Home / Romance / My Sugar Daddy's Brother / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of My Sugar Daddy's Brother : Chapter 11 - Chapter 20

131 Chapters

Chapter 10

Bumalik ang aking ama sa araw ng burol ng aking ina. Tinanggap ko siya pagkatapos niyang humingi ng tawad sa aming dalawa. Alam kong ito rin ang nais ni nanay, na magkaroon ako nang makakasama ngayong wala na siya. Labis na kalungkutan ang dumalaw sa akin pagkatapos ng libing. Pumapasok pa rin ako sa klase dahil gusto ng aking ina na makapagtapos ako.  Nalaman kong ang pera pala na ibinibigay ko sa kan'ya ay itinago niya at inipon. Plano kong gamitin iyon para sa maliit na negosyo. Kailangan ko nang kumawala kay Arman. Wala nang saysay ang pakikipagrelasyon ko sa kan'ya. Wala na ang aking ina.  "Thanks God, nakipagkita ka na rin sa akin. I've been calling you pero hindi mo sinasagot. Ang sabi ng tatay mo ay nagkukulong ka raw sa kwarto. Why is he even there? Hindi mo na dapat siya tinanggap."  Pinuntahan ko siya sa hacienda upang sana'y makipag-usap pero dinala niya ako sa paborito niyang restaurant. Tiniklop ko
last updateLast Updated : 2021-09-26
Read more

Chapter 11

Isang magaspang na haplos sa kamay ko ang gumising sa akin. Nakita ko ang nag-aalalang mukha ni tatay na nakaupo sa tabi ng kamang hinihigaan ko habang hawak ang aking kamay.Ngumiti siya at tila nataranta nang makitang gising na ako. Dali-dali siyang lumabas upang tumawag ng doktor.Inilibot ko ang aking paningin sa isang hindi pamilyar na kwarto. Sigurado akong hindi ito sa bahay o sa hacienda. Naramdaman ko ang bagay na nasa aking ilong, oxygen, at swero sa kamay ko. Nasa ospital ako.Huli kong naaalala ang pakikipaghiwalay ko kay Arman na nagresulta sa pagtatalo.Bigla akong nakaramdam ng pagkahilo sa pag-iisip kung ano ang sumunod na mga nangyari nang bumukas ang pinto at pumasok ng isang doktor.Sinuri niya ako at tinanong ng ilang mga bagay.Dalawang araw na pala akong walang malay. Naaksidente kami ni Arman, kaya pala masakit ang aking katawan dahil nagtamo ako ng mga pasa."Laking pasasalamat ko na hindi malubha ang sinapit m
last updateLast Updated : 2021-09-27
Read more

Chapter 12

Tinanggihan ko ang pamana ni Arman.  Tama si Veronica, kung mayroon man na dapat magmana ng mga naiwang yaman ni Arman ay siya iyon dahil siya ang kadugo at hindi ako. Ayoko na sa huling sandali ay tatanggap ako ng yaman mula sa kan'ya. Hindi ako ang nararapat na humawak ng Hacienda Miraflor dahil wala naman ako sa panahon na binubuo pa lamang ito ng kan'yang ama. Hindi ako bahagi ng hacienda kaya hindi ko lubos maisip na nagawang ipamana sa akin ni Arman ang lahat ng kan'yang ari-arian. Ako na bata pa at walang karanasan sa pagpapatakbo ng isang negosyo. "Sandra, you need to accept it." Nang isang linggo pa ako hinihikayat ni Attorney Sheldon na tanggapin ang pamana ni Arman pero mariin ang pagtanggi ko. Akala ko ba'y ayaw niya sa akin dahil ako ang sinisisi niya sa pagkamatay ng kaibigan niya? Pero bakit narito siya sa aking harapan at nagtatiyagang makiusap sa akin. "Hindi ba't kapag tinanggap ko iyan ay para ko na din pinatuna
last updateLast Updated : 2021-09-27
Read more

Chapter 13

Mahirap pagsabayin ang pag-aaral at ang pagtatrabaho sa hacienda. Nagsimula ako sa pinakababa mula sa pagtatanim ng cacao, pag-ani nito at pag-de-deliver sa mga kliyente. Lahat ng ito ay si Mang Carpio ang nagturo sa akin.Pagdating naman sa mga teknikal na bagay ay si Attorney Sheldon ang umalalay sa akin. Labis siyang pinagkakatiwalaan ni Arman dahilan upang sa kan'ya ako ihabilin nito.Tinanggap ko ang responsibilidad bilang bagong tagapamahala ng Hacienda Miraflor. Ayokong sabihin na sa akin na ang kayamanan na iniwan ni Arman, gusto kong itatak sa aking isip na inako ko ito upang mapangalagaan ang hacienda na pinakapinahahalagahan niya. Maluwag na sa loob ko ngayon na akuin ang responsibilidad na naiwan ni Arman.Hindi madali ang pagsisimula ko sa hacienda. Naroon ang pang-aakusang mga titig ng mga trabahador at empleyado. "You stole everything that was supposed to be mine! Sa amin ang Hacienda Miraflor. Sigurado akong
last updateLast Updated : 2021-09-27
Read more

Chapter 14

Hindi lamang diskarte at talino ang pinabago ni Attorney Sheldon sa akin, maging ang paraan ng aking pananamit ay nag-iba rin.Pinasadahan ko nang tingin ang aking walk-in closet at napahinto sa tapat ng mga nakahilerang damit na pang-opisina. Marami akong biniling mga bagong damit kaya nahihirapan akong pumili kung alin doon.Ang pagsa-shopping lamang kasi ang nagpapawala ng pagod ko mula sa trabaho. Wala akong maraming kaibigan bukod kay Lesie at kay Attorney Sheldon, na maaaring mag-aya sa isang bar o 'di kaya'y outing.Kinuha ko ang pencil cut na light blue skirt at ipinares ito sa puting tank top. Inibabawan ko iyon ng blazer bago bumaba mula sa aking kwarto."Magandang umaga po," bati sa akin ni Kuya Joel, ang dapat sana'y driver ko pero mas madalas nang si tatay ang pinagmamaneho niya ngayon."Nasaan po si tatay?" tanong ko. Palaging wala si tatay dahil kung saan-saan sila nagpupunta ni Vivian. Hindi ko na siya nakakausap man lang kaya sa mg
last updateLast Updated : 2021-09-28
Read more

Chapter 15

"I am sorry Miss Cassandra. I was just mesmerized by your beauty. Partida pa na nakabusangot ang mukha mo nang araw na iyon kaya nais ko sana na pangitiin ka. Unfortunately, mukhang nainis pa yata kita. Again, my apologies." Binasa ni Lesie ang sulat na nakapaloob sa bulaklak na mula kay Mateo."Ang taray! May pa-flowers pa si Mr. Supplier," kinikilig niyang komento."Lesie, throw it. Ano'ng akala niya sa akin makukuha ako sa mga gan'yan? This is business! How unprofessional. And don't call him Mr. Supplier dahil sinabihan ko na si Engineer Alba na maghanap ng iba." Hindi ko nagustuhan ang papuring mga sinabi niya sa akin kahapon at ang pagpadala niya ng bulaklak at sulat ngayon.Pakiramdam ko kasi ay ipinamumukha niya sa akin na madali akong mauuto ng matatamis na mga salita at papuri. Hindi niya iginalang ang posisyon ko sa kompanya. Ibinabalik niya ang imahe na mayroon ako noon. At hindi ko nagustuhan ang bagay na iyon.
last updateLast Updated : 2021-09-28
Read more

Chapter 16

Panay ang tingin sa akin ni Mateo habang binabagtas namin ang daan patungo sa lugar na sinabi ni Kuya Joel. Mabuti na lamang ay nasundan niya ang mga lalaking kumuha kay tatay."Are you okay?" Sa wari ko ay kanina niya pa ito gusto itanong."Yes, pero pwede mo pa ba'ng bilisan?" Nakita ko ang pag-aalangan niya sa aking kahilingan ngunit sinunod niya pa din ito.Mariin akong kumapit sa seatbelt. Dumoble ang kabang nararamdaman ko. Simula kasi ng maaksidente ako ay binabalot na ng kaba ang aking puso sa tuwing bumibilis ang takbo ng kotseng aking sinasakyan. Pero wala akong choice ngayon kun'di labanan ang takot na ito. Kailangan ako ng aking ama.Itinuro ko kay Mateo ang kotseng dala ni Kuya Joel, na nakaparada sa tabi ng daan."Dito na lang ako. Thank you Mateo. " Hindi ko na hinintay pa ang kan'yang sagot. Bumaba na ako at nagtungo sa kotse kung nasaan si Kuya Joel. Nang makita ako ni Kuya Joel at binuksan niya ang pintua
last updateLast Updated : 2021-09-29
Read more

Chapter 17

Dumiretso kami sa ospital pagkatapos ng pangyayari, upang ipagamot ang ilang sugat ni tatay. Pinayuhan lamang siya ng doktor na manatili doon ngayong gabi upang maobserbahan.Pinauwi ko muna si Kuya Joel upang kumuha ng damit ni tatay. Naiwan kami ni Mateo doon."Salamat nga pala sa tulong mo kanina. Can I have your bank account number para mabayaran kita?" Inilabas ko na ang aking cellphone upang sana'y mag-transfer sa kan'ya ng perang ibinayad niya kanina sa lalaki pero umiling siya.Nangunot ang aking noo dahil doon."That man was under the police custody now. He'll be paying the damages kaya maibabalik rin sa akin ang perang ibinayad ko kanina," buong kompyansa niyang sabi.Hindi ko man lang alam na tumawag pala siya ng mga pulis. Natakot kasi akong gawin iyon dahil hawak ng mga armadong lalaki ang aking ama. Gayunpaman, tama ang kan'yang ginawa."Thank you. You can go home now masyado nang malalim ang gabi." Akala ko'y hinihintay niya a
last updateLast Updated : 2021-09-30
Read more

Chapter 18

"Bakit kunot na kunot yata ang noo natin dyan?" tanong sa akin ni Lesie habang kinukuha ang mga papel sa aking lamesa.Ibinaba ko ang hawak na cellphone at bumaling sa kan'ya."Ang kulit kasi ni Mateo. Nag-aayang mag-dinner mamaya. Sinabihan ko na nga na mayroon akong dinner meeting, midnight snack na lang daw."Simula nang tinanggap ko ang pakikipagkaibigan sa kan'ya ay araw-araw niya na akong pinapadalhan ng mensahe. Minsan nga ay hindi ko na ito pinapansin subalit kapag naiisip kong iniligtas niya kami ni tatay sa lalaking pinagkakautangan nito ay nakokonsyensya ako, dahilan upang reply-an ko siya.Panay din ang pag-aya niyang lumabas. Mauubusan na nga ako nang dahilan upang tumanggi. Hindi naman kasi kami ganito nina Lesie at Attorney Sheldon bilang magkakaibigan. Kung lumalabas man kami ay tungkol pa din iyon sa trabaho."Excuse me? I am your secretary and base on your schedule written on my calendar, wala kang dinner meeting mamaya," panghuhu
last updateLast Updated : 2021-09-30
Read more

Chapter 19

"We have a meeting with Mr. Tayas, owner of Heaven's Cake and Pastry, later 6pm," pagpapaalala sa akin ni Lesie.Nakakatuwa na mayroon na kaming nakakausap na mga kliyenteng nais kumuha ng tsokolate mula sa amin kahit hindi pa man tapos ang pabrika."Until what time?" tanong ko na siya namang pinagsalubong ng kan'yang plakadong kilay. Ngayon lamang kasi ako nagtanong ng ganoon sa kan'ya."Usually hanggang 8pm natatapos ang meeting natin with the client." Sa kabila ng pagtataka ay sinagot niya pa din ang aking tanong.Tumingin muna ako sa aking cellphone upang basahin ang huling mensahe doon."Can you make it until 7pm? May pupuntahan kasi ako." Ang kaninang nagtataka niyang tingin ay napalitan ng nagniningning na mga mata at ngiti sa labi."Dinner date ba ulit 'yang pupuntahan mo? Mukhang iniisa-isa niyo yata ang restaurant sa lugar natin."Hindi ko inaasahan na matutuwa ako ng sobra sa unang dinner namin ni Mateo kaya na
last updateLast Updated : 2021-09-30
Read more
PREV
123456
...
14
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status