Share

Chapter 10

Author: Rina
last update Last Updated: 2021-09-26 21:17:40

Bumalik ang aking ama sa araw ng burol ng aking ina. Tinanggap ko siya pagkatapos niyang humingi ng tawad sa aming dalawa. Alam kong ito rin ang nais ni nanay, na magkaroon ako nang makakasama ngayong wala na siya.

Labis na kalungkutan ang dumalaw sa akin pagkatapos ng libing. Pumapasok pa rin ako sa klase dahil gusto ng aking ina na makapagtapos ako. 

Nalaman kong ang pera pala na ibinibigay ko sa kan'ya ay itinago niya at inipon. Plano kong gamitin iyon para sa maliit na negosyo.

Kailangan ko nang kumawala kay Arman.

Wala nang saysay ang pakikipagrelasyon ko sa kan'ya. Wala na ang aking ina. 

"Thanks God, nakipagkita ka na rin sa akin. I've been calling you pero hindi mo sinasagot. Ang sabi ng tatay mo ay nagkukulong ka raw sa kwarto. Why is he even there? Hindi mo na dapat siya tinanggap." 

Pinuntahan ko siya sa hacienda upang sana'y makipag-usap pero dinala niya ako sa paborito niyang restaurant.

Tiniklop ko ang aking kamao upang kontrolin ang pagkainis na aking nararamdaman sa huli niyang sinabi. Sanay na akong pinapakialaman niya ang personal na buhay subalit hindi ngayon.

Simula nang mawala si nanay ay nawalan na rin ako nang pakialam kung magagalit ba sa akin si Arman sa mga araw na hindi ako nagpapakita o nakikipag-usap sa kan'ya.

Kaya siguro hindi ko na rin kayang hayaan na may masabi siyang hindi maganda tungkol sa aking ama, na natitirang pamilya ko ngayon.

"Nagbago na siya." Gusto ko pa din magtimpi dahil malaki pa rin ang naitulong niya sa amin ni nanay.

"Sa akin ka na tumira sa hacienda.Let's live in. Doon din naman tayo patungo," maotoridad niyang sabi.

Umiling ako. Wala nang dahilan para magtiis ako sa piling niya. Sa loob ng higit isang taon ay halos siya na ang nagkontrol sa buhay ko. Lahat iyon ay tiniis ko para sa pagpapagamot ni nanay.

Nangunot ang kan'yang noo kasabay ng pagngisi, animo'y isang biro na hindi ko siya susundin ngayon.

"Simula ngayong gabi sa hacienda ka na tutuloy. If you're afraid about your father, 'wag ka na mag-alala I'll give him a business, a car, money and everything he needs. Basta sa akin ka na."

Paulit-ulit kong sinasabi na mabait si Arman at maalaga, pero nararamdaman kong ikinukulong niya ako. Wala akong karapatan na magdesisyon para sa sarili ko hanggang hindi dumaraan sa kan'ya at wala ng rason para hayaan ko iyon.

"Gusto mo ba talaga ako?" 

"No. I love you. Kaya nga gusto na kitang makasama." Hinuli niya ang kamay ko subalit bago niya pa man ito madala sa kan'yang mga labi ay pwersahan ko itong binawi.

"Talaga? Bakit pakiramdam ko parang binibili mo na ako kay tatay? Hindi ganyan ang pagmamahal Arman."

Tumawa siya nang nakakaloko.

"What do you know about love? Bata ka pa, pero hindi magtatagal ay mauunawaan mong ganito ang pagmamahal Cassandra. This is the definition of love."

"Pagmamahal ba'ng matatawag ang ginagawa mo sa akin? Hindi mo ako binibigyan ng pagkakataon para magdesisyon para sa sarili ko!"

"It's the best for you!" Tumayo siya at naglakad palabas.

Alam kong galit na siya dahil ito ang unang pakikipagtalo ko sa kan'ya.

Sinundan ko siya hanggang sa kotse. Gusto ko nang tapusin kung ano man ang mayroon kami. Bukod sa hindi ko siya tunay na mahal at nakokonsyensya na rin akong gamitin ang perang mula sa kan'ya.

"Arman, ayoko na-"

"Ano ba'ng problema mo?" nangangalaiti niyang tanong kasabay ng paghampas sa kan'yang manibela.

"Sinubukan kong mahalin ka pero hindi talaga iyon ang tinitibok ng puso ko. I'm sorry pero tapusin na natin ito." Hindi ko alam ang tamang mga salita upang sabihin iyon, dahil sa kahit anong paraan ay alam kong masasaktan ko siya 

Umiling siya.

"What do you want? A car? A house? Gusto mo ba maglibot sa buong bansa?"

Pinagmasdan ko siyang mataranta nang umiling ako. Kinuha niya ang kan'yang cellphone at may kung anong tinipa doon. Hanggang sa tumunog naman ang sa akin.

Naglipat siya ng malaking halaga ng pera sa aking bank account.

"Arman, hindi ko kailangan ng pera mo!" Nakakalungkot na iniisip niyang mayroon akong katumbas na halaga ng pera.

"Then what? I can give you everything Sandra, lahat. Just stay with me."

Hinuli niya ang aking kamay subalit hinila ko ito pabalik.

"Ayoko na Arman. Malaki na ang naitulong mo sa amin ni nanay pero wala na siya. Ayokong patuloy na lokohin ka kapalit ng pera at mga luhong ibinibigay mo sa akin. Hindi mo ako deserve Arman. Mayroong babaeng magmamahal sa'yo ng tunay at lubos at hindi ako 'yon."

Unti-unting namula ang kan'yang mga mata tila gusto nitong lumuha pero pinipigilan niya. Alam kong nasasaktan siya pero ito ang nararapat. 

"No. Kapag sinabi kong sa akin ka, akin ka!"

Hindi ko maunawaan ang emosyon na namumutawi sa kan'yang isipan. Ngayon nama'y galit siya.

Mahigpit niyang hinawakan ang manibela at in-start ang makina ng kotse. 

"I'm sorry Arman." Akmang bababa na ako nang ni-lock niya ang pinto sa aking tabi upang hindi ko ito mabuksan.

Binalot ako ng kaba nang makita ang litid ng ugat sa kan'yang mga kamao at matalim niyang mga titig sa akin.

Walang pasabi niyang pinaharurot ang kotse. 

"Arman!" Isinuot ko ang aking seatbelt at mahigpit na humawak sa gilid ng aking upuan.

Mabilis ang pagmamaneho niya na para bang doon niya ibinubuhos ang galit na nararamdaman para sa akin.

"You know how much I love you! Akin ka Sandra. You're mine. Please 'wag mo akong iwan!" Pumiyok siya hudyat ng pagtulo ng kan'yang luha.

Gusto kong maawa sa kan'ya subalit nananaig ang takot ko sa paraan ng kan'yang pagmamaneho ngayon.

"Itabi mo na ang sasakyan parang awa mo na." Hindi ko namalayan na maging ako pala ay humihikbi na rin.

Nagbago muli ang ekspresyon ng kan'yang mukha. Tila ito nahimasmasan ng makita ang takot sa aking mga mata.

Bumagal ang kan'yang pagmamaneho.

"I'm sorry," mahina niyang sabi. Kinuha niya ang kamay kong mahigpit pa rin na nakakapit sa gilid ng upuan.

Hinagkan niya ito, pilit akong pinapakalma.

Mabagal niyang itinabi ang sasakyan habang ginagawa iyon. Subalit bago pa man kami makarating sa gilid ng daan ay isang malakas na kalabog mula sa likuran ng sasakyan ang huli kong narinig pagkatapos ay dumilim na ang aking paningin.

Related chapters

  • My Sugar Daddy's Brother    Chapter 11

    Isang magaspang na haplos sa kamay ko ang gumising sa akin. Nakita ko ang nag-aalalang mukha ni tatay na nakaupo sa tabi ng kamang hinihigaan ko habang hawak ang aking kamay.Ngumiti siya at tila nataranta nang makitang gising na ako. Dali-dali siyang lumabas upang tumawag ng doktor.Inilibot ko ang aking paningin sa isang hindi pamilyar na kwarto. Sigurado akong hindi ito sa bahay o sa hacienda. Naramdaman ko ang bagay na nasa aking ilong, oxygen, at swero sa kamay ko. Nasa ospital ako.Huli kong naaalala ang pakikipaghiwalay ko kay Arman na nagresulta sa pagtatalo.Bigla akong nakaramdam ng pagkahilo sa pag-iisip kung ano ang sumunod na mga nangyari nang bumukas ang pinto at pumasok ng isang doktor.Sinuri niya ako at tinanong ng ilang mga bagay.Dalawang araw na pala akong walang malay. Naaksidente kami ni Arman, kaya pala masakit ang aking katawan dahil nagtamo ako ng mga pasa."Laking pasasalamat ko na hindi malubha ang sinapit m

    Last Updated : 2021-09-27
  • My Sugar Daddy's Brother    Chapter 12

    Tinanggihan ko ang pamana ni Arman. Tama si Veronica, kung mayroon man na dapat magmana ng mga naiwang yaman ni Arman ay siya iyon dahil siya ang kadugo at hindi ako. Ayoko na sa huling sandali ay tatanggap ako ng yaman mula sa kan'ya. Hindi ako ang nararapat na humawak ng Hacienda Miraflor dahil wala naman ako sa panahon na binubuo pa lamang ito ng kan'yang ama. Hindi ako bahagi ng hacienda kaya hindi ko lubos maisip na nagawang ipamana sa akin ni Arman ang lahat ng kan'yang ari-arian. Ako na bata pa at walang karanasan sa pagpapatakbo ng isang negosyo. "Sandra, you need to accept it." Nang isang linggo pa ako hinihikayat ni Attorney Sheldon na tanggapin ang pamana ni Arman pero mariin ang pagtanggi ko. Akala ko ba'y ayaw niya sa akin dahil ako ang sinisisi niya sa pagkamatay ng kaibigan niya? Pero bakit narito siya sa aking harapan at nagtatiyagang makiusap sa akin. "Hindi ba't kapag tinanggap ko iyan ay para ko na din pinatuna

    Last Updated : 2021-09-27
  • My Sugar Daddy's Brother    Chapter 13

    Mahirap pagsabayin ang pag-aaral at ang pagtatrabaho sa hacienda.Nagsimula ako sa pinakababa mula sa pagtatanim ng cacao, pag-ani nito at pag-de-deliver sa mga kliyente. Lahat ng ito ay si Mang Carpio ang nagturo sa akin.Pagdating naman sa mga teknikal na bagay ay si Attorney Sheldon ang umalalay sa akin. Labis siyang pinagkakatiwalaan ni Arman dahilan upang sa kan'ya ako ihabilin nito.Tinanggap ko ang responsibilidad bilang bagong tagapamahala ng Hacienda Miraflor. Ayokong sabihin na sa akin na ang kayamanan na iniwan ni Arman, gusto kong itatak sa aking isip na inako ko ito upang mapangalagaan ang hacienda na pinakapinahahalagahan niya.Maluwag na sa loob ko ngayon na akuin ang responsibilidad na naiwan ni Arman.Hindi madali ang pagsisimula ko sa hacienda. Naroon ang pang-aakusang mga titig ng mga trabahador at empleyado."You stole everything that was supposed to be mine! Sa amin ang Hacienda Miraflor. Sigurado akong

    Last Updated : 2021-09-27
  • My Sugar Daddy's Brother    Chapter 14

    Hindi lamang diskarte at talino ang pinabago ni Attorney Sheldon sa akin, maging ang paraan ng aking pananamit ay nag-iba rin.Pinasadahan ko nang tingin ang aking walk-in closet at napahinto sa tapat ng mga nakahilerang damit na pang-opisina. Marami akong biniling mga bagong damit kaya nahihirapan akong pumili kung alin doon.Ang pagsa-shopping lamang kasi ang nagpapawala ng pagod ko mula sa trabaho. Wala akong maraming kaibigan bukod kay Lesie at kay Attorney Sheldon, na maaaring mag-aya sa isang bar o 'di kaya'y outing.Kinuha ko ang pencil cut na light blue skirt at ipinares ito sa puting tank top. Inibabawan ko iyon ng blazer bago bumaba mula sa aking kwarto."Magandang umaga po," bati sa akin ni Kuya Joel, ang dapat sana'y driver ko pero mas madalas nang si tatay ang pinagmamaneho niya ngayon."Nasaan po si tatay?" tanong ko. Palaging wala si tatay dahil kung saan-saan sila nagpupunta ni Vivian. Hindi ko na siya nakakausap man lang kaya sa mg

    Last Updated : 2021-09-28
  • My Sugar Daddy's Brother    Chapter 15

    "I am sorry Miss Cassandra. I was just mesmerized by your beauty. Partida pa na nakabusangot ang mukha mo nang araw na iyon kaya nais ko sana na pangitiin ka. Unfortunately, mukhang nainis pa yata kita. Again, my apologies."Binasa ni Lesie ang sulat na nakapaloob sa bulaklak na mula kay Mateo."Ang taray! May pa-flowers pa si Mr. Supplier," kinikilig niyang komento."Lesie, throw it. Ano'ng akala niya sa akin makukuha ako sa mga gan'yan? This is business! How unprofessional. And don't call him Mr. Supplier dahil sinabihan ko na si Engineer Alba na maghanap ng iba."Hindi ko nagustuhan ang papuring mga sinabi niya sa akin kahapon at ang pagpadala niya ng bulaklak at sulat ngayon.Pakiramdam ko kasi ay ipinamumukha niya sa akin na madali akong mauuto ng matatamis na mga salita at papuri. Hindi niya iginalang ang posisyon ko sa kompanya.Ibinabalik niya ang imahe na mayroon ako noon. At hindi ko nagustuhan ang bagay na iyon.

    Last Updated : 2021-09-28
  • My Sugar Daddy's Brother    Chapter 16

    Panay ang tingin sa akin ni Mateo habang binabagtas namin ang daan patungo sa lugar na sinabi ni Kuya Joel. Mabuti na lamang ay nasundan niya ang mga lalaking kumuha kay tatay."Are you okay?" Sa wari ko ay kanina niya pa ito gusto itanong."Yes, pero pwede mo pa ba'ng bilisan?" Nakita ko ang pag-aalangan niya sa aking kahilingan ngunit sinunod niya pa din ito.Mariin akong kumapit sa seatbelt. Dumoble ang kabang nararamdaman ko. Simula kasi ng maaksidente ako ay binabalot na ng kaba ang aking puso sa tuwing bumibilis ang takbo ng kotseng aking sinasakyan. Pero wala akong choice ngayon kun'di labanan ang takot na ito. Kailangan ako ng aking ama.Itinuro ko kay Mateo ang kotseng dala ni Kuya Joel, na nakaparada sa tabi ng daan."Dito na lang ako. Thank you Mateo. "Hindi ko na hinintay pa ang kan'yang sagot. Bumaba na ako at nagtungo sa kotse kung nasaan si Kuya Joel.Nang makita ako ni Kuya Joel at binuksan niya ang pintua

    Last Updated : 2021-09-29
  • My Sugar Daddy's Brother    Chapter 17

    Dumiretso kami sa ospital pagkatapos ng pangyayari, upang ipagamot ang ilang sugat ni tatay. Pinayuhan lamang siya ng doktor na manatili doon ngayong gabi upang maobserbahan.Pinauwi ko muna si Kuya Joel upang kumuha ng damit ni tatay. Naiwan kami ni Mateo doon."Salamat nga pala sa tulong mo kanina. Can I have your bank account number para mabayaran kita?" Inilabas ko na ang aking cellphone upang sana'y mag-transfer sa kan'ya ng perang ibinayad niya kanina sa lalaki pero umiling siya.Nangunot ang aking noo dahil doon."That man was under the police custody now. He'll be paying the damages kaya maibabalik rin sa akin ang perang ibinayad ko kanina," buong kompyansa niyang sabi.Hindi ko man lang alam na tumawag pala siya ng mga pulis. Natakot kasi akong gawin iyon dahil hawak ng mga armadong lalaki ang aking ama. Gayunpaman, tama ang kan'yang ginawa."Thank you. You can go home now masyado nang malalim ang gabi." Akala ko'y hinihintay niya a

    Last Updated : 2021-09-30
  • My Sugar Daddy's Brother    Chapter 18

    "Bakit kunot na kunot yata ang noo natin dyan?" tanong sa akin ni Lesie habang kinukuha ang mga papel sa aking lamesa.Ibinaba ko ang hawak na cellphone at bumaling sa kan'ya."Ang kulit kasi ni Mateo. Nag-aayang mag-dinner mamaya. Sinabihan ko na nga na mayroon akong dinner meeting, midnight snack na lang daw."Simula nang tinanggap ko ang pakikipagkaibigan sa kan'ya ay araw-araw niya na akong pinapadalhan ng mensahe. Minsan nga ay hindi ko na ito pinapansin subalit kapag naiisip kong iniligtas niya kami ni tatay sa lalaking pinagkakautangan nito ay nakokonsyensya ako, dahilan upang reply-an ko siya.Panay din ang pag-aya niyang lumabas. Mauubusan na nga ako nang dahilan upang tumanggi. Hindi naman kasi kami ganito nina Lesie at Attorney Sheldon bilang magkakaibigan. Kung lumalabas man kami ay tungkol pa din iyon sa trabaho."Excuse me? I am your secretary and base on your schedule written on my calendar, wala kang dinner meeting mamaya," panghuhu

    Last Updated : 2021-09-30

Latest chapter

  • My Sugar Daddy's Brother    Epilogue

    Who says I don't have a choice? "Kanina pa kita tinatawagan Mateo!" Bakas ko ang inis sa tono ng pananalita ng aking misis. Bumusina ako sa mabagal na pagpapatakbo ng sasakyan sa aking unahan. Mabilis akong nag-overtake dito. Naghuhuramentado na ang asawa ko sa galit. "Mahal, I'm sorry dumaan pa ako sa opisina. You know I can't just leave my job and come over to see you when you call." Napaka-demanding niya nitong mga nagdaang araw. Gusto niya na sa isang tawag lang ay naroon na ako sa tabi niya, kahit pa naroon siya sa probinsya, na dalawang oras ang layo sa Hacienda Miraflor. "Isa pa ay pinahanap mo ako ng mangga." Pinasadahan ko ng tingin ng manggang hilaw na nakalagay sa isang supot ng plastic. Napapailing na lamang ako kapag naaalala kung paano ako humingi nito sa may-ari ng punong mangga na nadaanan ko kanina. Detalyado ang gusto ni Cassandra. Gusto niya ng mangga na mayroong pa'ng tangkay at dahon. Ang tangkay na i

  • My Sugar Daddy's Brother    Chapter 126

    "Cassandra, are you sure about it? Maayos naman na ang lahat. Nakakulong na si Veronica at wala nang banta sa buhay n'yo." Napirmahan ko na ang mahalagang dokumentong hiningi ko kay Lesie subalit iyon pa din ang katanungan niya."Mateo will not accept it for sure," ani Attorney Sheldon na nandito sa opisina dahil kinailangan ko ang kan'yang pirma."Sigurado ako. I think about it a couple of times. Isa pa'y hindi niya na ito matatanggihan dahil pirmado ko na."Pagkatapos ng trabaho ay dumiretso kami ni Mateo sa sementeryo. Sa dami ng mga nangyari ay nararapat lamang na bisitahin namin si nanay at si Arman pati na rin ang ama nila ni Mateo."Daddy. Tatawagin na kitang daddy dahil sabi ni Manang Dory ay iyon din naman ang itinuturo mo sa akin na tawagin ko sa'yo. Dad at kuya Arman, tapos na. We finally beat Ate Veronica and the devil inside her. Malaya at ligtas na ulit ang Hacienda Miraflor na pinaghirapan niyong buuin."Napangiti ako sa sinabi

  • My Sugar Daddy's Brother    Chapter 125

    Hawak-hawak si Veronica at ang gatilyo ng baril ay paatras kaming naglakad ni tatay palabas ng silid. Umaatras ang mga tauhan sa takot na totohanin ko ang pagbaril sa kanilang amo.Hindi ko gustong pumatay dahil masama iyon, subalit sa puntong ito ay desidido na ako.Pagbaba ng hagdanan ay sinalubong kami ng mga tauhan ni Veronica, na nagbabantay sa labas. Subalit kaagad din silang umatras nang makitang bihag ko ang amo nila."'Tay buksan n'yo na po ang pintuan." Utos ko kay Tatay na mabilis niya naman tinugunan."Mga walang kwenta kayo! Kunin n'yo ako sa babaeng ito!" bulyaw ni Veronica sa mga tauhan niya subalit puro porma lamang ng baril nila sa akin ang nagagawa ng mga ito.Tagumpay na nabuksan ni tatay ang pintuan, nang maramdaman ko ang samyo ng hangin sa aking likod mula sa labas."Mateo! Salamat," sigaw ni tatay dahilan upang mabilis akong mapalingon.Marami na ang pulis sa labas at kasama na roon si Mateo. Nakahinga ako nang

  • My Sugar Daddy's Brother    Chapter 124

    Sanay ako na pumirma ng sandamakmak na papeles sa buong araw, subalit ang ipinapagawa ni Veronica ang napakahirap sa lahat.Pinagmasdan ko si tatay, habang kinakalagan ng isa sa mga tauhang ang aking tali sa kamay. Panay ang pagpalag niya sa tauhan na pilit siyang hinahawakan sa braso. Siya at si Mateo na lamang ang mayroon ako. Ayoko na mawala ang isa man sa kanila.Hindi ko maikakaila na nagtanim ako ng sama ng loob kay tatay, dahil minsan sa buhay ko ay hindi siya naging mabuting ama. Iniwan niya kami ni nanay dahilan upang mapilitan akong magtrabaho sa club. Subalit, kagaya nga ng sinasabi nila, everything happens for a reason. Nakilala ko si Arman dahil sa pagtatrabaho sa club, na siyang nagbigay sa akin ng magandang buhay ngayon. Dahil dito ay nakilala ko din si Mateo.Nagawa man kaming iwanan noon ni tatay ay muli niya naman ipinaramdam sa akin ang pagmamahal nang mawala si nanay. Sapat na iyon makabawi siya sa akin."Pirmahan mo na!" sigaw ni Vero

  • My Sugar Daddy's Brother    Chapter 123

    Kanina pa ako pabalik-balik nang lakad sa aking opisina ngunit hindi pa rin ako makapag-isip ng idadahilan kay Cassandra. Ayoko na sana magsinungaling sa kan'ya pero kinakailangan.Tumunog ang aking telepono. Isang mensahe mula may Sheldon. Tinatanong kung nasaan na ako.I suppose I have no choice but to tell a lie. It will be the last, I promise.Mayroong police operation na gagawin sa isang abandonandong bodega. Isang hindi nagpakilalang tao, na nakakita daw kay Veronica, ang nagbigay sa amin ng impormasyon.Ayokong ipaalam iyon kay Cassandra dahil panigurado akong sasama siya. Delikado ang operasyon at nagpumilit lamang kami ni Sheldon sa mga pulis na sumama.Nang pumasok ako sa opisina ni Sandra parang ayoko na lang umalis. Suddenly, I want to go home with her. Subalit hindi ko maaaring palampasin ang pagkakataon na mahuli ang taong nag-iisang hadlang para maikasal ako sa babaeng pinakamamahal ko."I'll meet my siblings." Alam ko'ng maha

  • My Sugar Daddy's Brother    Chapter 122

    Mr. Morales wife was under the witness protection program. Bilang bihag ni Veronica ay nasaksihan niya ang kasamaan na ginawa nito. Humiling sa amin ang abogado ni Mr. Morales na pati ito ay gawing witness subalit si Attorney Sheldon na mismo ang tumanggi.Habang patuloy ang paglilitis sa kaso at paghahanap kay Veronica ay bumalik kami ni Mateo sa trabaho. Ipinasara niya na ang kan'yang negosyo at sa totoo lang ay labis akong nalulungkot para sa kan'ya. Mas madalas na siyang nasa opisina at nagtatrabaho kasama ko."Mahal," tawag niya sa akin nang marahan nitong binuksan ang pintuan ng aking opisina. Kusang gumuhit ang ngiti sa aking labi nang makita siya.It was a stressful but a blessful day. Nagsisimula na kaming tumanggap ng mga bagong kliyente at umaasa kami na magtutuloy-tuloy na ito."Yes?" Tumayo na ako upang ihanda ang aking gamit. Mag-aalas sais na nang gabi."Hindi pa ako uuwi. Pinatawag ko na si Kuya Joel. Siya muna ang maghahatid

  • My Sugar Daddy's Brother    Chapter 121

    “Manang, nand’yan na po ba si Mateo?” tanong ko kay manang Dory nang salubungin niya ako sa pungad ng mansyon.“Wala pa hija,” sagot niya.Kagaya nang nagdaang mga araw ay malalim na ang gabi kung umuwi si Mateo. Hanggang ngayon ay pilit niya pa din na nilulutasan ang problemang kinakaharap ng kan’yang negosyo.Ang mga materyales na ipinadala sa kanila ay mababa ang kalidad taliwas sa nakasulat sa kontrata. Mariin na itinanggi ng supplier na sa kanila nagmula ang mga produkto. Kilala ang supplier ni Mateo na mayroong mga de-kalidad na materyales. Inimbestigahan ngayon ang pagkakaroon ng anomalya sa transaksyon.Kinuha ko ang aking cellphone. Mayroong mensahe doon si Mateo, ipinapaalam na pauwi na siya. Napangiti ako.“Ipaghahanda na kita ng hapunan.”Kahit na maraming ginagawa ang aking nobyo ay hindi pa din ito pumapalya na ipaalam sa akin kung nasaan na siya at kung ano ang kan’yang gin

  • My Sugar Daddy's Brother    Chapter 120

    We drove straight home after dinner. Mabagal lamang ang pagmamaneho ni Mateo dahil panay ang pagsagot nito ng mga tawag, kaya hindi ko napigilan ang pumikit. Dumilat lamang ako nang natahimik siya, subalit hindi niya pa man naibababa ang telepono ay isang panibagong tawag muli ang dumating.Kumunot ang kan’yang noo nang makita ang numero doon bago bumaling sa akin.Attorney Sheldon was calling him. Madalang na tumawag ito nang gabi sa kan’ya, maliban na lamang kung mahalagang bagay ang sasabihin nito.“Hello Sheldon, napatawag ka?”Inilagay niya sa loudspeaker ang telepono kaya naririnig ko ang ingay sa kabilang linya.“Where are you?” Humihingal ang boses nito.Tiningnan ako ni Mateo bago siya sumagot. “We’re heading home.”“Alright, keep your guards up. Kumikilos na naman si Veronica.”Humina ang pagmamaneho ni Mateo. Ako na ang sumagot kay Attorney. I know the

  • My Sugar Daddy's Brother    Chapter 119

    Hindi ako pinatahimik ng senaryong nakita namin ni Mateo sa sementeryo ng ilang gabi. Subalit hindi niya ako pinabayaan at palaging ipinaparamdam sa akin na nasa tabi ko lamang siya.Matapos ang pag-iimbestiga ng mga pulis ay wala silang nakuhang matinong ebidensya na magtuturong si Veronica ang may gawa noon. Gayunpaman, ay pinaigting pa din ang paghahanap dito.Hindi na nasundan ang pananakot na iyon ngunit naging mas maingat pa din kami.Ang plano kong bumalik na sana sa sarili kong bahay ay hindi natuloy dahil sa nangyari.Si tatay ay nasa probinsya at binilinan ko itong doon muna manatili. Ayokong pati siya ay madamay sa kasamaang idinudulot sa amin ni Veronica.Lumipas ang sumunod na mga araw na hindi kami nagpaapekto sa ginawang pananakot at pagbabanta ni Veronica. Hatid at sundo pa din ako ni Mateo sa opisina pero nang nakaraan ay si Kuya Joel ang nagmaneho para sa akin dahil naging abala siya sa negosyo, bagay na naiintindihan ko."

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status