“Kaya Bonnie, hindi kita pakakasalan, kahit na ano ang gawin mo para mangyari ito. Hindi kita pakakasalan dahil sa responsibilidad, at sa tingin ko ay tama lang ito para sa ating dalawa.” “Sige.” Ngumisi ng mapanglait si Bonnie. “Naiintindihan ko, Mr. Landry, pero kailangan ko pa rin ipaalala sayo—” Huminga siya ng malalim at nagpatuloy siya, “Una sa lahat, ang mga tao na humiling na tuparin mo ang pangako mo ay ang mga magulang mo, hindi ako. Bago pa ito, hindi ko pa sila nakilala, kaya naman, hindi ko magagawa ang plano na ito.” “Pangalawa…” Tumawa siya, ngumiti siya sa gwapong mukha ni Jim, at idinagdag niya, “Magkasintahan na kami ni Sean ngayon, at sa sandali na pumayag ako na maging girlfriend niya, sumuko na ako sayo, Mr. Landry.” “Kaya naman, dapat ka nang tumigil sa pagiging mayabang mo at ‘wag mo nang isipin na mahal pa rin kita.” Pagkatapos, lumingon siya at tumingin siya sa nurse, na siyang gulat sa pag uusap na ito. “Hindi ba’t tinanong mo sa akin kung magaling
Nang makita ni Jim na pinapahalagahan ni Sean si Bonnie na parang kayamanan, dumilim ang ekspresyon niya, may bahid ng inis sa kanyang puso. Kumunot ang noo niya at tumingin siya ng malamig kay Sean na para bang hindi siya sang ayon. “Ano naman ang krimen na ibubunyag mo sa mundo kapag hindi ako lumayo kay Bonnie?” Sumingkit ang mga mata ni Sean at lumingon siya para tumitig kay Jim. “Paano kung sinabi ko na halos patayin mo ang isang tao?” Habang sinasabi ito, tumingin siya kay Bonnie, na siyang malapit sa kanya, at sinabi niya ng malambing, “Paulit ulit siyang humihingi ng tulong habang nakakulong siya sa kotse, at alam ko na hindi ako ang una niyang tinawagan; kundi ikaw.” “Pero, hindi mo pinansin ang mga tawag niya, at sa oras na makarating ako doon, halos mamatay na siya. Sinabi ng doctor na kung lumipas pa ng isang minuto bago ako dumating, hindi na makakaligtas si Bonnie!” Lumingon siya para tumitig kay Jim. “Alam ko na hindi mo siya mahal, kaya’t kahit anong gawin niy
“Bonnie, ayaw kong pakialaman ang kaligayahan mo, pero…” Tumingin siya kay Sean, na sa sandaling ito, ay galit, at sinabi niya, “Hindi responsable na kinuha mo ang isang bata at gwapong lalaki, bilang isang rebound.” Tinikom ni Bonnie ang mga labi niya. Alam niya na ang mga sasabihin ni Jim, kahit na hindi pa ito nabanggit. Gayunpaman, ibang bagay kung naiisip niya ito at ibang bagay kung binanggit ito ni Jim sa harap ni Sean. “Payag ako na maging rebound niya,” Ang sabi ni Sean. Tumitig siya ng malamig kay Jim at nagpatuloy siya, “Hindi lang sa payag ako maging rebound niya, tanggap ko pa ito kumpara sa kahit anong bagay sa mundo. Kahit na ayaw niya sumama ng habang buhay sa akin, aalagaan ko pa rin siya sa panahon na magkasama kami.” Pagkatapos, ngumisi siya. “May gusto ka pa bang sabihin, Mr. Landry?” Nilunok ni Jim ang mga gusto niyang sabihin dahil sa mga sinabi ni Sean. Tumahimik siya ng ilang sandali, pagkatapos ay tumalikod siya at naglakad palabas ng kwarto.
Tumitig ng nalilito si Bonnie sa lalaking nakaluhod sa harap niya. Ang mga mata ni Sean ay puno ng katapatan, na para bang ang bawat salita na lumabas sa bibig niya ay maingat niyang pinag isipan ng mabuti. Baka walang ibang mararamdaman ang ibang babae kundi kaligayahan kapag may isang bata, gwapo, at responsableng lalaki na magsasabi sa kanila ng ganito, ngunit sa sandaling ito, ang nararamdaman lang ni Bonnie ay konsensya, at takot. Nakokonsensya siya dahil alam niya na hindi niya dapat dinamay si Sean sa drama sa pagitan nila ni Jim, at hindi dapat siya nagbigay ng maling impresyon kay Sean. Kahit na gaano kaganda ang pagtrato ni Sean sa kanya, alam niya na hindi siya mahuhulog para sa ibang tao maliban kay Jim. Sa huli, natakot siya. Natatakot siya na hindi na makakamove on si Sean mula sa kanya. Kapag nangyari ‘yun, dadagdag lang ito sa konsensya at pagsisisi niya. “Bonnie.” Ngumiti ng mapait si Sean nang makita niya na nakatitig sa kanya ng tahimik si Bonnie. “Ay
“Kaya mong alagaan ang sarili mo?” Sumunod si Bonnie sa tingin ni Sean, at nakita niya ang tinititigan nito, dumilim ang ekspresyon niya. “Aksidente lang ito.” Tumawa si Sean, may bahid ng panlalait sa tawa niya. Hindi malaman ni Bonnie kung nilalait ni Sean ang pagiging mahina niya o tumatawa ito sa sarili dahil sa mataas na hiling nito. Tumayo siya at sinabi niya, “Sige. Naiintindihan ko, Bonnie. Hindi na kita aabalahin ulit.” Pagkatapos, lumingon siya at naglakad siya palabas ng pinto. “Sean!” Sa sandali na tinulak niya pabukas ang pinto, si Nikki, na naghihintay sa labas, ay yumakap sa kanya, umiiyak. “Sean… Patawad!” “Pinagsisisihan ko na ang pagkakamali ko, at naiintindihan ko na ngayon na hindi ko dapat ginawa ito kay Ms. Bonnie…” “Kasi—masama ang loob ko sa nangyari sa akin ngayong araw kaya…” Hindi mapigilan ni Sean na mainis ng konti nang makita niya na umiiyak si Nikki sa braso niya. Tumingin siya dito at sinagot niya, “Hindi mo dapat siya trinato ng ganit
Kung tama ang pagkakaalala niya, ang listahan ng pangalan na hawak ni Paul Duncan… ay ang listahan ng lahat ng mga bata na nasa bahay ampunan! Noon, habang inaalam ang mga tunay na pagkakakilanlan ni Roanne at Charlotte, humingi ng tulong si Bonnie mula sa dating trabahador ng bahay ampunan. Gayunpaman, sinabi ng trabahador sa kanya na dahil matagal na panahon na naganap ang lahat ng ito, walang may alam sa mga pangalan ng mga bata sa bahay ampunan, o kung saan napunta ang mga ito. Gayunpaman, ang may ari ng bahay ampunan, si Mr. Duncan, ay may listahan ng mga pangalan ng lahat ng mga bata at kung saan sila pumunta pagkatapos umalis ng bahay ampunan. Dahil dito, binalak ni Bonnie na hanapin si Mr. Duncan para makuha ang listahan ng mga pangalan mula dito, ngunit… Matagal na siyang umalis ng Merchant City, at walang may alam kung saan siya pumunta o kung kailan siya babalik. Walang magawa si Bonnie kundi sumuko sa plano niya. Gayunpaman, hindi niya inaasahan na babalik big
Pagkatapos makinig sa plano ni Bonnie, agad na nagpadala ng mga tao si Joshua para mag empake ng gamit nila Bonnie, Harvey, at June para dalhin ito sa Tea Cottage. Nang matapos na si Bonnie sa IV drip niya ng gabi, gumanda na ang pakiramdam niya. Sa tulong ni Joshua at Luna, bumalik na siya sa Tea Cottage. Habang nakatayo sa gate, may mapait na ngiti sa mukha ni Bonnie habang nakatitig siya sa pamilyar na gusaling ito. Naaalala niya pa rin… Ito ang lugar kung saan unang beses silang nagsiping ni Jim, ang lugar kung saan masyadong marami ang alaala nila ni JIm. Ito ang lugar kung saan sila unang nagkakilala at naging magkasintahan, Ang unang beses na nagluto sila ng magkasama. Ang unang beses na magkasama sila sa shower… Napunta ang lahat ng mga alaalang ito sa isip niya habang pumikit. Ang imahe ng malamig na pag uugali ni Jim kaninang hapon ay dumating sa isip niya. ‘Kalimutan mo na siya,’ Ang inisip ni Bonnie sa sarili niya. Oras na para bumitaw siya. Sa loo
Tumigas ang buong katawan ni Christopher nang marinig niya ang sagot ni Bonnie. Tumitig siya kay Bonnie, hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. “Hindi ba’t gusto mo na maalala ka ni Jim? Bakit…” “Nagbago na ang isip ko.” Ngumisi si Bonnie. “Hindi na mahalaga kung naaalala niya ako o hindi; hindi magbabago ang kalalabasan. Kaya’t ‘wag ka nang mag aksaya ng lakas o oras.” Pagkatapos, nagbuntong hininga siya at nagpatuloy siya, “Tanggap ko na ang paghingi mo ng tawad, Christopher. Dahil hindi ka pa gumagaling ng tuluyan sa sakit mo, dapat kang magpokus sa pagpapahinga mo kaysa sa pag aalala mo sa amin ni Jim.” “Kapag… Kapag maayos na ang kondisyon mo, dadalhin ko na si June sa tabi mo. Tutal, tatay at guardian ka niya, kaya’t dapat hindi siya magtagal sa tabi ko.” Bukod pa dito, ang sanggol sa tiyan niya ay isisilang din, at hindi lang niya ibabalik si June kay Christopher, susubukan niya ring hanapin ang mga magulang ni Shelly. Sa tingin ni Bonnie ay wala siyang kakayahan