Ngumiti si Luna at tinaas niya ang kamay niya para himasin ang mukha ni Joshua. “Sa sobrang lala ng kondisyon ni Granny Lynch ay nagbigay pa siya sa akin ng instructions kung ano ang gagawin ko kapag pumanaw na siya…” Umubo si Luna at nagpatuloy siya, “Kaya sinabi ko kay Dr. Janet na bigyan ako ng mga gamot para pekein ang sakit ko na tulad ng kay Granny Lynch. Kapag tumigil na ako sa pag inom ng gamot na ito, babalik na ako sa normal. ‘Wag kang mag alala… Hindi ako mamamatay.” Humawak siya sa dibdib niya gamit ang isang kamay habang ang kabila ay humihimas sa mukha ni Joshua. “Hindi ko alam na ganito pala kalala kapag nagkasakit.” Dumilim ang ekspresyon ni Joshua nang makita niya ang pilit na ngiti sa mukha ni Luna. Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Dahil si Dr. Janet ang nagbigay sayo ng gamot para pekein ang sakit na ‘to, saan pala siya nagpunta? Nawawala daw siya, ayon sa mga doktor sa labas.”Tumawa ng mapait si Luna. “Oo. Noong una, gusto akong bigyan ni Dr. Janet ng
Lumaki ang mga mata ni Luna nang marinig niya ito. Sinabi niya ng may namamaos na boses, “Ikaw—” “Ako?” Inosenteng pumikit si Aura at nagpatuloy, “Sa totoo lang, hindi ka dapat mag alala, mahal kong kapatid. Ang kable ng preno lang naman, hindi naman sila siguradong mamamatay. Kapag swinerte sila, baka mabuhay sila, pero kung hindi… baka buong buhay na silang mabuhay na parang lantang gulay. “Ang malala sa lahat, baka maging lantang gulay sila na walang nanay. Kapag dumating na ang sanggol ko, iiwan na sila ng tatay nila, at buong buhay silang pagtatawanan at mamaliitin.” Puno ng galit ang mga mata ni Luna. Alam niya na hindi siya pwedeng mamatay dahil dito, at nasigurado na rin ni Dr. Janet na ang kalalabasan ng gamot na ito ay ang pagkasira lang ng kalusugan niya, pero gagaling pa rin siya sa loob ng ilang taon. Gayunpaman, hindi siya makagalaw o makalabas man lang ng pinto! Hindi niya pwedeng makita ang mundo sa labas ng walang permiso ng doktor! Kapag natuklasan nila Nige
Sumingkit ang mga mata ni Nigel. Kahit na bata pa siya, marami siyang nababasa na balita tungkol sa mga aksidente dahil sa sirang preno, kaya’t alam niya na hindi masyadong ginagamit ang kotse na ito, hindi pababayaan ng butler ng Lynch Mansion ang maintenance nito.May tao siguro na sadyang pumutol ng kable ng preno, kaya’t hindi gumagana ang preno.May tao na sinusubukan na patayin sila ni Nellie!Nang maisip ito ni Nigel, huminga ng malalim si Nigel at pinilit niya ang sarili niya na kumalma.Makalipas ang ilang sandali, tumingin siya sa driver mula sa rearview mirror at sinabi niya ng may may matatag na boses, “Mr. Driver, kayo ang isa sa pinakamagaling na driver sa Lynch Mansion. Naniniwala ako na kaya niyong huminahon at humanap ng solusyon sa sitwasyon na ito.”Ang driver, na kaninang kinakabahan dahil dala niya ang dalawang apo ng pamilya Lynch, kumalma na siya nang marinig ang boses ni Nigel.Gayunpaman, wala pa rin siyang paraan para pigilan ang kotse kahit na ano ang m
Tumigas ang katawan ng driver nang marinig ang mga sinabi ni Nigel.Wala ring masabi ang factory manager dahil sa kanya.Siya ba talaga ay… isang anim na taong gulang na bata?Kumunot ang noo ni Nigel nang mapansin niya na nalilito ang driver, tumitig siya dito. “Ano ang problema?”Tumingin siya sa putol putol na mga kable at pinaliwanag niya, “Basta basta lang pinutol ang mga kable. Klaro na kung sino ang gumawa nito ay wala masyadong karanasan, kaya’t nabigo sila na putulin ito sa unang subok nila. Kaya naman, pinutol nila ulit ito ng pangalawang beses.“Ang isang tao na hindi marunong na tulad nito ay hindi iisipin na punasan ang kanilang fingerprints.” Pagkatapos, lumingon siya at tumingin sa driver. “Marunong ba kayo kung paano kumuha ng fingerprints, Mr. Driver? Bakit hindi na lang ako mismo ang kumuha?”Matagal na tumigil ang driver, pagkatapos ay awkward siya na umubo. “M—Marunong ako!”Agad siyang yumuko at ginawa niya sinabi ni Nigel habang iniisip niya, ‘Anak talaga n
“‘Wag kang mag alala, Joshua. Magiging ayos lang sila…”Sa sandali na bumukas ang pinto ng elevator, tumunog ang malambing na boses ni Aura mula sa loob.Agad na kumunot ang noo ni Bonnie at lumingon siya.Malas naman. Ang dalawang tao na nakatayo sa loob ng elevator ay walang iba kundi sina Aura at Joshua!Magkasama ang mga kamay nila, mukha silang masaya at bagong kasal na magkasintahan.Naramdaman ni Aura ang galit na tingin ni Bonnie, kaya’t kumunot ang noo niya at lumingon siya para tumingin sa direksyon ng pinto ng elevator.Wala siyang masabi sa nakita niya.Kahit na magulo ang mga buhok nila Nigel at Nellie… ayos lang sila, wala mang kahit isang sugat sa kanila maliban sa nosebleed ni Nigel at ang luhaang mukha ni Nellie!Bumilis ang tibok ng puso niya, at dumilim ang ekspresyon niya.Paano nangyari ito? Inutusan niya si Michael para putulin ang kable ng preno sa huling kotse.Sa mga panahon na ‘yun, pagkatapos gawin ni Michael ang inutos ni Aura, kumuha pa siya ng li
Sa sandali na matapos siya sa pagsasalita, tumahimik ang tatlong matanda.Kampante na humalukipkip si Bonnie, hinihintay niya ang susunod na mangyayari.Nakasimangot na tumitig si Joshua kay Nigel, hinihintay niya ang sasabihin nito.Para naman kay Aura…Kasing putla niya ang pader na nasa likod niya. Tumingin siya ng masama kay Nigel, nagaalala na baka may sabihin ang bata na hindi dapat sabihin.Hindi mapigilan ni Nellie na ngumiti nang makita niya ang reaksyon ni Aura.Inayos niya ang buhok at damit niya, lumapit siya kay Aura habang namumuo ang luha sa kanyang inosenteng mga mata. “Bakit po kayo pinapawisan, Aunty Aura? Mainit po ba ang pakiramdam niyo?”“Taglagas na. May sakit po ba kayo? Maputla po kayo. Gusto niyo po ba na samahan ko kayo para magpa check-up?”Dumilim ang ekspresyon ni Aura nang marinig niya ito. Tumingin siya ng masama kay Nellie ngunit hindi siya sumagot.Napansin ni Bonnie ang sama ng loob sa ekspresyon ng mga mata ni Aura habang kinarga niya si Nell
Nakakapit si Aura sa braso ni Joshua, sumenyas siya para umalis na sila.Kumunot ang noo ni Bonnie nang makita niya ito at may sasabihin sana siya nang sumingit si Nigel, “Sige po pala. Paalam, Daddy, Aunty Aura. Bibisitahin po namin nila Nellie at Aunty Bonnie si Mommy ngayon. Hindi ko po mapigilan na mag alala kay Mommy ngayon at may sakit po siya!” Pagkatapos, nagbuntong hininga siya at kumapit siya sa kamay ni Nellie. “‘Wag ka nang umiyak. Buong biyahe ka nang umiiyak.” Si Joshua, na paalis pa lang, ay tumigil sa paglalakad nang marinig niya ito. Tumalikod siya para tumingin kila Nigel at Nellie. “Hindi ba’t nandito kayo para bisitahin si Granny?” Inosenteng pumiit si Nigel at sinagot niya, “Opo, pero pumunta po kami dito para bisitahin muna si Mommy.” Lumingon siya sa isang tabi at nagpatuloy siya sa pagsasalita habang may inosenteng ekspresyon, “Daddy, hindi ba’t kayo po ang nagsabi kay Aunty Aura na itext kami para sabihin na bisitahin si Mommy? Bakit po gulat kayo?”
“Hindi, hindi, hindi!” Agad na itinanggi ni Aura ang lahat. Sa sobrang taranta niya ay tumulo ang mga luha sa mukha niya. “Paano mo naman ako papaghinalaan, Joshua? Ako talaga ay…”Kabado niyang kinagat ang labi niya. Pula na ang mukha niya sa pag iyak, at mas nagmukha siyang nakakaawa dahil dito. “Natatakot lang ako na hindi na makikita ng mga bata si Luna ng huling beses…” Yumuko siya at nagpatuloy siya sa umiiyak na boses, “Kung alam ko lang na may isang kotse lang na natira—ang isa na may putol na kable, hindi ko na sana sila pinapunta dito!” Lumingon siya at tumingin siya ng malungkot kila Nigel at Nellie, sinabi niya, “Kasalanan ni Aunty Aura ang lahat. Pwede niyo ba akong patawarin?”Sumingkit ang mga mata ni Nigel at lumingon siya para tumingin kay Joshua. Alam niya na walang intensyon si Joshua na parusahan si Aura dahil dito. Kahit na hindi siya natuwa dahil dito, alam niya pa rin na may mga rason kung bakit pinili itong gawin ng matatanda. Kaya naman, pinigilan niy