IrisIsang linggo. Isang linggo na ang pagsasama namin ni Sebastian sa isang bahay. Sa totoo ay magaan naman ang loob ko sa kaniya at masaya naman siyang kasama.Kaso minsan ay nakakainis. Lagi na lang akong inaasar sa lahat ng bagay. Minsan pa nga ay hindi ko nagugustuhan ang lumalabas sa bibig niya, dahilan para mas lalo akong mainis ako sa kaniya.Sa isang linggong pagsasama namin ni Sebastian ay nasasaulo ko na rin ang ugali niya. Kapag seryoso ang pinag-uusapan namin ay talagang nagiging seryoso siya, pero kapag kalokohan na ay siya pa ang nangunguna na minsan ay sinasakyan ko na lamang."I'm home!" Rinig kong sigaw niya pagpasok sa bahay namin kaya saglit ko lang siyang tinapunan ng tingin at muling bumalik sa panonood ko.Kapag gan'tong senaryo ay sinanay ko na talaga ang sarili ko. Noong unang beses talaga ay nanibago ako dahil araw-araw na kaming magkasama. Sa tutuusin ay parang ayos lang naman ang presensiya namin sa isa't-isa."Welcome home, musta ang lakad?" Pagtatanong ko
IrisNagising na lamang ako sa amoy gamot ng hospital. Nang tuluyan ko ng imulat ang mata ko ay dumiretso ang tingin ko sa kamay ko dahil may dextrose na namang nakakabit dito.Mahina na lamang akong napasuntok dahil naandito na naman ako. Pangatlong balik ko na dito. Noong una ay halos mamatay na ako sa kamay ni Alfred De Vega, noong pangalawa naman ay iniligtas ko ang Ina ni Devron at ngayon naman ay nabaril na naman ako."Bwisit na buhay 'to! Ako na lang ang laging nao-ospital, puwede bang iba naman?" Naba-badtrip kong saad at sumandal sa kama.Pero mas lalo pang sumama ang araw at gising ko ng makita ko ang taong pumasok sa kuwarto ko. Nang magtama ang mata namin ay mabilisan ko siyang tinaasan ng kilay at siya naman ay napataas ang kamay na tila sumusuko."Easy, Iris. Binisita lang kita dahil nakita ko 'yung message mo sa akin. Bakit ka nga pala nakasimangot ngayon? May masakit ba sa'yo?" Nag-aalalang pagtatanong ni Devron pero imbis na sagutin ay ako naman ang nagtanong."Teka, a
Iris"Dahan-dahan naman, masakit pa." Naiiritang saad ko habang kaharap ko si Sebastian na ngayon ay ginagamot ang gumagaling ko ng sugat sa balikat.Mahigit dalawang linggo na rin ang nakalilipas simula ng makalabas ako ng hospital. At sa loob ng dalawang linggo na 'yon ay grabe ang pag-aalaga sa'kin ni Sebastian.Aminin ko man o hindi ay may iba na akong nararamdaman sa kaniya. Kapag katabi ko siya o kaya ay hinahawakan niya ako ay bigla na lamang bumibilis ang tibok ng puso ko.Lalong triple ang pagtibok ng puso ko kapag hinahalikan niya ako sa noo o kaya naman ay bigla na lamang niyayakap. Noong una ay nagagalit pa ako at naiilang pero kalaunan ay hinayaan ko na rin.Dahil nagugustuhan ko na rin. Naiinis ako sa sarili ko dahil sa nararamdaman ko kay Sebastian. Natatakot akong umamin pero alam kong sa sarili ko na unti-unti na akong nahuhulog sa isang Sebastian Buenavista.Napadako ako sa seryosong mukha niya na ngayon ay malapit lang sa akin. Hindi ko alam kung paano at saan nagsim
IrisNaggising na lamang ako na masama ang pakiramdam ko. Pero hindi naman sobrang sama, sinisipon lang ako at medyo masakit ang ulo ko ngayon.Nang tingnan ko ang katabi ko ay wala na ito, siguro ay naghahanda na ng agahan namin. Nang maalala kong naandito pala si Kiara ay mas lalo pang sumama ang nararamdaman ko.Pangalawang araw na niya sa amin. Noong una ay tutol pa kami ng asawa ko, pero kalaunan ay wala na kaming naggawa dahil bigla na lamang siyang iniwan dito.Para tuloy kaming nag-aalaga ng ahas. Bakit? Dahil sa araw-araw niyang pamamalagi ay puro pagpapansin ang ginagawa niya kay Sebastian. Minsan makikita ko na lang na katabi niya na ang asawa ko pero itong si Sebastian ay talagang lumalayo na ipinagpasasalamat ko.Gusto ko tuloy ipamukha kay Kiara na may asawa na ang tao at kailangan niya ng dumistansiya. Alam ko naman na may gusto siya sa asawa ko pero sana naman ay alam niya kung saan siya lulugar.Nang maayos na ang hinihigaan namin ay napatingin naman ako sa orasan ko.
IrisNANG sabihin ko 'yon ay mabilisan ko silang iniwan. Bago pa nga ako umakyat ay binangga ko pa ng malakas ang balikat ni Sebastian at tuluyan ng umakyat.Habang binabagtas ko ang daan sa kuwarto namin ay hindi ko maiwasang maiyak at kumuyom ang kamay ko kahit may iilan pang bubog ang nakabaon dito.Hindi ko na pala namalayang umiiyak na ako. Hindi ko alam kung saan ako umiiyak, dahil ba sa hindi ako ang kinampihan ni Sebastian kanina at mas nag-alala pa siya sa Kiara na 'yon.O dahil hindi ko lang matanggap na nagawa akong saktan ni Sebastian ng hindi niya nahahalata. Mabilisan kong pinunasan ang luha ko dahil naririnig ko ang mabibigat na yabag ni Sebastian.Naramdaman ko na lamang ang maingat niyang paghawak sa braso ko at marahan akong pinaharap sa kaniya. Dahil sa ginawa niyang 'yon ay tuluyan na akong humagulgol na ikinagulat niya."Wife, I'm sorry." Mahinahong saad niya kaya malakas kong binaklas ang braso ko mula sa pagkakahawak niya."Doon ka kay Kiara! Tutal 'yun naman ang
Iris"Okay..." Nasabi ko na lamang at tumango-tango pa bago tuluyang tumalikod sa kaniya para pumasok sa sasakyan niya. Narinig ko pa ang marahas niyang pagbuntong hininga at muli akong pinaharap sa kaniya.Nang makita ko ang hitsura ni Sebastian ay lihim akong napangiti at itinago ang kilig at sayang nararamdaman ko sa mga oras na'to. Gusto ko muna siyang asarin."W-what? Anong klaseng sagot 'yan, Iris. Wala ka bang pakialam kahit nagseselos na ako? Ganiyan pa ang reaksyon mo? Hindi ka ba natutuwa?" Parang bata niyang tanong kaya pinag-krus ko ang braso ko at tiningnan siya ng deretso."Nakakabastos 'yung ginawa mo, Sebastian. Sige, aminin nating kinilig ako sa pagseselos mo pero hindi naman nakakatuwa na bigla mo na lang akong hihigitin sa harap ng taong kinakausap ko," paliwanag ko kaya kitang-kita ko ang pag-irap niya.Pinandilatan ko pa siya ng mata ng makita ko ang naging ugali niya sa narinig. Siya pa ang may ganang maging masungit ngayon. Kaya para manahimik siya ay hinawakan k
Iris"Come on, Wife. Get up quickly. Akala ko ba ay well trained ka ni Devron? Bakit ang bilis mo yatang bumagsak ngayon?" Pagtatanong niya habang ako naman ay nakadapa sa sahig at iniinda ang sakit na nararamdaman ko.Gusto ko sanang murahin si Sebastian dahil sa biglaan niyang pagsugod at hindi na muna ako pinagwarm-up sa training ngayon. Habang naririnig ko ang boses niya ay hinanda ko ulit ang sarili ko sa susunod niyang atake.Tumihaya ako saglit at nanatiling nakayuko habang iniinda ang sakit sa bewang ko dahil sa biglaang pagbagsak sa akin ni Sebastian sa foam ng training room niya."Wife, are you okay? Nabigla ba ang katawan mo? Saan ka ba napuruhan?" Naramdaman ko na lamang na nasa tabi ko na si Sebastian at inaalalayan na akong tumayo.Lihim akong napangisi dahil tumalab ang pag-iinarte ko sa kaniya ngayon. Nang mahawakan ko ang batok niya ay malakas ko itong hinampas dahilan para makatulog siya at hinayaan ko na lamang na mahulog ang katawan niya sa foam.Nang makita kong p
Sebastian"Okay. I love you too."Ibaba ko na sana ang tawag pero napatigil ako dahil sa narinig ko kay Iris. Para akong nabingi at hindi makapag-salita ng mga oras na 'yon. Pakiramdam ko ay para akong nasa ulap ng sambitin niya ang tatlong salitang matagal ko ng gustong marinig.Mahal niya na ako. Mahal niya na rin ako. Gusto kong ipaulit sa kaniya ang sinagot niya dahil hindi malamang kadahilanan ay nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam.Pero bago pa ako makapagsalita ay nakarinig ako ng malakas na tunog na nanggaling sa cellphone ni Iris. Nilukob ako ng kaba at takot dahil sobrang lakas ng impact na narinig ko.At doon ay naputol ang tawag ng asawa ko. Natulala ako dahil may kutob na ako, may nangyaring masama sa asawa ko habang papunta siya doon.Dahil doon ay tumayo ako para puntahan ang nangyari. Pilit kong pinapakalma ang sarili pero sa kaloob-looban ko ay nagngingitngit na ako sa galit.Pero bago pa ako tuluyang makasakay sa kotse ay napatingin ako sa isa mga taong pinagkakat
Author's Note: Please play "Sa susunod na Habang Buhay by Ben&Ben" para ramdam po ang sakit. The truth is, ito dapat talaga ang real ending ng HHS kaso nagbago isip ko. Kaya ginawa ko ng happy ending. Enjoy reading, hopies!SebastianMy world stop for a while when I hold my wife lifeless hand. Pilit ko siyang ginigising. Pilit kong tinatapik ang pisngi niya pero hindi na siya gumagalaw. Nanlamig ako, binalot ng takot buong pagkatao ko. Parang gripo na rin ang luha ko dahil hind ito mapigil sa pag-agos."No. No, wake up. Wake up, wife. Damn, wake up please. Don't do this to me. Hindi ka puwedeng mamatay. Paano na kami ni Draixon? Iris, gumising ka. Gumising ka!" Pagwawala ko at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa asawa ko. Miski si Devron ay nagsimula na ring mataranta at magwala ng hindi pa dumadating ang ambulansya. Wala na akong pakialam kung puno na ng dugo ang damit at kamay ko."Iris. Iris, nakikiusap ako sa'yo, gumising ka. Misis ko, gumising ka na. Huwag mo'kong iwan,
Hello Hopies! This is the final chapter of Hiding his Son. Thank you for appreciating Iris and Sebastian story. May we never forget the feels and the lessons that they gave to us. This is just the beginning of Hiding Series, see you on Hiding Series #2 which is the "Maid for You." Thank you and enjoy reading! Mahaba-habang chapters ito! Don't forget to comment your thoughts or reaction about this story, stay safe and healthy always. -HopeSebastianWhen I first saw her, I knew to myself that she is the one. She's the one that I want to spend my lifetime. She's my first love."IRIS DE VEGA!"Awtomatikong umangat ang ulo ko ng marinig ko ang pangalan niya. Mabilisang hinanap ng mata ko ang presensya niya. Nang makita ko siya 'di kalayuan sa pwesto ko ay palihim akong suminghap.Ang ganda niya talaga.Nakalugay ang mahaba niyang buhok na talagang dinadala ng hangin. Ang mukha niyang inosente na hindi nakakasawang tignan. At mga mata niyang kapag titignan mo ay daig pa ang yelo sa lamig n
Iris"KAYA PALA ang tahimik mo! Naunahan mo na kami. Ilang araw mong ginawa 'to?" Tukoy ni Devron sa envelope na hawak niya at sinimulan na itong basahin. "Simula ng makapagpahinga ako ng dalawang araw. Sinulit ko na, eh." Sagot ko naman at napatingin ako kay Sebastian ng tawagin niya ang pangalan ko."Wife, bakit hindi ka nagsabi sa akin?" Ramdam ko ang tampo sa boses niya kaya tumayo ako at lumipat ng pwesto para tabihan siya.Hinawakan ko ang kamay niya at nakangiting tumitig sa kaniya. "Ang dami mo pang iniintindi ng mga oras na 'yon, Seb. Ayoko namang pati kay Alfred ay mamroblema ka. Kaya ako na ang gumawa ng hakbang na gawin ang plano. Ang dami mo ng iniisip dadagdag pa ba ako kung kaya ko namang gawin." Dahilan ko kaya tumagal ang pagkakatitig niya sa akin at hinalikan niya naman ang noo ko."Puwede ko na ba kayong kausapin tungkol sa plano? Puwede ko na kayong abalahin na dalawa?" Pagsingit ni Devron kaya mabilisan akong umalis sa pagkakayakap sa asawa ko at hinarap na rin s
Iris"HAPPY BIRTHDAY DRAIXON!" Masayang sigaw namin at nagpalakpakan. Kitang-kita ko naman ang saya sa mukha ng anak ko dahil kumpleto kami ngayong birthday niya."Blow your candle baby and make a wish," malambing saad ko kaya napatingin siya sa akin at mahinang tumango. Mariing pumikit si Draixon at may ibinulong na hindi ko naman narinig. Pagkatapos niyon ay hinipan niya na ang kandila kaya muli kaming nagsigawan lahat. Nangunguna pa nga ang boses ni Devron."Kainan na!" Sigaw niya dahilan para magtawanan ang kasamahan namin habang ako naman ay napailing."Mommy, daddy. Thank you po kasi tinupad niyo po ang wish ko po na kompleto tayo sa birthday ko po. You're the best gift that I have." Malambing wika niya sa amin kaya hindi ko maiwasang umiyak.Naramdaman ko naman ang pagyakap sa amin ni Sebastian at ng tingnan ko siya ay nakatingin na siya sa mga mata ko. Kitang-kita ko ang pagmamahal na bumabakas sa mga titig niya.Mahal na mahal din kita, Sebastian. "Thank you baby for making
Iris"Ganiyan mo ba itrato ang isang Alfred De Vega, Iris? Nakakatuwa naman." Saad niya kaya buong tapang kong itinutok sa noo niya ang baril na hawak ko.Ramdam na ramdam ko na rin ang panginginig ng buong katawan ko dahil sa galit na lumulukob. Bumalik lahat ng sakit at poot ng makita kong muli sa harapan ko ang demonyong sumira ng buhay ko lalong-lalo na ni Sebastian."Ang kapal rin ng mukha mong magpakita pa sa amin. Anong kailangan mo?" Matapang na saad ko at binaba ang baril. Lumapit ako sa kaniya at mariing tumitig sa mga mata niya habang siya naman ay mahinang natawa."Mas lalo kang naging matapang ngayon, Iris. Nakakatuwa naman kahit ni katiting na respeto ay wala ka ng maipakita sa akin. Wala na ba talagang mababago sa naging pinagsamahan nating dalawa?" Natatawang tanong niya kaya 'di ko na mapigilang hawakan ang kwelyo niya."Kailangan pa ba ng respeto ang isang taong katulad mo? Para sa'kin kasi hindi na, tutal mamamatay ka rin naman." Saad ko kaya nakita ko ang matinding
Iris"ALAM MO PWEDE KA NG MAGING ARTISTA. Ang galing mong magpanggap, eh." Saad ko kay Devron ng magkaharap kami ngayong umaga. Naandito kami ngayon sa isang cafeteria malapit sa building ng headquarters namin. Tinawagan ko siya para sabihin sa kaniya na alam ko na ang nangyari sa limang taon na lumipas.Nginisian niya langa ako at pinag-krus niya ang dalawang braso niya dahilan para pagtaasan ko siya ng kilay sa ipinapakita niya sa akin ngayon."Pasensya na, napag-utusan lang." Nakangiting saad niya kaya tumawa ako at muli siyang sinamaan ng tingin."Napag-utusan. Ang sabihin mo ayaw mo lang malaman ko. Pero kuya..." Pinutol ko ang sasabihin ko ng tumayo ako at lumipat sa tabi niya. Nakita ko pang parang iiwas pa siya kaya hindi ko mapigilang ngumiti ng palihim.Bigla ko na lamang siyang niyakap ng sobrang higpit at hinalikan ang pisngi niya. Kitang-kita ko pa ang gulat sa mga mata niya dahil sa ginawa ko. Taranta siyang humiwalay sa akin at nabigla na lamang ako ng pagtaasan niya a
IrisGUSTO KONG MAGWALA sa mga oras na'to. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mag-sink in sa utak ko ang mga nabasa kong impormasyon limang taon na ang lumipas. Muli kong pinulot ang mga pictures na nakita ko at napansin kong may mga sulat ito sa likod. Sulat kamay ni Devron. Nang basahin ko ito ay mas lalong lumakas ang paghagulgol ko.Ang unang litrato ay noong mga panahong buntis ako. Malapit na akong manganak kay Draixon sa litratong 'to. Binasa ko ang sulat at 'di ko maiwasang mapangiti."Sebastian, ganda ng kapatid ko, 'no? Malapit ng manganak 'yan kaya bilisan mong lumabas diyan sa kulungan. Bahala ka 'di mo makikita ang mag-ina mo."-DAng pangalawang litrato naman ay hawak-hawak ko na si Draixon sa mga bisig ko at kitang-kita ko ang saya sa mga mata ko."Pare, isang taon ka na diyan sa kulungan. Baka puwede namang ipakiusap sa kanila na saglit mo lang sisilipin ang mag-ina mo. Kailangan ka rin ng kapatid ko."-DAng pangatlong litrato naman ay noong nag-isang taon na si Draixon
IrisINILIBOT ko ang mata ko sa kabuuan ng bahay. Masasabi kong maaliwalas at maganda ang naging disenyo. Napangiti na lang ako dahil ito ang design na pinag-usapan namin ni Sebastian bago magkandaleche-leche ang lahat.Naaalala pa pala niya ang lahat. Miski ang mga maliliit na detalye na sinabi ko sa kaniya noon. Pero sa mga oras na'to nalilito pa rin ako sa nangyari limang taon na ang nakakalipas. Alin ba talaga ang totoo? Naging totoo ba talaga sa akin si Sebastian noong magkasama pa kaming dalawa? Kaya ko bang sumugal ngayon lalo na at may anak na kami? Kaya mo na ba, Iris? Handa ka na ba ulit? Pero nawala ang lahat ng katanungan ko sa sarili ko ng maramdaman ko ng may yumakap sa bewang ko at hinalikan ako sa pisngi dahilan para magulat ako."Good morning, Wife." Bulong sa akin ni Sebastian kaya nakaramdam ako ng kakaiba sa tiyan ko at muli na namang bumilis ang tibok ng puso ko. Akmang aalis na sana ako sa pagkakayakap pero bigla naman akong pumasok si Draixon at tuwang-tuwa sa
IrisNANLAMIG agad ako sa sinabi ng anak ko kaya marahan ko siyang binaba at hinawakan ang mukha niya."Dito ka lang, baby ha? Kakausapin lang ni Mommy ang naghahanap sa akin." Nakangiting sambit ko kaya kahit nakikitaan ko ng pagtataka sa mga mata ng anak ko ay sumunod na lang siya sa akin.Pero bago pa ako lumabas sa kusina ay muli kong tiningnan si Devron na ngayon ay nakamasid sa amin na tila inaabangan ang gagawin kong hakbang. Nang mapansin niya nakatingin ako sa kaniya ay ngumiti siya sa akin."Isama mo na si Draixon. Para sa anak mo gawin mo'to, Iris. Naghahanap na rin ng kalinga ng Ama si Draixon, sabihin mo na sa kaniya ang totoo," saad ni Devron kaya nanghina ako at napahawak sa gilid ng lamesa dahil napuno ng takot ang buong sistema ko.Hindi ko ito napaghandaan."Mommy, siya po ba talaga ang daddy ko? 'Yung man na naghihintay sa atin?" Napabalik na lang ako sa sarili ko ng marinig ko ang boses ni Draixon na ngayon ay nakatitig sa mga mata ko.Kaya umupo ako para pantayan