Ilang taon ko ring pinaniwala ang sarili kong isang beses lamang nabubuhay ang mga tao sa mundong ibabaw. Iyon ang dahilan kung bakit lubos kong ninais na makamit ang lahat ng mga pangarap ko sa buhay, lalong-lalo na dahil alam kong ang lahat ng bagay ay maaaring bawiin ng tadhana sa isang ihip ng hangin o sa isang patak ng ulan. Walang kahit na sinuman ang nakaaalam sa takbo ng tadhana kaya sa abot ng aking makakaya, nilulubos-lubos ko ang bawat segundong ibinigay sa akin. Mag-ulam lamang ng ampalaya sa loob ng isang linggo, maligo sa ilalim ng ulan hanggang sa ito ay tumila, pumasok sa isang girls' town, umakyat sa bakod ng girls' town, mag-homeschool, mag-cutting sa homeschool, maglakwatsa kasama ang barkada, mag-lead ng rosary, matulog sa rosary—ang dami ko nang nagawa sa buhay kong kailanman ay hindi ko pinagsisihan.
Last Updated : 2021-09-15 Read more