All Chapters of The Scale of Life and Death (Profession Series #2): Chapter 31 - Chapter 40

101 Chapters

Chapter 19.1

      "Iba talaga si Nezoi kapag nage-English na! Lakas ng charisma, paturo naman ako oh," sambit ni Tito at nagtawanan ang lahat dito. Ito ako, hindi makagalaw at hindi alam ang gagawin dahil sa sinabi niyang 'yon. Ang tapang niya talaga, ano bang nangyayari ngayon?! Hindi ko na rin talaga alam at gusto ko na lang na matapos na agad itong araw na 'to.     But behind my head, gusto ko na rin siya makausap at pag-usapan na rin namin ang mga bagay-bagay. Gusto ko na ring humingi ng pasensya at magsabi ng pasasalamat sa mga ginawa niya sa amin ng kambal. I've been blinded by my emotions, and I've forgotten my core values; I should stick to my values, and I know what I should do.     "Oh, Themis... kumusta nga pala sa school mo?" pababalik na tanong ni Tito at saka naman ako huminga nang malalim para lubusan ko na ring mapakalma ang sarili ko.    
last updateLast Updated : 2021-11-18
Read more

Chapter 19.2

   "Where do you wanna talk about it?" tanong niya habang nakatingin ito sa akin nang seryoso. Ayaw ko sana rito, pero gabi na rin kasi. Isang salamat at paghingi ng tawad lang naman ang pinunta ko rito, at uuwi na rin naman na ako sa amin. Pero nasambit ko kasi ang salitang patungkol sa amin.  Bakit ko ba kasi sinabi 'yon? Mukhang mapapahaba pa ang usapan namin. Pero puputulin ko naman agad 'yon pagkatapos kong sabihin ang dapat ko lang sabihin. At wala na rin dapat pang pag-usapan pa dahil ayon lang naman talaga ang concern ko rito. Inisip ko muna nang mabuti ang mga sasabihin ko at nagsalita.  "Huwag dito, ayos lang ba?" Nagliwanag agad ang mukha niya, dahil ba mag-uusap na kami? O dahil mukhang balak niyang lumabas na kami lang dalawa? Ganoon naman kasi siya palagi mag-isip. Nagtaka naman ako sa inasta niyang 'yon at inilingan ko na lang 'yon. Umalis agad siya sa harapan ko
last updateLast Updated : 2021-11-19
Read more

Chapter 20.1

   Tumayo ako at saka naman inaya na siyang umuwi. At gusto ko na lang na pag-usapan namin ang nangyari tatlong taon na nakakalipas sa kotse niya na lang. Kailangan ko na ring umuwi dahil alam kong hinihintay na ako ng mga kapatid ko. Tumayo na rin siya at sabay kaming naglakad. Hinawakan niya ang kamay ko at natigilan naman ako roon pero patuloy lang ako sa paglalakad.  Nagproseso pa sa aking isipan ang ginawa niyang 'yon. Naging blanko ang isipan ko roon. At hindi ko rin alam ang sasabihin at ganoon din ang gagawin ko roon. Sa sandali rin no'n ay siya namang pagtibok nang mabilis ng puso ko, dahil sa iba't ibang emosyon na nararamdaman ko.  Hinayaan ko na lang 'yon, at saka bumili muna kami ng pagkain dahil sabi niya para daw sa kambal 'yon. Ayaw ko sana pero pumayag na lang din ako para naman kahit papaano ay may maibibigay kami sa kambal pag-uwi namin. Pumunta na kami sa sa
last updateLast Updated : 2021-11-20
Read more

Chapter 20.2

   Naging mabilis ang pangyayari. Tumayo lang ako nang casual at umalis na lang ako roon agad. Iniwan ko ang lahat doon, at kahit alam ko ang nangyari sa amin pero mas nangibabaw sa akin ang sobrang bigat ng nararamdaman ko. Umuwi ako sa apartment ko at hindi ako lumabas ng ilang araw. Narito lang ako umabot ng linggo at buwan. Binisita ako ng kaibigan ko at unang-una roon si Constraire.  Siya lang ang sinabihan ko ng problema ko pero napansin din ng iba pa naming kaibigan ang hindi ko pagpaparamdam sa kanila, kaya nag-alala na rin sila at pinuntahan ako rito sa apartment ko. Kinuwento ko sa kanila ang nangyari at si Dorothy ang unang nagalit. dahil malaman-laman niya na ganoon ang kapatid niya. Umuwi siya nang mabilis sa bahay niya kasama si Stamim, at sabi niya na kakausapin niya ang kapatid niya.  Noong sumunod na araw nalaman ko na lang na sinipa pala ni Dorothy 'yong kapat
last updateLast Updated : 2021-11-21
Read more

Chapter 21

   "What?!" malakas kong tanong dahil seryoso ba siya sa sinabi niyang 'yon? At kung seryoso nga siya, ang kapal talaga ng pagmumukha niya. Nakita ko ang pag-angat ng gilid ng labi niya dahil nasisiyahan siya sa nakikita niya. Mukhang seryoso nga talaga siya sa sinabi niyang 'yon. Napairap naman ako roon at as if din naman na gagawin ko 'yon.  "Just be with me and I will give you some money," he said while smiling like crazy. Sino namang uto-uto ang gagawa no'n? Malamang wala pero no'ng nabanggit niya ang pera. Napaisip ako bigla, alam kong seryoso siya rito sa usapan na ito. At mukhang hindi talaga siya nagbibiro dito. Pero napairap lang ulit ako roon at saka tuluyan na akong pumasok sa apartment namin.  Inasikaso ko na ang mga kapatid ko at saka nakita ko ang kiligan at hiyawan nila. Napataas naman ako ng kilay ko roon, mukhang may sinabi si Nezoi sa kanila. Pumamewang naman
last updateLast Updated : 2021-11-22
Read more

Chapter 22

   Inaasikaso ko ang isang customer na mali-mali raw ang binigay sa kanyang order mula sa kabilang linya. Sinabi ko na papalitan namin 'yon right away. Pero talagang galit na galit siya kaya kung anu-ano na lang na mabulaklak na salita ang sinabi ko, at kahit papaano ay sana mabawasan ang galit niya.  "I understand your frustration, Ma'am. And I assured of you that we will replace that right away," mahinhin kong sambit para manatili akong kalmado. Kahit sa loob-loob ko ay hindi na ako natutuwa sa inaasta niya. Puwede namang palitan. Wala namang perpekto sa mundo, kung magalit akala mo hindi sila nagkakamali. Paano ba maging kayo? Ang kulit niyo ah.  "Ang t*nga niyo! Buti nga nagtitimpi pa ako dahil alam ko naman ang pamamalakad niyo. Kaso nakakapuno na gutom na gutom na 'yong tao rito sabay mali-mali pa ang maiibigay sa amin?! Sobrang t*nga lang!" sigaw na naman niya ulit mula
last updateLast Updated : 2021-11-23
Read more

Chapter 23.1

      Parang t*nga. Ayan ang salitang sinabi ko sa utak ko dahil sa sinabi niyang 'yon. Gusto ko siyang sikmuraan at sipa-sipain sa sinabi niyang 'yon. Kung anu-ano ang banat na sinasabi, akala mo naman nakakakilig. Pero, hindi ko naman itatanggi na kahit papaano na kinilig naman ako roon. Ano ba!     "Ang rupok mo, self," mahinang sambit ko.      "Come again?" Nanlaki ang mata ko dahil sa tanong niyang iyon at ngayon ko lang na-realized na magka-call pa rin pala kami. Sana hindi niya narinig 'yong sinabi kong iyon. Nakakahiya!      "Wala! Promise, wala lang 'yon. Huwag mo na lang pansinin, ibang tao ata iyon," overacting na sambit ko. Sana hindi niya mahalata iyong action ko na iyon. Ang t*nga ko! Ilang beses ko na ring minura ang sarili ko dahil sa kahihiyan na ginawa kong 'yon.     "Uhm... okay," t
last updateLast Updated : 2021-11-24
Read more

Chapter 23.2

      "Graduating kayo! Kaya dapat na galingan niyo pa rin. Pagkaalis na pagkaalis niyo rito ay alam kong ilan lang sa inyo ang magta-take ng board exam, at saka iba na sa inyo ay kukuha ng Master's o hindi naman ay diretso sa inyo ay sa medschool o lawschool. Alam ko na malapit na magtapos ang buhay niyo sa pag-aaral bilang kolehiyo o iba sa inyo ay stepping stone lang ito.      "Lagi niyong tandaan ang lahat ng ito. When you come out, you will be holding the lives, our country, and the dreams of every human being in your hands. Kaya dapat na gawin niyo ang lahat-lahat na kaya niyong gawin, dahil dito... bitbit niyo na ang obligasyon, legasiya, at layunin niyo hindi na bilang estudyante kung 'di bilang tao na mismo." Natahimik ang buong klase namin dahil sa mga sinabing iyon ng Professor namin.     "Ang ingay kasi kanina ni Jason, ayan tuloy napagsabihan na naman tayo," b
last updateLast Updated : 2021-11-25
Read more

Chapter 24

   Matapos ang meeting namin na iyon ay marami pa ang tinanong sa akin at sinagot ko naman ang lahat ng 'yon. Nagbigay pa ako ng mga words of affirmation para mas lalo pa silang ganahan sa gagawin namin sa project na ito. Marami ring ang nagbigay ng suggestions nila, at in-acknowledge naman naming lahat iyon.  "Noted lahat ng sinabi niyo. Sa fund naman na mapagkukuhanan natin ay si Dean na ang bahala roon, marami siyang balak for this project and sinabi niya na gagawin niya itong mas exciting hindi lang para sa atin, para din sa mga bata na tutulungan natin," dagdag ng co-head ko rito at naghiyawan naman kami sa tuwa.  Nag-dismiss na ang meeting namin at saka na kami nagpaalamanan, at nagyakapan na rin kami at nagbeso-beso. Kami-kaming mga head dito ang nahuli dahil may pinag-usapan pa kami, nang matapos ay saka na rin kami nagpaalamanan sa bawat isa. Lumabas na ako sa pinag-me
last updateLast Updated : 2021-11-30
Read more

Chapter 25

   Kitang-kita ko pa rin ang gulat mula sa kanyang mukha at parang hindi pa rin siya makapaniwala sa mga sinabi ko, na pumapayag ako. Oo, pumayag ako. Dahil kailangan ko, maging practical at kailangan ko ng pera. Kinuha ng magulang ko ang kalahati ng ipon ko, kahit na gusto kong magalit sa pamilya ko ay pamilya ko pa rin sila at sila ang bumuhay sa akin.  Kung hindi dahil sa kanila ay talagang wala ako rito. Kahit no'ng una ay magagalit ka, at mapapatanong na kung bakit 'yon nila ginawa. I should understand. Dahil sa ginawa nilang 'yon ay naintindihan ko pa rin sila, as a Psych major—I should always understand why they acted that way. Matagal na ring nangyari 'yon, bilisan natin ang pacing natin sa mga buhay natin.  Huwag tayong mag-stay sa nakaraan, kailangan nating mag-move forward. Alam kong mahirap, at hindi talaga iyon madali. Pero may choice ba tayo? May magagawa pa
last updateLast Updated : 2021-12-01
Read more
PREV
123456
...
11
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status