Mahirap pagsabayin ang pag-aaral at ang pagtatrabaho sa hacienda.
Nagsimula ako sa pinakababa mula sa pagtatanim ng cacao, pag-ani nito at pag-de-deliver sa mga kliyente. Lahat ng ito ay si Mang Carpio ang nagturo sa akin.
Pagdating naman sa mga teknikal na bagay ay si Attorney Sheldon ang umalalay sa akin. Labis siyang pinagkakatiwalaan ni Arman dahilan upang sa kan'ya ako ihabilin nito.
Tinanggap ko ang responsibilidad bilang bagong tagapamahala ng Hacienda Miraflor. Ayokong sabihin na sa akin na ang kayamanan na iniwan ni Arman, gusto kong itatak sa aking isip na inako ko ito upang mapangalagaan ang hacienda na pinakapinahahalagahan niya.
Maluwag na sa loob ko ngayon na akuin ang responsibilidad na naiwan ni Arman.
Hindi madali ang pagsisimula ko sa hacienda. Naroon ang pang-aakusang mga titig ng mga trabahador at empleyado.
"You stole everything that was supposed to be mine! Sa amin ang Hacienda Miraflor. Sigurado akong plinano mong maaksidente si kuya Arman at minanipula ang last will and testament niya! Hindi ka niya kaano-ano pero sa'yo ipinamana ang buong ari-arian niya? That is ridiculous!"
Ang mga salitang ito ni Veronica ang pinaniwalaan ng ilan sa mga trabahador.
May mga pagkakataon na nagsagawa sila ng pag-aalsa sa harap ng hacienda upang paalisin ako. Natatakot silang baka bumagsak ang Hacienda Miraflor kung ang isang katulad kong walang alam sa negosyo ang magpapatakbo.
Higit sa lahat ay binilog din ni Veronica ang isip ng ilan na ako ang may balak na gawing subdibisyon ang lugar.
Tumagal ng isang buwan ang pangyayaring iyon hanggang sa napatunayan namin sa mga tao na si Veronica ang tunay na may masamang balak sa hacienda.
"Tandaan mo ito Sandra, babawiin ko ang lahat ng ari-arian na dapat ay sa akin." Huling mga salita niya sa akin bago siya magtungo sa ibang bansa.
Hindi ko alam kung ano ang kwento sa likod ng pagiging magkapatid nila sa ama ni Arman. Wala akong ideya kung bakit hindi siya binigyan ng kapatid ng parte sa hacienda.
Sa paglipas ng mga taon ay pinatunayan kong mabuti ang hangarin ko sa plantasyon na iniwan ni Arman.
Nakuha ko ang tiwala ng mga tao sa hacienda hanggang sa matanggap nila ako. Unti-unti ko din na natutunan ang pagpapatakbo ng negosyo.
Nakapagtapos ako ng kolehiyo at kasabay noon ay ang pagsisimula ng totoo kong trabaho sa hacienda.
Pormal akong ipinakilala sa mga investors, empleyado, at mga tauhan bilang bagong may-ari ng Hacienda Miraflor.
Ang aking ama ay nagtrabaho rin sa plantasyon ng cacao bilang katuwang ni Mang Carpio subalit lumipas lamang ang isang taon ay nag-iba na ang pag-uugali nito. Hindi na ito tumutulong sa amin sa hacienda bagkus ay humihingi na lamang ng pera sa akin. Paiba-iba na rin ang babaeng iniuuwi niya at wala na akong nagawa pa doon.
Naging maayos ang pamamahala ko sa hacienda sa nagdaan pang taon. Napalawak namin ang plantasyon ng cacao. Mayroon na kaming nabiling ilang lupain sa mga karatig bayan ng Hacienda Miraflor, upang pagtaniman ng tubo.
"Why do we need to build a chocolate factory? Alam mong tinanggihan ito noon ni Arman." Hindi talaga matatapos ang aking araw na hindi nakikipagdiskusyon kay Attorney Sheldon.
"We now have a large cacao plantation and sugar cane attorney, 'di ba mas maganda kung gagawa rin tayo ng sariling tsokolate. In that way mas maraming tao ang mabibigyan natin ng trabaho. Iyon naman ang gusto ni Arman, ang makatulong sa marami."
Alam kong ayaw ni Arman na magpatayo ng pabrika sa kadahilanang magkukulang ang supply ng cacao pero ngayong sobra-sobra pa ang aming naaani, sa tingin ko ay ito na ang tamang panahon para mas lalo pang palaguin ang hacienda.
Ayokong hayaan na lamang ang hacienda sa kung paano ito iniwan ni Arman sa amin. Gusto kong lumago pa ito at balang araw ay makapag-export sa ibang bansa.
"But Sandra, are you sure about it? May I just remind you na mula kay Mr. Morales ang kalahati ng pondong gagamitin sa pagpapatayo ng pabrika. You know his agenda."
Tama siya, tinanggap ko ang proposal na ito ni Mr. Morales, na noon niya pa iginigiit.
"Attorney, pinag-aralan ko itong mabuti bago ako nagdesisyon just how you taught me. I am aware of Mr. Morales' game. Actually, I can play with him, the way I want it."
Marahas siyang bumuntong hininga tila hindi na kinakaya ang katigasan ng aking ulo.
Magsasalita na sana siya subalit naputol ito sa ere nang bumukas ang pintuan ng aking opisina. Nauwi iyon sa pag-irap nang makita niyang si Lesie ang pumasok.
"Can you knock?" naiinis nitong tanong.
Magsisimula na naman silang magtalo kaya bago pa man iyon mangyari ay nagpatuloy na ako sa pagsasalita.
"Lesie, please call Engineer Alba. Set an appointment with him."
Mas lalong nangunot ang noo ni Attorney dahil sa utos ko. Hindi yata siya makapaniwala na kaya kong sumuway sa kan'ya.
Kung dati-rati ay panay lamang ang pagsang-ayon ko kay Attorney Sheldon sa pagdedesisyon tungkol sa hacienda ngayon ay natuto na ako.
Lahat naman ng natutunan ko ay mula sa kan'ya. He raised me to be an independent and decisive woman, na hindi padadaig sa mga negosyanteng may masamang motibo sa negosyong iniwan ni Arman.
Naalala ko pa kung paano ako sinubukang landiin ng ilang matatandang investors ng kompanya upang pirmahan ko ang mga dokumentong nagsasabing ipinagbibili ko na ang shares ko. Nais nilang makuha ang buong pamamahala rito.
Iniisip nilang mabilis nila akong mauuto dahil mula ako sa club, pero ngayon ay gusto kong patunayan na nagkakamali sila.
Hindi na ako ang dating Sandra na kailangang sumayaw sa club at makipagrelasyon sa isang mayamang lalaki kapalit ng pera.
Kaya ko nang kitain ang perang ibinabato sa akin noon sa entablado, kapalit ng isang senswal na sayaw. Kaya kong higitan pa iyon ng may moral at dignidad.
Hindi lamang diskarte at talino ang pinabago ni Attorney Sheldon sa akin, maging ang paraan ng aking pananamit ay nag-iba rin.Pinasadahan ko nang tingin ang aking walk-in closet at napahinto sa tapat ng mga nakahilerang damit na pang-opisina. Marami akong biniling mga bagong damit kaya nahihirapan akong pumili kung alin doon.Ang pagsa-shopping lamang kasi ang nagpapawala ng pagod ko mula sa trabaho. Wala akong maraming kaibigan bukod kay Lesie at kay Attorney Sheldon, na maaaring mag-aya sa isang bar o 'di kaya'y outing.Kinuha ko ang pencil cut na light blue skirt at ipinares ito sa puting tank top. Inibabawan ko iyon ng blazer bago bumaba mula sa aking kwarto."Magandang umaga po," bati sa akin ni Kuya Joel, ang dapat sana'y driver ko pero mas madalas nang si tatay ang pinagmamaneho niya ngayon."Nasaan po si tatay?" tanong ko. Palaging wala si tatay dahil kung saan-saan sila nagpupunta ni Vivian. Hindi ko na siya nakakausap man lang kaya sa mg
"I am sorry Miss Cassandra. I was just mesmerized by your beauty. Partida pa na nakabusangot ang mukha mo nang araw na iyon kaya nais ko sana na pangitiin ka. Unfortunately, mukhang nainis pa yata kita. Again, my apologies."Binasa ni Lesie ang sulat na nakapaloob sa bulaklak na mula kay Mateo."Ang taray! May pa-flowers pa si Mr. Supplier," kinikilig niyang komento."Lesie, throw it. Ano'ng akala niya sa akin makukuha ako sa mga gan'yan? This is business! How unprofessional. And don't call him Mr. Supplier dahil sinabihan ko na si Engineer Alba na maghanap ng iba."Hindi ko nagustuhan ang papuring mga sinabi niya sa akin kahapon at ang pagpadala niya ng bulaklak at sulat ngayon.Pakiramdam ko kasi ay ipinamumukha niya sa akin na madali akong mauuto ng matatamis na mga salita at papuri. Hindi niya iginalang ang posisyon ko sa kompanya.Ibinabalik niya ang imahe na mayroon ako noon. At hindi ko nagustuhan ang bagay na iyon.
Panay ang tingin sa akin ni Mateo habang binabagtas namin ang daan patungo sa lugar na sinabi ni Kuya Joel. Mabuti na lamang ay nasundan niya ang mga lalaking kumuha kay tatay."Are you okay?" Sa wari ko ay kanina niya pa ito gusto itanong."Yes, pero pwede mo pa ba'ng bilisan?" Nakita ko ang pag-aalangan niya sa aking kahilingan ngunit sinunod niya pa din ito.Mariin akong kumapit sa seatbelt. Dumoble ang kabang nararamdaman ko. Simula kasi ng maaksidente ako ay binabalot na ng kaba ang aking puso sa tuwing bumibilis ang takbo ng kotseng aking sinasakyan. Pero wala akong choice ngayon kun'di labanan ang takot na ito. Kailangan ako ng aking ama.Itinuro ko kay Mateo ang kotseng dala ni Kuya Joel, na nakaparada sa tabi ng daan."Dito na lang ako. Thank you Mateo. "Hindi ko na hinintay pa ang kan'yang sagot. Bumaba na ako at nagtungo sa kotse kung nasaan si Kuya Joel.Nang makita ako ni Kuya Joel at binuksan niya ang pintua
Dumiretso kami sa ospital pagkatapos ng pangyayari, upang ipagamot ang ilang sugat ni tatay. Pinayuhan lamang siya ng doktor na manatili doon ngayong gabi upang maobserbahan.Pinauwi ko muna si Kuya Joel upang kumuha ng damit ni tatay. Naiwan kami ni Mateo doon."Salamat nga pala sa tulong mo kanina. Can I have your bank account number para mabayaran kita?" Inilabas ko na ang aking cellphone upang sana'y mag-transfer sa kan'ya ng perang ibinayad niya kanina sa lalaki pero umiling siya.Nangunot ang aking noo dahil doon."That man was under the police custody now. He'll be paying the damages kaya maibabalik rin sa akin ang perang ibinayad ko kanina," buong kompyansa niyang sabi.Hindi ko man lang alam na tumawag pala siya ng mga pulis. Natakot kasi akong gawin iyon dahil hawak ng mga armadong lalaki ang aking ama. Gayunpaman, tama ang kan'yang ginawa."Thank you. You can go home now masyado nang malalim ang gabi." Akala ko'y hinihintay niya a
"Bakit kunot na kunot yata ang noo natin dyan?" tanong sa akin ni Lesie habang kinukuha ang mga papel sa aking lamesa.Ibinaba ko ang hawak na cellphone at bumaling sa kan'ya."Ang kulit kasi ni Mateo. Nag-aayang mag-dinner mamaya. Sinabihan ko na nga na mayroon akong dinner meeting, midnight snack na lang daw."Simula nang tinanggap ko ang pakikipagkaibigan sa kan'ya ay araw-araw niya na akong pinapadalhan ng mensahe. Minsan nga ay hindi ko na ito pinapansin subalit kapag naiisip kong iniligtas niya kami ni tatay sa lalaking pinagkakautangan nito ay nakokonsyensya ako, dahilan upang reply-an ko siya.Panay din ang pag-aya niyang lumabas. Mauubusan na nga ako nang dahilan upang tumanggi. Hindi naman kasi kami ganito nina Lesie at Attorney Sheldon bilang magkakaibigan. Kung lumalabas man kami ay tungkol pa din iyon sa trabaho."Excuse me? I am your secretary and base on your schedule written on my calendar, wala kang dinner meeting mamaya," panghuhu
"We have a meeting with Mr. Tayas, owner of Heaven's Cake and Pastry, later 6pm," pagpapaalala sa akin ni Lesie.Nakakatuwa na mayroon na kaming nakakausap na mga kliyenteng nais kumuha ng tsokolate mula sa amin kahit hindi pa man tapos ang pabrika."Until what time?" tanong ko na siya namang pinagsalubong ng kan'yang plakadong kilay. Ngayon lamang kasi ako nagtanong ng ganoon sa kan'ya."Usually hanggang 8pm natatapos ang meeting natin with the client." Sa kabila ng pagtataka ay sinagot niya pa din ang aking tanong.Tumingin muna ako sa aking cellphone upang basahin ang huling mensahe doon."Can you make it until 7pm? May pupuntahan kasi ako."Ang kaninang nagtataka niyang tingin ay napalitan ng nagniningning na mga mata at ngiti sa labi."Dinner date ba ulit 'yang pupuntahan mo? Mukhang iniisa-isa niyo yata ang restaurant sa lugar natin."Hindi ko inaasahan na matutuwa ako ng sobra sa unang dinner namin ni Mateo kaya na
Sa paglipas ng mga araw ay mas lalo kaming napalapit ni Mateo sa bawat isa. Wala yatang araw na hindi kami nagkikita. At sa totoo lang ay masaya akong kasama siya."Mukha yatang napapadalas ang pag-alis mo?" sabi sa akin ni Vivian nang maabutan ko sila ni tatay na kumakain ng agahan sa dining area.Hindi pa siguro nagsasawa sa kan'ya ang aking ama kaya naririto pa din siya sa bahay."Alis na po ako 'tay." Hindi ko pinansin ang kan'yang tanong.Kakain sana ako ng breakfast kaya lang ay nawalan ako ng gana nang makita siya."Saan ka pupunta Sandra?" Simula nang mabugbog si tatay ay hindi na siya pumunta sa casino. Sana nga ay magtuloy-tuloy na."Papasyal lang po," maikli kong sagot."Kasama mo ba 'yong lalaking palaging naghahatid saiyo tuwing gabi?"Napataas ang aking dalawang kilay sa kan'yang tanong. Kung gayo'n ay nakikita niya pala kami ni Mateo sa tuwing hinahatid ako nito sa bahay.Tumango ako.&nbs
"Cassandra, why did you sign this without my consent?" Ang busangot na mukha ni Attorney Sheldon ang sumalubong sa akin pagpasok ko sa opisina.Hawak niya ang isang folder na naglalaman ng mga papeles."Bago na pala sekretarya ko?" pagbibiro ko.Hindi man lang siya ngumiti at mas lalo pa'ng nagsalubong ang mga kilay. Hindi yata siya sanay na marinig akong magbiro.I just realize that I should take things lightly. Sabi nga ni Mateo, napaka-stiff ko daw sa trabaho, I should loosen a bit."Ano ba 'yan?" Kinuha ko ang mga papeles at nanlaki ang mata nang makitang business proposal iyon na wala pang pirma ni Attorney Sheldon. Ibig sabihin ay hindi ko pa ito na-di-discuss sa kan'ya pero mayroon ng lagda ko."Sorry! Hindi ko yata napansin."Bigla akong kinabahan dahil mahalagang papeles iyon."Mabuti na lang walang mali sa proposal nila."Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niya. Nakakatakot talagang magkamali sa p
Who says I don't have a choice? "Kanina pa kita tinatawagan Mateo!" Bakas ko ang inis sa tono ng pananalita ng aking misis. Bumusina ako sa mabagal na pagpapatakbo ng sasakyan sa aking unahan. Mabilis akong nag-overtake dito. Naghuhuramentado na ang asawa ko sa galit. "Mahal, I'm sorry dumaan pa ako sa opisina. You know I can't just leave my job and come over to see you when you call." Napaka-demanding niya nitong mga nagdaang araw. Gusto niya na sa isang tawag lang ay naroon na ako sa tabi niya, kahit pa naroon siya sa probinsya, na dalawang oras ang layo sa Hacienda Miraflor. "Isa pa ay pinahanap mo ako ng mangga." Pinasadahan ko ng tingin ng manggang hilaw na nakalagay sa isang supot ng plastic. Napapailing na lamang ako kapag naaalala kung paano ako humingi nito sa may-ari ng punong mangga na nadaanan ko kanina. Detalyado ang gusto ni Cassandra. Gusto niya ng mangga na mayroong pa'ng tangkay at dahon. Ang tangkay na i
"Cassandra, are you sure about it? Maayos naman na ang lahat. Nakakulong na si Veronica at wala nang banta sa buhay n'yo." Napirmahan ko na ang mahalagang dokumentong hiningi ko kay Lesie subalit iyon pa din ang katanungan niya."Mateo will not accept it for sure," ani Attorney Sheldon na nandito sa opisina dahil kinailangan ko ang kan'yang pirma."Sigurado ako. I think about it a couple of times. Isa pa'y hindi niya na ito matatanggihan dahil pirmado ko na."Pagkatapos ng trabaho ay dumiretso kami ni Mateo sa sementeryo. Sa dami ng mga nangyari ay nararapat lamang na bisitahin namin si nanay at si Arman pati na rin ang ama nila ni Mateo."Daddy. Tatawagin na kitang daddy dahil sabi ni Manang Dory ay iyon din naman ang itinuturo mo sa akin na tawagin ko sa'yo. Dad at kuya Arman, tapos na. We finally beat Ate Veronica and the devil inside her. Malaya at ligtas na ulit ang Hacienda Miraflor na pinaghirapan niyong buuin."Napangiti ako sa sinabi
Hawak-hawak si Veronica at ang gatilyo ng baril ay paatras kaming naglakad ni tatay palabas ng silid. Umaatras ang mga tauhan sa takot na totohanin ko ang pagbaril sa kanilang amo.Hindi ko gustong pumatay dahil masama iyon, subalit sa puntong ito ay desidido na ako.Pagbaba ng hagdanan ay sinalubong kami ng mga tauhan ni Veronica, na nagbabantay sa labas. Subalit kaagad din silang umatras nang makitang bihag ko ang amo nila."'Tay buksan n'yo na po ang pintuan." Utos ko kay Tatay na mabilis niya naman tinugunan."Mga walang kwenta kayo! Kunin n'yo ako sa babaeng ito!" bulyaw ni Veronica sa mga tauhan niya subalit puro porma lamang ng baril nila sa akin ang nagagawa ng mga ito.Tagumpay na nabuksan ni tatay ang pintuan, nang maramdaman ko ang samyo ng hangin sa aking likod mula sa labas."Mateo! Salamat," sigaw ni tatay dahilan upang mabilis akong mapalingon.Marami na ang pulis sa labas at kasama na roon si Mateo. Nakahinga ako nang
Sanay ako na pumirma ng sandamakmak na papeles sa buong araw, subalit ang ipinapagawa ni Veronica ang napakahirap sa lahat.Pinagmasdan ko si tatay, habang kinakalagan ng isa sa mga tauhang ang aking tali sa kamay. Panay ang pagpalag niya sa tauhan na pilit siyang hinahawakan sa braso. Siya at si Mateo na lamang ang mayroon ako. Ayoko na mawala ang isa man sa kanila.Hindi ko maikakaila na nagtanim ako ng sama ng loob kay tatay, dahil minsan sa buhay ko ay hindi siya naging mabuting ama. Iniwan niya kami ni nanay dahilan upang mapilitan akong magtrabaho sa club. Subalit, kagaya nga ng sinasabi nila, everything happens for a reason. Nakilala ko si Arman dahil sa pagtatrabaho sa club, na siyang nagbigay sa akin ng magandang buhay ngayon. Dahil dito ay nakilala ko din si Mateo.Nagawa man kaming iwanan noon ni tatay ay muli niya naman ipinaramdam sa akin ang pagmamahal nang mawala si nanay. Sapat na iyon makabawi siya sa akin."Pirmahan mo na!" sigaw ni Vero
Kanina pa ako pabalik-balik nang lakad sa aking opisina ngunit hindi pa rin ako makapag-isip ng idadahilan kay Cassandra. Ayoko na sana magsinungaling sa kan'ya pero kinakailangan.Tumunog ang aking telepono. Isang mensahe mula may Sheldon. Tinatanong kung nasaan na ako.I suppose I have no choice but to tell a lie. It will be the last, I promise.Mayroong police operation na gagawin sa isang abandonandong bodega. Isang hindi nagpakilalang tao, na nakakita daw kay Veronica, ang nagbigay sa amin ng impormasyon.Ayokong ipaalam iyon kay Cassandra dahil panigurado akong sasama siya. Delikado ang operasyon at nagpumilit lamang kami ni Sheldon sa mga pulis na sumama.Nang pumasok ako sa opisina ni Sandra parang ayoko na lang umalis. Suddenly, I want to go home with her. Subalit hindi ko maaaring palampasin ang pagkakataon na mahuli ang taong nag-iisang hadlang para maikasal ako sa babaeng pinakamamahal ko."I'll meet my siblings." Alam ko'ng maha
Mr. Morales wife was under the witness protection program. Bilang bihag ni Veronica ay nasaksihan niya ang kasamaan na ginawa nito. Humiling sa amin ang abogado ni Mr. Morales na pati ito ay gawing witness subalit si Attorney Sheldon na mismo ang tumanggi.Habang patuloy ang paglilitis sa kaso at paghahanap kay Veronica ay bumalik kami ni Mateo sa trabaho. Ipinasara niya na ang kan'yang negosyo at sa totoo lang ay labis akong nalulungkot para sa kan'ya. Mas madalas na siyang nasa opisina at nagtatrabaho kasama ko."Mahal," tawag niya sa akin nang marahan nitong binuksan ang pintuan ng aking opisina. Kusang gumuhit ang ngiti sa aking labi nang makita siya.It was a stressful but a blessful day. Nagsisimula na kaming tumanggap ng mga bagong kliyente at umaasa kami na magtutuloy-tuloy na ito."Yes?" Tumayo na ako upang ihanda ang aking gamit. Mag-aalas sais na nang gabi."Hindi pa ako uuwi. Pinatawag ko na si Kuya Joel. Siya muna ang maghahatid
“Manang, nand’yan na po ba si Mateo?” tanong ko kay manang Dory nang salubungin niya ako sa pungad ng mansyon.“Wala pa hija,” sagot niya.Kagaya nang nagdaang mga araw ay malalim na ang gabi kung umuwi si Mateo. Hanggang ngayon ay pilit niya pa din na nilulutasan ang problemang kinakaharap ng kan’yang negosyo.Ang mga materyales na ipinadala sa kanila ay mababa ang kalidad taliwas sa nakasulat sa kontrata. Mariin na itinanggi ng supplier na sa kanila nagmula ang mga produkto. Kilala ang supplier ni Mateo na mayroong mga de-kalidad na materyales. Inimbestigahan ngayon ang pagkakaroon ng anomalya sa transaksyon.Kinuha ko ang aking cellphone. Mayroong mensahe doon si Mateo, ipinapaalam na pauwi na siya. Napangiti ako.“Ipaghahanda na kita ng hapunan.”Kahit na maraming ginagawa ang aking nobyo ay hindi pa din ito pumapalya na ipaalam sa akin kung nasaan na siya at kung ano ang kan’yang gin
We drove straight home after dinner. Mabagal lamang ang pagmamaneho ni Mateo dahil panay ang pagsagot nito ng mga tawag, kaya hindi ko napigilan ang pumikit. Dumilat lamang ako nang natahimik siya, subalit hindi niya pa man naibababa ang telepono ay isang panibagong tawag muli ang dumating.Kumunot ang kan’yang noo nang makita ang numero doon bago bumaling sa akin.Attorney Sheldon was calling him. Madalang na tumawag ito nang gabi sa kan’ya, maliban na lamang kung mahalagang bagay ang sasabihin nito.“Hello Sheldon, napatawag ka?”Inilagay niya sa loudspeaker ang telepono kaya naririnig ko ang ingay sa kabilang linya.“Where are you?” Humihingal ang boses nito.Tiningnan ako ni Mateo bago siya sumagot. “We’re heading home.”“Alright, keep your guards up. Kumikilos na naman si Veronica.”Humina ang pagmamaneho ni Mateo. Ako na ang sumagot kay Attorney. I know the
Hindi ako pinatahimik ng senaryong nakita namin ni Mateo sa sementeryo ng ilang gabi. Subalit hindi niya ako pinabayaan at palaging ipinaparamdam sa akin na nasa tabi ko lamang siya.Matapos ang pag-iimbestiga ng mga pulis ay wala silang nakuhang matinong ebidensya na magtuturong si Veronica ang may gawa noon. Gayunpaman, ay pinaigting pa din ang paghahanap dito.Hindi na nasundan ang pananakot na iyon ngunit naging mas maingat pa din kami.Ang plano kong bumalik na sana sa sarili kong bahay ay hindi natuloy dahil sa nangyari.Si tatay ay nasa probinsya at binilinan ko itong doon muna manatili. Ayokong pati siya ay madamay sa kasamaang idinudulot sa amin ni Veronica.Lumipas ang sumunod na mga araw na hindi kami nagpaapekto sa ginawang pananakot at pagbabanta ni Veronica. Hatid at sundo pa din ako ni Mateo sa opisina pero nang nakaraan ay si Kuya Joel ang nagmaneho para sa akin dahil naging abala siya sa negosyo, bagay na naiintindihan ko."