"Cassandra, why did you sign this without my consent?" Ang busangot na mukha ni Attorney Sheldon ang sumalubong sa akin pagpasok ko sa opisina.
Hawak niya ang isang folder na naglalaman ng mga papeles.
"Bago na pala sekretarya ko?" pagbibiro ko.
Hindi man lang siya ngumiti at mas lalo pa'ng nagsalubong ang mga kilay. Hindi yata siya sanay na marinig akong magbiro.
I just realize that I should take things lightly. Sabi nga ni Mateo, napaka-stiff ko daw sa trabaho, I should loosen a bit.
"Ano ba 'yan?" Kinuha ko ang mga papeles at nanlaki ang mata nang makitang business proposal iyon na wala pang pirma ni Attorney Sheldon. Ibig sabihin ay hindi ko pa ito na-di-discuss sa kan'ya pero mayroon ng lagda ko.
"Sorry! Hindi ko yata napansin."
Bigla akong kinabahan dahil mahalagang papeles iyon.
"Mabuti na lang walang mali sa proposal nila."
Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niya. Nakakatakot talagang magkamali sa p
Maayos na natapos ang dinner namin. Mabuti na lamang ay hindi na sumabat pa si Vivian sa pag-uusap ni tatay at Mateo. Masasabi kong nagkasundo naman sila ng aking ama.Dumiretso kami sa veranda upang magpatunaw ng kinain. Isa pa'y ayaw niya pa din naman umuwi.Umupo ako sa coffee table na naroon habang siya naman ay isinandal ang likod sa railings."Is it true?" tanong niya habang sinisimsim ang kapeng ipinatimpla ko kay manang. Mahirap nang dapuan siya nang antok sa byahe pauwi."Alin?" Wala pa naman kaming pinag-uusapan simula nang pagkaakyat namin dito kaya hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya."Ako ang unang lalaking ipinakilala mo sa tatay mo?" Mayroong maliit na ngiti sa kan'yang labi nang itanong iyon.Nahihiya akong tumango. Hindi ko talaga alam kung bakit kailangan pa iyong sabihin ni tatay."How about Arman?"Hindi ko pormal na naipakilala si Arman kay tatay dahil bumalik lang naman ang huli nang mamatay an
'I like you Cassandra'Ang mga salitang iyon ni Mateo ang hindi nagpatulog sa akin buong gabi.Gusto niya ako.Hindi lamang iyon, siya din ang first kiss ko.Naalala ko na ang sinabi niya tungkol sa club. Siya pala ang nerd na lalaking iyon. Tama nga ang hinala kong hinalikan niya ako nang araw na iyon. Siya din ang tinulungan namin ni Arman noon na binubugbog sa tabing kalsada.Napakaliit talaga ng mundo, para paulit-ulit kaming magtagpo.Hinawakan ko ang aking labi. Nararamdaman ko pa rin ang pagpatak ng halik niya doon."What do you think Cassandra?"Bumalik ako sa ulirat nang marinig ang boses ni Attorney Sheldon. Napalingon ako sa ilang board members na aming kasama, na nakatuon na rin ang atensyon sa akin.Nawala sa isip kong nasa isang meeting pala ako.Umayos ako nang upo at tumikhim. Pasimple akong sumulyap ang minutes of meeting na ginagawa ni Lesie upang kumuha ng ideya doon.Buong kumpyans
Halos ilang araw ko rin na hindi sinasagot ang mga tawag ni Mateo. Nagpapadala pa rin siya ng bulaklak o 'di naman kaya ay pagkain sa opisina na maluwag ko naman tinatanggap.Kinikilala ko muna kasi ang kakaibang saya na aking nararamdaman mula sa mga ginagawa niya.Bago para sa akin ang pakiramdam na ito. Nakakapagtakang ang mga bagay na ibinibigay niya ay labis kong napapahalagahan. Malayong-malayo sa nararamdaman ko noong binibigyan ako ni Arman ng mga materyal na bagay."Ma'am, nasa labas po si Sir Mateo."Wala akong pasok ngayon sa trabaho kaya pinagplanuhan ko nang mag-shopping na lamang upang malibang at makapag-isip-isip. Hindi ko maaaring ignorahin ng matagal si Mateo.Subalit mukhang hindi na siya makapaghintay dahil pinuntahan niya na ako dito sa bahay."Pakisabi, hintayin na lang ako sa baba." Binilisan ko ang paglalagay ng simpleng make-up sa mukha.Ayokong papasukin sa loob ng bahay si Mateo lalo pa't nandito si Vi
"Are you mad at me?"Hindi ko pala kayang tumbasan ang energy ni Mateo para sa araw na ito. Nauna na akong sumuko at inaya siyang kumain.Pormal ang restaurant kung saan niya ako dinala. Tahimik at kakaunti pa lang ang tao. Ako itong nag-aya pero siya ang humila sa akin patungo rito.Hiniwa ko muna ang steak sa aking plato, na kaka-serve pa lang sa amin."No." Hindi na ako nabigla sa kan'yang tanong. Alam kong ipagtataka niya ang hindi ko pagsagot sa mga mensaheng ipinapadala niya.Wala naman akong rason para magalit sa kan'ya. Hindi ko lang alam kung paano sasabihin na pinag-isipan kong mabuti kung ano ang aking nararamdaman para sa kan'ya.Isinubo ko ang steak at ninamnam ang sarap nito. Nagutom talaga ako sa paglilibot namin sa buong Mall. Samantalang siya'y tila wala pa'ng balak na kainin ang pagkain sa kan'yang plato. Tutok ang kan'yang mga mata sa akin.Hindi ba siya napagod o nagutom man lang?"Jealous?"
'Think million of times before coming up with a decision.' Ang paalalang ito ni Attorney Sheldon ang ginawa ko bago ko sinagot si Mateo.Masasabi kong masaya ako sa naging desisyon ko.Mateo makes me feel alive.When my mother died, hindi na ako kailanman ngumiti ng katulad ng mga ngiti ko sa tuwing kasama ko si Mateo.My heart was happy just by having him beside me.Ganito talaga siguro ang pakiramdam kapag kasama mo ang taong gusto mo."And'yan na sundo mo." This time kaya ko nang ngumiti sa ganitong banat ni Lesie.Nang malaman niyang kami na ni Mateo ay kinilig ito nang higit pa sa kilig na naramdaman ko.Suportado niya ang pagkakaroon namin ng relasyon ni Mateo. Dapat lang naman dahil siya ang dahilan kung bakit kami nagkalapit na dalawa.Malaki ang ngiting sinalubong ko si Mateo ng isang yakap. Hatid at sundo niya na ako sa trabaho. Minsan nga'y nag-aalala na ako kung nababantayan niya pa ba ang k
Ang binitiwang mga salita ni Mateo nang huli naming pagkikita ang bumagabag sa aking isipan.As if he's not sure about me."LQ ba kaagad?"Seryosong tingin ang ipinukol ko kay Lesie habang inaayos niya ang pagkakasalansan ng mga papeles sa aking lamesa.Kanina pa ako tahimik at wala sa sarili. Kailangan ko yata ng makakausap."Is it possible na kahit kami na ni Mateo ay hindi pa rin sigurado ang kahit sinuman sa aming dalawa?"Nangunot ang kan'yang noo. Umupo siya sa swivel chair na nasa harap ng aking lamesa."Hindi ka pa ba sigurado sa kan'ya?"I spend days thinking if I like him or not. Ilang ulit kong pinag-isipan kung sigurado ba ako sa relasyong papasukin ko kasama siya.Kaya alam kong wala akong pag-aalinlangan sa pagiging nobya niya."Hindi ako, si Mateo. Sabi niya kasi sa akin, I shouldn't depend my happiness on him, dahil hindi daw namin sigurado kung hanggang kailan kami."Hindi
"Kanina pa kita hinahanap. Naiwan ko ang cellphone ko sa kotse kaya hindi kita na-text."Attorney Sheldon taught me to be good in words. Hindi raw magandang ipakita sa iba na nanghihina ang loob mo sa pakikipag-usap sa kanila. Kaya dapat ay maging palaban ang mga salitang bibitawan mo at maging ang tono ng pagbikas mo nito.In which I did."You didn't told me," sagot niya na tila ba mali na pumunta ako rito.Pinasadahan ko nang tingin ang babaeng kasama niya. Nakasuot sa ulo nito ang hood ng kan'yang jacket kaya natatakpan ng liwanag ang kan'yang mukha. Gayunpaman, masasabi kong maganda siya."Sige na uuwi na ako. Mukha yatang mahalaga ang business transaction mo para hindi tayo magkita ngayon." Sinadya kong magtunog sarkastiko ang aking pagkakasabi bago sila talikuran.Naglakad ako na tila hindi apektado sa nasaksihan ko kanina. I really should thank Attorney Sheldon for teaching me to remain tough even how painful the situation is. Nagagam
Pinilit kong huwag umiyak pero bigo ako. Nagising na lamang ako sa mugtong mga mata."Wala yata ang sundo mo," mapang-asar na puna ni Vivian nang makita niya akong pasakay sa aking kotse."He is not my driver para sunduin niya ako at ihatid. He has his job too."Tama nang malungkot ako. Ayokong madagdagan pa iyon ng pagkainis dahil sa babaeng ito."Tama ka naman, hindi mo siya driver. Boyfriend mo na siya 'di ba?"Tanging kay tatay ko lamang ipinaalam na nobyo ko na si Mateo kaya sigurado akong nagtanong siya dito.Ang pag-aaway namin kagabi ay isang malinaw na rason para maghiwalay kami.Hindi ko na siya nobyo.Nilagpasan ko si Vivian. Wala akong planong sagutin ang tanong niya sa personal kong buhay.Sumaglit ako sa opisina. I attended several meetings in the morning. Sa hapon naman ay bumisita ako sa Hacienda Miraflor.Mano-manong tinitingnan ng mga tauhan ang naaning cacao kung mayroon ba itong depekto b
Who says I don't have a choice? "Kanina pa kita tinatawagan Mateo!" Bakas ko ang inis sa tono ng pananalita ng aking misis. Bumusina ako sa mabagal na pagpapatakbo ng sasakyan sa aking unahan. Mabilis akong nag-overtake dito. Naghuhuramentado na ang asawa ko sa galit. "Mahal, I'm sorry dumaan pa ako sa opisina. You know I can't just leave my job and come over to see you when you call." Napaka-demanding niya nitong mga nagdaang araw. Gusto niya na sa isang tawag lang ay naroon na ako sa tabi niya, kahit pa naroon siya sa probinsya, na dalawang oras ang layo sa Hacienda Miraflor. "Isa pa ay pinahanap mo ako ng mangga." Pinasadahan ko ng tingin ng manggang hilaw na nakalagay sa isang supot ng plastic. Napapailing na lamang ako kapag naaalala kung paano ako humingi nito sa may-ari ng punong mangga na nadaanan ko kanina. Detalyado ang gusto ni Cassandra. Gusto niya ng mangga na mayroong pa'ng tangkay at dahon. Ang tangkay na i
"Cassandra, are you sure about it? Maayos naman na ang lahat. Nakakulong na si Veronica at wala nang banta sa buhay n'yo." Napirmahan ko na ang mahalagang dokumentong hiningi ko kay Lesie subalit iyon pa din ang katanungan niya."Mateo will not accept it for sure," ani Attorney Sheldon na nandito sa opisina dahil kinailangan ko ang kan'yang pirma."Sigurado ako. I think about it a couple of times. Isa pa'y hindi niya na ito matatanggihan dahil pirmado ko na."Pagkatapos ng trabaho ay dumiretso kami ni Mateo sa sementeryo. Sa dami ng mga nangyari ay nararapat lamang na bisitahin namin si nanay at si Arman pati na rin ang ama nila ni Mateo."Daddy. Tatawagin na kitang daddy dahil sabi ni Manang Dory ay iyon din naman ang itinuturo mo sa akin na tawagin ko sa'yo. Dad at kuya Arman, tapos na. We finally beat Ate Veronica and the devil inside her. Malaya at ligtas na ulit ang Hacienda Miraflor na pinaghirapan niyong buuin."Napangiti ako sa sinabi
Hawak-hawak si Veronica at ang gatilyo ng baril ay paatras kaming naglakad ni tatay palabas ng silid. Umaatras ang mga tauhan sa takot na totohanin ko ang pagbaril sa kanilang amo.Hindi ko gustong pumatay dahil masama iyon, subalit sa puntong ito ay desidido na ako.Pagbaba ng hagdanan ay sinalubong kami ng mga tauhan ni Veronica, na nagbabantay sa labas. Subalit kaagad din silang umatras nang makitang bihag ko ang amo nila."'Tay buksan n'yo na po ang pintuan." Utos ko kay Tatay na mabilis niya naman tinugunan."Mga walang kwenta kayo! Kunin n'yo ako sa babaeng ito!" bulyaw ni Veronica sa mga tauhan niya subalit puro porma lamang ng baril nila sa akin ang nagagawa ng mga ito.Tagumpay na nabuksan ni tatay ang pintuan, nang maramdaman ko ang samyo ng hangin sa aking likod mula sa labas."Mateo! Salamat," sigaw ni tatay dahilan upang mabilis akong mapalingon.Marami na ang pulis sa labas at kasama na roon si Mateo. Nakahinga ako nang
Sanay ako na pumirma ng sandamakmak na papeles sa buong araw, subalit ang ipinapagawa ni Veronica ang napakahirap sa lahat.Pinagmasdan ko si tatay, habang kinakalagan ng isa sa mga tauhang ang aking tali sa kamay. Panay ang pagpalag niya sa tauhan na pilit siyang hinahawakan sa braso. Siya at si Mateo na lamang ang mayroon ako. Ayoko na mawala ang isa man sa kanila.Hindi ko maikakaila na nagtanim ako ng sama ng loob kay tatay, dahil minsan sa buhay ko ay hindi siya naging mabuting ama. Iniwan niya kami ni nanay dahilan upang mapilitan akong magtrabaho sa club. Subalit, kagaya nga ng sinasabi nila, everything happens for a reason. Nakilala ko si Arman dahil sa pagtatrabaho sa club, na siyang nagbigay sa akin ng magandang buhay ngayon. Dahil dito ay nakilala ko din si Mateo.Nagawa man kaming iwanan noon ni tatay ay muli niya naman ipinaramdam sa akin ang pagmamahal nang mawala si nanay. Sapat na iyon makabawi siya sa akin."Pirmahan mo na!" sigaw ni Vero
Kanina pa ako pabalik-balik nang lakad sa aking opisina ngunit hindi pa rin ako makapag-isip ng idadahilan kay Cassandra. Ayoko na sana magsinungaling sa kan'ya pero kinakailangan.Tumunog ang aking telepono. Isang mensahe mula may Sheldon. Tinatanong kung nasaan na ako.I suppose I have no choice but to tell a lie. It will be the last, I promise.Mayroong police operation na gagawin sa isang abandonandong bodega. Isang hindi nagpakilalang tao, na nakakita daw kay Veronica, ang nagbigay sa amin ng impormasyon.Ayokong ipaalam iyon kay Cassandra dahil panigurado akong sasama siya. Delikado ang operasyon at nagpumilit lamang kami ni Sheldon sa mga pulis na sumama.Nang pumasok ako sa opisina ni Sandra parang ayoko na lang umalis. Suddenly, I want to go home with her. Subalit hindi ko maaaring palampasin ang pagkakataon na mahuli ang taong nag-iisang hadlang para maikasal ako sa babaeng pinakamamahal ko."I'll meet my siblings." Alam ko'ng maha
Mr. Morales wife was under the witness protection program. Bilang bihag ni Veronica ay nasaksihan niya ang kasamaan na ginawa nito. Humiling sa amin ang abogado ni Mr. Morales na pati ito ay gawing witness subalit si Attorney Sheldon na mismo ang tumanggi.Habang patuloy ang paglilitis sa kaso at paghahanap kay Veronica ay bumalik kami ni Mateo sa trabaho. Ipinasara niya na ang kan'yang negosyo at sa totoo lang ay labis akong nalulungkot para sa kan'ya. Mas madalas na siyang nasa opisina at nagtatrabaho kasama ko."Mahal," tawag niya sa akin nang marahan nitong binuksan ang pintuan ng aking opisina. Kusang gumuhit ang ngiti sa aking labi nang makita siya.It was a stressful but a blessful day. Nagsisimula na kaming tumanggap ng mga bagong kliyente at umaasa kami na magtutuloy-tuloy na ito."Yes?" Tumayo na ako upang ihanda ang aking gamit. Mag-aalas sais na nang gabi."Hindi pa ako uuwi. Pinatawag ko na si Kuya Joel. Siya muna ang maghahatid
“Manang, nand’yan na po ba si Mateo?” tanong ko kay manang Dory nang salubungin niya ako sa pungad ng mansyon.“Wala pa hija,” sagot niya.Kagaya nang nagdaang mga araw ay malalim na ang gabi kung umuwi si Mateo. Hanggang ngayon ay pilit niya pa din na nilulutasan ang problemang kinakaharap ng kan’yang negosyo.Ang mga materyales na ipinadala sa kanila ay mababa ang kalidad taliwas sa nakasulat sa kontrata. Mariin na itinanggi ng supplier na sa kanila nagmula ang mga produkto. Kilala ang supplier ni Mateo na mayroong mga de-kalidad na materyales. Inimbestigahan ngayon ang pagkakaroon ng anomalya sa transaksyon.Kinuha ko ang aking cellphone. Mayroong mensahe doon si Mateo, ipinapaalam na pauwi na siya. Napangiti ako.“Ipaghahanda na kita ng hapunan.”Kahit na maraming ginagawa ang aking nobyo ay hindi pa din ito pumapalya na ipaalam sa akin kung nasaan na siya at kung ano ang kan’yang gin
We drove straight home after dinner. Mabagal lamang ang pagmamaneho ni Mateo dahil panay ang pagsagot nito ng mga tawag, kaya hindi ko napigilan ang pumikit. Dumilat lamang ako nang natahimik siya, subalit hindi niya pa man naibababa ang telepono ay isang panibagong tawag muli ang dumating.Kumunot ang kan’yang noo nang makita ang numero doon bago bumaling sa akin.Attorney Sheldon was calling him. Madalang na tumawag ito nang gabi sa kan’ya, maliban na lamang kung mahalagang bagay ang sasabihin nito.“Hello Sheldon, napatawag ka?”Inilagay niya sa loudspeaker ang telepono kaya naririnig ko ang ingay sa kabilang linya.“Where are you?” Humihingal ang boses nito.Tiningnan ako ni Mateo bago siya sumagot. “We’re heading home.”“Alright, keep your guards up. Kumikilos na naman si Veronica.”Humina ang pagmamaneho ni Mateo. Ako na ang sumagot kay Attorney. I know the
Hindi ako pinatahimik ng senaryong nakita namin ni Mateo sa sementeryo ng ilang gabi. Subalit hindi niya ako pinabayaan at palaging ipinaparamdam sa akin na nasa tabi ko lamang siya.Matapos ang pag-iimbestiga ng mga pulis ay wala silang nakuhang matinong ebidensya na magtuturong si Veronica ang may gawa noon. Gayunpaman, ay pinaigting pa din ang paghahanap dito.Hindi na nasundan ang pananakot na iyon ngunit naging mas maingat pa din kami.Ang plano kong bumalik na sana sa sarili kong bahay ay hindi natuloy dahil sa nangyari.Si tatay ay nasa probinsya at binilinan ko itong doon muna manatili. Ayokong pati siya ay madamay sa kasamaang idinudulot sa amin ni Veronica.Lumipas ang sumunod na mga araw na hindi kami nagpaapekto sa ginawang pananakot at pagbabanta ni Veronica. Hatid at sundo pa din ako ni Mateo sa opisina pero nang nakaraan ay si Kuya Joel ang nagmaneho para sa akin dahil naging abala siya sa negosyo, bagay na naiintindihan ko."