Tumahimik ang buong kwarto. Ang mga nurse at doctor, na nakatayo sa labas ng kurtina, naghihintay ng tulong, ay kabadong nagkatinginan. Kahit na hindi nila alam ang buong istorya ng nangyari sa pagitan ng pasyente na si Nikki at ang babaeng si Bonnie, kaya nilang hulaan ang pinag uusapan nila base sa mga clue. Ito siguro ay dahil napunta sa gulo si Bonnie at tumawag siya sa kapatid ni Nikki para humingi ng tulong, kaya’t lumabas ng bahay si Sean at nangyari ang mga kaganapan na ito. Kahit na naaawa sila kay Nikki sa pangyayaring ito… hindi makatwiran na pilitin niya si Bonnie na lumuhod at humingi ng tawad sa kanya. Tutal, hindi si Bonnie ang gumahasa sa kanya. Bukod pa dito, wala rin siyang relasyon sa lalaki na gumawa nito kay Nikki. Hindi kasabwat o mastermind si Bonnie, at humingi lang siya ng tulong sa kapatid ni Nikki noong napunta siya sa isang gulo. Nagbuntong hininga ang nurse at sinabi niya ng may mababang boses, “Mukhang kailangan pa nating tawagin ang kapati
Sumimangot si Nikki kay Bonnie. “Sabihin mo sa akin; ano sa sinabi ko ang kasinungalingan? Ang katotohanan, inaagaw mo ang kapatid ko mula sa akin, Bonnie!” Si Nikki, na siyang nakabihis na, ay tumayo at tumitig siya as maputlang mukha ni Bonnie mula sa tangkad niya. “Ito ang sasabihin ko sayo, Ms. Craig, sa akin lang si Sean!” “Mula nang nagkakilala tayo, sinabi ko na sayo na hindi ko siya tunay na kapatid. Kahit na lumaki kaming dalawa na magkasama at sinabi mo na magkapatid kami, hindi kami magkadugo!” “Akala ko na bilang isang babae, maiintindihan mo ang balak kong sabihin tungkol sa relasyon namin ng kapatid ko!” “Hindi ko alam kung dahil tanga ka lang para maintindihan ang ibig kong sabihin, o kung sinasadya mong hindi pinansin ang sinabi ko para agawin mo ang kapatid ko mula sa akin!” “Kahit anong mangyari, Bonnie, mas mahalaga pa rin ako sa kapatid ko kumpara sayo. Pagkatapos ka niyang iligtas at hindi ako, nakokonsensya siya sa mga kilos niya, kaya’t kailangan mo nan
“Ayos lang ako…” Sumandal si Bonnie kay Sean at sinabi niya ng mahina, “Kailangan ko lang magpahinga. Dapat mong alagaan si Nikki…” Pagkatapos, sinubukan niyang tumayo. Gayunpaman, akala niya ay may sapat na lakas siya. Hindi lang sa nabigo siya na tumayo, pero dahil sa gravity, nanginig ang katawan niya ay bumagsak siya pabalik sa yakap ni Sean. Muli siyang nahawakan ni Sean. “‘Wag mong pilitin ang sarili mo. Wala kang malay noong dinala kita sa hospital kanina, kaya’t alam ko ang kondisyon mo ngayon!” Pagkatapos, nagbuntong hininga siya at sinabi niya, “Hindi na dapat kita hinayaan na puntahan siya!” Napuno ng mga emosyon ang puso ni Nikki sa tunog ng nag aalala na boses ni Sean. Kinagat niya ang labi niya, tumitig siya kay Sean habang buhat nito si Bonnie palabas ng pinto, at bigla niyang naramdaman na para bang may kamay na pumiga sa puso niya. Nang parating na si Sean sa pinto, hinabol siya ni Nikki at hinawakan ang kamay niya. “Sean! Bakit si Bonnie lang ang mahalag
Kasalanan ito lahat ni Bonnie! Tumingin si Nikki sa direksyon ni Bonnie. Balang araw, kukunin niya si Sean, kahit ano ang mangyari!… “Ibaba mo ako,” Ang sabi ni Bonnie sa sandali na lumabas ng kwarto si Sean. Kumunot ang noo ni Sean, may sama ng loob sa kanyang mukha. “Sa tingin mo ba ay makakapaglakad ka kapag ibinaba kita?” Ngumiti si Bonnie. “Paano kung kaya ko?” Tinitigan siya ni Sean, pagkatapos ay dinala niya si Bonnie sa isang ward na walang laman at sinabi niya, “Maghintay ka dito; hahanapin ko ang doctor mo.” Nagbuntong hininga si Bonnie. “Dapat mong balikan si Nikki pagkatapos nito. Kailangan… ka niya ngayon.” Muling kumunot ang noo ni Sean nang marinig niya ito. “Sa tingin ko ay ikaw ang mas may kailangan sa akin.” Tumawa ng mapait si Bonnie. “Nandyan si Luna para sa akin…” “Wala na siya.” Nagkibit balikat si Sean at nagpaliwanag siya, “Hindi ko alam kung ano ang nangyari, pero may kausap siya sa phone at umalis siya ng hospital pagkatapos makipagtalo
Itim ang suot ni Jim, nakatayo siya sa tabi ng pinto, nakatitig siya kay Bonnie at tumitig siya ng malamig sa lahat ng tao. Nang makita niya na nakatingin si Bonnie sa kanya, ngumisi siya at lumapit siya ng mabagal. “Ang puso ni Ms. Craig ay para sa ibang tao na, at nagpapanggap lang siya kasama si Mr. Wheeler kanina.” Pagkatapos, tumitig siya kay Bonnie, ang tingin niya ay malamig at hindi niya mapigilan na manginig. “Tama ba ako, Ms. Bonnie Craig, ang magiging tagapagmana ng pamilya Landry?” Kumunot ang noo ni Bonnie nang marinig niya ito, pagkatapos ay sumingkit ang mga mata niya. “Sino ba ang tinutukoy mo na magiging tagapagmana ng pamilya Landry?” Hindi siya pumayag na magpakasal kay Jim, kahit na ito ang gusto nila Charles at Rosalyn. “Ikaw, syempre.” Lumapit si Jim, tinaas niya ang baba ni Bonnie, at pinilit niya ito na tumitig sa mga mata niya. “Hindi ba’t nagpapakipot ka lang sa akin Bonnie? Marami kang ginagawa para makasal sa akin, hindi ba? Hindi ba’t ito ang gust
“Kaya Bonnie, hindi kita pakakasalan, kahit na ano ang gawin mo para mangyari ito. Hindi kita pakakasalan dahil sa responsibilidad, at sa tingin ko ay tama lang ito para sa ating dalawa.” “Sige.” Ngumisi ng mapanglait si Bonnie. “Naiintindihan ko, Mr. Landry, pero kailangan ko pa rin ipaalala sayo—” Huminga siya ng malalim at nagpatuloy siya, “Una sa lahat, ang mga tao na humiling na tuparin mo ang pangako mo ay ang mga magulang mo, hindi ako. Bago pa ito, hindi ko pa sila nakilala, kaya naman, hindi ko magagawa ang plano na ito.” “Pangalawa…” Tumawa siya, ngumiti siya sa gwapong mukha ni Jim, at idinagdag niya, “Magkasintahan na kami ni Sean ngayon, at sa sandali na pumayag ako na maging girlfriend niya, sumuko na ako sayo, Mr. Landry.” “Kaya naman, dapat ka nang tumigil sa pagiging mayabang mo at ‘wag mo nang isipin na mahal pa rin kita.” Pagkatapos, lumingon siya at tumingin siya sa nurse, na siyang gulat sa pag uusap na ito. “Hindi ba’t tinanong mo sa akin kung magaling
Nang makita ni Jim na pinapahalagahan ni Sean si Bonnie na parang kayamanan, dumilim ang ekspresyon niya, may bahid ng inis sa kanyang puso. Kumunot ang noo niya at tumingin siya ng malamig kay Sean na para bang hindi siya sang ayon. “Ano naman ang krimen na ibubunyag mo sa mundo kapag hindi ako lumayo kay Bonnie?” Sumingkit ang mga mata ni Sean at lumingon siya para tumitig kay Jim. “Paano kung sinabi ko na halos patayin mo ang isang tao?” Habang sinasabi ito, tumingin siya kay Bonnie, na siyang malapit sa kanya, at sinabi niya ng malambing, “Paulit ulit siyang humihingi ng tulong habang nakakulong siya sa kotse, at alam ko na hindi ako ang una niyang tinawagan; kundi ikaw.” “Pero, hindi mo pinansin ang mga tawag niya, at sa oras na makarating ako doon, halos mamatay na siya. Sinabi ng doctor na kung lumipas pa ng isang minuto bago ako dumating, hindi na makakaligtas si Bonnie!” Lumingon siya para tumitig kay Jim. “Alam ko na hindi mo siya mahal, kaya’t kahit anong gawin niy
“Bonnie, ayaw kong pakialaman ang kaligayahan mo, pero…” Tumingin siya kay Sean, na sa sandaling ito, ay galit, at sinabi niya, “Hindi responsable na kinuha mo ang isang bata at gwapong lalaki, bilang isang rebound.” Tinikom ni Bonnie ang mga labi niya. Alam niya na ang mga sasabihin ni Jim, kahit na hindi pa ito nabanggit. Gayunpaman, ibang bagay kung naiisip niya ito at ibang bagay kung binanggit ito ni Jim sa harap ni Sean. “Payag ako na maging rebound niya,” Ang sabi ni Sean. Tumitig siya ng malamig kay Jim at nagpatuloy siya, “Hindi lang sa payag ako maging rebound niya, tanggap ko pa ito kumpara sa kahit anong bagay sa mundo. Kahit na ayaw niya sumama ng habang buhay sa akin, aalagaan ko pa rin siya sa panahon na magkasama kami.” Pagkatapos, ngumisi siya. “May gusto ka pa bang sabihin, Mr. Landry?” Nilunok ni Jim ang mga gusto niyang sabihin dahil sa mga sinabi ni Sean. Tumahimik siya ng ilang sandali, pagkatapos ay tumalikod siya at naglakad palabas ng kwarto.