Home / Romance / Hiding his Son (Hiding Series #1) / Chapter 31 - Chapter 40

All Chapters of Hiding his Son (Hiding Series #1): Chapter 31 - Chapter 40

48 Chapters

Kabanata 30: Hacienda

Iris"IKAW ba ang may gawa ng lahat ng 'yon , Iris?" May diin ang bawat salitang lumalabas sa bibig ng taong kaharap ko ngayon. Habang ako naman ay nakadetwatrong nakaupo sa harapan niya at tumawa."Nag-iisip ka ba? Kung ako ang gumawa niyan sa tingin mo kaya ko 'yang mag-isa? 'Wag ka ngang tanga," naiirita kong saad at humigop ng kape.Narinig ko pa ang pagtawa ni Alfred na akala mo ay nauubusan ng pasensya. Ako naman ay palihim na umirap dahil talagang kinuha niya ako sa bahay habang wala ang asawa ko.Isang buwan na rin ang nakakalipas simula ng mangyari ang planong isinagawa namin. Kumalat sa publiko ang balitang kay Alfred De Vega ang planta na 'yon at iniimbestigahan na ng mga pulis.At sa isang buwan na 'yon ay grabeng pag-iimbestiga ang ginagawa ng mga pulis kay Alfred De Vega. Lalong-lalo na sa amin dahil kami ang itinuturo niyang suspek."NAGTATANONG AKO NG AYOS, SUMAGOT KA RIN NG AYOS, IRIS!" Dumagundong ang boses ni Alfred sa apat na sulok ng kuwarto. Dahil sa sinabi niyan
Read more

Kabanata 31: Dugo

Iris"ISANG BUWAN na ang nakakalipas simula ng mag-imbestiga ang mga pulis tungkol sa illegal na planta ng tumatakbong mayor na si Alfred De Vega. Nakita ang ilang ebidensiya na siya nga ang nagmamay-ari ng nasabing planta. Sa ngayon ay isasailalim sa drug test ang naturang mayor. ""At nagbigay ng pahayag ang anak na babae ni Alfred De Vega na si Kiara. Kiara, anong masasabi mo sa gumawa nito?"At doon ay tumapat naman ang camera kay Kiara at tumitig ng deretso dito. Habang ako naman ay napangisi."Humanda ka, sisiguraduhin kong sisirain ki-"Naputol na lamang ang panonood ko ng mamatay ang t.v. Nang lingunin ko kung sino ang gumawa nito ay napasimangot na lamang ako."Sebastian, ang bastos mo. Kita mong nanonood ako! Bakit mo pinatay?" Naiirita kong tanong at muling sumubo ng manggang kinakain ko ngayon kaya dito dumako ang atensyon niya. "Ano 'yang kinakain mo?" Nakangiwi niyang pagtatanong kaya kumuha ako ng isang mangga at pinalamanan ng peanut butter na may toyo sabay bigay sa
Read more

Kabanata 32: Pagtakas

IrisPALAGI kong sinasabi sa sarili ko dati na isang araw may isang taong sisira sa akin kaya kailangan kong ihanda ang sarili ko dahil alam kong sobrang sakit nito. Palagi kong nilalayo ang sarili ko sa mga taong nasa paligid ko dahil mabilis akong masaktan. Akala nila, wala akong nararamdaman kapag naririnig ko ang mga mura at masasakit na salita nila ay nadudurog agad ako. Nasasaktan ng mas higit pa sa alam nila.Kaya nang mamatay ang nag-alaga sa akin ay sinanay ko na ang sarili kong mag-isa dahil wala naman ang may gustong samahan ako, hindi na rin agad ako nagtiwala sa mga tao dahil naloko na rin ako ng taong ginawang impyerno ang buhay ko. Akala ko kapag binuo ko na ang pader na ginawa kong pangharang para 'di na nila ako masaktan ay hindi magigiba ay nagkamali ako. May isang taong giniba ito at bigla na lamang pumasok sa buhay ko. Walang iba kundi ang isang Sebastian Buenavista.Simula't sapul pa lamang ay alam ko ng delikado siya, na hindi ko dapat siyang lapitan pero ang
Read more

Kabanata 33: Chase Draixon

Iris"IRIS, kumain ka muna. Kailangang malakas ka dahil malapit ka ng manganak." Saad ni Devron ng tumabi siya sa akin habang nanood ako ng cartoon sa salas. Siyam na buwan na ang nakakalipas simula ng itakas ako ni Devron kay Sebastian lalong-lalo na kay Alfred De Vega. At sa loob ng siyam na buwan na 'yon ay marami ang nangyari.Sa Cebu kami itinago ni Devron, sa isang liblib at malayong lugar dahil alam niyang hahagilapin talaga ni Sebastian ang buong Pilipinas makuha lang ulit kami. Sa loob ng siyam na buwan na 'yon ay pinutol muna ni Devron ang lahat ng koneksiyon niya sa lahat, miski sa mga magulang namin. Lagi niyang sinasabi at pinapaalala sa amin na para rin daw sa kaligtasan ko lalong-lalo na sa magiging anak ko. At sa loob ng siyam na buwan na 'yon ay hindi ko na alam kung ano na ang balita kay Sebastian. Alam kong masakit pa rin ang ginawa niya pero hindi ko mapigilang mag-alala sa kaniya. Hindi siya mawala sa isip ko, dahil mahal ko siya. Kapag masama ang pakiramdam ko
Read more

Chapter 34: Bagong Buhay

Iris"SIGURADO ka ba sa desisyon mo, Iris?" Muling pagtatanong ni Devron habang karga-karga si baby Draixon na ngayon ay mahimbing na mahimbing ang tulog sa mga bisig niya.Kaya napatango naman ako at sumandal sa sofa na kinauupuan ko ngayon. Saglit kong pinagmasdan si Devron na ngayon ay hinehele ang anak ko at kitang-kita ko sa mga mata niya ang tuwa habang buhat ito. At habang pinagmamasdan ko ang mag-ninong ay isang rebulto ng tao ang pumasok sa isip ko. Mariin kong pinikit ang mga mata ko at iwinaksi siya sa aking isipan. Ayoko munang isipin ang taong 'yon, ang kailangan kong isipin ngayon ay ang kaligtasan ng anak ko dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli sa Alfred De Vega. Magaling magtago ang gago."Baby Draixon, sa akin ka gagaya. Huwag sa gago mong tata-" Pinutol ko kaagad ang sasabihin ni Devron ng samaan ko siya ng tingin. Kaya mahina siyang natawa at muling hinele ang anak ko. "Ang pogi-pogi ng inaanak ko, manang-mana sa Ninong niyang gwapo. Sana ay matulad mo
Read more

Kabanata 35: Boss

Iris"Roger, boss!" Saad ko at binabaan na siya ng tawag. Malakas na lamang akong bumuntong hininga at inilagay ang cellphone sa bulsa ko. Akmang lalabas na sana ako sa kwarto ng anak ko ay tumigil ako saglit at pinagkatitigan mabuti ang mukha niya. Tipid akong ngumiti dahil mas lamang ang nakuha niyang features sa Ama niya."Kamukhang-kamukha mo talaga ang Daddy mo, Draixon." Mahinang usal ko at dahan-dahan ng isinara ang pinto ng kwarto niya. Dumiretso naman ako sa kwarto ko at kinuha lahat ng kakailanganin para sa misyon ko mamaya. Nilabas ko ang black leather jacket ko at mabilisan itong sinuot. Kinuha ko na rin ang isa bag para ilagay ang iilang baril na gagamitin ko.Nang masiguro kong ayos na ang lahat ay lumabas na ako ng kwarto bitbit ang bag, helmet, at susi ng motor ko. Pagkababa ko ay nakita ko si Lance ang kaisa-isang body guard ni Draixon na may kausap sa earpiece kaya tumigil ako at hinintay siya na matapos dahil bibilinan kong bantayan maigi si Draixon sa pagtulog."
Read more

Chapter 36: Muntikan Na

IrisTUMIGIL ang pagtibok ng puso ko miski na rin ang paghinga ko ng makita ko ang taong limang taon ko ng hindi nakikita. Mas lalong naging maangas ang hitsura niya, nagkaroon na rin ng kakaunting balbas at bigote ang mukha niya, at higit sa lahat ay hindi ko na mabasa ang emosyong nakapaloob sa mga mata niya. Ibang-iba na ngayon ang isang Sebastian Craixon Buenavista.Halos manlambot ako at mahilo sa nasaksihan ko. Gusto kong tumakbo pero hindi na makagalaw ang mga paa ko dahil sa panlalambot na nararamdaman ko. "Iris!" Napatingin ako kay Leo na kararating lang at kitang-kita sa mga mata niya ang labis na pagaalala kaya tumakbo siya papunta sa direksyon ko.Nang makarating na siya ay hinawakan niya ang dalawang braso ko at inalog ako ng kaunti para bumalik sa huwisyo. Pero mas lalo lamang akong nanlambot at nahilo ng makita kong nasa harapan na namin mismo si Sebastian na ngayon ay umiigting ang panga at madilim na madilim ang mukha."Ayos ka lang ba? Anong masakit sa'yo?" Sunod-
Read more

Kabanata 37: Epal

Iris"MOMMY thank you! I love you," bulong ng anak ko habang pinapatulog na siya sa higaan niya. Napangiti naman ako at hinalikan ang noo niya bilang tugon sa sinabi niya."I love you too, baby. Sleep ka na." Mahinahong saad ko kaya napatango naman siya at dahan-dahan niyang ipinikit ang mga mata. Wala pang kalahating oras ay lumalim na ang paghinga ni Draixon indikasyon na tulog na ito.Dala na rin ng matinding pagod kaya siguro mabilis nakatulog ang anak ko. Kaya inayos ko ang kumot niya at muling hinalikan ang noo niya. Tahimik na akong umalis sa kwarto niya at dumiretso naman ako sa kwarto ko.Matapos kong maligo at magpalit ng damit ay binagsak ko na ang katawan ko sa malambot na kama. Bigla akong napahawak sa labi ko ng maalala kong hinalikan ako ni Sebastian. Napasigaw at napasabunot na lang ako sa buhok ko dahil nakaramdam ako ng kakaiba ng maalala ko iyon. Kulang na lamang ay batukan ko ang sarili ko para mawala lang sa isip ko ang ginawang paghalik niya sa akin.Bwiset, bak
Read more

Chapter 38: Mafia's Son

IrisTUMAWA lamang si Storm sa narinig kaya nagtataka ko naman siyang tiningnan. Gusto yatang mamatay ng isang 'to ng 'di oras. Akamang lalapitan ko na sana siya para paalisin pero napatigil muli ako sa paghakbang ng muling hawakan ni Sebastian ang braso."Hindi ka aalis sa tabi ko," pagbabanta niya dahilan para panlamigan ako at muli siyang tiningnan. Ganoon pa rin ang hitsura niya, akala mo ay kanina pa siya nagpipigil ng galit. Ano bang problema ng lalaking 'to?Kaya sinamaan ko siya ng tingin at malakas na binaklas ang kamay niya sa braso ko. Dahil sa ginawa ko ay pumikit siya ng mariin at malakas na bumuntong hininga. "Pumasok ka sa loob, Iris." Matigas na sambit niya kaya napakuyom naman ako ng kamay at matapang siyang hinarap. "Ano bang problema mo? Kakausapin ko lang 'tong kaibigan ko. Ikaw ang pumasok sa loob." Mataray kong sagot at wala na akong pakialam kung pinapanood na kami ng iba kong kasamahan.Matapos kong sabihin 'yon ay humarap na ako kay Storm na ngayon ay tuwan
Read more

Kabanata 39: Home

IrisNANLAMIG agad ako sa sinabi ng anak ko kaya marahan ko siyang binaba at hinawakan ang mukha niya."Dito ka lang, baby ha? Kakausapin lang ni Mommy ang naghahanap sa akin." Nakangiting sambit ko kaya kahit nakikitaan ko ng pagtataka sa mga mata ng anak ko ay sumunod na lang siya sa akin.Pero bago pa ako lumabas sa kusina ay muli kong tiningnan si Devron na ngayon ay nakamasid sa amin na tila inaabangan ang gagawin kong hakbang. Nang mapansin niya nakatingin ako sa kaniya ay ngumiti siya sa akin."Isama mo na si Draixon. Para sa anak mo gawin mo'to, Iris. Naghahanap na rin ng kalinga ng Ama si Draixon, sabihin mo na sa kaniya ang totoo," saad ni Devron kaya nanghina ako at napahawak sa gilid ng lamesa dahil napuno ng takot ang buong sistema ko.Hindi ko ito napaghandaan."Mommy, siya po ba talaga ang daddy ko? 'Yung man na naghihintay sa atin?" Napabalik na lang ako sa sarili ko ng marinig ko ang boses ni Draixon na ngayon ay nakatitig sa mga mata ko.Kaya umupo ako para pantayan
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status