Share

Kabanata 1338

“Noong una, gusto kitang tulungan, dahil magkapatid tayo.”

“Basta’t mamatay si Luna, hindi na makakabalik sa pamilya Landry ang tunay na tagapagmana ng pamilya Landry, pero ngayon…”

“Kasalanan ko ang lahat. Alam ko naman na hindi ka magaling, pero binigyan pa rin kita ng mahirap na tungkulin. Ngayon, wala kang paraan para tumakas… Kapag hinanap ka ni Joshua, hindi mo siya matatakasan sa Banyan City.”

“Kahit na kapatid mo ako, masyado akong malayo, at hindi kita matutulungan…”

Kinagat ni Aura ang labi niya nang marinig niya ito. “‘Wag kang mag alala, Sis.”

Kumunot ang noo niya at nagpatuloy siya, “Kung mamamatay ako, isasama ko si Luna at ang tatlong mga bwisit na bata.”

Suminghot ang babae sa kabilang linya. “Pero Aura, gusto ko pa rin na makauwi ka ng buhay…”

Sumingkit ang mga mata ni Aura, ngunit hindi siya sumagot. Sa halip, ibinaba niya ang phone.

Pagbaba niya ng phone, ang camera sa TV screen ay lumipat sa mukha ni Joshua, malambing nakalagay sa baywang ni Luna ang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status