Ang kotse ay tumakbo ng napakatagal. Sa likod na upuan, si Nellie ay lumipat sa pagkabagot mula sa kanyang inisyal na pananabik. Idiniin niya ang ulo sa bintana at pinagmasdan ang tanawin sa labas ng bintana. Isang malaking tanong ang bumungad sa kanyang isipan. Nilingon ni Nellie si Neil. "Diba sabi mo pupunta tayo sa isang hotel?"Bakit patungo sa mas liblib na lugar ang sasakyan, umabot pa sa labas ng Banyan City? Tiningnan ni Neil ang address sa phone niya. Kinagat niya ang kanyang mga labi. "Malapit na tayo."Masyadong liblib na lugar ang address na binigay ni Aura. Minsan din pinaghinalaan ni Neil ang address, ngunit sinabi ni Aura na napakalaki ng DNA Diagnostic Center, kailangan itong itayo sa mga lugar tulad ng labas. Pagkatapos ng lahat, tumagal ito ng isang malaking espasyo at sa lungsod ay hindi mura. Kumbinsido si Neil at wala nang pagdududa sa address. Gayunpaman, ang sasakyan ay tumungo pa sa tigang na lupa. Nasaan ang malaking DNA Diagnostic Center? Napating
"Sinasabi ko sayong ihinto mo ang sasakyan!" Baliw na sigaw ni Neil sa driver. Gayunpaman, tila hindi siya narinig ng driver. Hindi lang sa hindi nito hininto ang sasakyan, binilisan din ang takbo nito. Kinagat ni Neil ang labi at padabog na kinalampag ang pinto ng sasakyan. Sinamaan niya ng tingin ang driver. “Ikaw ang driver ko! Bakit hindi ka nakikinig sa akin!" Natawa ang driver, “Iniisip mo bang si Theo Allen ako, na makikinig sa lahat ng sinasabi mo? Young Master, huwag masyadong mataas ang tingin sa iyong sarili. Kami ay mga tauhan ni Lady Aura. Sa kanya lang kami nakikinig!" Pagkatapos, pabagsak niyang tinapakan ang gas. Hindi nagtagal, dumating ang sasakyan sa mismong pasukan ng abandonadong pabrika. Nanlaki ang mata ni Nellie. Gulat na napatingin siya sa sasakyan sa labas. Sa huli, lumingon siya at tumingin kay Neil. "Neil...Jake, nagsinungaling ka sa amin!" Diba sabi niya pupunta sila sa hotel kung saan kukunin ni Aura ang DNA samples niya? Bakit sila nandoon s
Halos hindi pa tapos magsalita si Neil ay sinampal siya ni Aura ng marahas sa mukha. "Ano? Isang araw mo lang nakasama si Joshua tapos naligaw ka na nila? Sino ka ba sa tingin mo? Bakit ko sasabihin sa iyo ang aking mga plano? Dapat mo lang tandaan na ako ang iyong ina! Gagawin mo ang sinasabi ko sa iyo! Tumigil ka sa pagtatanong ng napakaraming katangahan!" Pagkatapos, tumalikod si Aura at nagtungo sa abandonadong pabrika nang hindi lumilingon. "Pumasok ka na dito!" Nakatayo si Neil sa parehong lugar na hawak hawak ang kanyang pula at namamagang mukha. Tumingin siya kay Aura na walang pakialam sa kanya. Bumangon sa kanyang isipan ang eksena kung saan nililinis ni Luna ang kanyang mga sugat at sinasampal ang kanyang puwitan. Kung...Kung siya lang ang nanay niya. Gaano kahusay iyon? Naputol ang signal nina Nigel at Nellie. Si Luna, na sumusunod sa signal sa kotse, ay tumingin sa lugar kung saan ang mga pulang tuldok sa screen ay nawala ay medyo balisa. "Bakit biglang naput
Ang nerbiyos sa noo ni Luna ay pumintig nang husto! Lumingon siya kay Joshua. "Anong ibig mong sabihin doon?" Kalmadong tumingin si Joshua sa bintana ng sasakyan. Mahina ang boses niya pero wala itong kahit anong emosyon. “Ang katotohanan na pwede kang takutin ni Aura at mapasunod sa gusto niya, bukod kay Neil, ang isa pang dahilan ay si Theo. “Ayos pa rin si Neil. Siya ang bargaining chip ni Aura na gagamitin laban sa akin, kaya madali para sa atin na makita si Neil at manatili siya sa tabi ko. “Pero iba si Theo. Bukod sa pagkikita nyo sa tabing-dagat noong araw na iyon, ni minsan ay hindi nagpakita ng mukha si Theo. “Si Theo ang nakatagong alas ni Aura. Hindi lang niya magagamit si Theo para takutin ka, pero pwede rin niyang takutin si Neil kapag kailangan." Tapos, nilingon ni Joshua si Luna. “Walang maraming lugar si Aura sa Banyan City. Ang abandonadong pabrika dito ngayon ay ang nag-iisa. Ayon sa pagkakaintindi ko sa kanya, kung kikidnapin niya sina Nigel at Nellie,
Sa isiping iyon, huminga ng malalim si Luna at tumingin sa maanggulong mukha ni Joshua. “Dahil pumayag ka na makidnap sina Nigel at Nellie ni Aura, kailangan mong tiyakin na ligtas sila. Kung hindi…" Sinamaan siya ng tingin ni Luna. "Habang buhay ko ay kapopootan kita." Ngumiti si Joshua. "Kung may mangyari sa kanila ngayon, kapopootan ko rin ang sarili ko habang buhay." “Sir.” Nang makita kung paano natapos ang kanilang pag-uusap, sinabi ni Lucas sa isang pinipigilang tono, "Nakarating na tayo malapit sa butas ng imburnal." Sabay na napalingon sina Joshua at Luna. Sa harap nila ay talagang isang malaking butas ng imburnal. Bagama't ito ay malaki, hindi ito kasya sa isang matanda na diretsong naglalakad. Bumaba na sa sasakyan ang ilang bodyguard at pumasok sa imburnal na nakaliko ang katawan. Sandaling natahimik si Joshua. Tinanggal niya ang seat belt habang tinuturuan si Luna. "Hintayin mo kami dito. Mayroon akong parehong device sa komunikasyon tulad ng kay Nigel, ngu
Mabaho ang hangin sa underground warehouse. May alikabok sa lahat ng dako at ito ay amoy na parang amag. Dahil walang pinagmumulan ng liwanag, madilim sa lahat ng dako. Gamit ang kanyang kakaibang night vision, hinawakan ni Neil ang kamay ni Nellie at mabilis na tinungo ang liwanag. Sa likod niya, hawak-hawak ni Nigel ang kabilang kamay ni Nellie, na sinusundan ng malapitan.Sa likod nila ay ang mga tunog ng mga yapak at mga taong naghahanap sa kanila gamit ang isang torchlight."Bilisan nyo dito! Kailangan natin silang mahanap agad! Ang lakas ng loob nilang saktan si Lady Aura at tumakas kasama ang dalawa pang bwisit na bata! Jake Landry, patay ka na!"“Pamilya mo si Lady Aura. Bakit mo siya pinagtaksilan para sa dalawang bata na hindi mo kakilala?""Alam mo ba kung ano ang kahihinatnan ng pagtataksil kay Lady Aura?"“Jake Landry, alam kong naririnig mo kami! Ibalik mo agad silang dalawa! Baka hayaan ka pang mabuhay ni Lady Aura!"…Nang marinig ang mga kaguluhan sa likod ni
Maya-maya, may lumabas sa butas ng imburnal.Nasa magkabilang gilid sina Zach at Yuri ng isang haggard at mukhang magulong hitsura na lalaki na puno ng dugo.Napatingin si Luna sa lalaki. Agad na bumagsak ang luha sa kanyang mukha! Ang payat na lalaki ay si Theo! Pinangunahan ni Joshua ang kanyang mga tauhan at natagpuan nila si Theo!“Ma’am.” Matapos mailagay nina Zach at Yuri si Theo sa sasakyan, napabuntong-hininga si Zach. “Nang mahanap po namin si Theo, nakabangga po namin ang mga tauhan ni Aura. Naglaban po kami ng matagal...“Sa ngayon po, hinahanap nila Mr. Lynch at Lucas sina Neil at ang iba pa. Kinuha po namin si Theo at nauna kaming lumabas.”Napakagat labi si Luna. "Nasugatan ba si Joshua?"“Hindi po.”Inilagay si Theo sa kotse. Nawalan na siya ng malay.Nilinis ni Luna ang mukha ni Theo. Nadurog ang puso niya. Kasabay nito, iniangat niya ang kanyang ulo upang makinig sa anumang balita na magmumula sa receiver.Pagkaraan ng ilang sandali, dalawa pang anyo ang pal
Sa malakas na pagsabog, nagsimulang manginig ang buong underground warehouse. Ang alikabok at mga kalat ay nahuhulog pa mula sa butas ng imburnal sa itaas nila Luna.Bahagya itong naisip ni Luna. Agad niyang binuhat si Nellie at hinila si Nigel palayo sa butas ng imburnal.Bumalik sila sa tabi ng sasakyan. Pagkaraan ng mahabang panahon, ang mga sumasabog na tunog at lindol na nagmumula sa underground na bodega ay tumigil.Matindi ang pagsabog. Maging ang mga tauhan ni Jude sa di kalayuan ay nabuwal sa lupa mula sa marahas na lindol. Maging ang mga gusali sa ibabaw ng lupa ay nahulog sa mga guho.Napatingin si Luna sa makapal na usok na lumalabas sa butas ng imburnal sa di kalayuan. Nasa pagkabalisa ang puso niya.Nasa loob pa rin sina Neil at Joshua!Pagtingin sa balisa na mukha ni Luna, napakunot ang noo ni Nigel at pinagaan ang loob niya, “Huwag kang mag-alala kay Neil. Magiging maayos si Neil. Ang pagsabog ay maaaring ginawa ng mga tauhan ni Aura. Bago ang pagsabog, pwedeng lu
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya