Home / Romance / Hiding his Son (Hiding Series #1) / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of Hiding his Son (Hiding Series #1): Chapter 11 - Chapter 20

48 Chapters

Kabanata 10: Bantay

Iris"Nahanap na ba ang gumawa niyan kay, Iris. Devron?""Yes po, Pa. Nasa headquarters na po natin 'yung Snipper. Hanggang ngayon ay 'di pa rin umaamin kung sino ang nag-utos sa kaniya na barilin si Mama.""Mukhang hindi naman Mama mo ang target, mukhang si Iris talaga. Kung Mama mo nga ang target noong araw na 'yon ay dapat bigla na lang nitong binaril ang Mama mo. Pero hindi, eh... hinintay niya pa talagang humarang si Iris bago niya gawin 'yon.""Ayan na nga po ang naisip ko matapos mabaril si Iris. Buti na nga lang at sa balikat lang siya natamaan. Kung sa pinaka-maselang siya natamaan paniguradong papatayin ko na talaga siya.""Ang importante Devron hindi naging malala ang tama ni Iris. Magpasalamat na lang tayo."Pagkabukas ko ng mga mata ko ay 'yun agad ang narinig ko. Nang luminaw na ang paningin ko ay nabungaran konsa tabi ko si Ma'am Lia na ngayon ay hinahaplos ang buhok ko. Ngumiti siya at nagsalita."Gising ka na pala. Kumusta na ang pakiramdam mo, 'nak? Pasensiya ka na ku
Read more

Kabanata 11: Pagbabanta

IrisMahigit isang linggo na rin nang makalabas ako sa hospital. Nakakahiya pa nga dahil ang mga magulang pa ni Devron ang nagbayad ng bill sa hospital.Hindi kasi ako sanay na may magbabayad sa akin ng malaki. Ako 'yung tipo ng ng tao na ayokong magkaroon ng utang na loob sa ibang tao. Paano kung sa oras na magkagulo ay baka isumbat niya lamang ang lahat ng naitulong niya sa akin.At sa loob ng isang linggo na 'yon ay si Santino ang nagbabantay sa akin. Hindi pa nga nahihiya at umaalis kahit nandoon na sila Devron. Daig niya pa ang bodyguard sa pagbabantay sa akin araw-araw.Kulang na lamang ay siya ang pumalit sa mga bodyguard na nakabantay sa akin noon. Si Devron naman ay kulang na lang ay ipa-banned na si Santino sa Hospital dahil palagi raw nandoon.At dahil wala kaming maggawa ay hinayaan na lang namin. Pinagsabihan pa nga kami ni Ma'am Lia na nagmamalasakit na nga raw 'yung tao, bakit pa raw namin paalisin.Dahil sa konsensiya at magaling mangonsensiya si Santino ay hinayaan ko
Read more

Kabanata 12: Pagsundo

Iris"Umalis ka sa ibabaw ko, Santino," matapang na saad ko pero mas lalo niya akong dinaganan at mas lalo pang nilapit ang mukha sa akin."Kayang-kaya kong gawin ang sinabi ko kanina, Iris," nakangising saad niya. Dahil hindi na ako makapag-timpi ay buong lakas ko siyang tinulak at malakas na sinuntok sa mukha.Kitang-kita ko tuloy kung paano siya mapayuko dahil sa lakas ng suntok ko. Wala akong pakialam kung nasaktan ko ba siya o nagalit na sa akin ng tuluyan.Ang ayoko lang sa lahat ay binibiro ako at inaangkin na akala mo ay isa akong bagay na mabilis angkinin. Mabilis kong pinulot ang baril ko at muling itinutok sa kaniya."Buenavista, sa oras na hindi mo sinabi sa'kin ang dahilan kung bakit ako naandito ay hindi ako magdadalawang-isip na barilin ka," pagbabanta ko sa seryosong boses.Nag-angat siya nang tingin sa akin at inilagay ang dalawang kamay sa bulsa. Sumandal siya sa upuan at muling nagsalita."Ang lakas mo talaga, siguro ay may nagtuturo sa'yo kung paano makipaglaban," n
Read more

Kabanata 13: Sikreto

IrisMatapos sabihin ni Devron 'yon ay hinawakan na niya ako sa kamay. Nagpaalam at handa na sana kaming umalis ng hawakan ni Santino ang isang kamay ko at pinigilan kami."Ako na ang maghahatid sa kaniya dahil ako naman ang nagdala sa kaniya dito," seryosong saad ni Santino na ngayon ay deretso ang pagkakatitig kay Devron."Bakit mo pa siya ihahatid kung naandito na ako, Buenavista. Ako na ang bahala sa kaniya," ganti naman ni Devron at malakas akong hinigit papalayo sa mga Buenavista.Habang naglalakad kami papunta sa sasakyan ni Devron ay nakatitig lamang ako sa kaniya. Sobrang kalmado niya pero ramdam ko na ang namumuong tensiyon sa aming dalawa.Oplan Iris 101: Ihanda ang sarili kay Devron mamaya pag-uwi, paniguradong may World War 3 na magaganap.Binuksan niya ng marahan ang pinto at pinapasok na niya ako. Habang nagsusuot ako ng seatbelt ay sinimulan na niyang paandarin ang sasakyan niya.Kaya ang ginawa ko na lamang ay tumingin sa labas at pinapakiramdam ang katabi ko ngayon na
Read more

Kabanata 14: Huli

IrisNang sabihin 'yon ni Mr Montecillo ay hindi ko sinasadyang mabitawan ang hawak kong tinidor at napahawak sa noo ko. Gusto kong magmura pero nakakabastos iyon lalo na at kaharap ko ang magulang ni Devron na ngayon ay seryosong-seryoso sa nalaman nila. Hindi ko maiwasang mapahawak sa noo ko at napatayo.Sa akin tuloy lahat napatingin dahil sa ginawa ko. Si Devron ay napatingin din sa akin at hinihintay ang gagawin ko. Kaya hilaw akong napangiti at nagsalita."May pag-uusapan lang po kami ni Devron." Dahilan ko at palihim na tiningnan si Devron na mahinang tumango at tumayo.Hindi na ako lumingon at dire-diretsong binuksan ang isang sliding door papunta sa garden nila ngayon. Nang marinig kong isinara na ni Devron ang pinto ay humarap ako sa kaniya.Nakita kong nakatingin pa sa amin ang magulang ni Devron pero hindi ko na lamang muna ito pinansin at napasigaw na lamang sa narinig kanina."Ang bobo talaga!" Nanggagaliting sigaw ko at malakas na napapadyak sa damuhan, habang si Devron
Read more

Kabanata 15: Desisyon

Iris"Anong ginagawa niyong dalawa?!" Dumagundong ang malakas na boses ni Mr Craixon Buenavista ng makita niya kami ni Sebastian sa ganoong posisyon. Hindi ko na inintindi ang nangyaring aksidente at mabilisang hinarap si Mr Buenavista na ngayon ay seryosong nakatitig sa amin. Mahina akong napamura at nagpaliwanag."Magpapali-" Naputol ang sasabihin ko ng muling sumigaw ang Ama ni Buenavista na ngayon ay nanliliksik ang matang nakatingin sa anak niya.Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakaramdam ako ng takot sa tanang buhay ko, dahil sa galit na boses ni Mr Buenavista ay nagpasya muna akong itikom ang bibig ko at yumuko."Magbihis ka muna, Sebastian," bilin ni Mr Craixon at tumingin naman sa'kin ngayon. "Ms De Vega, sumunod ka muna sa asawa ko. Mag-uusap lang kami ng anak ko," saad niya kaya wala na akong naggawa ng kusang lumapit sa akin ang Ina ni Sebastian at hinawakan ako sa kamay.Ngayon ko lang naramdaman ang panlalamig ng kamay ko at panginginig ng tuhod ko habang bumababa kami sa
Read more

Kabanata 16: Walang Kawala

IrisMatapos ang walang kuwentang desisyon na nangyari. Sa huli ay nanalo pa rin si Sebastian habang ang Ama ko naman ay wala ng nagawa. Ako naman ay sobrang sama ng aura dahil maikakasal pa ako ng hindi oras."Huwag kayong mag-alala. Sa Papel sila ikakasal at kukuha tayo ng pari para mapaniwala natin ang mga taong makakasaksi ng kasal niyong dalawa. 'Diba Sebastian?" Pagtatanong ni Mr Craixon habang nakangiti.Ako naman ay dire-diretso lamang ang paglalakad at hindi iniintindi ang pinagsasabi nila. Mas lalo lamang nadadagdagan ang init at galit ng ulo ko."Yes po. Also, 'wag po kayong mag-alala. Aalagaan ko po si Iris." Narinig kong saad ni Sebastian kaya napangiwi ako at sumakay na sa motor."Iris sa atin ka dumiretso," rinig kong saad ni Alfred De Vega habang inaayos ko ang helmet. Napatingin ako sa cellphone ko na nakalagay sa phone holder. Nakita ko pang napatingin sa akin ang lahat. Dahil si Devron ang tumatawag ay sinagot ko ito at sinadyang iloud speaker para marinig nila ang p
Read more

Kabanata 17: Preparation

IrisPagkatapos ng pangyayaring 'yon ay basta ko na lamang nilayasan ulit si Sebastian at iniwan na lang basta sa lugar ni Alfred De Vega. Mas lalo niya lamang dinadagdagan ang galit ko sa ginawa niyang pagpigil at paglayo sa lugar ni Alfred De Vega.Nang itinigil ko ang motor sa tapat ng apartment ko ay napahinga na lamang ako ng malalim dahil talagang hinintay ako ni Devron kahit hindi naman kailangan.Nang makababa na ako ay saka ko lamang naramdaman ang matinding pagod at halo-halong emosyon na nararamdaman ko sa mga nangyari ngayon araw.Marahan kong isinuklay ang buhok gamit ang kamay ko at marahang kumatok sa pintuan ng apartment ko. Ilang minuto pa ang itinagal ko sa labas bago ito mabuksan ni Devron na ngayon ay parang kagigising lang.Nang makita ko siya sa ganoong ayos ay napakagat labi na lang ako at sunod-sunod na tumulo ang luha ko. Hindi ko na nakayanan ang bigat na nararamdaman ko.Pakiramdam ko ay sa ganitong paraan ay mahimasmasan ako sa nangyari ngayong araw. Sa buon
Read more

Kabanata 18: Kasal

Iris"Omg! Bagay na bagay sa'yo ang wedding dress. Lalong naging dyosa! Paniguradong hindi ka na talaga pakakawalan ni Sebastian kapag nakita ka niya!" Saad ng baklang taga-ayos ko ngayon habang ako naman ay napasimangot.Ang alam talaga ng nag-aayos sa akin ngayon ay totoo ang kasalang magaganap kaya todo ayos siya sa akin. Nang makita ko ang sarili ko sa salamin ay napahawak na lamang ako sa wedding gown na suot ko ngayon.Kakaiba ang design na pinagawa ni Sebastian. Puff sleeve off shoulder gown ang nangyaring design. Habang ang baba naman nito ay napapalibutan ng mga diamonds na talagang nakakasilaw dahil kumikinang pa ito.Napahawak naman ako koronang nasa ibabaw ng ulo ko. Maliit ito na akala mo ay isa akong prinsesa na ihahatid sa prinsipe niya. Ang ayos naman ng buhok ay naka-bun at napapalibutan ng bulaklak na magaganda.Hindi ko alam pero lihim akong napangiti sa ayos ko. Kahit isang taon lang naman kaming magsasama ni Sebastian ay talagang pinaghandaan nila. Napatingin naman
Read more

Kabanata 19: Unang Araw

IrisNaggising na lang ako sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Kaya mariin kong ipinikit ang mata ko sabay harang ng kamay sa mukha ko.Nang makapag-adjust na ako sa liwanag ay napaungot na lang ako dahil sa matinding kirot na nararamdaman ko sa ulo. Nang tingnan ko ang suot ko ay nagtaka na lamang ako kung bakit nakabalot ako ng kumot.Nang maalala ko ang nangyari kagabi at kung sino ang kasama ko ay mabilisan akong bumangon at pinakiramdaman ang sarili ko. Kung may masakit babsa akin o may nararamdaman ba akong hindi maganda.Nang maramdaman kong wala naman ay nakahinga ako nang maluwag at nagdesisyong kumuha ng damit. Pero pagbukas ko walk in closet namin ay napasimangot ako nang maalala kong hindi ko nadala ang damit ko.Hindi rin naman kasi sinabi nila na deretso bahay na pala kami. Namangha pa nga ako dahil talagang bumili pa ng bahay si Alfred De Vega. Noong una ay ayoko pang pumayag pero talagang pinagbantaan ako.Napailing na lamang ako at napadako sa mga damit na nakasabi
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status