Sa bar, may suot na berdeng shirt si Christopher, nakaupo siya sa sulok ng kwarto habang umiinom siya ng beer at nakatingin sa oras. Naglabas siya ng elegante at malamig na Aura na mag papalapit sa mga babae sa kanya, ngunit kahit na maraming babae ang lumagpas sa kanya, hindi niya tiningnan ang mga babaeng ito at sa halip ay hinintay niyang dumating ang kaibigan niya. “Ano ang ginagawa niya dito?” Sa malayo, kinuha ni Laura ang baso niya at uminom siya dito at tumingin siya kay Christopher. Pumunta siya sa bar na ito para lunurin ang kalungkutan niya. Noong una, akala niya na kapag nanatili siya sa tabi ni Joshua, mapagtatanto ni Joshua na isang matagumpay at nakakaakit na babae siya at mas mabuting babae pa siya kaysa kay Luna. Hindi niya inaasahan na ang isang tao na kasing gwapo at matagumpay na tulad ni Joshua ay sunod sunuran sa isang babae! Sa sobrang mahal niya kay Luna ay hindi magbabago ang isip niya tungkol kay Luna, kahit ano man ang sabihin ni Laura. Sa is
Isang bata na may lima o anim na taong gulang na may malaki at magandang mga mata, mala-rosas na balat, at mahilig magsuot ng mga traditional na dress… Si June ito, sigurado siya. Sa sandali na maisip niya ito, hindi na malamig ang tingin ni Christopher kay Laura at tinanong niya, “Sinasabi mo na naging pasyente mo siya? Anong problema sa kanya? Saan mo siya nakita?” Nagbuntong hininga si Laura. “Nakita ko siya sa bahay ni Mr. Joshua Lynch.” “Kawawang bata siya. Wala siyang nanay, at umalis ang tatay niya. Wala siyang magawa kundi alagaan siya ng kaibigan ng tatay niya, kung saan kailangan niyang magmakaawa para kumain…” “Kung hindi siya trinato ng masama ng kaibigan ng tatay niya, hindi sana siya magkakasakit ng basta basta.” “Nabalitaan ko na galing pa ang kaibigan ng tatay niya mula sa Banyan City. Kawawang bata…” Pagkatapos, tumingin siya kay Christopher, sinubukan niyang obserbahan ang ekspresyon nito. “Hindi ba, Dr. Roberts?” Sumingkit ang mga mata ni Christopher
“Ako?” Ngumisi si Jim at tumingin siya kay Christopher. “Hindi ko alam na mahalaga pala sayo ang ibang tao maliban kay Bonnie.” Pagkatapos, umupo siya ng mas komportable, sumandal siya sa mesa, at dinagdag niya, “Noong binanggit mo siya noong tinawagan mo ako, akala ko ay kakausapin mo ako para sa kanya.” “Hindi. Hindi niya kailangan ng kaibigan na tulad ko na sinaktan siya dati, paano pa kaya… ang kausapin ka para sa kanya.” Ngumiti si Christopher na para bang tinatawanan niya ang sarili niya, pagkatapos ay lumingon siya para tumitig kay Jim. “Jim, may importante akong ginagawa ngayon, at sa sandali na tapos na ako, baka isama ko si June papunta sa norte.” “Binigyan na ako ni Aunty Rosalyn ng recipe para gumawa ng gamot sa sakit ko, at makakagawa na ako ng sarili kong gamot. Gusto kong…” Huminto siya ng ilang sandali bago siya nagpatuloy, “Gusto kong dalhin sa ibang lugar si June kung saan walang nakakakilala sa amin para magsimula kami ng bagong buhay.” Tumigas ang buong ka
“Ibig sabihin nito ay… ang anak na ipinagbubuntis niya ay hindi sayo, pero…” “Sayo ‘yun,” Ang sabi ni Christopher, tumitig siya kay Jim. “Ang tao na tanging minahal ni Bonnie ay ikaw. Para naman sa aming dalawa…” “Pangarap ko lang ito sa simula, at wala siyang gusto sa akin.” Sa sobrang higpit ng hawak ni Jim sa baso niya ay namutla ang kamao niya. “Nabuntis… ko siya?” “Oo.” Nagbuntong hininga si Christopher. “Dati, akala ko ay bagay kayo ni Charlotte dahil magkasama kayo simula pa noong bata pa kayo noong unang nagkita kayo sa bahay ampunan.” “Kaya naman, naisip ko na… kahit na nagsinungaling ako kay Bonnie tungkol sayo at pinalaglag niya ang bata, magiging mabuti rin ito para sayo. Tutal, hindi na kayo ulit magkakabalikan, kaya’t ano pa ang punto para mabuhay ang bata?” “Pero, hindi ko inaasahan na…” Pumikit siya at tumawa ng mapait. “Hindi ko inaasahan na nagsisinungaling lang sayo si Charlotte.” Lumingon siya at tumingin siya kay Jim. “Hahanapin mo pa ba si Number-9
Sa Tea Cottage? Napahinto ang driver nang marinig niya ang lugar na ito na matagal nang hindi nabanggit. “Sir, sisiguraduhin ko lang po… gusto niyo pong pumunta sa Tea Cottage?” Naalala niya na ang tanging panahon na pumunta si Jim sa Tea Cottage noong nawala ang mga alaala nito ay para harapin si Bonnie, kaya’t bakit biglang gusto pumunta ngayon ni Jim doon?” Bukod pa dito… lumipat na ba paalis ng Tea Cottage si Bonnie? Kung ganun, isang abandonadong mansion na lang ang Tea Cottage. “Ano ang pakialam mo dito?” Kumunot ang noo ni Jim nang marinig niya ito. Humiga siya sa backseat, nakapikit pa rin, at sinabi niya na may bahid ng pagka irita sa boses niya, “Sundin mo na lang ang sinasabi ko. Ikaw ba ang driver, o ako?” Agad na tumahimik ang driver at binuksan niya ang makina nang marinig niya ang galit na tono ni Jim. Umalis na ng main road ang kotse. Kahit na nakapikit si Jim, hindi niya mapigilan na banggitin ang pangalan ni Bonnie ng pabulong. Nagbuntong hininga ang
“Bonnie…” Pumasok ang amoy ng alak sa bahay nang bumukas ang pinto. Pumasok ng kwarto si Jim, halatang lasing siya, at lumapit siya sa tabi ni Bonnie. “Miss na kita.” Ngumiti siya kay Bonnie, pagkatapos ay sumandal siya dito ng nanghihina. Hindi ito inaasahan ni Bonnie, at nabitawan niya ang baso, tumapon ang tubig sa kanilang dalawa ni Jim. Gayunpaman, patuloy si Jim sa pagyakap Bonnie ng mahigpit na para bang hindi niya maramdaman ang tubig na nasa damit niya. “Matagal na kitang hindi nakikita… miss na talaga kita…” Kumunot ang noo ni Bonnie at tinulak niya palayo si Jim, pagkatapos ay tumingin siya sa mukha nito. “Gaano karami ang nainom mo?” Ang ilong ni Bonnie ay napuno ng amoy ng alak na mula sa katawan ni Jim. Tumawa si Jim, pagkatapos ay nilapit niya ang hintuturo niya kay Bonnie. “Konti… Konti lang.” Pagkatapos, nilabas niya ang mga kamay niya at niyakap niya muli si Bonnie at sinabi niya ng may paglalambing sa boses niya, “Miss na talaga kita…” Kahit ano a
Sa sandali na matapos magsalita si Jim, tumahimik ang buong kwarto. Katahimikan. Pinigilan ni Bonnie ang paghinga niya habang nakatitig siya kay Jim, na para bang tumigas ang buong katawan niya. Tumigil ang isip niya, at hindi siya makaimik, naramdaman niya na para bang huminto ang puso niya. Kinagat niya ang labi niya at tumitig siya ng tulala sa painting sa pader sa harap niya. Ito ang painting na binili nilang dalawa ni Jim mula sa isang street painter na nakita nila sa biyahe nila noong anim na taon na ang nakalipas. Ito ay isang drawing nilang dalawa ni Jim, nakatayo ng magkatabi sa isang tulay sa tabi ng dagat, pinapanood ang paglubog ng araw. Hindi nila alam na pinipinta sila ng artist, at nang matapos na sila manood ng paglubog ng araw, lumapit ang artist sa kanila at pinakita ang painting sa kanila, sinabi ng artist na hindi niya matiis na ipinta ang mahika na sandali na ito sa artwork niya. Sa mga oras na ‘yun, gustong iregalo ng artist na ito ang painting sa
Gayunpaman, hindi pa rin buo ang malay ni Jim. Kung matino nga talaga siya ngayon, hindi niya sasabihin sa driver niya na dalhin siya sa Tea Cottage, o hindi niya rin sasabihin ang mga sinabi niya kay Bonnie. Sa katotohanan, nagulat niya ang sarili niya nang hinila niya palapit si Bonnie. Ito ay para bang… may signal sa isip at katawan niya na nagkumbinsi sa kanya na gawin ito. Hindi niya rin alam kung bakit niya ito ginawa. Nararamdaman niya na para bang may ibang bersyon ng sarili niya na nakakulong sa loob niya, inuutusan siya na hanapin si Bonnie at magpropose dito. Sa sandali na maisip niya ito, pumikit si Jim at huminga siya ng malalim, pagkatapos ay kumatok siya sa ulo niya. Hindi kaya’t katotothanan ang sinasabi ni Christopher? In love na ba siya kay Bonnie bago pa nawala ang mga alaala niya? Nakalimutan niya ba si Bonnie dahil mahalaga masyado si Bonnie para sa kanya? Kumunot ang noo ni Jim at nag isip siya ng malalim nang mapagtanto niya ito. Makalipas an