Share

Kabanata 1199

Kumunot ang noo ni Luna.

Tumingin din ng malamig si Joshua kay Nellie.

“Tatlo lang kayong pupunta para kumuha ng DNA sample?” Kumunot ang noo ni Joshua. “Sabihin niyo na lang sa kanya na sabihin sa atin kung nasaan si Aura. Pwede ko na lang ipadala ang mga tauhan ko para gawin ‘yun.”

Naisip ni Joshua na hindi kailangan ang tatlong batang ‘yun para kunin ang DNA samples.

Ang kahit sinong bodyguard nila ay propesyonal ang pagsasanay. Mabilis at malinis ang mga kilos nila, walang lugar para sa pagkakamali.

“Pero gusto po pumunta ni Neil doon ng mag isa.”

Mabagal na lumingon si Nigel. “Sinabi niya rin po na hindi nagtatagal si Aura sa isang lugar. Pati, marami pong guwardiya si Aura. Kung nagpadala ka po ng mga tao na gawin ‘yun, malalaman niya rin po agad.

“Pero, kung pupunta po siya doon ng mag isa, hindi po maghihinala si Aura. Iisipin lang po ni Aura na gusto siyang makita ni Neil.

“Para naman po sa pagsama namin…” Tumingin si Nigel kay Nellie. “Natatakot lang po si Nellie na b
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status