Lahat ng Kabanata ng Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko: Kabanata 2121 - Kabanata 2130

3080 Kabanata

Kabanata 2121

“Ang lalaking gumahasa sa kapatid mo ay si Terry Simmons, hindi ba?” Si Luke, na siyang nakatayo sa likod ni Gwen, ay biglang nagtanong. Huminto ng ilang sandali si Sean, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, ang pangalan niya ay Terry Simmons. Isa siyang lalaki na kasama ko sa trabaho noong nasa factory pa ako…” “Nahuli ko na siya.” Tumingin si Luke kay Sean at nagpatuloy siya sa kalmadong tono, na para bang pinag uusapan lang nila ang kakainin para sa hapunan, “Ano ang plano mong gawin sa kanya? Gusto mo bang putulin ko ang binti niya? O hindi kaya… gusto mong putulin natin ang ginamit niya para gahasain ang kapatid mo?” Ngumisi siya at idinagdag niya, “Hindi mo kailangan na ikaw ang gumawa nito; tutulungan ka ng mga tauhan ko na gawin ito para sayo.” Tumigas ang buong katawan ni Sean nang marinig niya ito. Tumitig siya ng nakatulala kay Luke, hindi siya makapaniwala. Hindi niya pa nakita ang lalaking ito dati, at hindi niya kilala ang taong ito, ngunit base sa itsura at mga g
Magbasa pa

Kabanata 2122

“Hindi.” “Hindi.” Sabay na nagsalita sina Sean at Bonnie sa sandali na matapos magsalita si Gwen. Sa sandali na sabihi niya ito, huminto silang dalawa na para bang may sasabihin sila. Sa huli, tumingin si Bonnie kay Sean, sumenyas siya sa mauna na ito. Akala niya ay itatanggi ni Sean ang pagiging boyfriend niya, ngunit sa ikinagulat niya… Umakbay si Sean kay Bonnie at sinabi, “Oo, boyfriend niya ako ngayon, pero hindi ako kapalit ni Jim.” “Kahit na magkamukha kami, wala kaming relasyon sa isa’t isa, at ayaw kong maging parte ng buhay niya.” “Dapat lumayo ang lalaking ‘yun kay Bonnie. Pati—” Tumingin siya kay Gwen at nagpatuloy siya, “Sana ay huwag mo na ulit banggitin ang pangalan niya kay Bonnie. Hindi siya nararapat kay Bonnie, kahit konti.” Napahinto sina Gwen at Bonnie nang marinig nila ito. Sobrang nagulat si Gwen sa announcement ni Sean. Samantala, nabigla si Bonnie at umamin si Sean na boyfriend siya nito… at sinabi niya ito na parang isang boyfriend. May
Magbasa pa

Kabanata 2123

Gayunpaman, hindi niya inaasahan na… hindi pinatay ni Luke si Terry dahil gusto niyang mabuhay si Terry sa kulungan para marinig niya ang hatol sa kanya. Tama si Luke: ang pinakamagandang parusa ay ang ipadala si Terry sa kulungan, kung saan magdurusa siya ng habang buhay, kumpara sa madugo at mabilis na pagkamatay. Sa sandali na maisip niya ito, ang kalupitan sa mga mata ni Sean ay napalitan ng paghanga kay Luke. “‘Wag mo akong tingnan ng ganyan. Tumutulong lang ako.” Ngumisi si Luke nang maramdaman niya ang titig ni Sean, pagkatapos ay yumuko siya para tumingin kay Gwen. “Gusto mo pa bang manatili dito?” Kumunot ang noo ni Gwen, pagkatapos ay tumingin siya kay Bonnie at Sean. “Hayaan mo na,” Sumagot siya at tumitig kay Bonnie. “Bonnie, sinabi sa akin ni Luna sa phone na galing ka sa surgery at halos namatay ka dahil nakulong ka sa loob ng kotse…” “Sino naman ang gumawa sayo nito? Kailangan mo ba ang tulong ni Luke para maghiganti?” Hindi mapigilan ni Bonnie na tumawa ng
Magbasa pa

Kabanata 2124

Agad na kumunot ang noo ni Sean nang marinig niya ito. Huminto ng ilang sandali si Bonnie at tumingin siya kay Sean, pagkatapos ay kay Luna. May gusto siyang sabihin, ngunit para sa dignidad ni Nikki, hindi niya ito pwedeng sabihin ng malakas. Si Nikki, na hubad pagkatapos ng maraming checkup, ay tumanggi na hawakan siya ni Luna o ibang hospital staff at pinilit na si Sean lang ang pwedeng mag alaga sa kanya. Ibig sabihin ay pinipilit niya na makita ni Sean ang hubad na katawan niya. Alam ni Bonnie na masama ang kondisyon ni Nikki pagkatapos ng naranasan nito, ngunit… ang hiling na ito ay hindi makatwiran. Habang iniisip ito, lumingon si Bonnie at tumingin ulit siya kay Sean. Nakaupo sa upuan si Sean, ang mga labi niya ay nakatikom habang pinag iisipan niya kung susuko siya at tutulungan niya si Nikki. “Alam ko na nasa mahirap na posisyon ka, at sinubukan kitang tulungan.” Nagbuntong hininga si Luna nang makita niya na hindi komportable ang itsura ni Sean, pagkatapos ay i
Magbasa pa

Kabanata 2125

Tumigil ng ilang sandali si Sean. “Sa tingin ko ay mas mabuti kung ako na lang ang mag aalaga sa kanya.” Pagkatapos, lumapit siya sa tabi ng nurse at sinabi niya, “Kapatid ako ng pasyente, kaya’t ako ang pupunta.” Tumingin sa kanya ang nurse, pagkatapos ay kay Bonnie, at sa huli ay tumitig siya kay Luna. “Ms. Luna…” Tumahimik ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumingin siya kay Bonnie. “Kaya mo bang gawin ito?” “Walang problema.” Ngumiti si Bonnie. “Sobra lang ang sinasabi ni Sean nang sinabi niya na halos mamatay ako. Dehydrated lang ako sa init ng kotse, ‘yun lang. Mabuti na ang pakiramdam ko ngayon.” Pagkatapos, inalis niya ang kamay ni Sean. “Tutal, kasalanan ko na nangyari ito kay Nikki. Dahil payag siyang hayaan na alagaan ko siya, gagawin ko ito.” Lumingon siya at tumingin siya kay Sean. “Bukod sa pagtulong sa akin, nilagay mo pa sa panganib ang kapatid mo dahil sa akin… Ayos lang sa akin kung mababawasan ang pagiging awkward niyo ni Nikki.” Pagkatapos, ngumit
Magbasa pa

Kabanata 2126

Hindi mapigilan ni Luna na manuya nang marinig niya ang mga salita ni Jim. Ngumisi siya at sinagot niya, “Anong problema, Mr. Jim Landry? Naalala mo na ba na may kinulong ka na tao sa kotse mo? Ano ang problema mo? Paano mo nagawang iwan si Bonnie sa loob ng kotse ng ganun? Alam mo ba na halos mamatay na siya dahil sayo?” Kumunot ang noo ni Jim nang marinig niya ang mga sigaw ni Luna. Habang nakaupo sa airport, kinurot niya ang noo niya sa inis at sinagot niya, “Base sa sagot mo, maayos na siya ngayon, hindi ba?” Mas nagalit si Luna dahil dito. Hindi siya makapaniwala na ang mahalaga kay Jim ay kung maayos si Bonnie o hindi. Akala niya ba ay kung ayos lang si Bonnie, hindi siya mananagot sa mga kilos niya? Alam ni Jim na galit si Luna, ngunit hindi rin maganda ang mood niya. Gayunpaman, dahil alam niya na kasalanan niya ito, ipinaliwanag niya kay Luna, “Luna, makinig ka sa akin: nag aalala talaga ako sa kaligtasan ni Bonnie. Ngayon at pinagalitan mo ako at sinabi mo pa na
Magbasa pa

Kabanata 2127

Makalipas ang ilang sandali, ngumisi ang dating boss ni Sean at sumagot siya, “Kung hindi dahil inakit siya ng lecheng kapatid mo, hindi sana siya mauuwi sa ganito! Isang mabuting tao si Terry; kaya ko itong patunayan!” “Hindi ako makapaniwala na tinulungan niya ang kapatid mo dahil sa kabaitan niya, at pinilit siya na sumiping sa kapatid mo, at ngayon, siya pa ang sinisisi! Sean, hindi mo ba naisip ang posibilidad na plano ito ng kapatid mo? Sabihin mo sa akin, ano ang kailangan mo sa amin?” Tumawa si Sean nang marinig niya ito. “Paano nangyari na pilit ng kapatid ko si Terry na gumawa ng ganitong bagay?” Kahit na gustong magsinungaling ni Terry, dapat ay at least gumawa siya ng mas magandang dahilan. “Pinainom niya ng gamot si Terry.” Pagkatapos, ibinaba ni Sean ang phone. Mahigpit ang hawak ni Sean sa phone, nakikinig siya sa dial tone. Pinainom ng gamot ni Nikki… si Terry para sumiping sa kanya? Imposible ito! Ito siguro ang unang beses na nakilala ni Nikki ng per
Magbasa pa

Kabanata 2128

Tumahimik ang buong kwarto. Ang mga nurse at doctor, na nakatayo sa labas ng kurtina, naghihintay ng tulong, ay kabadong nagkatinginan. Kahit na hindi nila alam ang buong istorya ng nangyari sa pagitan ng pasyente na si Nikki at ang babaeng si Bonnie, kaya nilang hulaan ang pinag uusapan nila base sa mga clue. Ito siguro ay dahil napunta sa gulo si Bonnie at tumawag siya sa kapatid ni Nikki para humingi ng tulong, kaya’t lumabas ng bahay si Sean at nangyari ang mga kaganapan na ito. Kahit na naaawa sila kay Nikki sa pangyayaring ito… hindi makatwiran na pilitin niya si Bonnie na lumuhod at humingi ng tawad sa kanya. Tutal, hindi si Bonnie ang gumahasa sa kanya. Bukod pa dito, wala rin siyang relasyon sa lalaki na gumawa nito kay Nikki. Hindi kasabwat o mastermind si Bonnie, at humingi lang siya ng tulong sa kapatid ni Nikki noong napunta siya sa isang gulo. Nagbuntong hininga ang nurse at sinabi niya ng may mababang boses, “Mukhang kailangan pa nating tawagin ang kapati
Magbasa pa

Kabanata 2129

Sumimangot si Nikki kay Bonnie. “Sabihin mo sa akin; ano sa sinabi ko ang kasinungalingan? Ang katotohanan, inaagaw mo ang kapatid ko mula sa akin, Bonnie!” Si Nikki, na siyang nakabihis na, ay tumayo at tumitig siya as maputlang mukha ni Bonnie mula sa tangkad niya. “Ito ang sasabihin ko sayo, Ms. Craig, sa akin lang si Sean!” “Mula nang nagkakilala tayo, sinabi ko na sayo na hindi ko siya tunay na kapatid. Kahit na lumaki kaming dalawa na magkasama at sinabi mo na magkapatid kami, hindi kami magkadugo!” “Akala ko na bilang isang babae, maiintindihan mo ang balak kong sabihin tungkol sa relasyon namin ng kapatid ko!” “Hindi ko alam kung dahil tanga ka lang para maintindihan ang ibig kong sabihin, o kung sinasadya mong hindi pinansin ang sinabi ko para agawin mo ang kapatid ko mula sa akin!” “Kahit anong mangyari, Bonnie, mas mahalaga pa rin ako sa kapatid ko kumpara sayo. Pagkatapos ka niyang iligtas at hindi ako, nakokonsensya siya sa mga kilos niya, kaya’t kailangan mo nan
Magbasa pa

Kabanata 2130

“Ayos lang ako…” Sumandal si Bonnie kay Sean at sinabi niya ng mahina, “Kailangan ko lang magpahinga. Dapat mong alagaan si Nikki…” Pagkatapos, sinubukan niyang tumayo. Gayunpaman, akala niya ay may sapat na lakas siya. Hindi lang sa nabigo siya na tumayo, pero dahil sa gravity, nanginig ang katawan niya ay bumagsak siya pabalik sa yakap ni Sean. Muli siyang nahawakan ni Sean. “‘Wag mong pilitin ang sarili mo. Wala kang malay noong dinala kita sa hospital kanina, kaya’t alam ko ang kondisyon mo ngayon!” Pagkatapos, nagbuntong hininga siya at sinabi niya, “Hindi na dapat kita hinayaan na puntahan siya!” Napuno ng mga emosyon ang puso ni Nikki sa tunog ng nag aalala na boses ni Sean. Kinagat niya ang labi niya, tumitig siya kay Sean habang buhat nito si Bonnie palabas ng pinto, at bigla niyang naramdaman na para bang may kamay na pumiga sa puso niya. Nang parating na si Sean sa pinto, hinabol siya ni Nikki at hinawakan ang kamay niya. “Sean! Bakit si Bonnie lang ang mahalag
Magbasa pa
PREV
1
...
211212213214215
...
308
DMCA.com Protection Status