Lahat ng Kabanata ng Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko: Kabanata 1271 - Kabanata 1280

3080 Kabanata

Kabanata 1271

Tumingin ng masama si Adrian kay Joshua at naglakad siya papunta sa doctor. “Kamusta siya, dok?”“‘Wag kayong mag alala wala na siya sa panganib,” Ang sagot ng doktor. Nagbuntong hininga siya, tumingin siya kay Adrian, pagkatapos ay kay Joshua. “Wala lang siyang malay ngayon, at base sa spekulasyon ko, babalik ang malay niya sa loob ng 6 na oras.”Tumigil ang puso ni Adrian dahil sa mga sinabi ng doktor. “Edi… ano ang pinakamasamang mangyayari?”Umiling ang doctor, ngunit hindi ito sumagot.Nawala ang kulay sa mukha ni Adrian, at napaatras siya.Walang sagot. Ibig sabihin ay baka hindi rin gumising si Granny Lynch.Paanong nangyari ito? Hindi niya pa nakuha ang pagkakataon para gumawa ng peke na huling habilin ni Granny Lynch. Si Joshua ang nagmamay-ari ng buong kayamanan ng pamilya Lynch, at sobrang hirap din para kumuha ng kahit maliit na halaga ng mula sa kanya. Kapag namatay si Granny Lynch ng walang huling habilin, alam ni Adrian na hindi siya makakakuha ng kahit anong kayam
Magbasa pa

Kabanata 1272

Pagkatapos ng nangyari kay Granny Lynch, hindi magagawa ni Joshua na hindi mag alala at hindi sisihin ang sarili niya. Higit sa lahat, nakonsensya siya sa nangyari. Simula pa noong bata siya, tinuruan siya ni Granny Lynch na magkaroon ng malakas na puso. Habang lumalaki siya, ang nakita niya lang ay ang malamig at matatag na pagkatao ni Granny. Hindi niya inaasahan na isang araw… magiging mahina si Granny Lynch. Tila naramdaman ni Luna ang mga emosyon ni Joshua at agad siyang tumahimik. Kinagat niya ang labi niya, tumalikod siya, at niyakap niya si Joshua. “Kasama mo pa rin ako…”…Isa itong gabi na walang tulog. Sa sumunod na sandali, gumising si Luna sa oras na sumikat ang araw. Dumilat siya at humikab.Tumingin siya sa paligid na hindi pamilyar at kumunot ang noo niya. Nang babangon na siya para gamitin ang banyo, agad niyang napagtanto na may braso ng ibang tao na nakapalibot sa kanya. Kahit na hindi niya nakita ang mukha nito, nakilala niya agad kung sino ito. K
Magbasa pa

Kabanata 1273

Nagulat si Luna dahil sa phone call mula kay Alfred. “Sigurado ka ba… na gusto akong makita ni Granny Lynch?” Ang tanong niya. Sa mga nakalipas na taon, naging komplikado ang relasyon nila Luna at Granny Lynch. Noong siya pa ay si Luna Gibson, sa panahon na nagpakasal siya kay Joshua, trinato siya ni Granny Lynch na isang kaaway, puno lamang ng pagkamuhi. Ginawa ni Granny Lynch ang lahat para pahirapan ang buhay ni Luna, balak itong palayasin ng pamilya Lynch. Pagkatapos ni Luna maaksidente, sumailalim sa plastic surgery, nagpalit ng pagkakakilanlan, at dinala sina Neil at Nellie sa Banyan City, akala ni Granny Lynch ay masama ang intensyon ni Luna at tinulungan pa niya si Aura para pahirapan rin ang buhay ni Luna. Pagkatapos nito… Natuklasan ni Granny Lynch na si Luna ay si Luna Gibson, at sa sandali na matuklasan niya ang mga pinagdaanan ni Luna, nagbago ang opinyon niya. Hindi niya na trinato ng masama si Luna, at minsan niya pang pinagtanggol si Luna. Gayunpaman, hindi nagb
Magbasa pa

Kabanata 1274

“Luna.” Nagbuntong hininga si Granny Lynch at mabagal niyang hinawakan ang kamay ni Luna. “Sinisisi mo ba ako noong trinato kita ng malupit dati?” Ang tanong niya. Tumigil ng ilang sandali siLuna, pagkatapos ay humawak siya ng mahigpit sa kamay ni Granny Lynch at umiling siya. “Ikaw po ang matanda sa pamilya, inalagaan niyo po ng maraming taon si Joshua. Paano po kita sisisihin sa kahit ano?” “Hindi ako isang responsableng matanda.” Pumikit si Granny Lynch at nagbuntong hininga siya. “Sa katotohanan, mabait kang bata. Galit ako sayo… dahil kamukha mo dati ang babaeng kinamumuhian ko sa lahat. Masyado kayong magkamukha…” Ngumiti ng mapait si Granny Lynch. Pagkatapos, sumagot siya ng namamaos, “Ang babaeng ‘yun, siya ang rason kung bakit namatay ang anak kong babae. Hindi ko siya pagbibigyan kailanman.” Kumunot ang noo ni Luna at tinanong niya, “Ang… anak niyo pong babae?” “Oo.” Nagbuntong hininga si Granny Lynch sa lungkot. “Maliban kay Adrian, may anak akong babae. Noong 18 s
Magbasa pa

Kabanata 1275

Tumigas ang buong katawan ni Luna. Humigpit ang hawak niya sa kamay ni Granny Lynch at sinabi niya, “‘Wag po kayong mag alala.” “Ako po ay…” Tumigil si Luna at huminga siya ng malalim. Biglang dumating sa isip niya ang mga nakaraang alaala ni Joshua, mula sa lahat ng ginawa ni Joshua para sa kanya hanggang sa boses ni Joshua sa message ni Anne.Mas naging determinado siya na kumapit kay Joshua dahil dito, kaya’t sumagot siya ng tapat, “Nangangako po ako na kahit anong mangyari, hindi po ako susuko kay Joshua.”Dahil sa pagbibigay panatag ni Luna, gumaan na ang loob ni Granny Lynch. Pumikit siya at binitawan niya ang kamay ni Luna.Tumunog ang mga makina sa paligid niya. Mabilis na pumasok ang mga doktor sa kwarto.“Humihina na ang kondisyon ng pasyente! Iabot niyo sa akin ang epinephrine! Ang mga non-medical personnel, mag-evacuate muna kayo ng kwarto!”Hinila ni Alfred si Luna palabas ng kwarto. Hindi nagtagal, napapalibutan ng mga doktor ang kama ni Granny Lynch, sinusubukan s
Magbasa pa

Kabanata 1276

“Nasa emergency po si Luna! Kritikal po ang kondisyon niya!” Nagkaroon ng malamig na ekspresyon sa mga mata ni Joshua. “Anong nangyari sa kanya?” “Hindi ko po alam!” Natataranta ang nalilitong si Lucas. “Sinabi po ng doctor na ang kondisyon niya ay mas malala na po kaysa sa nangyari kay Courtney, tulad po… tulad po ng nangyari kay Granny Lynch!” “Kakalabas ko lang po ng emergency room. Gusto po ng doktor na humanap ako ng pipirma ng operation consent form ni Luna, pero hindi ko po alam kung sino ang pipirma, kaya’t pumunta po ako sa inyo!” Nagkaroon ng tagumpay sa puso ni Aura dahil sa pagkataranta ni Lucas. Agad siyang tumayo at sinabi niya, “Bakit ka lumapit kay Joshua?” “Walang kahit anong relasyon sina Joshua at Luna. Mas mabuti kung sa akin ka lumapit. At least, ako ang kapatid niya.” Pagkatapos, naglakad siya sa direksyon ng pinto at sinabi niya, “Tara. Gusto kong makita kung ano ang nangyari sa mahal kong kapatid.” Dumilim ang ekspresyon ni Joshua habang pinapanood
Magbasa pa

Kabanata 1277

“Joshua!” Nang makita na pumunta si Joshua ng emergency room, hinila ni Aura si Joshua at sinigaw niya, “Hindi ka dapat pumunta sa emergency room! Hindi ka isang doktor. Kapag pumasok ka, maaabala mo lang ang operasyon!” Pula ang mga mata ni Joshua, at pilit siyang pumasok ng kwarto. “Hindi ko mapigilan na mag alala!” Ang unang plano ni Luna ay ang magtanong kay Dr. Janet sa mga sintomas ng sakit para uminom siya ng mga gamot na magpapakita ng parehong reaksyon para pekein ang sakit, kaya’t bakit bigla siyang napunta sa emergency room? Bakit biglang nawala si Dr. Janet?“Sir.” Lumapit si Lucas at humawak siya sa braso ni Joshua kasama si Aura. “Huminahon po kayo, at ‘wag po kayong pumasok. Sinusubukan pong iligtas si Luna… at malubha po ang sitwasyon sa loob. Kapag pumasok po kayo, maaabala niyo po ang kritikal na sandali para sa mga doktor… baka mas mapahamak po si Luna!” Gumana ang pagkukumbinsi ni Lucas. Bumalik ang kontrol ni Joshua sa kanyang mga emosyon at tumigil na s
Magbasa pa

Kabanata 1278

Ngumiti si Luna at tinaas niya ang kamay niya para himasin ang mukha ni Joshua. “Sa sobrang lala ng kondisyon ni Granny Lynch ay nagbigay pa siya sa akin ng instructions kung ano ang gagawin ko kapag pumanaw na siya…” Umubo si Luna at nagpatuloy siya, “Kaya sinabi ko kay Dr. Janet na bigyan ako ng mga gamot para pekein ang sakit ko na tulad ng kay Granny Lynch. Kapag tumigil na ako sa pag inom ng gamot na ito, babalik na ako sa normal. ‘Wag kang mag alala… Hindi ako mamamatay.” Humawak siya sa dibdib niya gamit ang isang kamay habang ang kabila ay humihimas sa mukha ni Joshua. “Hindi ko alam na ganito pala kalala kapag nagkasakit.” Dumilim ang ekspresyon ni Joshua nang makita niya ang pilit na ngiti sa mukha ni Luna. Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Dahil si Dr. Janet ang nagbigay sayo ng gamot para pekein ang sakit na ‘to, saan pala siya nagpunta? Nawawala daw siya, ayon sa mga doktor sa labas.”Tumawa ng mapait si Luna. “Oo. Noong una, gusto akong bigyan ni Dr. Janet ng
Magbasa pa

Kabanata 1279

Lumaki ang mga mata ni Luna nang marinig niya ito. Sinabi niya ng may namamaos na boses, “Ikaw—” “Ako?” Inosenteng pumikit si Aura at nagpatuloy, “Sa totoo lang, hindi ka dapat mag alala, mahal kong kapatid. Ang kable ng preno lang naman, hindi naman sila siguradong mamamatay. Kapag swinerte sila, baka mabuhay sila, pero kung hindi… baka buong buhay na silang mabuhay na parang lantang gulay. “Ang malala sa lahat, baka maging lantang gulay sila na walang nanay. Kapag dumating na ang sanggol ko, iiwan na sila ng tatay nila, at buong buhay silang pagtatawanan at mamaliitin.” Puno ng galit ang mga mata ni Luna. Alam niya na hindi siya pwedeng mamatay dahil dito, at nasigurado na rin ni Dr. Janet na ang kalalabasan ng gamot na ito ay ang pagkasira lang ng kalusugan niya, pero gagaling pa rin siya sa loob ng ilang taon. Gayunpaman, hindi siya makagalaw o makalabas man lang ng pinto! Hindi niya pwedeng makita ang mundo sa labas ng walang permiso ng doktor! Kapag natuklasan nila Nige
Magbasa pa

Kabanata 1280

Sumingkit ang mga mata ni Nigel. Kahit na bata pa siya, marami siyang nababasa na balita tungkol sa mga aksidente dahil sa sirang preno, kaya’t alam niya na hindi masyadong ginagamit ang kotse na ito, hindi pababayaan ng butler ng Lynch Mansion ang maintenance nito.May tao siguro na sadyang pumutol ng kable ng preno, kaya’t hindi gumagana ang preno.May tao na sinusubukan na patayin sila ni Nellie!Nang maisip ito ni Nigel, huminga ng malalim si Nigel at pinilit niya ang sarili niya na kumalma.Makalipas ang ilang sandali, tumingin siya sa driver mula sa rearview mirror at sinabi niya ng may may matatag na boses, “Mr. Driver, kayo ang isa sa pinakamagaling na driver sa Lynch Mansion. Naniniwala ako na kaya niyong huminahon at humanap ng solusyon sa sitwasyon na ito.”Ang driver, na kaninang kinakabahan dahil dala niya ang dalawang apo ng pamilya Lynch, kumalma na siya nang marinig ang boses ni Nigel.Gayunpaman, wala pa rin siyang paraan para pigilan ang kotse kahit na ano ang m
Magbasa pa
PREV
1
...
126127128129130
...
308
DMCA.com Protection Status