Lahat ng Kabanata ng Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko: Kabanata 1331 - Kabanata 1340

3080 Kabanata

Kabanata 1331

Namula lalo ang mukha ni Luna dahil sa mga sinabi ni Joshua. Tinikom ni Luna ang mga labi niya at sinabi niya ng may mababang boses na halos hindi na marinig, “Sa totoo lang… natuklasan ko lang noong ilang araw na ang nakalipas.” Ibig sabihin, wala pang isang buwan nang mabuntis siya, kaya’t hindi dapat siya magpakita ng kahit anong senyales ng pagbubuntis. Si Bonnie lang ang nakakita kung gaano kasama ang itsura ni Luna kahapon at nagdala siya ng pregnancy test kit para kay Luna nitong umaga. Ang resulta ay… Buntis nga talaga si Luna. Hindi rin siya makapaniwala dito. Dahil nakunan siya dati… ang oras lang na nakasiping niya si Joshua ay noong gabi na nilason siya ni Aura. Sino ang mag aakala na mabubuntis ulit siya dahil lang sa isang gabi. Sa nakalipas na anim na taon, sinubukan niya ang lahat, at makalipas lang ang dalawang taon ng kasal nila, doon lang siya nabuntis kay Joshua. Ngayon naman, hindi nila ito pinaghirapan. Baka dahil plano ito ng Diyos. Baka dahil naa
Magbasa pa

Kabanata 1332

“Imposible ‘yun!” Suminghal si Adrian at lumingon siya para tumingin sa malayo. “Guard, palabasin niyo ang reporter na ito na gumagawa ng gulo!” Bago pa makapagsalita ang reporter, dinala na siya palayo ng mga guard. Nakatayo lang sa pwesto si Adrian habang nakatitig siya sa reporter na dinala palayo at hindi niya mapigilan na itikom ang mga labi niya. “Panira ng araw.” Paano nasabi ng reporter na ‘yun ang ganitong bagay para sirain ang isang masayang okasyon? Pagkatapos, lumingon si Adrian at ngumiti siya sa madla ng mga reporter sa harap niya. “May mga tanong pa ba kayo?” Nagkatinginan ang mga reporter, ngunit wala sa kanila ang nagtanong pa kay Joshua. “Mr. Adrian, paano niya plano na ayusin ang kumpanya pagkatapos matanggap ang shares ng Lynch Group?” “Plano niyo ba na patakbuhin ang kumpanya ng mag isa, o ipapasa niyo ito sa anak niyong si Michael?” “Sa tingin niyo ba ay mas tataas ang kita ng kumpanya sa kamay ni Michael kumpara kay Joshua?”…Habang nakaupo sa
Magbasa pa

Kabanata 1333

Tumahimik ang buong kwarto dahil sa mga sinabi ni Joshua. Ang lahat ng tao, ang lahat ng nasa entablado at nasa ibaba, ay gulat na tumingin kay Joshua. Hindi mapigilan ni Adrian na tumawa ng mahina nang makita niya na kampante ang itsura ni Joshua. Tumitig siya ng malamig kay Joshua at sinabi niya, “Ikaw ang nagdala ng mamamatay-tao dito, pero sinasabi mo na nandito ka para dalhin ako sa impyerno? Trabaho ko ‘yun, pero hindi ko pa nasisimulan!" Tumuro siya kay Joshua at sinabi niya ng galit at mapanglait na tono, “Kayong dalawa! Ang isa ay pumatay sa mahal kong nanay, at ang isa ay gumawa ng autopsy para ipahiya ang bangkay niya!” “Ang rason kung bakit ginawa mo ito ay dahil gusto ng nanay ko na ibigay ang kalahati ng mana ng pamilya Lynch sa amin ni Michael habang may sakit pa siya! Gusto mong sarilihin ang pera, kaya’t pinatay mo siya bago pa niya baguhin ang huling habilin. Hindi lang ‘yun, gumawa ka pa ng autopsy para hindi na maging buo ang katawan niya ulit.” “Joshua Ly
Magbasa pa

Kabanata 1334

“Dalawa silang gumawa ng ebidensya para sabihin na namatay ang nanay ko habang ipinapanganak ako, sa katotohanan…” Tumuro si Joshua sa mga witness statement na ginawa ng doctor na sinuhulan ni Adrian. “Si Adrian ang nagbigay ng suhol sa doctor para patayin niya si Ms. Rianna.” Nagkagulo ang mga madla nang matuklasan nila ito. Tumitig ang lahat kay Joshua sa gulat. Ang lahat ng nasa Banyan City na nasa edad na ay naaalala ang nanay ni Joshua, si Rianna. Kahit na hindi siya mula sa Banyan City, siya ang minsan na pinakamagandang asawa sa bayan ng Banyan. Pagkatapos magpakasal kay Adrian, tinulungan niya si Adrian sa maraming bagay at gumawa pa sila ng sarili nilang negosyo. Kahit na maraming taon na simula nang pumanaw si Rianna, tuwing babanggitin ang pangalan niya, nagdadalamhati ang lahat sa maaga niyang pagkamatay. Alam ng lahat na ang talino ni Joshua sa negosyo ay nakuha niya kay Rianna. Gayunpaman, walang nag-akala na sina Adrian at Celia ang may pakana ng pagkamatay
Magbasa pa

Kabanata 1335

Nawala ang kulay sa mukha ni Michael. Sa huli, nilunok pala ng matandang bruha ang nawawalang piraso ng bandage niya! Noong una, naisip niya na ang nawawalang piraso ay nahulog habang pinapalitan ang bandage niya at pinagalitan niya pa ang nutse dahil dito. Kung sabagay, ang bandage na ito ay mula sa espesyal na materyal na siya lang ang makakagamit sa buong Banyan City. Ito ay isang simbolo ng respeto! Gayunpaman, sa ikinagulat niya… ang nawawalang piraso ng bandage ay nasa loob ng tiyan ni Granny. Tuso ang matandang buhang ‘yun! Gumawa ito ng gulo para sa kanila kahit na patay na ito! “Maling akusasyon ito!” Sa oras na makita niya na maputla ang mukha ni Michael, alam agad ni Adrian na totoo ang sinasabi ni Joshua. Gayunpaman, ayaw niya pa ring umamin ng pagkatalo. “Joshua, ‘wag mo isipin na kaya mong iset-up si Michael sa pagpatay dahil lang nakahanap ka ng ebidensya na tulad nito! Tahimik at mahiyain na lalaki si Michael. Hindi siya papatay ng kahit sino, paano pa kaya an
Magbasa pa

Kabanata 1336

Galing ba ito sa batang lalaki? Kumunot ang noo ni Bonnie habang pinulot niya ang pendant at nilagay niya ito sa bulsa niya. Kung sabagay, tinulungan ng bata sina Luna at Joshua. Bukod pa dito, agad niya natandaan ang mukha ng bata. Sa sandali na matapos ang mga ito, ipapadala niya ang isa sa mga tauhan niya para hanapin ang bata at ibalik ang pendant nito. Samantala, sa entablado… Hindi natakot sina Adrian at Michael sa biglang mga sinabi ng batang lalaki, ngunit ayaw pa rin umamin si Adrian sa katotohanan. “Paano naman tayo maniniwala sa sinasabi ng isang bata?” “Kung ganun, gusto mo bang makinig sa konklusyon ng isang imbestigador?” Ngumisi si Joshua at pinindot niya ang video. Ito ay isang video ng maraming imbestigador na magkakasama. Maliban sa pagsusuri nila kung sadyang nilunok nga talaga ni Granny Lynch ang bandage, nagbigay pa ng isang konklusyon ang mga imbestigador: ang DNA na nakuha mula sa dugo sa bandage ay galing kay Michael. Mas lalong namutla ang mga muk
Magbasa pa

Kabanata 1337

Hindi lang nagulat si Luna sa mga kilos ni Adrian, pati si Michael, na pinoposasan ng mga pulis sa malayo, ay wala ring masabi dahil dito. Hindi niya inaasahan na kahit na sinunod niya ang mga utos ni Adrian na patayin ang matandang bruha para sa mana ng pamilya… pagtataksilan siya ng tatay niya. Hindi lang siya sinampal ni Adrian habang hinuhuli siya ng mga pulis, sinubukan pang ipakita ni Adrian ang katapatan nito kay Joshua! Nagalit si Michael at sumigaw siya, “Walang hiya ka para magpanggap na inosente ka! Ang lahat ng ginawa ko ay ayon sa mga plano mo! Kung hindi dahil sayo, hindi ko papatayin si Granny! Mr. Pulis, ikulong niyo siya! Siya ang may pakana sa pagpatay na ito! Ikulong niyo siya!” Suminghal si Adrian. “Anong kalokohan!” “Hindi ako nagsasabi ng kalokohan!” Sa sobrang galit ni Michael ay pwersahan siyang nakatakas sa mga pulis, tumalon siya kay Adrian, at binugbog niya ito. Agad na nagkagulo ang entablado. Samantala, ang lahat ng reporter sa ibaba ng entabl
Magbasa pa

Kabanata 1338

“Noong una, gusto kitang tulungan, dahil magkapatid tayo.” “Basta’t mamatay si Luna, hindi na makakabalik sa pamilya Landry ang tunay na tagapagmana ng pamilya Landry, pero ngayon…” “Kasalanan ko ang lahat. Alam ko naman na hindi ka magaling, pero binigyan pa rin kita ng mahirap na tungkulin. Ngayon, wala kang paraan para tumakas… Kapag hinanap ka ni Joshua, hindi mo siya matatakasan sa Banyan City.” “Kahit na kapatid mo ako, masyado akong malayo, at hindi kita matutulungan…” Kinagat ni Aura ang labi niya nang marinig niya ito. “‘Wag kang mag alala, Sis.” Kumunot ang noo niya at nagpatuloy siya, “Kung mamamatay ako, isasama ko si Luna at ang tatlong mga bwisit na bata.” Suminghot ang babae sa kabilang linya. “Pero Aura, gusto ko pa rin na makauwi ka ng buhay…” Sumingkit ang mga mata ni Aura, ngunit hindi siya sumagot. Sa halip, ibinaba niya ang phone. Pagbaba niya ng phone, ang camera sa TV screen ay lumipat sa mukha ni Joshua, malambing nakalagay sa baywang ni Luna ang
Magbasa pa

Kabanata 1339

Sa Lynch Mansion. Pagkatapos utusan ng butler na si Alfred, ang mga mga katulong na pagandahin ang venue. May van na dumating para magdeliver ng puting mga bulaklak para sa service. May babaeng driver na may suot na sombrero at face mask na bumaba ng driver’s seat at inabot ang resibo ng mga gamit kay Alfred. Tumingin si Alfred sa invoice, pagkatapos ay inutos niya sa mga katulong na icheck ang order amount. Habang ginagawa niya ito, kumunot ang noo niya at tumingin siya sa driver. “Bakit ka nakasuot ng ganito?” Binaba ng driver ang boses niya at umubo siya ng mahina. “May flu ako, at narinig ko na maraming tao dito sa memorial service, kaya’t ayaw kong mahawa ang kahit sino.” Nang marinig niya ito, napaatras si Alfred at lumayo siya sa babaeng driver. Natapos ang mga katulong sa pagbibilang ng mga vase ng bulaklak. Pinirmahan ni Alfred ang resibo, inabot niya sa driver ang payment slip, at pinapunta siya sa accounting department sa backyard. Si Aura, na may suot na som
Magbasa pa

Kabanata 1340

“Ang tatay ko ay… hindi tinupad ang responsibilidad niya bilang isang tatay, at sa halip, lagi niya akong sinisiraan.” Pagkatapos, tumalikod siya at dinagdag niya, “Pati, may magandang balita pa: umamin na siya kung saan ang pinagtataguan ni Aura. Dadalhin ko ang mga tauhan ko para hanapin siya.” Tumigil ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Pakiusap, mag ingat ka.” Ngumiti si Joshua at sumagot siya ng mahina. Pagkatapos, tinulungan niya na tumayo si Luna sa upuan at sinabi niya, “Dapat kang umuwi sa bahay kasama ang mga bata at magpahinga ka. Ang hula ko ay nakita na siguro ni Aura ang balita na nahuli na si Adrian, at sinusubukan niya sigurong tumakas.” “Pero, walang tao sa bukid na ‘yun, at hindi siya pwedeng lumayo masyado. Baka lang matagalan bago natin siya mahanap, kaya’t hindi mo na ako kailangan hintayin.” Tumango si Luna, pagkatapos ay tumayo siya at naglakad siya paalis ng backyard sa tulong ni Joshua. Gabing gabi na. Pagkatapos paalisin ang hu
Magbasa pa
PREV
1
...
132133134135136
...
308
DMCA.com Protection Status