Bella’s POV Napatitig ako sa mukha niya. “Dad,” tawag ko sa kanya. “I’m sorry,” at isang malungkot ngiti ang binigay ko. “For what?” kunot-noong tanong niya sa akin. “For everything, Dad. Feeling ko kasi… I am bad daughter. Lagi ko na lang kayo binibigyan ng problema,” nakayukong sambit ko. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko na dahilan na tumingin ako sa kanyang mukha. “Anak, hindi ka isang problema sa amin. Huwag mong iisipin iyon. Ibinigay namin ng mommy mo ang kalayaan na gusto mong gawin dahil alam namin na kaya mo nang magdecide para sa sarili mo. Hindi man namin masabi sa iyo ng harapan, we are so proud of you, Bella.” “Hindi ba kayo disappointed sa akin?” marahan na tanong ko. “Never, Anak,” nakangiting sabi niya na nakapag pagaan ng loob ko. “Iyan ang hindi dapat pumasok sa isip mo.” Napangiti ako sa sinabi ng aking ama. Tila gumaan ang bigat na nasa dibdib ko. “Thank you po sa walang sawang suporta niyo sa akin. Alam ko na gusto niyo po ako na
Read more