“Kaya mong alagaan ang sarili mo?” Sumunod si Bonnie sa tingin ni Sean, at nakita niya ang tinititigan nito, dumilim ang ekspresyon niya. “Aksidente lang ito.” Tumawa si Sean, may bahid ng panlalait sa tawa niya. Hindi malaman ni Bonnie kung nilalait ni Sean ang pagiging mahina niya o tumatawa ito sa sarili dahil sa mataas na hiling nito. Tumayo siya at sinabi niya, “Sige. Naiintindihan ko, Bonnie. Hindi na kita aabalahin ulit.” Pagkatapos, lumingon siya at naglakad siya palabas ng pinto. “Sean!” Sa sandali na tinulak niya pabukas ang pinto, si Nikki, na naghihintay sa labas, ay yumakap sa kanya, umiiyak. “Sean… Patawad!” “Pinagsisisihan ko na ang pagkakamali ko, at naiintindihan ko na ngayon na hindi ko dapat ginawa ito kay Ms. Bonnie…” “Kasi—masama ang loob ko sa nangyari sa akin ngayong araw kaya…” Hindi mapigilan ni Sean na mainis ng konti nang makita niya na umiiyak si Nikki sa braso niya. Tumingin siya dito at sinagot niya, “Hindi mo dapat siya trinato ng ganit
Kung tama ang pagkakaalala niya, ang listahan ng pangalan na hawak ni Paul Duncan… ay ang listahan ng lahat ng mga bata na nasa bahay ampunan! Noon, habang inaalam ang mga tunay na pagkakakilanlan ni Roanne at Charlotte, humingi ng tulong si Bonnie mula sa dating trabahador ng bahay ampunan. Gayunpaman, sinabi ng trabahador sa kanya na dahil matagal na panahon na naganap ang lahat ng ito, walang may alam sa mga pangalan ng mga bata sa bahay ampunan, o kung saan napunta ang mga ito. Gayunpaman, ang may ari ng bahay ampunan, si Mr. Duncan, ay may listahan ng mga pangalan ng lahat ng mga bata at kung saan sila pumunta pagkatapos umalis ng bahay ampunan. Dahil dito, binalak ni Bonnie na hanapin si Mr. Duncan para makuha ang listahan ng mga pangalan mula dito, ngunit… Matagal na siyang umalis ng Merchant City, at walang may alam kung saan siya pumunta o kung kailan siya babalik. Walang magawa si Bonnie kundi sumuko sa plano niya. Gayunpaman, hindi niya inaasahan na babalik big
Pagkatapos makinig sa plano ni Bonnie, agad na nagpadala ng mga tao si Joshua para mag empake ng gamit nila Bonnie, Harvey, at June para dalhin ito sa Tea Cottage. Nang matapos na si Bonnie sa IV drip niya ng gabi, gumanda na ang pakiramdam niya. Sa tulong ni Joshua at Luna, bumalik na siya sa Tea Cottage. Habang nakatayo sa gate, may mapait na ngiti sa mukha ni Bonnie habang nakatitig siya sa pamilyar na gusaling ito. Naaalala niya pa rin… Ito ang lugar kung saan unang beses silang nagsiping ni Jim, ang lugar kung saan masyadong marami ang alaala nila ni JIm. Ito ang lugar kung saan sila unang nagkakilala at naging magkasintahan, Ang unang beses na nagluto sila ng magkasama. Ang unang beses na magkasama sila sa shower… Napunta ang lahat ng mga alaalang ito sa isip niya habang pumikit. Ang imahe ng malamig na pag uugali ni Jim kaninang hapon ay dumating sa isip niya. ‘Kalimutan mo na siya,’ Ang inisip ni Bonnie sa sarili niya. Oras na para bumitaw siya. Sa loo
Tumigas ang buong katawan ni Christopher nang marinig niya ang sagot ni Bonnie. Tumitig siya kay Bonnie, hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. “Hindi ba’t gusto mo na maalala ka ni Jim? Bakit…” “Nagbago na ang isip ko.” Ngumisi si Bonnie. “Hindi na mahalaga kung naaalala niya ako o hindi; hindi magbabago ang kalalabasan. Kaya’t ‘wag ka nang mag aksaya ng lakas o oras.” Pagkatapos, nagbuntong hininga siya at nagpatuloy siya, “Tanggap ko na ang paghingi mo ng tawad, Christopher. Dahil hindi ka pa gumagaling ng tuluyan sa sakit mo, dapat kang magpokus sa pagpapahinga mo kaysa sa pag aalala mo sa amin ni Jim.” “Kapag… Kapag maayos na ang kondisyon mo, dadalhin ko na si June sa tabi mo. Tutal, tatay at guardian ka niya, kaya’t dapat hindi siya magtagal sa tabi ko.” Bukod pa dito, ang sanggol sa tiyan niya ay isisilang din, at hindi lang niya ibabalik si June kay Christopher, susubukan niya ring hanapin ang mga magulang ni Shelly. Sa tingin ni Bonnie ay wala siyang kakayahan
Pagkatapos, ibinaba ni Christopher ang phone niya ng hindi niya man lang hinayaan si Jim na mag isip, paano pa ang sumagot. Habang nakaupo sa study room, hindi mapigilan ni Jim na ngumisi habang nakatitig siya sa phone. Hindi pa rin nagbabago si Christopher; lagi siyang gumaganti tuwing pakiramdam niya ay mali ang pagtrato sa kanya. Ibinaba ni Jim ang phone niya kay Christopher dahil bad mood siya, at sa loob ng ilang minuto, tumawag si Christopher at ginawa din ito sa kanya para maghiganti. Gayunpaman, ibig sabihin nito ay gumaling na si Christopher at bumalik na siya sa sarili niya. Habang nakaupo sa upuan, pinag isipan niya pa ito, bago siya tumayo. Wala pa siyang nahahanap na clue tungkol kay Number-9 mula sa impormasyon na nakuha niya sa assistant niya, at alam niya na hindi magiging madali para hanapin si Number-9. Dahil ganito ang sitwasyon, hindi masama kung makikipagkita siya kay Christopher para uminom. Bukod pa dito, nakumbinsi siya na pinadala ni Bonnie si C
Sa bar, may suot na berdeng shirt si Christopher, nakaupo siya sa sulok ng kwarto habang umiinom siya ng beer at nakatingin sa oras. Naglabas siya ng elegante at malamig na Aura na mag papalapit sa mga babae sa kanya, ngunit kahit na maraming babae ang lumagpas sa kanya, hindi niya tiningnan ang mga babaeng ito at sa halip ay hinintay niyang dumating ang kaibigan niya. “Ano ang ginagawa niya dito?” Sa malayo, kinuha ni Laura ang baso niya at uminom siya dito at tumingin siya kay Christopher. Pumunta siya sa bar na ito para lunurin ang kalungkutan niya. Noong una, akala niya na kapag nanatili siya sa tabi ni Joshua, mapagtatanto ni Joshua na isang matagumpay at nakakaakit na babae siya at mas mabuting babae pa siya kaysa kay Luna. Hindi niya inaasahan na ang isang tao na kasing gwapo at matagumpay na tulad ni Joshua ay sunod sunuran sa isang babae! Sa sobrang mahal niya kay Luna ay hindi magbabago ang isip niya tungkol kay Luna, kahit ano man ang sabihin ni Laura. Sa is
Isang bata na may lima o anim na taong gulang na may malaki at magandang mga mata, mala-rosas na balat, at mahilig magsuot ng mga traditional na dress… Si June ito, sigurado siya. Sa sandali na maisip niya ito, hindi na malamig ang tingin ni Christopher kay Laura at tinanong niya, “Sinasabi mo na naging pasyente mo siya? Anong problema sa kanya? Saan mo siya nakita?” Nagbuntong hininga si Laura. “Nakita ko siya sa bahay ni Mr. Joshua Lynch.” “Kawawang bata siya. Wala siyang nanay, at umalis ang tatay niya. Wala siyang magawa kundi alagaan siya ng kaibigan ng tatay niya, kung saan kailangan niyang magmakaawa para kumain…” “Kung hindi siya trinato ng masama ng kaibigan ng tatay niya, hindi sana siya magkakasakit ng basta basta.” “Nabalitaan ko na galing pa ang kaibigan ng tatay niya mula sa Banyan City. Kawawang bata…” Pagkatapos, tumingin siya kay Christopher, sinubukan niyang obserbahan ang ekspresyon nito. “Hindi ba, Dr. Roberts?” Sumingkit ang mga mata ni Christopher
“Ako?” Ngumisi si Jim at tumingin siya kay Christopher. “Hindi ko alam na mahalaga pala sayo ang ibang tao maliban kay Bonnie.” Pagkatapos, umupo siya ng mas komportable, sumandal siya sa mesa, at dinagdag niya, “Noong binanggit mo siya noong tinawagan mo ako, akala ko ay kakausapin mo ako para sa kanya.” “Hindi. Hindi niya kailangan ng kaibigan na tulad ko na sinaktan siya dati, paano pa kaya… ang kausapin ka para sa kanya.” Ngumiti si Christopher na para bang tinatawanan niya ang sarili niya, pagkatapos ay lumingon siya para tumitig kay Jim. “Jim, may importante akong ginagawa ngayon, at sa sandali na tapos na ako, baka isama ko si June papunta sa norte.” “Binigyan na ako ni Aunty Rosalyn ng recipe para gumawa ng gamot sa sakit ko, at makakagawa na ako ng sarili kong gamot. Gusto kong…” Huminto siya ng ilang sandali bago siya nagpatuloy, “Gusto kong dalhin sa ibang lugar si June kung saan walang nakakakilala sa amin para magsimula kami ng bagong buhay.” Tumigas ang buong ka