Nakakapit si Aura sa braso ni Joshua, sumenyas siya para umalis na sila.Kumunot ang noo ni Bonnie nang makita niya ito at may sasabihin sana siya nang sumingit si Nigel, “Sige po pala. Paalam, Daddy, Aunty Aura. Bibisitahin po namin nila Nellie at Aunty Bonnie si Mommy ngayon. Hindi ko po mapigilan na mag alala kay Mommy ngayon at may sakit po siya!” Pagkatapos, nagbuntong hininga siya at kumapit siya sa kamay ni Nellie. “‘Wag ka nang umiyak. Buong biyahe ka nang umiiyak.” Si Joshua, na paalis pa lang, ay tumigil sa paglalakad nang marinig niya ito. Tumalikod siya para tumingin kila Nigel at Nellie. “Hindi ba’t nandito kayo para bisitahin si Granny?” Inosenteng pumiit si Nigel at sinagot niya, “Opo, pero pumunta po kami dito para bisitahin muna si Mommy.” Lumingon siya sa isang tabi at nagpatuloy siya sa pagsasalita habang may inosenteng ekspresyon, “Daddy, hindi ba’t kayo po ang nagsabi kay Aunty Aura na itext kami para sabihin na bisitahin si Mommy? Bakit po gulat kayo?”
“Hindi, hindi, hindi!” Agad na itinanggi ni Aura ang lahat. Sa sobrang taranta niya ay tumulo ang mga luha sa mukha niya. “Paano mo naman ako papaghinalaan, Joshua? Ako talaga ay…”Kabado niyang kinagat ang labi niya. Pula na ang mukha niya sa pag iyak, at mas nagmukha siyang nakakaawa dahil dito. “Natatakot lang ako na hindi na makikita ng mga bata si Luna ng huling beses…” Yumuko siya at nagpatuloy siya sa umiiyak na boses, “Kung alam ko lang na may isang kotse lang na natira—ang isa na may putol na kable, hindi ko na sana sila pinapunta dito!” Lumingon siya at tumingin siya ng malungkot kila Nigel at Nellie, sinabi niya, “Kasalanan ni Aunty Aura ang lahat. Pwede niyo ba akong patawarin?”Sumingkit ang mga mata ni Nigel at lumingon siya para tumingin kay Joshua. Alam niya na walang intensyon si Joshua na parusahan si Aura dahil dito. Kahit na hindi siya natuwa dahil dito, alam niya pa rin na may mga rason kung bakit pinili itong gawin ng matatanda. Kaya naman, pinigilan niy
“Pagkatapos nun, nabaliw ka dahil namiss mo ng sobra ang anak mo, kaya’t walang magawa si Jason kundi tawagan ako. Marami kaming kailangan na koneksyon bago kami makahanap ng gamot para burahin ang mga alaala mo at makalimutan mo ang nakaraan. “Kung buhay pa rin ang anak mo ngayon, parehong edad na siya nila Nigel at Nellie ngayon, pero… Tsk, tsk. Sayang naman at hindi mo na siya makikita.” Lumingon si Aura at kumapit siya sa braso ni Joshua. “Dahil wala ka namang ginagawa, ‘bakit hindi mo na lang pakialaman ang sarili sa halip na nakikialam ka sa problema ng iba.” Pagkatapos, tumalikod si Aura at umalis na siya kasama si Joshua. Nakatayo sa isang lugar si Bonnie, napahinto siya. Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya para katukin ang kanyang ulo. Tama si Aura… Noong nakalipas na anim na taon, bago pa umalis si Jason ng Banyan City, nawala talaga ang isang taon na halaga ng mga alaala ni Bonnie. Gayunpaman, sinabi ni Jason na dahil ito sa isang lagnat, kaya’t nagkaproblema
Halos mabagsak ni Bonnie ang phone nang marinig niya ito. Nawawala si Neil? Kinagat ni Bonnie ang labi niya at pinilit niya ang sarili niya na kumalma. “Kailan ito, at paano ito nangyari?” Huminga ng malalim si Theo at nagpaliwanag siya, “Kasama ko si Neil sa hospital. Hindi pa gumagaling ang binti niya na may bali, kaya’t nag utos si Luna na gumawa ng espesyal na wheelchair para makagalaw si Neil. “Ngayong araw, nakarating na ang wheelchair sa hospital, kaya’t sinubukan niyang tawagan si Luna para sabihin ang magandang balita, pero hindi niya matawan si Luna.” “Pagkatapos, sinagot ng nurse ang phone ni Luna, at sinabi ng nurse kay Neil na nagkasakit si Luna, at malala ang kondisyon niya ngayon…” “Gusto ko siyang bisitahin ngayon kasama ni Neil, pero umalis lang ako para bumili ng tanghalian para sa kanya, at nang bumalik ako, wala na siya!” “Pwede mo ba akong tulungan na hanapin siya? Ayaw kong tawagan si Joshua tungkol dito…” Mahigpit ang hawak ni Bonnie sa phone at n
Tinikom ni Nellie ang mga labi niya, ngunit hindi siya sumagot.Tatlo silang mabilis na pumasok sa sala ng Blue Bay Villa. Sa loob ng sala, tahimik na nakaupo si Neil sa wheelchair. Samantala, ang braso ni Aura ay hiniwa ng kutsilyo at walang tigil ang pagdurugo nito. Sa mga sandaling ito, ginagamot ang ang braso niya. Nakaupo sa malayo si Joshua, madilim ang ekspresyon niya. Walang nakakaalam kung ano ang iniisip niya. Natapos na ang doctor sa paggamot sa sugat ni Aura. “Mr. Lynch, ayos na si Ms. Gibson ngayon, pero…” Tinaas ng doctor ang salamin niya at nagpatuloy siya, “Kanina lang, noong chineckup ko si Ms. Gibson, natuklasan ko na parang may mali sa blood panel niya, at sa huli, buntis pala siya.” “Kaya naman, binigyan ko ng gamot si Ms. Gibson na hindi mapanganib sa sanggol, kaya’t hindi niyo na kailangan mag alala.” Ito ang unang bagay na narinig ni Bonnie nang pumasok siya sa pinto. Kumunot ang noo niya at tumingin siya ng seryoso kay Aura. “Buntis siya?” Tuman
Napabuntong hininga si Aura. “Sapat lang ang antidote na ito para iligtas ang isang tao.” Pagkatapos, lumingon siya at tumingin siya kay Joshua, at sa iba, na namutla ang mga mukha nang marinig nila ito. “Ang rason kung bakit hindi ko nilabas ang antidote ng mas maaga ay hindi pa ako nakapag desisyon kung gagamitin ang antidote na ito para iligtas si Luna o si Granny Lynch…” Tumahimik ang buong bahay nang marinig nila ito. Si Neil, na nakaupo pa rin sa wheelchair, ay napahinto sa gulat. Lumingon siya at tumingin siya kay Aura, pagkatapos ay kay Joshua. “Isang tao lang ang… kayang iligtas ng antidote na ito?” Alam ni Neil na merong antidote si Aura, ngunit hindi niya alam na… ang antidote ay sapat lamang para pagalingin ang isang tao. Ang isa ay ang respetadong lola sa tuhod at pinakamahalagang miyembro ng pamilya ng Daddy niya. Ang isa naman ay ang mahal nilang Mommy. Tumahimik ang tatlong bata habang pinag isipan nila ito. Bumukas ang bibig ni Bonnie, pagkatapos ay aga
Huminga ng malalim si Aura at sinabi niya, “Sa totoo lang, wala sa akin ang antidote. Kailangan ko ang kapatid ko… ang kaibigan ko na magpadala ito.” Yumuko siya at tumingin siya sa oras bago niya sinabi, “Kailangan nito ng tatlong araw.” Pagkatapos, kumapit siya sa braso ni Joshua at tumingin siya dito. “Kahit na darating ang antidote sa loob ng tatlong araw, may mga gamot ako na makakatulong sa mga sintomas ni Granny. Dalhin na natin ito sa hospital para sa kanya?” Tumahimik ng ilang sandali si Joshua, pagkatapos ay ngumiti siya at hinimas niya sa ulo si Aura. “Sige.” Nasaktan si Bonnie at ang tatlong bata dahil sa eksenang ito. Nagkatinginan sila at tila may gusto silang sabihin, ngunit hindi nila ito magawa. Kung sabagay, hindi nila mapagalitan si Joshua at sabihin sa kanya na ‘wag niyang iligtas ang lola nila, hindi ba? Makalipas ang mahabang sandali, sinabi ni Bonnie ng namamaos, “Neil, ihahatid na kita pabalik ng hospital. Hindi ka mahanap ni Theo, nag aalala siya para
Sa sandali na nakita ni Aura ang gulat na ekspresyon ni Michael, alam ni Aura na may mali, ngunit hindi niya pinakita ang kahit anong emosyon sa kanyang mukha. “Oo, ipinagbubuntis ko ang anak ni Joshua.” Dumilim ang ekspresyon ni Michael. “Ikaw…” “Michael!” Bago pa siya matapos sa pagsasalita, pinalo siya ni Celia na nakatayo sa likod, “Anong ginagawa mo? Magkakaroon lang naman ng anak sina Joshua at ang bagong girlfriend niya? Bakit mo kailangang magulat? Bakit mo hinagis ang basket ng prutas sa sahig?” Pinulot niya ang mga nakakalat na prutas sa sahig at umismid siya, “Ang basket na ito ay inihanda para kay Granny Lynch. Nalamog ang iba dito dahil sa pagbagsak, pero sapat na siguro ito sa babaeng wala na masyadong oras.” Nagpatuloy siya sa mapanglait na tono, “Kung sabagay, hindi naman kami parte ng pamilya Lynch, kaya’t wala tayong makukuhang kayamanan. Dapat siyang magpasalamat at bumili pa kami para bisitahin siya gamit ang savings namin.” Sumingkit ang mga mata ni Joshu