Все главы Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko: Глава 1341 - Глава 1350

3080

Kabanata 1341

Si Aura, na sumunod sa likod ni Alfred, ay tumigas ang katawan nang marinig niya ito.Bumitaw ang sarang mga kamao niya at nilagay niya ito sa bulsa niya.Sa loob ng bulsa sa likod ng itim na coat ay ang malaking gunting, na nilinis niya para mawala ang dugo. Ginamit niya ang gunting na ito para patayin ang tunay na driver kaninang ilang oras lang ang nakalipas.Kinalkula na ni Aura sa isip niya ang layo niya kela Joshua at Luna. Kapag lumapit pa sila, makakalapit siya at masasaksak niya ang tiyan ni Luna gamit ang gunting. Parehong hindi makakaligtas si Luna at ang bata! Narinig niya na palapit ng palapit ang mga yapak ni Joshua. Kumunot ang noo ni Joshua habang tumitig siya sa hugis ni Aura. Tila pamilyar ang babaeng ito sa kanya. “Sir.” Subalit, habang papalapit siya kay Aura, umubo si Alfred at sinabi niya, “Ito po ang isa sa mga regular na supplier natin dito sa Lynch Mansion. Mahilig po ang lola niyo na kumuha ng mga bulaklak sa nursery ng babaeng ito, at ngayon at puman
Читайте больше

Kabanata 1342

“Isa para kay Nigel, isa para sa akin.” “Isa para kay Neil, isa para sa akin.” “Isa para kay Mommy, isa para sa akin.” “At para sa akin ang huling piraso…” Nakaupo si Neil sa wheelchair niya, naaaliw niyang pinanood ang kapatid niya habang napapangiti dahil dito. Si Nellie nga talaga ang kamukha ng Daddy nila sa kanilang tatlong magkakapatid. Kasing talino niya rin si Joshua. Umuwi si Luna habang naglalaro silang tatlo. Sa sandali na buksan niya ang pinto, tinago ni Luna ang pagod na ekspresyon niya at ngumiti siya sa tatlong bata na nasa sala. “Bakit hindi pa kayo natutulog?” Ngumuso si Nellie at inalok niya ang plato ng orange kay Luna. “Hinihintay po namin kayong umuwi.” “Nagaalala po ako ng sobra kahapon, pero hindi po ako hinayaan ni Daddy na bisitahin ko kayo sa kulungan kasama si Aunty Bonnie, kaya’t hindi po ako natulog hanggang sa umuwi kayo ngayon!”Kinuha nii Luna ang plato mula kay Nellie at pupurihin niya na sana ito, nang biglang lumapit si Neil at kinu
Читайте больше

Kabanata 1343

Pumunta sina Nigel at Nellie sa tabi ni Neil. Ang van na nakapark sa labas ng bahay nila ay walang iba kundi ang nawawalang van ng florist! Pati, napansin ni Nigel na ang likod na gulong ng van ay may bahid ng dugo. Habang nakasilip ang tatlong bata sa salamin, may babaeng nakasuot ng itim na papunta sa likod ng van. Binuksan nito ang pinto at nilabas ang puting balde na puno ng likido. Tumalikod ang babae, pumunta ito sa hardin, at lumabas sa kabilang dulo nito. Binuksan ng babae ang balde at binuhos ang likidong walang kulay sa ibaba ng villa. Biglang napagtanto ni Nellie na noong akala niya ay may naamoy siyang gasolina, tama pala siya. Ito ay ang amoy ng gasolina! “Si Aura iyon.” Kahit na hindi nakita ni Nigel ang mukha ng babae, alam niya kung sino ito. “Gusto niyang sunugin ang bahay at patayin tayong nasa loob. Sa ganyang dami ng gasolina, imposible na mapatay ang apoy kapag sinindihan niya na ito.” Pagkatapos, kalmadong sinabi ni Nigel, “Nellie, hanapin mo ang b
Читайте больше

Kabanata 1344

Huminga ng malalim si Lily, kinagat niya ang ngipin niya at sinabi niya ng namamaos na boses, “Alam ko na magaan lang siya matulog at pagod siya nitong mga nakaraan… kaya’t binigyan ko siya ng tsaa na pampatulog bago siya matulog. “Magiging tulog siya hanggang bukas ng umaga…” Tumigas ang buong katawan ni Nigel nang marinig niya ito. Makalipas ang ilang sandali, tinikom niya ang mga labi niya at huminga siya ng malalim. “Sige pala, Zach at Yuri, plan B tayo. Hindi natin kailangan gisingin si Mommy, dadalhin na natin siya ngayon!” Tumango si Yuri. Pagkatapos, sa sandali na binalutan nila ng kumot si Luna, may naamoy sila na parang nasusunog sa labas. “Huli na ang lahat…” Si Zach, na sa sandaling ito ay nakatingin sa labas mula sa balkonahe, ay may balisang ekspresyon. Tumitig siya kay Aura, na nakatayo sa malapit sa back door, tinutok niya ang pares ng malaking gunting at piniilt niya ang butler, ang mga katulong, at ang dalawang bata na bumalik sa bahay. “Natuklasan na sila ni
Читайте больше

Kabanata 1345

Base sa pagkatao ni Aura, karaniwan siyang hindi mauuto sa sadyang panlalait ni Luna. Gayunpaman, dahil wala siyang paraan para baliktarin ang buhay niya, nawala na ang pagiging kalmado ni Aura at sa halip ay tumingala siya para tumitig kay Luna, na siyang nasa balkonahe. “Sa tingin mo ba talaga ay hindi kita mapapatay?” “Oo, hindi mo ako mapapatay.” Ngumisi si Luna. “Kahit na pilitin mo rin sila na bumalik sa nasusunog na bahay para patayin sila, hindi ka makakatakas sa batas.” “Kahit na pagkatapos na masentensyahan ka ng death penalty, magiging masaya ako sa buhay ko kasama si Joshua at magbibigay pa ako ng maraming anak sa kanya!” Tila may sumabog sa loob ni Aura nang marinig niya ito. Kinagat niya ang labi niya at tumingin siya ng galit kay Luna. “Plano mo ba na ibigay ang buhay mo kapalit ng mga buhay nila?” Ngumisi si Luna. “Ano sa tingin mo?” Huminga ng malalim si Aura at tumakbo siya papunta kay Luna. “Hindi ka na makakatakas ngayon, Luna!” Nang makita na nalipat
Читайте больше

Kabanata 1346

“Basta’t buhay ka pa, magkakaroon pa kayo ng anak ni Joshua at mabubuhay kayo ng masaya! Kaya…” Sumingkit ang mga mata ni Aura at nagpatuloy siya ng may malamig na boses, “Hahayaan ko silang lahat na tumakas, maliban sayo!” Ang pinakamalaking hiling niya noong bata pa siya ay ang makita na patay na si Luna, at ngayon at wala siyang matatakasan, kailangan niyang patayin si Luna. Kung hindi, magiging walang saysay ang buhay niya! Nang limang metro na lang ang layo ni Aura kay Luna, biglang nawalan ng kuryente. Kumalat na siguro ang sunog sa control room ng villa, kaya’t namatay ang main electricity circuit box. Gayunpaman, maliwanag pa rin ang villa. Mas mukhang nakakatakot ang mukha ni Aura dahil sa ilaw ng apoy. Sa sobrang higpit ng hawak ni Luna sa railing ay pinagpawisan na siya. Kinagat niya ang labi niya at sinabi niya, “Aura, magkapatid tayong dalawa. Paano ka napunta sa puntong ito? Trinato kita bilang kapatid ko ng buong buhay.” “Hindi ko naisip na kapatid kita!”
Читайте больше

Kabanata 1347

Tumigas ang buong katawan ni Luna habang tumalsik ang dugo papunta sa mukha niya. Tumitig siya sa likod ng ulo ni Lily, na tumakbo sa harap niya para harangan ang atake ni Aura, pati ang… malaking gunting na tumusok sa dibdib ni Lily. Naging blanko ang buong isip niya. Saan nanggaling si Lily? “Ms. Luna, tumakbo na po kayo!” Kinagat ni Lily ang ngipin niya at hinawakan niya ang katawan ni Aura gamit ang duguang mga kamay. “Tumakbo na po kayo, bilis na! Niligtas niyo po ako noong mga nakalipas na taon, at naalala ko po ‘yun. Ito po ang kabayaran ko sa kabaitan niyo!” Dumilim ang ekspresyon ni Aura nang marinig niya ito. Tumitig siya kay Lily, pati na rin kay Luna, na nakatago sa likod nito. “P*ta ka!” Ginamit niya ang buong lakas sa katawan niya para hugutin ang gunting sa katawan ni Lily, ngunit sobrang higpit ang hawak ni Lily. Kahit anong gawin ni Aura, hindi siya makaalis sa hawak ni Lily. “Umalis na po kayo, Ms. Luna!” Sumigaw ng malakas si Lily habang dumura siya ng du
Читайте больше

Kabanata 1348

“Sunog na po ang lahat ng ito… At si Lily…” Sa sobrang lakas ng iyak ni Nellie ay kailangan niyang huminga ng maayos. “Hindi ko na po ulit matitikman ang agahan na gawa ni Lily…!” Huminga ng malalim si Luna habang niyakap niya ng mahigpit si Nellie, ngunit hindi siya nagsalita. Inutusan ni Joshua si Lucas na tumawag ng bus para ihatid ang lahat sa Orchard Manor. Samantala, sila ni Zach at Yuri ay nanatili para sabihin sa mga bumbero ang tungkol sa sunog. Buong gabi na nasunog ang bahay at napatay na ito pagsikat ng araw. Ang apoy na ito—na inilawan ang Banyan City ng buong gabi—ay naging topic ng usapan sa online. Gayunpaman, sa impluwensya nila Joshua, Jude, at Bonnie, naisip nila na ang apoy ay dahil sa pagkakamali ng tao para mabawasan ang panic na kumakalat sa bayan. Nang mawala na ang apoy, natagpuan ng mga bumbero ang bangkay nila Lily at Aura. Ang dalawang bangkay ay nakita na magkasama, hawak ang isa’t isa. Ang gunting na ginamit ni Aura para subukang patayin
Читайте больше

Kabanata 1349

“Luna, bakit mo naman gusto pumunta dito ng maaga?” May pulang Ferrare na huminto sa tabi ng sunog na Blue Bay Villa. Bumaba si Bonnie ng kotse at binuksan niya ang pinto ni Luna habang nagrereklamo, “Sunog naman na ang lahat, ano ang kailangan mong hanapin?” Ngumiti ng maliit ang maputlang si Luna at sinagot niya, ”Sinabi ni Joshua na madumi ang hangin dito dahil sa usok, kaya’t pinagbawalan niyang pumunta sina Nellie, Neil, at Nigel. Pero paulit ulit nilang sinasabi na gusto nilang kunin ang ilang bagay sa Blue Bay Villa. Wala akong magagawa kundi kunin ang mga ito para sa kanila.” Tinikom ni Bonnie ang mga labi niya. “May bagay pa ba na hindi nasunog?” Nagkibit balikat si Luna at tumawa siya. “Iuuwi natin ang kahit anong mahanap natin.” Pagkatapos, lumingon siya at tumingin siya sa mga labi ng Blue Bay Villa. Ito ay isang matangkad na gusali kahapon, pero ito ay gumuho na. Hindi niya mapigilan na magdalamhati dahil dito. Biglang naalala ni Luna si Lily. Isang sariwa at b
Читайте больше

Kabanata 1350

Naisip ni Jim na ang anak niya ay… may hawig sa babaeng ito. Ngunit… Nagbuntong hininga siya. Naalala ni Jim na kahit na mula sa Banyan City ang nanay ni Harvey, tulad ng babaeng ito, ito ay mahirap, payat, at pipi. Ang babaeng nasa harapan niya ngayon ay halatang kabaliktaran ng lahat ng ito. Lumapit si Jim kay Bonnie para batiin sila. Pagkatapos ay yumuko siya at nagpaliwanag siya, “Mahilig ang anak ko sa mga detective novel. Nakita ko na umalis na ang mga pulis at bumbero, kaya’t dinala ko siya dito para tumingin. Pero, ‘wag kayong mag alala. Kapag may nahanap kami, sisiguraduhin ko na ibibigay ko ito sa pulis kapag hindi ko ito maibalik sa inyo.” Hindi naghinala si Luna dahil dito. Hawak niya ang bag na binigay ni Harvey at ngumiti siya sa kanla. “Sigurado ako na wala kayong masamang intensyon. Pero, isa itong crime scene ng arson. Matagal nang patay ang apoy, kaya’t ang hangin ay puno pa rin ng sunog na kemikal. Mga anim o pitong gulang pa lang ang anak mo. Hindi ligtas
Читайте больше
Предыдущий
1
...
133134135136137
...
308
DMCA.com Protection Status