Home / Romance / My Sugar Daddy's Brother / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of My Sugar Daddy's Brother : Chapter 1 - Chapter 10

131 Chapters

Prologue

"The wedding is off."  'Ni hindi ko na nagawa pa'ng mag-hello sa wedding coordinator namin. Sinabi ko na kaagad ang pakay ko. Hindi na matutuloy ang aking kasal sa limang buwan kong kasintahan na si Mateo. Isang linggo na siyang hindi nagpaparamdam sa akin at bukas ay kasal na namin. Labag man sa loob ko na ipakansela ang kasal ay ayoko din naman na mapahiya kapag nasa simbahan na ako at hindi siya sumipot. Isa pa'y ayokong mabahiran ng masamang ala-ala ang araw na dapat ay masaya ako. Pagkababa ko ng tawag ay kaagad na lumapit sa akin si Lesie, ang personal assistant at nag-iisa kong kaibigan. Pilit niya man na itago ang pagkaawa sa akin ay nahalata ko pa din iyon sa kan'yang mga mata. Sawa na akong kaawaan simula pa pagkabata. Akala ko'y kapag nagkaroon na ako ng pera ay titingalain na ako at wala nang makikitang awa para sa akin ang ibang tao. Nagkakamali pala ako. "Iwan mo muna ako Les," matigas kong sabi sa kan'ya. Umupo ako
last updateLast Updated : 2021-09-10
Read more

Chapter 1

7 years ago"Wala ka ba'ng kasamang nakakatanda sa'yo?" tanong sa akin ng doktor. Nasa pagamutan ako ng bayan ng Sta. Polina, kung saan kami naninirahan. Isinugod ko ang aking ina nang dumaing siya ng matinding pananakit ng dibdib.Umiling ako bilang sagot. Ang aking ama ay nasa malayong lugar nagtatrabaho bilang construction worker subalit ilang buwan na siyang hindi nagpapadala ng pera. Madalang na din siyang magparamdam sa amin.Nag-iisa akong anak kung kaya't kami lamang dalawa ng aking ina ang magkasama ngayon sa buhay.Bumuntong hininga ang doctor, bago ako iginiya paupo sa hallway ng ospital. Nababakas ko sa kan'yang mga titig ang matinding pagkaawa sa akin."Base sa aking inisyal na konsultasyon, mayroong breast cancer ang iyong ina. Kulang sa kagamitan ang ospital natin dito kaya kailangan mailipat ng iyong ina sa lungsod. Doon ay higit siyang maaalagaan at mapapagaling." Puno ng taong pabalik-balik ng lakad ang hallway ng osp
last updateLast Updated : 2021-09-10
Read more

Chapter 2

Kapag may ginawa sa'yong kabutihan ang isang tao ay nararapat lamang na ipagpasalamat mo ito. Subalit hindi iyon ang aking naramdaman bagkus ay pagkainis.Hindi man ligtas ang trabahong ito para sa katulad ko ay hindi ko gugustuhin na mawala sa akin ang bagay na bumubuhay sa amin ni nanay."Salamat po pero sana hindi na lang po kayo nakialam." Hindi ko na napigilan pa'ng ibulalas ang nararamdaman sa lalaking tumulong sa akin. Sa wari ko'y ilang taon din ang tanda niya sa akin. Propesyonal siyang tingnan sa suot na longsleeve polo na nakabukas pa ang unang tatlong butones at base sa pang-amoy ko ay nakainom siya."Why? He was clearly forcing you into doing something you didn't want to do." Panay ang pagsasalita niya ng english pero mukha naman siyang Pilipino sa aking paningin.Umirap at tatalikod na sana ako upang bumalik sa club subalit pinigilan ako ng lalaki sa pamamagitan ng paghawak niya sa aking siko. Iwinasiwas ko iyon upang matanggal ang kan'yang
last updateLast Updated : 2021-09-10
Read more

Chapter 3

Nagising ako sa isang malambot na kama. Puti ang kulay ng apat na sulok ng kwarto kung nasaan ako. Dumako ang aking mata sa kanang paa kong nakapatong sa isang mataas na tila duyan na nakasabit sa aking paanan. Nakabenda ito at hindi ko maramdaman. Tiningnan ko ang aking kaliwang kamay na mayroong kaunting galos at naka-swero.Nasa ospital ako.Bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa ang isang pamilyar na lalaki.Ngumiti siya nang makitang gising na ako."How are you feeling?" tanong niya at lumapit pa sa tabi ng aking kama.Saka ko lamang naaalala kung saan ko siya nakita. Siya ang lalaking tumulong sa akin kagabi. Ito rin ang dahilan kung bakit nawalan ako ng trabaho."Kailangan ko nang umalis." Tiningan ko ang orasan at nanlumo nang makitang alas-sais na ng umaga. Ganoon ba ako katagal natulog?Wala na.Wala na talaga akong trabaho."But you're injured. Ang sabi ng doktor ay dito ka muna dahil kailangan ka
last updateLast Updated : 2021-09-11
Read more

Chapter 4

Hindi lamang pagpapagamot ni nanay ang sinagot ni Sir Arman maging ang mga gastusin namin sa mga araw na hindi ako makakapagtrabaho ay inako niya. "Sir, ipinapabigay po ni nanay. Maraming salamat po talaga."Ipinagluto ni nanay ng adobong pusit si Sir Arman bago siya pumunta sa ospital. Ngumiti siya at malugod na kinuha ang paper bag na naglalaman ng tupperware kung nasaan ang pagkain. "Hindi na dapat kayo nag-abala pa."Sa ilang linggo ko siyang nakilala ay masasabi kong napakabait niya. Nasabi niya rin sa amin na marami talaga siyang tinutulungan na tao kaya huwag dapat kaming mahiya sa tulong na ibinibigay niya."Naku Sir, kulang na kulang pa nga po iyan sa dami ng itinulong ninyo sa amin. Tingnan n'yo nga po pati itong bahay ay mula rin sainyo."Nang makita niya ang sitwasyon namin sa squatter's area ay hindi na siya nagdalawang-isip pa'ng bigyan kami ng mas maayos na tahanan. Tinanggap ko na dahil mas malapit it
last updateLast Updated : 2021-09-21
Read more

Chapter 5

"Cassandra, ipinapasabi nga pala ni Sir Arman na mayroon nang ibang titira sa bahay na tinutuluyan n'yo ngayon. Kailangan n'yo na raw umalis."  Dalawang linggo na simula nang umamin si Arman sa tunay niyang nararamdaman para sa akin. At simula nang gabing iyon ay nag-iba na ang kan'yang pagtrato. Mabait at malaaga siya. Sa katunayan nga ay palaging hinihiling ng mga trabahador sa hacienda na makapangasawa na siya upang mayroon nang mag-aalaga sa kan'ya.  Alam kong hindi ako iyon. Katulad nang sinabi ko kay Attorney Sheldon, nakakatandang kapatid lamang ang turing ko kay Arman. Siya ang nagligtas sa akin sa hindi magandang kinabukasan na naghihintay sa akin sa club. Isang bagay na dapat ang aking ama ang gumagawa. Napatigil ako sa pagpupunas ng mga desk sa munti nilang opisina dahil sa sinabi ng sekretarya ni Arman. Hindi na kami nagkakausap dahil hindi na rin niya ako sinusundo o hinahatid patungong hacienda. Malaki ang pagba
last updateLast Updated : 2021-09-21
Read more

Chapter 6

Kapag mahirap ka, wala ng halaga ang salitang 'pride'. Nakapagsayaw na ako sa club suot ang seksing damit. Marami na ang nakakita ng aking balat malapit sa maselan na bahagi ng katawan at nahaplos na din ako ng ilang kalalakihan. Para saan pa ang hiyang nararamdaman ko ngayong kaharap ko si Arman.Ganoon naman talaga kapag walang-wala ka na, hindi ba? Mapipilitan kang kapalan ang iyong mukha para makakuha ng tulong mula sa iba."Angie! Hindi ba't sabi ko 'wag kang magpapapasok ng kahit sino?" Napangiwi ang sekretarya ni Arman dahil sa pagsita nito.Mariin akong hinawakan ni Angie upang palabasin sa opisina, subalit katulad kanina ay nagmatigas ako.Kailangan ko siyang pakiusapan na ipagpatuloy ang pagpapagamot kay nanay, kahit iyon man lang."Arman, ang sabi ng doktor ay itinigil na raw ang pagpapagamot ng nanay, bakit? 'Di ba nangako ka na sasagutin mo ang gastusin sa gamot ng aking ina?" Alam kong iniisip ni Angie na napakawalang-hiy
last updateLast Updated : 2021-09-23
Read more

Chapter 7

"Anak, ano ba'ng kapalit ng mga ito?"Tama nga sila, mabilis makaramdam ang isang ina kung mayroon man mali sa kanilang anak.Nakatira na kami ni nanay sa mas malaki at maayos na tirahan. Wala na rin akong problema sa pag-aaral dahil bayad na ang tuition fee ko sa susunod na sem at ang tangi ko na lamang gagawin ay pumasok. Mayroon na ulit laman ang aking atm bilang panggastos namin sa pang-araw-araw.Higit sa lahat, tuloy na tuloy na ulit ang gamutan ni nanay.Lahat ng iyon ay dahil nobya na ako ni Arman. "Kapalit? Naku 'nay hindi ba pwede na matulungin lang talaga si Arman? Kapag po nakapagtapos na ako ay sa hacienda na ako magtatrabaho bilang pasasalamat natin sa kan'ya. Isa pa, hindi lang naman po tayo ang tinutulungan niya, marami pa po." Nilapitan ko si nanay at inakbayan. Natutuwa akong unti-unti nang bumabalik ang kan'yang lakas at sa tuwing nakikita ko siyang bumubuti ang kalagayan ay hindi na ako nagsisisi sa aking desi
last updateLast Updated : 2021-09-24
Read more

Chapter 8

"Mr. Morales offered me a businesss proposal. Nais niyang magpatayo ng pagawaan ng tsokolate sa bakanteng lote sa hacienda."Sa paglipas ng mga buwan, pakiramdam ko ay magkasing-edad na rin kami ni Arman. Mas lalo siyang naging bukas sa pagkwekwento sa akin ng tungkol sa negosyo na para bang alam na alam ko ang kan'yang mga sinasabi at isa rin akong negosyante katulad niya."Tinanggap mo ba?" Natutuwa akong kahit nasa first year college pa lang ako ay marami na akong natutunan sa aktwal na pagpapatakbo ng isang negosyo."No. My priority now is to expand the cacao plantation. Mr. Morales pledged to cover 50% of the construction cost. Mas gugustuhin ko pa'ng bumili ng mga lupain upang pagtaniman kaysa ipagawa ng pabrika. Bukod dito, kakailangan ng maraming cacao para sa paggawa ng tsokolate which means magbabawas ng kliyente upang sumapat ang supply ng cacao. We need to let go of loyal investors para sa isang pabrika na wala
last updateLast Updated : 2021-09-24
Read more

Chapter 9

"Happy 18th birthday my baby!" malambing na bulong sa akin ni Arman nang siya na ang huling magsasayaw sa akin sa gabing ito.Sa kabila nang pagtutol ko para sa engrandeng selebrasyon sa aking debut ay sinorpresa pa rin ako ni Arman at ng kan'yang mga empleyado at tauhan. Alam kong kompirmasyon na rin ito na mayroon kaming relasyon kaya't hindi maalis sa aking isipan na bigyan ng kahulugan ang kanilang mga tingin.Tila ba sa gabing ito ay si Arman lamang ang bukod tanging tunay na masaya. Ngumingiti man ako habang isinasayaw niya sa saliw ng romantikong awitin ay puno naman ng pag-aalangan ang aking puso ngayon, sapagkat narito ang aking ina.Kaninang umaga ay nauna na kaming dalawa na mag-celebrate ng aking kaarawan. Ipinagluto niya ako ng paborito kong pagkain kahit pa mahina na ang kan'yang pakiramdam.Hindi maganda ang reaksyon ng katawan ng aking ina sa chemotheraphy kung kaya't napilitan kaming itigil ito. Dahilan upang tuluyan na siyang manghina at
last updateLast Updated : 2021-09-24
Read more
PREV
123456
...
14
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status