Lahat ng Kabanata ng Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko: Kabanata 1191 - Kabanata 1200

3080 Kabanata

Kabanata 1191

Sumingkit ang mga mata ni Luna, habang nakatingin sa lalaking masyado mataas ang tingin sa sarili.Ito ay dahil ayaw niyang madamay sa isang tao na tulad ni Michael, ito ang dahilan kung bakit kaya niyang mag alok ng pera para tapusin na ito.Sa tingin ni Luna ay hindi maliit ang 200,000 dolyar para dito. Kung sabagay, biglaan lang na pinag desisyunan ang engagement. Sa simula hanggang dulo, walang mawawala kay Michael.Hindi alam ni Luna kung saan nakuha ni Luna ang tapang at lakas ng loob. Ang lakas ng loob niya para hilingin ang kalahati ng kayamanan ni Joshua.Huminga ng malalim si Luna, pinigilan niya ang galit sa puso niya habang nakatingin siya ng masama kay Michael. “Michael, alam ko na gusto mong kalabanin si Joshua. Alam ko rin na gusto mo ang mga asset ng Lynch Group, pero…”Nanunuya si Luna. “Gusto mong gamitin ang kasal ko bilang capital para makuha ang mga asset ni Joshua? Hindi ba’t mali ang akala mo? Ako ang nag aalok ng kasunduan sayo. Ako ang ayaw magpakasal sayo
Magbasa pa

Kabanata 1192

“Hindi mo na dapat ako pasalamatan. Gagawin ko rin ‘yun.”Malalim at nakakaakit ang boses ng lalaki. May bahid din ng panlalait at pang aasar dito.Tumigil ng ilang sandali si Michael at napatalikod siya para tumingin. Ang lalaking sumuporta sa kanya ay walang iba kundi ang kapatid niya, si Joshua.Nakaupo si Joshua sa wheelchair. Malalim ang tingin niya.“Second Young Master Michael, hindi mo talaga kayang masaktan no? Isang beses ka lang sinampal ng isang maliit na babae na tulad ni Luna, pero hindi ka na agad makatayo ng diretso. Laging pinapahalagahan ni Adrian ang kalusugan, pero bakit pangit ang pagpapalaki niya sayo?”Lumaki ang mga mata ni Michael. Dinilaan niya ang mga labi niya at tumingin siya ng galit kay Joshua.“Tatay mo rin si Adrian!”Tumaas ang mga kilay ni Joshua at tumawa siya. “Nararapat ba siya na maging tatay ko?”Pagkatapos, ginulong ni Joshua ang wheelchair papunta kay Luna at tumingin siya dito ng kalmado. “Pumunta ka pala dito para makipag landian sa k
Magbasa pa

Kabanata 1193

Nang makita na tumigil si Joshua, may bahid ng tuwa sa mga mata ni Michael.Gumana ang pakana niya! Mahalaga pa rin si Luna para kay Joshua!Agad na huminga ng malalim si Michael at nagpatuloy siya sa pagbabanta, “Joshua, baka hindi mo alam ito, pero inalok ako ng dalawang daang libong dolyar ni Luna para bawiin ko ang kasal, pero tinanggihan ko ‘yun. Kung pumayag ka na kilalanin ako bilang Second Young Master ng Pamilya Lynch, ako ay—”Ngumisi si Joshua at tumalikod siya. Tumingin siya ng malamig kay Michael.“Bakit ko naman ipapabawi sayo ang kasal?” Sumingit si Joshua kay Michael. Malalim ang tingin niya kay Michael. Ang tono niya ay malamig at mayabang.“Dahil gustong gusto mo ang nobya mo, pwede kang magpatuloy sa pagiging nobyo niya. Dahan dahan lang tayo.”Pagkatapos, inikot ni Joshua ang wheelchair at umalis na siya.Saglit na nabigla si Michael bago niya hinabol ng galit si Joshua.“Wala ka bang pakialam kay Luna? Ako nag nobyo niya, at may karapatan ako na gawin ang k
Magbasa pa

Kabanata 1194

Sa sandali na pumasok siya sa kotse, tumingin si Joshua sa harap. Malamig ng tono niya.Tumigil si Luna ng ilang sandali. Alam niya na ang tinutukoy ni Joshua ay ang plano niya para magbigay ng 200,000 dolyar kay Michael para bawiin ang kasal.Nagbuntong hininga siya at sinabi niya, “Ayaw ko lang na gumawa pa ng gulo.”Isang masamang lalaki si Michael. Kagabi, dahil tinakot si Luna at pinilit na pumayag sa engagement kay Michael, sunod sunod na darating ang mga problema na dala nito.Tulad ng tinatawag nila na paglalandi kanina, mangyayari ulit ‘yun.Ito ay dahil alam na ni Luna ang mga mangyayari, kaya’t ayos lang sa kanya na magbayad kay Michael para bawiin ang kasal.Sa mga sandaling ito, ang tanging nasa isip niya ay kung paano niya tutulungan si Neil na bumalik ang mga alaala nito at kung paano niya ililigtas si Theo. Wala na siyang natitirang lakas para harapin pa si Michael.“Pero, kung nagpakita ka ng kahit anong kahinaan, pagsasamantalahan ka lang niya.”Lumingon si Jo
Magbasa pa

Kabanata 1195

Kumunot ang noo ni Neil.Tumingin siya ng kakaiba sa babaeng doctor na nasa harap niya.“Paano naman po kayo napunta sa ganitong konklusyon?”Nagkibit balikat si Dr. Rowena. Tinuro niya ang mga indicator sa test na ginawa niya kanina at pinakita niya ito kay Neil.“Pareho ang dugo niyo ni Nigel; may dalawang espesyal na uri ng protina dito. Ang dalawang espesyal na uri ng protina na ito ay namamana sa mga magulang mo.“Dating pasyente ko ang tatay mo na si Joshua. Ginawa ko na rin ang test na ito sa kanya. Wala siya ng dalawang uri ng protina na ito, kaya’t ang dalawang protina niyo ni Nigel ay namana niyo sa nanay niyo.”Gumulong ang mga mata ni Neil. “Sinabi ko na po na magkapatid ang mga nanay namin. May mga materyal sa genetika na magkakapareho. Hindi po ba?”Kumunot ang noo ni Dr. Rowena. Hindi pangkaraniwan na ang magkapatid na babae ay may parehong dalawang uri ng protina, paano pa kaya kung ipasa ito sa susunod na henerasyon.Kung hindi kambal ang batang nasa harap niya
Magbasa pa

Kabanata 1196

Habang iniisip ito ni Neil, mas nainis siya. Ito ay para bang may malaking bato sa taas na dumadagan sa puso niya, isang bagay na hindi niya maalis at hindi niya pwedeng hayaan.Makalipas ang mahabang sandali, hindi niya na ito matiis. Kinuha niya ang phone niya at pumunta siya sa hardin para tumawag.Pagsagot ni Aura ng tawag ni Neil, kakaalis lang ni Michael.Nakahiga siya sa sofa sa hotel. Nakatingin sa caller ID, sumimangot siya.Kung tama ang pagkakaalala niya, kagabi, nagdesisyon sila ng b*stardong ito ng oras para mag usap lang isa ng isang beses sa loob ng tatlong araw.Isang araw pa lang ang lumipas, pero tinawagan na siya nito?Kumunot ang noo ni Aura at sinagot niya ang phone.“Inay.”Sa kabilang linya ng phone ay ang boses ni Neil. “Magkapatid po ba talaga kayo ni Luna?”Kumunot ang noo ni Aura. “Bakit mo biglang tinatanong ang tungkol dito?”Huminga ng malalim si Neil. maingat niyang sinabi, Sumingkit ang mga mata ni Aura. “Bakit bigla mong binanggit ang tungko
Magbasa pa

Kabanata 1197

Mahigpit na hinawakan ni Neil ang phone niya.Mabilis na tumibok ang kanyang puso. Pagkatapos makipag usap kay Aura para humanap ng pagkakataon na ilabas sina Nigel at Nellie, balisang umupo si Neil sa bench ng hardin.Mukhang hindi siya nagkakamali. Baka hindi rin nagkakamali ang doctor.Malamang ay kambal sila ni Nigel. Baka sabay silang ipinanganak ni Nellie!Gayunpaman, komplikado ang mga nararamdaman niya habang iniisip ito. Sa isang palad, masaya siya na magkakaroon na siya ng totoong mga kapatid.Sa kabilang palad, naisip niya na mapagpanggap talaga sina Joshua at Luna dahil sa ideya na ito.Paano sila nagpanggap na mabait na mga magulang sa mga anak ng ibang tao?Habang kumakain ng hapunan, sa hindi inaasahanParehong nagulat sina Luna at Joshua. Tumingin si Luna kay Neil, at pagkatapos ay tumingin siya kay Joshua. Nakatingin sa kanya si Joshua, nakatinginan sila habang gulat ang kanilang mga mata.Ngumiti si Nellie sa tabi at tumingin siya sa kanila. Tumawa siya ng ka
Magbasa pa

Kabanata 1198

“Kung si Nigel man po ay isang bata na mahilig magbiro, ako po ang makakakita nito. Wala lang po kayong tiwala sa akin. Dahil wala po kayong tiwala sa akin, bakit niyo po ako dinala dito?”Pagkatapos, hirap na kinuha ni Neil ang plato, ngunit pwersahan itong binaba ni Luna.Sa huli, hindi na ito kinaya ng plato, at agad itong dumulas sa mga kamay nila.Crash! Nahulog ang plato, at kumalat ang cookies sa sahig.Tumahimik ang buong hapagkainan.Ngumiti si Neil. “Mabuti po, wala nang malalason.” Pagkatapos, huminga siya ng malalim at umakyat siya.Hindi man lang siya umiwas sa mga basag na piraso ng plato, at tumusok ang bubog sa kanyang tsinelas, natusok ang kanyang mga paa. Ngunit, tila hindi niya naramdaman ang sakit nito. Patuloy lang si Neil sa paglalakad.Malakas na sumara ang kwarto ng mga bata.Sa dining table, nagkatinginan ang pamilya ng apat. Makalipas ang ilang sandali, tumingin si Luna kay Joshua at sinabi niya. “Bakit mo kailangan magtanong ng ganun?”Tumingin si
Magbasa pa

Kabanata 1199

Kumunot ang noo ni Luna.Tumingin din ng malamig si Joshua kay Nellie.“Tatlo lang kayong pupunta para kumuha ng DNA sample?” Kumunot ang noo ni Joshua. “Sabihin niyo na lang sa kanya na sabihin sa atin kung nasaan si Aura. Pwede ko na lang ipadala ang mga tauhan ko para gawin ‘yun.”Naisip ni Joshua na hindi kailangan ang tatlong batang ‘yun para kunin ang DNA samples.Ang kahit sinong bodyguard nila ay propesyonal ang pagsasanay. Mabilis at malinis ang mga kilos nila, walang lugar para sa pagkakamali.“Pero gusto po pumunta ni Neil doon ng mag isa.”Mabagal na lumingon si Nigel. “Sinabi niya rin po na hindi nagtatagal si Aura sa isang lugar. Pati, marami pong guwardiya si Aura. Kung nagpadala ka po ng mga tao na gawin ‘yun, malalaman niya rin po agad.“Pero, kung pupunta po siya doon ng mag isa, hindi po maghihinala si Aura. Iisipin lang po ni Aura na gusto siyang makita ni Neil.“Para naman po sa pagsama namin…” Tumingin si Nigel kay Nellie. “Natatakot lang po si Nellie na b
Magbasa pa

Kabanata 1200

Agad na hinawakan ni Luna ang baa ni Neil, nakita niya ang sugat na paa nito. May ilang mga piraso pa ng basag na plato na nakabaon dito.Nagbuntong hininga siya at tinanggal niya ng dahan dahan ang mga maliliit na piraso ng basag na plato sa paa ni Neil gamit ang tiyani.“Bakit hindi ka nag iingat?”Nakaupo si Neil noong una, ngunit nang hinila niya si Luna, napaatras siya at napahiga siya sa kama. Hindi niya magamit ang lakas niya. Mahigpit na nakahawak si Luna sa paa niya. Medyo masakit ito, kaya’t sumuko na lang si Neil sa pagtakas.Gayunpaman, kahit na tumigil siya sa pagtakas, tumanggi pa rin siya gamit ang mga salita. Kumunot ang noo niya at tumingin siya kay Luna.“Wala kayong pakialam kung maingat ako o hindi. Sinabi ko na po na tumigil kayo sa pagiging mapagpanggap sa akin! Hindi ako si Nigel o si Nellie! Hindi ito gagana sa akin!”Kumunot ang noo ni Luna. “Kahit na mapagpanggap ako, tinutulungan kitang linisin ang sugat mo. Ano ba ang mawawala sayo? Bakit ka tumatanggi
Magbasa pa
PREV
1
...
118119120121122
...
308
DMCA.com Protection Status