Lahat ng Kabanata ng Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko: Kabanata 1231 - Kabanata 1240

3080 Kabanata

Kabanata 1231

Hindi inaasahan ni Luna na gigising si Joshua sa mga sandaling ‘yun. Tumigil siya at tumingin sa pagod na tingin ni Joshua.Kinagat niya ang labi niya. “Kailan ka pa gumising?”“Kanina lang.” Bumangon si Joshua at agad siyang tinulungan ni Luna na humiga sa ulo ng kama, pagkatapos ay inabot niya ang isang baso ng tubig mula sa mesa at binigay ito kay Joshua.“Balak mo pala na hayaang tumira si Aura dito kasama natin, pagkatapos ay ipapaniwala mo sa kanya na hindi na tayo malapit sa isa’t isa kaya’t may chansa na siya?”Dahil sa mga sinabi ni Luna, tumawa ng mahina si Joshua habang umiinom siya. Binaba niya ang baso, at dahan dahan niyang hinawakan ang labi ni Luna habang sinabi niya, “Tinatanggap mo na na magkalapit tayo tulad ng dati?”Dumaan ang daliri niya sa malambot at makinis na labi ni Luna, kinilig si Luna dahil dito. Agad siyang namula, pagkatapos ay nilayo niya ang kamay ni Joshua. “Kailan nga ba ako naging malapit sayo?”Tumawa ng mahina si Joshua habang nakatingin kay
Magbasa pa

Kabanata 1232

Namula si Luna dahil sa mga sinabi ni Joshua. Binaba niya ang bowl sa mesa, nilabas ang marriage certificate sa bulsa niya at nilagay niya ito sa mga kamay ni Joshua. “Ang pangalan ng tao na nasa marriage certificate ay Luna Gibson, ako ay is Luna.” Pagkatapos, umalis siya hawak ang bowl.Muling sumara ang pinto ng kwarto.Hawak ni Joshua ang dalawang marriage certificate, unit unting nawala ang ngiti sa kanyang mukha.…Kinabukasan.7 a.m., tumunog ang doorbell sa Blue Bay Villa.Kumunot ang noo ni Luna habang nakatayo siya sa kusina at naghahanda ng agahan para kela Nigel at Nellie, at isang mas magaan na bersyon para kela Joshua at Neil.Alam niya na lilipat si Aura ngayong araw. Pero… bakit ganito kaaga?! Hindi pa siya nakakapaghanda ng agahan.Naglilinis si Lily at dumirecho siya sa pinto.Nagulat si Luna, ang taong nasa pinto ay hindi si Aura, kundi… si Granny Lynch.Sa mga sandaling ito, mabagal na pumasok si Granny Lynch sa tulong nila Adrian Lynch at Celia Giles.Hi
Magbasa pa

Kabanata 1233

Nawalan ng kulay ang mukha ni Adrian dahil sa mga sinabi ni Joshua. Sa tabi niya, sumimangot si Celia at hindi niya mapigilan na sumingit. “Joshua, kapatid mo si Michael, paano mo nasabi ‘yan? Kahit na…”“Kahit na may dalawang magulang siya, walang kwenta pa rin siya.” Sumingit si Joshua kay Celia at lumingon siya para tumingin ng malamig sa tatay niya. “Namatay ang nanay ko noong sanggol pa ako, patay na rin ang tatay ko para sa akin, pero, disenteng tao pa rin ako. Hindi niyo tinuruan ng mabuti ang anak niyo, hanggang sa punto na sinubukan niyang patayin ang isang tao sa harap ng publiko. Ngayon at may ebidensya at inaresto siya ng mga pulis, hindi lang niyo lang ito pinagsisihan, sa halip, pinipilit niyo pang bawiin ni Luna ang kaso. Pinapaayos niyo pa sa iba ang gulo na ginawa niyo, ganun bang klase ng mga tao sina Mr. at Mrs. Lynch? Kaya pala may anak kayo na tulad ni Michael.”Sa sobrang galit ni Adrian ay halos lumuwa na ang mga mata sa ulo niya.Samantala, mas kalmado si Cel
Magbasa pa

Kabanata 1234

Hindi mukhang tinakot o pinagbantaan si Granny Lynch. Pumikit si Joshua at ngumiti siya ng mapait. “Granny, sa tingin niyo ba ay ang isang tao na tulad ni Michael ay may karapatan para maging kapatid ko?”“Kung nasa tama man siya o hindi, kapatid mo siya!” Tumingin ng malamig si Granny Lynch kay Joshua, sinuportahan niya ang sarili niya gamit ang tungkod at naglakad siya papunta sa pinto. “Huli na ang desisyon! Babawiin niyo ni Luna ang kaso ngayong araw! Kung hindi, hindi na kita apo!”Pagkatapos, lumingon siya at tinawag niya ang dalawa, “Adrian, Celia, tara na!”Tumingin ng masama si Adrian kay Joshua at umalis na siya kasama si Celia, pareho nilang sinuportahan ang matandang babae ng magkabilaan. Sumara ng malakas ang pinto sa likod niya. Tumahimik ang buong sala.Tumingin si Luna sa direksyon kung saan umalis ang matandang babae, pagkatapos ay lumingon siya at tumingin kay Joshua. “Bakit hindi… ko na lang bawiin ang kaso.”Kahit na gusto niya rin na makulong si Michael sa kul
Magbasa pa

Kabanata 1235

Dahil kay Granny Lynch at sa mga bisita nila na hindi imbitado, nawalan ng gutom si Luna ngayong umaga.Naghanda siya ng agahan at tinawag niya sina Nellie at Nigel papunta sa hapagkainan, pagkatapos ay binisita niya si Neil, at sa huli, binuksan niya ang pinto ni Joshua habang nagbabalanse ng pagkain sa kanyang mga kamay.Sa mga sandaling ito, nakahiga sa kama si Joshua, binabasa ang isang kopya ng medical report. Sumimangot si Luna at lumapit siya kay Joshua, sumilip siya sa report. Sa ikinagulat niya, kay Granny Lynch.Tumigil si Luna, binaba niya ang bowl sa maliit na mesa at tumingin siya kay Joshua. “Anong problema kay Granny?”“May sakit siya. Nangyari ito noon pa, pero hindi niya sinabi sa akin.”Bahagyang tumigil ang kamay ni Luna na magpapakain ng oats kay Joshua. “Seryoso ba ang kondisyon niya?”“Oo.” Tumango si Joshua, may bahid ng pagod sa kanyang mukha. “Nahuli siya sa pagaaway ng pamilya noong nakalipas an ilang taon. Dahil sa mga mapangahas nilang ginawa, hindi pa
Magbasa pa

Kabanata 1236

“‘Wag kayong mag alala, lumipat ako sa Blue Bay Villa para sa anak ko, si Jake Landry. Gagawin ko ang lahat para protektahan siya. Ginagamot na ang mga sugat na natamo ng anak ko pagkatapos siyang apihin ni Luna.“Si Luna? Syempre dito rin siya nakatira. Sa masamang babae na tulad niya, siguradong mas magiging malala ang mga gagawin niya sa akin ngayon at nandito na ako, pero para sa anak ko, hindi ako natatakot.“Sige, kapag tumagal at inapi o sinaktan ako, sasabihin ko agad sa inyong lahat, para maparusahan sila ng publiko!”…Habang nakaupo sa loob ng kotse, tumingin sina Luna at Aura sa entrance ng villa at hindi niya mapigilan na tumawa ng malakas.Laging ang mga masasamang tao ang unang gumagawa ng gulo. Pero ngayon, hindi siya pwedeng umuwi. Kaya naman, sinabi niya sa driver na umalis at sahalip ay pumunta na lang sa bahay ni Anne.Nagalit si Anne dahil binugbog ni Aura si Neil at dahil pinilit nito na lumipat sa villa, minura niya ng malakas si Aura sa harap ni Luna ng bu
Magbasa pa

Kabanata 1237

Habang nakatingin sa mayabang na pag uugali ni Aura, ngumiti si Luna at umakyat siya, hindi niya na pinansin si Aura.Habang nakatayo sa baba, pinanood ni Aura habang umakyat ng hagdan si Luna, tinapon niya ang lahat ng nasa mesa dahil sa galit!Kahit sa imahinasyon niya, hindi niay inaasahan na magiging problema ito. Inaasahan niya na ipapadala si Neil sa isang specialist hospital para gamutin ang mga sugat niya. Pero, hindi niya inaasahan na sa sandali na makipag tulungan siya kay Adrian para magkasakit ulit ang matandang babae, agad na ipapadala ni Joshua ang dalawang bata sa malayo, sa dahilan na may sakit ang matandang babae.Dahil wala ang tatlong mga bwisit na bata dito, ano ang punto ng pagpunta niya dito?Niligtas na si Theo at wala sa bahay ang mga bata. Ano ang pwede niyang gamitin para magpatuoy siya sa pananakot at paglaban kay Luna?Habang iniisip ito, ginitgit niya ang ngipin niya sa galit, tumingin siya sa kumukulong kaldero ng clam chowder, sumingkit ang kanyang m
Magbasa pa

Kabanata 1238

Sabik na ininom ni Courtney ang clam chowder, pinuri niya si Aura habang iniinom ito, “Ang bait ni Ms. Gibson! Alam niya na nagsisipag ako dito at binigyan niya pa ako ng soup!”Tumingin si Luna kay Courtney. Sa totoo lang, gusto niyang sabihin… na baka gusto sa kanya ibigay ni Aura ang bowl ng soup…Kung sabagay, kung gusto ni Aura makuha ang loob ni Courtney, hindi niya sasabihin na para sa kanya ito dahil hindi ito masarap.Gayunpaman, hindi rin siya interesado sa soup.Hindi nagtagal, naubos ni Courtney ang bowl ng soup, nagpaalam siya kay Joshua, at umalis na siya ng villa habang dala ang patong patong na dokumento sa mga kamay niya.Nang umalis na siya, tumingin si Joshua kay Luna. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag ka masyadong pumunta dito, ngayon at nandito na si Aura?”Tumingin si Luna kay Joshua. “Alam ko. Pero, may kailangan akong sabihin.” Huminga siya ng malalim. “Gusto kong sabihin… salamat.” Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Joshua. “Kasalanan ko at nagalit a
Magbasa pa

Kabanata 1239

Tumigil ang kamay ni Joshua na nakahawak sa phone. Tinaas niya ang kamay niya at tumingin siya kay Luna. “May sakit si Courtney.”Nanginig ang buong katawan ni Luna. May sakit si Courtney? Pero bago siya umalis, maayos pa rin siya. Bakit…Biglang dumating sa isip ni Luna ang imahe ni Courtney na iniinom ang clam chowder. Kung tama ang pagkakaalala niya…Inutusan ni Aura ang mga katulong na magdala ng bowl ng clam chowder. Pero hindi niya inaasahan na iisipin ni Courtney na isa itong regalo mula kay Aura at inubos ito ni Courtney. Ito ang dahilan kung bakit…Habang iniisip ito, pinagpawisan si Luna. Hindi niya maisip ang kahihinatnan kapag siya ang uminom ng bowl ng soup!“Luna.” Nang matapos na ang phone call, tumingin si Joshua kay Luna. “Sinabi ko sa driver na dalhin siya sa hospital kung nasaan sina Neil at Theo. Gusto mo ba… na bisitahin siya para sa akin?”Tumigil si Luna at agad siyang tumango. “Sige.” Pagkatapos, tumayo siya ng mabilis at naghanda siyang lumabas. Sa sandal
Magbasa pa

Kabanata 1240

Sa huli… dahil talaga ito sa bowl ng clam chowder.“Pero ang layunin ng lason ay hindi para patayin siya.” Tumingin si Dr. Yves sa medical records, sumingkit ang mga mata niya at sinabi niya, “May maliit na halaga lang ng lason sa dugo niya, hindi ito sapat para mamamatay agad siya. Pero kapag naipon ito sa katawan, at kapag dumating ito sa punto na namuo ito, sasabog ito. At kapag nangyari ‘yun, mamamatay ang pasyente, kahit ang mga pinakamagaling na doctor sa mundo ay hindi siya kayang gamutin.”Pagkatapos, binuklat niya ang medical record ng matandang babae. “Parang sa pasyente na ito, kahit sa tulong ng pinaka magagaling na mga doctor, magagawa lang nila na pigilan ang mga sintomas, sa sandali na lumala ito, baka mamatay ang pasyente.”Nabigla si Luna. Makalipas ang ilang sandali, sinabi niya ng namamaos, “Kaya… ang lason na ginamit kay Courtney, at ang lason na ginamit kay Granny Lynch… ay iisang uri lang ng lason?”“Oo.” Nagbuntong hininga ang doctor, “Aksidente ang nangyari
Magbasa pa
PREV
1
...
122123124125126
...
308
DMCA.com Protection Status