Read more

Kabanata 2243

Nagpadala nga talaga ng isang lalaking maaasahan si Mr. Chapman para tingnan ang kondisyon ni Nikki. Totoo nga ang sinasabi ni Terry; napilitan lang siya na gawin ang lahat ng ito. Bigla niyang naalala ang phone call na natanggap niya mula kay Mr. Chapman, pinagalitan siya nito sa pagiging malupit niya kay Terry ngayon at ito ay isang maling pagkakaunawaan lang. Sa mga panahong ‘yun, akala ni Sean ay isang sakim na lalaki si Mr. Chapman na binabali ang katotohanan para tulungan ang paboritong empleyado nito. Sinabi niya na hindi ito patas para kay Terry, ngunit naging patas ba ito para kay Nikki? Ngunit, sa puntong ito… Naiintindihan ni Sean kung bakit galit na galit si Mr. Chapman. Ito ay dahil mali talaga ang pagkakaunawa niya kay Terry, at nabulag siya sa mga kasinungalingan ni Nikki. Siya… Hinayaan pa niya si Luke Jones, ang boyfriend ng kapatid ni Bonnie, na putulin ang ari ni Terry. Pumikit si Sean at bigla niyang naramdaman na bumigat ang kanyang puso, nahira
Read more

Kabanata 2244

Nabigla ang lahat sa sinabi ni Sean. Hindi lang ‘yun, kahit si Sean ay tila nabigla dahil dito. Hindi maitatanggi na naiinggit siya kay Jim at may mabait at mapagmahal na nanay ito, ngunit… Nanay ni Jim si Rosalyn, kaya’t bakit niya tinawag na ganito si Rosalyn?Kahit na magkapatid sila ni Jim, wala siyang koneksyon kay Rosalyn!Sa sandali ng katahimikan, ang unang bumalik sa sarili ay si Rosalyn. Ngumiti siya at tumitig siya kay Sean. tumitig siya kay Sean. “Narinig ko mula kay Samuel na pumanaw si Lucy noong labing isang taong gulang ka pa lang. Isang bagay ang lumaki ng walang magulang at ibang bagay ang malaman na ang mahal na kapatid mo, na ang tanging pamilya mo, ay nagsisinungaling sayo…” “Malungkot at mag isa ka siguro ngayon, hindi ba?” Hinawakan niya ang kamay ni Sean at sinabi niya, “Kung ayos lang sayo, kayong dalawa na ni Jim ang mga anak kong lalaki simula ngayong araw.” “Wala pa akong sariling anak na lalaki, at ang totoong anak ko lang ay si Luna. kahit
Read more

Kabanata 2245

Sumenyas si Jim sa doctor na ‘wag magsalita, pagkatapos ay tumalikod siya at tumingin siya ng malamig kay Sean. “Hindi ba’t naghahanda ka nang umalis? Anong problema? Makikinig ka ba sa personal na impormasyon ng fiancee ko?” Kumunot ang noo ni Sean. “Jim Landry!” Hindi siya makapaniwala na mas gugustuhin ni Jim na pigilan ang doctor at inisin si Sean kaysa sa makinig sa sasabihin ng doctor tungkol sa kondisyon ni Bonnie! Walang hiya si Jim para sabihin na mahal niya si Bonnie. Walang hiya siya para itanggi na siya ang nanakit kay Bonnie. “Security!” Ngumisi si Jim, kumaway siya sa security guard sa malayo. “Dalhin niyo palabas ang lalaking ito!” Sa sandali na sabihin niya ito, lumapit ang mga guard at hinawakan nila si Sean sa braso. “Sir, sumama ka sa samin!” “Jim Landry!” Nakatingin ng masama si Sean kay Jim habang pinapalibutan siya ng mga guard. “Ang gusto ko lang ay ang malaman kung ano ang kondisyon ni Bonnie at kung ayos lang siya!” Mali ba para sa kanya na gawin
Read more

Kabanata 2246

Medyo nalito ang doctor dahil dito. Tumingin muna siya kay Sean, pagkatapos ay tumingin siya kay Jim. Sa sobrang magkahawig nila ay madaling sabihin na magkapatid sila, ngunit kung magkapatid talaga sila… bakit masama ang ugali nila sa isa’t isa? “Sinasabi ko sayo, ako ang pinakabatang anak ni Mr. Charles Landry at Ms—” Kumunot ang noo ni Sean at huminto siya sa pagsasalita. Mabilis na sumingit si Rosalyn para sagipin siya ng nakangiti. “Ang pangalan ko ay Rosalyn Lawson.” “Tama.” Umubo ng mahina si Sean. “Ako ang pinakabatang anak ni Mr. Charles Landry at Ms. Rosalyn Lawson.” Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ng malamig sa doctor. “Klarong sinabi ni Jim na hindi ako pwedeng bigyan ng impormasyon tungkol kay Bonnie dahil hindi ako miyembro ng pamilya Landry, pero ngayon ay kumpirmadong miyembro na ako ng pamilya Landry. Hindi lang ‘yun, nandito pa si Charles at Rosalyn para suportahan ako. Hindi mo pa rin ba sasabihin ang impormasyon sa akin?” Huminto ang doctor, pag
Read more

Kabanata 2247

“Sinasabi mo ba na baka makagawa ako ng diagnosis kapag sinuri ko si Bonnie?” Tumango ng mabilis si Joe. “Tama, Rosalyn. Wala sa amin ang makagawa ng konklusyon hanggang ngayon. Parang wala kaming mahanap na senyales na nilason siya, pero sa ngayon, halos hindi maitatanggi na nilason nga talaga siya…” “Wala na talaga kaming maisip, kaya’t wala kaming magawa kundi humingi ng tulong mula sayo.” Huminto ng ilang sandali si Rosalyn, pagkatapos ay tumango siya, “Sige.” Pagkatapos, pumunta siya sa kwarto ni Bonnie. “Sasama ako sa inyo, nanay.” Ilang hakbang pa lang ang nilakad ni Rosalyn nang lumapit si Jim at hinawakan ang braso ni Rosalyn. “Mahina pa po kayo, kaya’t tutulungan ko kayo.” Agad na kumunot ang noo ni Sean nang marinig niya ito. Alam niya na nagpanggap dapa siya na hindi niya ito nakita at umalis na dapat siya, ngunit… Ayaw niya pang umalis. Dahil pinayagan si Jim na sumama kay Rosalyn sa ward ni Bonnie, si Sean, bilang ‘Pinakabatang anak ni Rosalyn’, ay pwede
Read more

Kabanata 2248

“Aalis?” Ang butler, na nakatayo sa isang tabi, ay huminto bago siya ngumiti kay Sean. “Saan po kayo pupunta, Second Young Master?” “Nagpadala na po ako ng mga tauhan sa lugar niyo para mag empake ng mga gamit niyo para dalhin po ang mga ito sa Landry Mansion.” Pagkatapos, naglabas siya ng isang pares ng mga susi sa bulsa niya at nagpatuloy siya, “Ito po ang mga susi para sa harapang pintuan. Ang lahat po ng mga pinto ay nakakandado gamit ang fingerprint lock, pero dahil ang fingerprint niyo po ay hindi pa narerecord sa system, hindi po kayo makakapasok ng wala kayong susi. Kaya po, binibigyan ko po muna kayo ng susi sa ngayon para makauwi po kayo.” “Ang isa po ay ang susi para sa kwarto niyo. Naghanda po kami ng matutulugan niyo sa kwarto sa pagitan ng kwarto nila Young Master at Ms. Luna, at malaki po ang kwarto pati may tanawin ng balkonahe.” “Ito po ang susi sa kotse niyo. Nagpadala na ako ng tao para kunin ang bagong kotse na binili ng pamilya Landry noong nakalipas na tao
Read more

Kabanata 2249

“Kailan gigising si Bonnie, at ano ang kondisyon niya kapag gumising na siya—ang lahat ng impormasyon na ito ay maririnig mo lang mula sa pamilya Landry.” Pagkatapos, tumalikod si Jim at naglakad siya palayo. “Kapag nagpatuloy ka na tumanggi na maging parte ng pamilya Landry at pinilit mo na hindi mo malampasan ang paghihiganti mo sa amin, bahala ka sa gagawin mo at tanggapin mo ang kahihinatnan.” Tumigas ang buong katawan ni Sean nang marinig niya ito. Hindi siya nag aalala na tumira kasama si Jim, at hindi naman sa hindi siya maka-move on sa pagkamuhi niya para sa pamilya Landry. Gayunpaman, habang iniisip na ampunin siya ng isang babae na kinamuhian ng nanay niya bago ito mamatay at tumira pa siya sa isang bahay kasama nito… Hindi ba’t magagalit ang nanay niya kapag natuklasan nito ang tungkol dito? “Sumama na po kayo sa amin, Second Young Master.” Ngumiti ang butler, nang makita niya na hindi kumokontra si Sean sa mga salita ni Jim, agad niyang pinangunahan si Sean. G
Read more

Kabanata 2250

Dumilim ang paningin ni Jim dahil sa mga sinabi ni Rosalyn. Agad siyang umatras, bigla niyang naramdaman na para bang ang buong katawan niya ay nanghina. Mabilis siyang sinalo ni Joe bago siya natumba. “Ayos lang ba kayo, Master Landry?” Umiling si Jim. Sa sandali na narinig niya ang sinabi ni Rosalyn na maghanda siya para sa masamang balita, naramdaman ni Jim na para bang naubos ang lakas sa buong katawan niya. Pitong araw na lang ba… ang natitira para kay Bonnie?” “Tama si Nikki tungkol sa lason, at sa kasamaang palad, wala akong lunas para dito sa ngayon.” Tumingin si Rosalyn kay Jim pagkatapos ay nagbuntong hininga siya at sinabi niya, “Jim, alam ko na masamang balita ito para sayo, pero…” Pumikit siya. “Nakaukit na sa mga bituin ang tadhana natin, at kahit ang mga pinakamahusay na mga doctor ay hindi kayang iligtas ang isang tao na malapit nang mamatay. Bukod pa dito…” Lumingon siya para tumitig kay Jim. “M ahina ang kagustuhan ni Bonnie na mabuhay, at kapag tumaas
Read more
PREV
1
...
223224225226227
...
308
DMCA.com Protection Status