Bella’s POV Napatitig ako sa mukha niya. “Dad,” tawag ko sa kanya. “I’m sorry,” at isang malungkot ngiti ang binigay ko. “For what?” kunot-noong tanong niya sa akin. “For everything, Dad. Feeling ko kasi… I am bad daughter. Lagi ko na lang kayo binibigyan ng problema,” nakayukong sambit ko. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko na dahilan na tumingin ako sa kanyang mukha. “Anak, hindi ka isang problema sa amin. Huwag mong iisipin iyon. Ibinigay namin ng mommy mo ang kalayaan na gusto mong gawin dahil alam namin na kaya mo nang magdecide para sa sarili mo. Hindi man namin masabi sa iyo ng harapan, we are so proud of you, Bella.” “Hindi ba kayo disappointed sa akin?” marahan na tanong ko. “Never, Anak,” nakangiting sabi niya na nakapag pagaan ng loob ko. “Iyan ang hindi dapat pumasok sa isip mo.” Napangiti ako sa sinabi ng aking ama. Tila gumaan ang bigat na nasa dibdib ko. “Thank you po sa walang sawang suporta niyo sa akin. Alam ko na gusto niyo po ako na
Bella’s POV “Hana—“ “Oo nagkamali si Selena noon,” diniinan niya ang pagsasabi sa salitang ‘noon’. “So, Hana… Ang ibig mong sabihin ay nagbago na si Selena ngayon?” Inemphasize rin ni Empress ang salitang ‘ngayon’. “Peope change, Empress. At walang permanente sa mundong ito,” malumanay na sabi ni Hana. “Yes. You are right, Hana. I totally agreed what you have said but we are talking about Selena here. She was a traitor—“ “She was,” mariin na wika ni Hana. “Past tense,” huminga siya nang malalim at tumingin kay Empress nang diretso. “Why don’t you try to give her a chance? Si God nga nagpapatawad, tayo pa kaya?” Hindi makapaniwalang tumingin si Empress kay Hana. “Wala kang alam, Hana! Hindi mo alam kung ano ang ginawa ng kaibigan mo iyon sa amin. Niloko niya kami at pinaniwala sa mga kasinungalingan niya. Ang masaklap pa… Dahil sa kanya ay namatay ang isa sa mga kaibigan ni Taki. Yeah… We never forgive the person who almost kill us.” Matagal silang nagkasukatan ng tingin kaya n
Bella’s POVIn the end ay wala akong nagawa. Dahil kasama namin ngayon si Jarvis. Hindi ko alam kung paano nangyari iyon. Nasa loob kami ng isang VIP room. Wala pa si Selena at male-late raw siya ayon kay Hana. May importante raw siyang inaasikaso.Bigla akong napaisip, gaano kaya kaimportante iyon? Kasi sa totoo lang ay ang tagal na naming naghihintay. Napatingin naman ako kay Jarvis na tahimik iniinom ang kanyang wine. Naloka ako na makitang nakatingin siya sa akin ngayon. Ngumiti siya. Napamura na lamang ako sa isip ko.Iniiwas ko ang aking tingin sa kanya at sinulyapan sila Hana na nakatingin pala sa akin. Nanunudyo ang kanilang mga tingin na pinanlakihan ko ng nga mata para iparating na tigilan na ako.Minabuti ko na kay Jarvis na lang ako tumingin. Tumikhim ako bago nagsalita. “Ano naisipan mo bakit ka sumama sa amin, Jarvis?Ngumiti siya sa akin. “Actually, namiss lang talaga kita.”“Parang kahapon lang tayo nagkita,” pilit na tawang sabi ko.“Ganun ba? Pero bakit ganun? Pak
Bella’s POVNapatitig ako nang matagal kay Jarvis. Gusto kong matawa dahil tama ang kanyang mga sinabi. Hindi ko akalain na mababasa niya ang aking iniisip patungkol doon.Nagbawi lang ako nang tingin na makita kong ngumiti siya… ang nakakainis ay isang makahulugan ito.Shit! Nahuli mo ako, Freak. Iyon ang gusto kong sabihin sa kanya kaya lang hindi ko masabi.Huminga ako nang malalim at tumingin nang seryoso sa kanya. “Hindi totoo ang iyong mga sinabi, Jarvis.”Isang ngiti ang binigay niya sa akin tila hindi siya naniniwala sa akin.Napataas ang aking kilay. “Paano ka nasisigurado na ayaw kong alalahanin iyon? Wala naman akong matandaan.”Pero hindi nawala ang ngiti sa kanyang labi. Naramdaman ko ang kanyang kamay sa ibabaw ng aking ulo.“Naiintindihan ko ang ibig mong sabihin, Bella,” kaswal niyang saad na naguluhan ako.“Ano’ng ibig mong sabihin—“Hindi ko natapos ang aking sasabihin na biglang nagbukas ang pinto ng kuwarto namin. Bumungad doon si Hana na hingal na hingal.Napatay
Bella’s POV Relasyon?Bigla ko naalala ang eksena na kung saan nakita ko silang dalawa na nag aaway sa inauguration party ko.Pero hindi pumasok sa isip ko na magkakaroon sila ng relasyon dalawa. Dahil imposible ito! Ayaw ni Natsume kay Selena at ayaw din ni Selena kay Natsume. Kaya hindi ko lubos maisip na mangyayari ito. Napahawak na lamang ako sa aking noo na makaramdam ako ng kirot. “Could you please explain to me?” mahina kong sabi. “Huh?” gulat na sabi niya.Nilingon ko siya. “Ipaliwanag mo sa akin ang kanilang sitwasyon.” Napabuntong hininga si Hana. “Sa tingin ko Bella ay dapat mismo kay Selena manggaling iyon.” Tinititigan ko siya nang mabuti at nainis lang kasi hindi niya sa akin masabi ang katotohanan. Oh well… Nirerespeto ko naman iyon kaya lang gusto kong mag ka idea lang sa mga kaganapan para maintindihan at makatulong ako sa kanila. “Naiintindihan ko,” ang tanging sabi ko na lamang. Nagpasya ako na puntahan sila sa baba.“Bella! Wait mo ako!” rinig ko na sabi ni
Bella’s POVNapangiti ako na maramdaman ang titig ni Selena sa akin. Alam ko na curious na siya na malaman ang katotohanan.Nandito kami ni Selena sa loob ng VIP room samantalang si Hana ay nasa labas. Nagbabantay doon para siya ang magsasabi kung parating na si Jarvis. Gusto ko kasi makausap nang masinsinan si Selena na kaming dalawa lamang.Kinuha ko ang baso at sinalinan ng tubig. “Bella—““Let’s make a deal, Selena,” seryosong sabi ko.“Deal?” Kunot noong sabi niya.“Yes,” nakangiting sabi ko. “I will help you.”“Help?” hindi makapaniwalang tanong niya. “Kailan pa ako nangangailangan ng tulong? At sino nagsabi na tulungan mo ako?” nakataas na kilay na sabi niya“Just a while ago,” kaswal kong saad. “Kahit hindi mo sabihin ay alam ko na kailangan mo ang tulong ko.”Napaismid siya. “Hindi ka pa rin nagbabago, Black Butterfly. Pakialamera ka pa rin,” inis na wika niya.Napangiti ako na banggitin niya ang aking alyas. “Buti naman ay matalino ka pa rin hanggang ngayon,” sarkastiko kon
Bella’s POV Tumikhim ako para basagin ang katahimikan sa aming dalawa ni Jarvis. Simula nang sumakay kaming dalawa sa kotse niya ay wala na kaming imikan. Nakita ko sa gilid ng mata ko na sumulyap siya sa akin. “Bella…” “Huh?” excited na lingon ko sa kanya. Natawa siya na kinainit ng pisngi ko. Nakakahiya! Halata ba ako? “Naiinip ka na ba?” ani ni Jarvis. “Hindi naman,” at pilit akong ngumiti. “Honestly, naninibago lang ako.” “Why?” curious na tanong niya. “Siguro kasi sanay ako na maingay iyong mga kasama ko,” alanganin na sabi ko sa kanya. Tumango-tango siya. Mukhang naman naintindihan niya ang ibig kong sabihin. “Okay ka lang, Jarvis?” “Oo naman,” hindi tumitingin na sagot niya. “I mean, hindi kana naiinis?” marahan na tanong ko. Mabilis na sinulyapan niya ako at pagkatapos itinuon ulit ang kanyang nga mata sa daan. “Hindi na.” “So talagang nainis ka kanina? Dahil ba ito kay Selena?” pag uusisa ko sa kanya. “Yeah,” tipid niyang sagot. “Why?” tanong ko. “Hindi mo na
Bella’s POV “Asawa ko,” halos na pabulong na wika ko.Naramdaman ko ang pagtitig sa akin ni Jarvis at hindi ko iyon pinansin. Lumapit ako sa kinaroroonan ni Taki. “Ano’ng ginagawa mo rito?” nakangiting sabi ko. Medyo umamo ang kanyang mukha nang tumingin siya sa akin. “Nabalitaan ko kay Empress ang nangyari sa bar. Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?” Nang marinig ko ang kanyang sinabi ay agad na kinuha ko ang aking cellphone sa bulsa ng pantalon ko. Nang tignan ko ito ay halos manlaki ang aking mga mata na makita ito. Oh shit! Sixteen missed calls. “Sorry,” at pilit na ngumiti ako.Umiling siya. “Nag alala ako sa iyo kaya naman pinuntahan na kita rito pero iba pala ang makikita ko,” sabay sulyap kay Jarvis.Napatikhim ako dahil doon.“Ako na ang himihingi ng pasensiya sa gulo na ginawa ni Natsume,” mahinahong wika niya. Pero kahit na ganoon ay ramdam ko ang kanyang galit.Hinawakan ko ang braso niya para iparating na okay lang ako. “Huwag kang mag alala, okay lang kami. Actual
Bella's POVTulad nang sinabi ni Taki sa akin ay hindi na siya nagpakita sa akin. Nabalitaan ko na lamang kay Hana na totoo ang gustong gawin ni Taki na magpapakalayo-layo. Hindi ko nga lang alam kung kailan iyon magsisimula. Sobrang lungkot nga ni Hana na malaman niya iyon.Sumapit ang araw ng linggo. Ito ang araw na gaganapin ang second match namin ni Tres. Maraming tao ang naririto. Noong nakaraang match ay leaders at queens lang ang naroon. Ngayon ay kasama na ang mga members ng Queens.Sobrang daming tao ang gustong manood sa laban na ito. Nasa isang arena kami. May napansin ako sa gitna ng arena na may dalawang upuan at isang mesa ang naroroon. Napapalibutan pa ito ng mga salamin. In short, para siyang malaking cube.Doon yata kami pupuwesto ni Tres mamaya.Nakita ko na lamang na paparating sila Uno. Naupo sa ibabang bahagi ng arena. Tumayo ako para puntahan sila sumunod naman sa akin si Selena at Snow."Hello," bati ko sa queens.Ngumiti si Lara, si Quatro ay tumango naman, si
Rose University Bella's POV Kalalabas ko lamang ng building namin na matanaw ko ang mga girlfriends na naghihintay sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan na mapangiti. Noong isang araw kasi nagchat sa akin si Princess at niyaya niya ako na magdate kami kasama ang iba pang girlfriends. Hindi naman ako nagdalawang isip at pumayag ako. Agad ko rin ininform si Jarvis tungkol dito at pumayag din naman siya. Naalala ko pa nga ang sinabi niya na magiging masaya siya na makasama at makausap ko sila Princess. Hindi kasi namin nagawa iyon nung pinakilala niya ako bilang girlfriend niya dahil umuwi rin kami agad niyon. "Hello!" malakas na sabi ko na kinalingon nilang lahat. "Bella!" sabay takbo nila sa aking at nag group hug kami. Natatawang niyakap ko sila. "Kumusta kayo?" "Namiss ka namin!" masayang saad ni Grace. Tulad ng dati ay wala pa rin si Grace pinagbago, masayahing tao pa rin. "Mabuti naman na pumayag kayong dito na lang magkita-kita sa university ko," sabi ko sa kanila. "Wala nama
Bella's POVBumuntong hininga ako na maalala ang nangyari kagabi. Kitang-kita ko ang pagdurusa ni Taki at kung paano i-comfort ni Hana si Taki.Gusto ko sila lapitan pero alam ko na hindi ako makakatulong baka nga lumala pa lalo. Mapait akong napangiti. "Bella..." tawag sa akin ni Jarvis.Nag angat ako nang tingin upang tignan ko siya pero nagulat ako na may iced americano ang nasa harapan ng mukha ko."Salamat," tipid kong ngiti.Umupo si Jarvis sa tabi ko. Nandito kami ngayon sa bahay nila, to be more specific ay nasa room kami kung saan pwede kaming mag training at hinihintay ang pagdating nina Rei at Taki. Ngayon kasi ang unang araw ng training ko sa kanilang apat tatlo."Iniisip mo pa rin ba si Kier?" tanong niya sa akin.Huminto ako sa pag inom ko ng iced americano at napatingin sa kanya. Malungkot akong ngumiti at naramdaman ko na lamang ang pag akbay niya sa akin. Banayad na hinimas niya ang aking braso para i-comfort niya ako. "Huwag kang mag alala, Bella. Sigurado ako na m
Hana's POV Nang talikuran kami ni Taki ay mabilis na hinabol ko siya. "Taki!" malakas kong sigaw. Pero hindi niya ako pinakinggan at patuloy pa rin siyang naglalakad. "Taki! Sandali!" at nadapa ako. Hay... Ang saya nito. Napangiwi ako na maramdaman ang sakit. "Ouch..." naiirita kong sabi. Pagtingin ko sa harapan ay hindi ko na makita si Taki. Kailangan kong habulin si Taki baka kung ano ang gawin niya. Dali-dali akong tumayo pero napaupo ulit na maramdaman ko ang sakit sa aking tuhod nang tignan ko iyon ay doon ko napansin na nagasgasan ito. Hindi ko napigilan na mapaiyak. Ang sakit naman kasi! Nagulat na lamang ako na bigla akong umangat sa ere at nang tignan ko ang gumawa niyon ay walang iba kundi si Taki. "Taki..." sabay tulo ng aking luha. Hindi siya nagsalita at nagpatuloy lang sa paglalakad. Napatitig ako sa gwapo niyang mukha na walang emosyon na mababakasan doon. Para siyang naging manhid. Hindi ako ngulit pa dahil alam ko na ang gusto ni Taki ngayon ay katahimika
Bella's POV Masasabi ko na naging successful ang family dinner namin na kasama si Jarvis. Pagkatapos kasi ng dinner namin ay niyaya ni Dad si Jarvis na mag usap sa kanyang office. Hindi ko na alam kung ano ang pinag usapan nila pero sa tingin ko ay naging okay naman ang relasyon nila nang lumabas sila mula sa office ni Dad. "Kumusta ang pag uusap niyo ni Dad?" tanong ko kay Jarvis. "Hmmm... Masaya," tipid niyang sabi. Napakamot ako sa aking mukha. Ang tipid na sagot niya. "Ano ang pinag usapan niyo?' curious kong tanong. Napahinto siya sa paglalakad at hinarap niya ako. Nagtatakang tinignan ko siya. "Ikaw," sabi niya. "Ako?" sabay turo ko sa aking sarili. "Oo," saby gulo niya sa buhok ko na kinainis ko. "Freak!" nakabusangot na saad ko. "Ang masasabi ko lang ay mahal na mahal ka ng daddy mo," nakangiting wika niya. "Alam ko," sabi ko sa kanya. "Napaisip nga ako, Bella," sabi niya pa. "Huh? Ano ang naisipan mo?" tanong ko sa kanya. "Kapag nagkaroon tayo ng anak, pwede b
Bella's POV "Nagseselos ka ba kay Taki?" marahan na tanong ko. "Ako? Oo naman," mabilis na sagot niya. "Normal lang naman siguro iyon, Bella." "Bakit naman?" takang tanong ko sa kanya. "Bella... Kalahati ng buhay mo ay kasama mo na si Taki. At masasabi ko na kilalang kilala niyo na ang bawat isa," mahinahong wika niya. "Hmmm.. Totoo ang sinabi mo at hindi ko iyon itatanggi," napapatangong sabi ko. "Pero ang pagmamahal na meron ako kay Taki ay pagmamahal bilang kaibigan lamang." Napatitig sa akin si Jarvis. "Kahit ba minsan ay hindi ka na in love sa kanya?" "Iyong totoo?" sabi ko. "Hindi. Sa iyo ko lang iyon naramdaman, Bf." Naramdaman ko na hinawakan ni Jarvis ang aking mga kamay at marahan na hinalikan iyon. Mahinang napasinghap ako na maramdaman ko ang labi niya sa ibabaw ng kamay ko. "Alam mo bang sobrang sobra ang pasasalamat ko sa Itaas na ibinalik ka Niya sa akin," mahina niyang wika. "Ako rin. Nagpapasalamat ako ng binigyan pa tayo ng second chance," nakangiting wik
Bella’s POV “Ano’ng ginagawa mo rito?!” mariin kong saad sa kanya. Mabilis na tinago ko ang aking butterfly knife. Hindi siya umimik bagkus ay nakatitig lang siya sa akin. “Umalis kana bago ka pa nila makilala,” sabi ko. “Bella!” tawag sa akin ni Jarvis. Nilingon ko si Jarvis na nagtataka kung bakit hindi pa ako sumusunod sa kanila. “Yumuko ka, Bella,” madiin na wika niya na lalo kong kinaguluhan. Kitang-kita sa kanyang mukha ang pagkairita dahil sa hindi ko siya sinunod. Nagulat na lamang ako na bigla niya akong hinila at niyakap nang mahigpit. Nanlaki ang aking mga mata na makita ko na may baril na siyang hawak at itinutok iyon sa direksiyon nila Jarvis. Nilingon ko sila Jarvis na mabilis na nagtago sa gilid ng mga kotse. Ilang putok pa ang pinakawalan ni Ash, pagkatapos ay hinawakan niya ang aking kamay at tumakbo sa gilid ng mga kotse. Shit! “Ano’ng nangyayari, Ash?” galit na tanong ko sa kanya. “Mga tao ni Tres na nag aabang sa iyo para patayin ka,” kaswal niyang w
Bella's POV "Pinag uusapan natin dito ay ang pagpalit ng isang Queen. Alalahanin mo kung anong responsibilidad ng isang Queen sa atin. Do you think Black Butterfly can handle our organization?" seryosong wika ni Quatro. "Hindi ko ikakaila kung gaano kahusay at kagaling siya. Nasaksihan ko iyon lahat. Pero para sa akin, hindi siya karapat dapat na maging isang Queen. Not now, Uno." Napabuntong hininga si Uno at tumingin kay Tres. "What is your opinion, Tres?" Sinulyapan ni Tres si Uno at nagkatitigan ang dalawa. "Hindi magbabago ang aking desisyon, Uno. I will not accept her," sabay tingin niya sa akin. "Hindi siya karapat dapat na pumalit sa iyo. Hinding-hindi ako papayag!" Lihim ako napangiti na makita kung gaano siya kagalit sa akin. Hindi ko akalain na makikita ko kung paano siya kabahan. Napatingin sa akin si Snow. Nagkibit balikat lang ako na dahilan na mapailing si Snow sa akin. Mahabang katahimikan ang namayani, walang sino man ang gusto magsalita at hinihintay ang susuno
Bella’s POV “Ano sa palagay mo?” walang gana na balik na tanong ko sa kanya. “Sa palagay ko?” at natawa siya. Tawang nakakainis sa aking pandinig. Nang tumigil siya sa pagtawa ay tinignan niya ako ng diretso sa aking mga mata. “Where is your respect, Black Butterfly?” seryosong sabi niya. Napaunat ako sa aking kinauupuan at medyo lumapit sa kanya. “Black Butterfly is dead,” mahina kong sabi. Pagkatapos ay inilayo ko ang aking sarili sa kanya at seryosong tinignan ko siya. “Kaya mas mabuting huwag na nating pag usapan iyon.” Ngumiti siya. Ngiting hindi maipaliwanag. “Nakalimutan ko na matagal na palang patay si Black Butterfly.” Matapos niyang sabihin iyon ay may hinagis siyang maliit na shuriken sa aking direksiyon. Dahil sa bilis ng shuriken ay hindi ko ito naiwasan agad. Naramdaman ko ng kaonting sakit na nadaplisan ako nito. Tinignan ko ang natamaan na braso ko. Napunit ang mangas ko at nalantad ang aking tattoo. Hindi ko gusto ang ginawa niyang kapahangasan sa akin. Sinu