Lahat ng Kabanata ng Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko: Kabanata 1221 - Kabanata 1230

3080 Kabanata

Kabanata 1221

Hindi inaasahang tinulak ni Luna si Michael.Nahulog si Luna habang una ang mukha. Higit sa tatlong metra ang tangkad ng entablado!Pati, may mga malaking spotlight na nakapwesto sa ibaba ng entablado para sa ilaw. Maraming matalim at bakal na sulok ang mga spotlight.Tumingin si Luna sa matalim na mga sulok at pumikit siya ng madiin. Nakita niya na rin ang mga mangyayari kapag nahulog siya.Madiin ang pagpikit niya, hinihintay niya dumating ang sakit. Gayunpaman, hindi niya inaasahan na habang nasa ere na siya, may malaking kamay na umabot at humawak sa kanya.Nanginig si Luna at napatingin siya sa likod. Ang taong nakahawak sa kanya ay ang maputlang si Joshua!Sa sobrang gulat niya ay wala siyang masabi. Sugat pa rin si Joshua!Gusto niyang tulungan si Joshua, ngunit nasa ere siya. Ang mga dulo ng paa niya lang ang nasa dulo ng entablado. Wala siyang malagay na kahit anong lakas.Habang nag aalala kung mahihila din pababa si Joshua dahil sa igat, agad na sumigaw si Bonnie sa
Magbasa pa

Kabanata 1222

“Dad, ano ang gagawin ko! G-Galit lang ako kanina. Ayaw kong makulong! Hindi ako pwedeng makulong! Alam mo na dati akong…” Hindi natapos sa pagsasalita si Michael dahil umiiyak siya ng malkas.Lumabas ang ugat sa noo ni Adrian. Naalala lang ito ni Adrian nang ipaalala ito ni Michael.May mga kriminal record si Michael dati. Sinagot lahat ito ng pera.Kung kinulong talaga si Michael, baka ibalik ni Joshua ang lahat ng mga kaso dati. Kapag nangyari ‘yun, hindi na lang ito kasing simple ng pagpunta sa kulungan!Habang iniisip ito, wala nang pakialam si Adrian sa ibang bagay. Agad siyang lumuhod sa harap ni Luna.“Ms. Luna, aamin ako na mali ang ginawa ni Michael kanina, pero hindi ka dapat maging walang puso. Pakiusap, pagbigyan mo siya sa basehan na kapatid siya ni Joshua.”Nabigla si Luna sa mga kilos ni Adrian. Hindi niya inaasahan na direktang luluhod si Adrian sa harap niya.Tumingin si Luna sa matandang lalaking nakaluhod sa sahig sa harap niya.“Master Lynch, hi… hindi mo n
Magbasa pa

Kabanata 1223

Ang boses na ‘yun…Tumigil ng ilang sandali si Luna. Agad siyang lumingon. Si Aura nga ito.Sa mga sandaling ito, tinanggal ni Aura ang shades at sombrero niya, naglakad siya papunta sa entablado.“Master Lynch, sinabi mo na ako ang tumawag sayo at sinabi ko na halos patay na si Joshua, sinabi ko na agawin ng anak mo ang kayamanan ni Joshua. May ebidensya ka ba?“Sinabi mo rin na ako ang nagsabi sayo tungkol sa balita at sinabi ko sayo na iannounce ang pagkamatay ni Joshua at gumawa ng press conference. Maitanong ko nga, may ebidensya ka ba?”Agad na pumangit ang ekspresyon ni Adrian dahil sa mga sinabi ni Aura. Ginitgit niya ang ngipin niya at tumingin siya ng malupit kay Aura.“Paano ako magkakaroon ng ebidensya! Gumamit ka ng pekeng number para tawagan kami! Ibababa mo ang phone pagkatapos ng ilang pangungusap! Wala kaming oras para irecord ito!”Sumingkit ang mga mata ni Aura. Sa huli, naisip ni Adrian na irecord ang pag uusap nila. Mabuti na lang ang matalino siya at hindi
Magbasa pa

Kabanata 1224

Tumingin ng masama si Adrian kay Aura. Mabilis siyang lumapit kay Aura ng may mapagbanta na senyas.“Kasalanan mo ito! Kasalanan mo ang lahat ng ito!”“Adrian!” Si Celia, na kakatanggap lang ng balita, ay dumating. Agad siyang tumakbo papunta sa entablado at niyakap si Adrian. “Nasa malaking gulo si Michael ngayon. Dapat…”Tumingin siya kela Joshua at Luna. Alam niya na walang saysay ang pagmamakaawa sa kanila. Kinagat niya ang mga labi niya at agad siyang may sinabi sa tainga ni Adrian.Naging kalmado ang ekspresyon ni Adrian. Huminga siya ng malalim at umalis siya kasama si Celia ng hindi nagsasalita.Sa sandali na umalis siya, tumunog ang boses ni Jude sa earphones ni Joshua. “Tumawag ng taxi ang tatay mo at ang asawa niya, papunta sila sa Lynch mansion. Dapat ba akong magpadala ng mga tao para protektahan ang lola mo?”Sumingkit ang mga mata ni Joshua. Malamig siyang sumagot,Gumulong ang mga mata ni Jude at ibinaba niya ang phone. Hindi na dapat siya nag alala para kay Josh
Magbasa pa

Kabanata 1225

Natulala si Luna dahil sa mga sinabi ni Aura. Pagkatapos, galit siyang tumingin kay Aura. Medyo namamaos ang boses niya dahil sa galit.“Sinaktan ko ang anak mo? Ikaw ang nanakit sa anak ko! Aura, paparusahan ka sa pananakit sa isang bata!”Pinunasan ni Aura ang mga luha niiya at tumayo siya. Galit din niyang pinagalitan si Luna, “Ako dapat ang nagsasabi nito sayo!”Huminga ng malalim si Aura, pinunasan niya ang mga luha niya, at kinuha niya ang microphone. Puno ng kalungkutan ang boses niya. “Noong nakaraan lang, binigay ko sa inyo si Jake ng may magandang kondisyon, pero binalik niyo siya sa akin ng ganito!”Kinagat ni Luna ang mga labi niya. Tumulo ang mga luha niya. “Luna, ikaw lang ang nakakaalam ng ginawa mo! Walang hiya ka para sabihin na sinaktan ko ang mga anak mo! Ikaw ang bumugbog sa anak ko! Araw araw na pinoprotektahan ang mga anak mo sa Blue Bay Villa. Paano ko sila sasaktan? Pero, ang Jake ko naman…”Umiyak si Aura habang pinapakita ang mga litrato.“Pumunta lang s
Magbasa pa

Kabanata 1226

Ginitgit ni Luna ang ngipin niya at tumingin siya ng masama sa luhaang si Aura.“Ano ba ang gusto mo?”“Wala naman masyado.”Hawak ni Aura ang microphone. Tumingin siya sa mga reporter sa ibaba ng entablado. Ang tono niya ay agrabyado at malungkot.“HIndi ako galit kay Luna dahil binugbog niya ang anak ko, galit ako kay Joshua dahil hindi niya prinotektahan ang anak namin! Gusto ko lang ng tatlong bagay ngayon.”Huminga ng malalim si Aura.“Una, dapat humanap si Joshua ng pinakamagaling na medical team para gamutin ang anak ko.”“Pangalawa, para protektahan ang buhay ng anak ko, gusto ko matulad kay Luna, gusto kong tumira sa Blue Bay Villa, para masigurado ko na lagi ko siyang maprotektahan.”“Pangatlo.”Sumingkit ang mga mata ni Aura at tumingin siya kay Luna, na siyang nakaupo sa sahig at halos hindi na nito kinaya.“Dapat sumuko si Luna sa pulis, aamin siya sa pang aapi sa anak ko!”Niyakap ni Joshua si Luna. Tumingin siya ng malamig kay Aura at sinabi niya, “Sigurado ka
Magbasa pa

Kabanata 1227

Nakuha ng mga reporter kung gaano kayabang at mapagmataas si Aura.Yakap ni Joshua si Luna. Sinubukan ni Luna na sumugod ng galit ng ilang beses, ngunit pinigilan siya ni Joshua. Sinubukan ni Luna na tumakas, pero nag aalala siya sa mga sugat ni Joshua. Hindi niya pwinersa ang pagtakas niya.Nang matapos na si Aura sa pagiging mayabang, sumingkit ang mga mata ni Joshua at tumingin siya ng malamig kay Aura.“Ngayon, nasaan si Jake? Kukuha ako ng mga pinakamagaling na doctor para gamutin siya, basta’t ibigay mo siya sa akin.”Ngumiti si Aura. “Pinadala ko na siya sa Blue Bay VIlla.”Ngumiti siya ng mayabang kay Joshua, ”Tingnan mo ang phone mo. Natanggap mo na siguro ang balita.”Sumingkit ang mga mata ni Joshua at tumingin siya sa phone niya. Nagsend nga sa kanya ng message si Lily.[Nakabalik na po si Neil, pero masama po ang kondisyon niya! Sir, tatawagin ko po ang family doctor! Humanap din po kayo ng espesyalista, natatakot po ako na hindi po sapat ang family doctor para hara
Magbasa pa

Kabanata 1228

Sumandal si Joshua sa back seat. Ang boses niya ay mahina at mahirap marinig.Kinagat niya ang labi niya at nagbuntong hininga siya, sinabi niya, “Tawagan niyo si Dr. Rowena Shaw. Magpadala kamo siya ng dalawa sa pinakamagaling na trauma physician at orthopedic doctor sa bahay. Dumirecho ka sa bahay.”Kumunot ang noo ni Jude hababang nagmamanaeho siya. “Joshua, sa tingin ko ay dapat ka pa ring pumunta sa hospital. Seryoso ang sugat mo, ang pagkuha lang ng doctor papunta sa bahay mo ay…”“Direcho sa bahay.”Pumikit si Joshua at sumandal siya sa leather seats. Mababa ang boses niya. “Inapi ni Aura si Neil. Nasa Blue Bay VIlla siya ngayon. Gusto kong umuwi. Ayaw kong pumunta ng hospital. Kapag hindi ko nakita si Neil, mag aalala ako…”Si Luna, na nakadiin pa rin sa sugat, ay nabigla sa mga sinabi ni Joshua. Lumingon siya at tumingin siya ng gulat kay Joshua. Namamaos ang boses niya. “Ma… Mahalaga talaga sayo ng sobra si Neil?”Sa mga nakaraan, hindi naramdaman ni Luna ang pagmamahal
Magbasa pa

Kabanata 1229

Nakahiga si Neil sa sofa, punong puno siya ng mga sugat at pasa.Pula pa rin ang mukha niya at may namamagang bakas ng kamay dito. May black eye sa kaliwang mata niya, halatang sinuntok ng isang tao.Walang parte ng katawan ni Neil na hindi puno ng galos. Ang bawat parte ng balat niya ay pula o asul.May ilang mga parte ng buhok na tinanggal, nakikita ang puti at pula niyang anit.Ang kanang paa niya ay parang lantang gulay. Tila nabali ang buto sa binti niya.Halos tatlong pung taong gulang na si Jude, ngunit ito ang unang beses niyang nakakita ng taong nasa ganitong malubhang sitwasyon.Kahit na nasa masamang kondisyon siya, ngumiti pa rin si Neil sa mga doctor na gumagamot sa sugat niya habang nakahiga siya sa sofa.“Salamat po. Matagal niyo na pong ginagamot ang mga sugat ko. Gusto niyo muna po bang magpahinga? Ayos lang po, hindi na po masyadong massakit.”Habang nakatingin sa pagiging matibas ni Neil, pinunasan ng doctor ang mga luha habang nililinis ang sugat niya. “Mabu
Magbasa pa

Kabanata 1230

“Anak kita! Akin ka!”Tinikom ni Neil ang mga labi niya. Nilabas niya ang kamay niyang may sugat at niyakap niya si Luna. “Mhm. Mommy, magiging mabait po ako at aalagaan ko po kayo. Makikisundo po ako kela Nigel at Nellie. Naniniwala po ako na maibabalik ko ang mga alaala ko.”Kinagat ni Luna ang mga labi niya at tumango siya. May gusto sana siyang sabihin nang…Bang! Biglang may tunog ng mabigat na bagay na tumama sa sahig.“Daddy!” Ang kasunod nito ay ang balisang mga sigaw nila Nellie at Nigel. Nabigla si Luna. Napatalikod siya.Nahimatay na si Joshua sa sahig. Maputlang maputla ang mukha niya.Agad siyang tinulungan nila Jude at Bonnie. Agad na lumapit ang mga doctor. May ilang mga nag aalaga at gumagamot kay Neil, ang iba naman ay tumatahi ng sugat ni Joshua.Mabilis na lumapit si Luna para tulungan sila.Pagkatapos ng isang busy na araw, bumalik na ang Blue Bay Villa sa pagiging tahimik pagdating ng gabi.Nilagyan ng cast ang binti ni Neil na may baling buto. Sinabi ng
Magbasa pa
PREV
1
...
121122123124125
...
308
DMCA.com Protection Status