Matapos ang meeting namin na iyon ay marami pa ang tinanong sa akin at sinagot ko naman ang lahat ng 'yon. Nagbigay pa ako ng mga words of affirmation para mas lalo pa silang ganahan sa gagawin namin sa project na ito. Marami ring ang nagbigay ng suggestions nila, at in-acknowledge naman naming lahat iyon.
"Noted lahat ng sinabi niyo. Sa fund naman na mapagkukuhanan natin ay si Dean na ang bahala roon, marami siyang balak for this project and sinabi niya na gagawin niya itong mas exciting hindi lang para sa atin, para din sa mga bata na tutulungan natin," dagdag ng co-head ko rito at naghiyawan naman kami sa tuwa.
Nag-dismiss na ang meeting namin at saka na kami nagpaalamanan, at nagyakapan na rin kami at nagbeso-beso. Kami-kaming mga head dito ang nahuli dahil may pinag-usapan pa kami, nang matapos ay saka na rin kami nagpaalamanan sa bawat isa. Lumabas na ako sa pinag-me
Kitang-kita ko pa rin ang gulat mula sa kanyang mukha at parang hindi pa rin siya makapaniwala sa mga sinabi ko, na pumapayag ako. Oo, pumayag ako. Dahil kailangan ko, maging practical at kailangan ko ng pera. Kinuha ng magulang ko ang kalahati ng ipon ko, kahit na gusto kong magalit sa pamilya ko ay pamilya ko pa rin sila at sila ang bumuhay sa akin.Kung hindi dahil sa kanila ay talagang wala ako rito. Kahit no'ng una ay magagalit ka, at mapapatanong na kung bakit 'yon nila ginawa. I should understand. Dahil sa ginawa nilang 'yon ay naintindihan ko pa rin sila, as a Psych major—I should always understand why they acted that way. Matagal na ring nangyari 'yon, bilisan natin ang pacing natin sa mga buhay natin.Huwag tayong mag-stay sa nakaraan, kailangan nating mag-move forward. Alam kong mahirap, at hindi talaga iyon madali. Pero may choice ba tayo? May magagawa pa
Bumalik na kami ni Nezoi sa loob at gusto pa ni Nezoi na sama-sama na kami sa iisang kwarto. Sinamaan ko siya ng tingin at natawa-tawa naman siyang sinabi na nagbibiro lang daw siya at doon daw kami sa guest room. Pumunta kami roon, at malaki rin ang guest room kaya kasyang-kasya na kaming magkakapatid dito. Kinuha na muna namin ang gamit namin mula sa sala at saka na kami nagtulung-tulong na mag-ayos ng gamit namin dito. Masaya kaming nag-aayos at puro tawanan lang ang maririnig dito, at sobrang ingay namin ngayong apat dito sa condo ni Nezoi. Hindi ko naman maiwasan na mapangiti na lang nang wala sa oras dahil sa nagaganap sa amin ngayong sandali na ito. "Hoy, Veni! Akin 'yang damit na iyan, favorite ko pa naman 'yan. Akin na 'yan!" sigaw ni Vici sa kakambal niya, at tiningnan ko naman kung anong damit 'yon. Nang makita ko ay paborito nga itong damit ni Vi
"Kapag natalo, bigyan mo ng sarili mo ng oras para maging malungkot o umiyak. Pero hanggang kailan? At mabuti sa iyo na iyong action na ginawa mong tumahan ka at hinintay kita. Pero hindi ganoon sa pagkalabas na pagkalabas mo ng pinto, okay? Hindi ka hihintayin ng mundo para tumahan ka, dahil tuluy-tuloy ang ikot ng globo at ang agos ng buhay." Hinawakan ko ang mukha ni Vici na malapit na namang umiyak at ngumiti ako sa kanya nang natural."Laging mong tandaan na ayos lang umiyak, pero dapat alam mo kung kailan ka titigil. At dapat mas talasan ang isipan natin sa gagawin natin. Hindi 'man natin hawak ang dapat na mangyari, pero hawak natin kung paano ang gagawin natin at ano ang ire-react natin," makahulugan kong sabi. Pinunasan ko ang nahulog na luha mula sa mata ni Vici at agad niya naman akong niyakap."Ikaw na lang po talaga ang paborito kong Ate at wala na pong iba pa
Dahil sa kung ano oras na ako nakatulog kanina ay na-late pa nga kami ngayon. Nagmamadali ang kambal na maligo dahil ano oras na rin silang nagising at ganoon din ako. Si Nezoi naman ay nakatulog din habang nag-aaral siya kaya lahat kami rito ay aligagang kumilos. Sobrang gulo namin, pero sinigurado pa rin namin kung ano ang dapat naming gawin. Naligo ang kambal at ako naman ay nag-ayos ng makakakain namin, at si Nezoi naman ay inaayos niya ang gamit niya. Maya-maya pa ay tumulong na rin siya sa akin na mag-ayos ng kakainin namin ngayong umaga. Pinagsaing ko na muna siya, at sinunod niya naman 'yon agad. Rinig na rinig ko pa mula rito ang kambal na nagtatawanan dahil sa pagmamadali ay ang dami nilang nahuhulog, o kung saan pa 'man na nadadapa sila. Matapos nilang maligo ay pinakain ko na sila at ako naman ang naligo, at nang matapos ako ay sumunod na si Nezoi. At
Nag-assign-assign na ang Head namin kung sinu-sino ang bibili ng mga materials at iba pa. Napunta naman ako sa hosting kaya hindi na ako sinama ng Head namin sa mga bilihin. Ayos sa akin 'yong hosting, may experience rin naman ako roon kahit papaano. Kaya masaya na ako kung saan ako nalagay. Nang matapos mag-assign ng Head namin ay samu't saring mga tanong ng karamihan pero nasagot naman lahat ng 'yon.Matapos ng mga katanungan nila ay na-dismissed na rin kami, at nahuli kaming mga Co-Head na narito. Nag-usap-usap pa kami tungkol sa event na mangyayari at medyo rush na rin kami kasi next week na agad siyang igaganap. Nang maayos na ang lahat ay saka na rin kaming nagpaalamanan sa bawat isa.Masaya naman kaming lahat na umalis ng school, at ako naman ay balak ko munang puntahan si Irene. Hindi ako nag-text sa kanya, para surprise talaga at saka bumili ako ng isang gallon ng
Habang papauwi na ako ay hindi ko na talaga maiwasan na maramdaman ang maging emosyonal habang nasa byahe ako. Parang biglang bumigat ang nararamdaman ko dahil sa una, 'yong nangyari kay Irene sa kanila ng magulang niya. Na naging rason kung bakit parang gusto kong makita ang magulang namin ng kambal, at nang nakita ko sila na masaya at tumatawa na sila lang; hindi ko maiwasan na malungkot doon.Pinigilan ko namang huwag maiyak habang nasa jeep ako papunta na sa condo ni Nezoi, at salamat naman na naki-cooperate sa akin ang mata ko at hindi 'yon nangyari. Nang nakababa na ako mula sa jeep ay hindi ko alam kung bakit pero dito na nagtuluy-tuloy ang bagsak ng mga luha ko. Hanggang sa mapaupo na lang ako sa tabi rito at saka roon umiyak. Tinakpan ko pa ang mukha ko para walang makakita sa akin sa estado ko ngayon.Hindi ko alam kung bakit ko bigla ko na lang kinuha ang telepo
"Hello! Ako si Ate Themis Pravitel. Isa ako sa Co-Head ng project na ito. Sana ay mag-enjoy at sana maging masaya kayo sa mga iba pa nating activities na gagawin mamaya. Sa ngayon, i-enjoy natin ang pagsasalu-salo natin! Okay po ba 'yon?" masaya kong tanong sa harap ng mga bata, pamilya nila, at sa mga matatanda. "Opo!" sabay-sabay nilang sagot at nakangiti pa ang mga ito, excited na talaga sila. "Pero huwag mamadaliin ang kumain, i-enjoy lang natin siya." Nagtawanan naman kaming lahat dito. Nang matapos ay bumaba na ako mula sa stage at sumama na sa mga kasamahan ko rito na kumain. Ngayon na naganap 'yong project namin at hindi ko maiwasan na matuwa dahil sa mga ngiting mukha ng mga bata na narito. Masaya kaming nagsalu-salo at mayroon kaming kasamang matanda sa table namin at nagkukuwentuhan kami rito. Naging smooth at
"Let us now meet our lovely candidates! And here they are!" sigaw ng host at saka isa-isa na kami lumabas mula sa backstage ng iba kong kalaban na kandidata. Dahil pang-number 8 ako ay pagkalabas ng 7 ay sumunod na ako. Ito na ang opening production namin, at ang bilis ng pangyayari ay narito na agad sa pageant na ito. Parang noong mga lumipas na buwan lang ay pinaghahandaan pa namin ito ni Edry pero ngayon ay nasa malaki at maluwag na stage na ako ng Pre-Pageant namin na ito. Pagkalabas ko pa lang ay malakas na ang hiyawan sa akin at rinig na rinig ko pa ang kambal, at si Nezoi mula rito kaya hindi ko maiwasan na mapangiti nang malaki. Naglakad ako kung paano ang na-practiced namin ni Edry at hindi ko maiwasan na maramdaman na handang-handa talaga ako rito. Pumwesto ako sa likod ng isang babae pero kitang-kita pa rin naman ako kahit papaano dahil window ang block
I did everything I have to do in the operating room, saving a patient from a family someone who has a severe situation. After a long operation, we have successfully saved him. I get out of the room and I talked to the family and I smiled at them as I say that we saved their father. They lend their gratitude and I just smiled at them, they are now at once, home. So am I. I went to my office and I get all of my things, after that, I went to the front desk because I'm about to go home. "I am Surgeon Emperor Nezoi Palmadez, and I'm on leave." Lumipas ang mga buwan, naging sobrang busy na rin namin ni Themis. Hinahanda na namin ang magiging kasal namin. Sinigurado naming pareho na maging engrande ito, dahil sa napakaraming nangyari sa buhay at pagmamahalan naming dalawa. Alam namin na deserved namin ito. &nbs
"It's fine, you don't have to worry about it. Go chase your dream," I sincerely said to her. Wala na sa isip ko na maglabas ako ng pera ko sa kanya at siguradung-sigurado na rin naman na ako sa kanya. Palagi akong suportado sa kahit na saan siya. Kahit saan pa iyan, basta magiging masaya siya kahit saan dahil doon din ako. A year passed and I became super busy. Wala na rin akong masyadong oras para kay Themis, nag-aalala na rin ako minsan. Pero alam ko naman na hindi ganoon kababaw ang relasyon namin, we're both busy into our dreams. It was my clerkship and I'm in my psychiatric, medyo nakakatakot pero may mga kasama naman ako. "What do you think is our patient problem? and the outcome of the test?" tanong ng Senior namin, natapos naming kausapin ang isang pasyente. "It is not Schizophrenia at all, then the exam results that i
Oo, aaminin ko naman, eh. Ang bob*, na ang t*nga ko, na wala akong puso, lahat-lahat na. Ngayon ko lang na-realized ang lahat sa akin. Ang dami kong nagawang mali, ang dami kong nagawang hindi maganda, at nasaktan ko pa ang babaeng alam ko namang mahal na mahal ko. Pero natakot lang din kasi ako.Natakot ako baka iwan niya lang din naman ako at masyado pa kaming bata, masyadong pang maaga para sa aming dalawa. Hindi pa namin ito oras, kaya ginawa ko ang mga bagay na sobra-sobra na pala. Hindi ko 'man lang napansin. Napahilamos ako ng mukha ko.Ang bob* ko sobra!Wala na dapat pang kahit anong excuse na ginawa ko sa kanya. Niloko ko siya. The blame is on me. Now I should accept my fate. Iyong taong nariyan 'yong panahon na kailangan ko ng kakampi ay wala na, 'yong taong naniniwala sa akin kahit na sa tingin ko ay hindi ko na kaya, at 'yong
"Hi! My name is Themis." Napakamot naman ako sa ulo ko dahil sino ba ito? Kakauwi lang ni Dorothy mula sa school at may mga kaibigan kaagad siyang dala-dala rito, at ngayong mayroong nagpapakilala sa aking kaklase niya. But I have to be nice, she's our visitor after all. "Hey, Themis. I am Nezoi," I simply introduced myself, trying so hard not to get sarcastic. "Nezoi... nice name, but it would be nicer if I call you to mine?" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya, ang tapang niya ah. Kakakilala lang namin ganito na siya? Ang bata niya pa. "Char! Babanat lang eh!" Tumawa naman siya dahil sa itsura kong hindi makapaniwala sa inaasta niya. "Landi mo," tanging nasabi ko at saka umalis sa harapan niya. Tumawa naman siya nang malakas habang papaalis ako, weird. Bakit kasi ganoon siya? Lumipa
In a snap, I did everything in the court defending someone who is actually innocent. After a long discussion and argument, and to everything I said to the Judge, I smiled. I face the crowd with confidence and I gave them my sweetest smile and turned my back. "It is I Attorney Themis Lex Pravitel, and I rest my case." Lumipas muli ang buwan at umabot na ito sa taon, sobrang naging busy talaga kami ni Nezoi. Matapos ang event ni Tito ay mas naging motivated akong magpatuloy, at talaga nga namang oo nakakapagod, pero tuloy lang sa buhay. Para sa pangarap, sa gusto natin maging, para sa sarili, at lalo na para sa kinabukasan. Kaya rin naman pala naging espesyal iyong event na iyon, dahil si Nezoi ay tinanong ako kung puwede ko na ba siyang maging official boyfriend. Tinatanong pa ba 'yon? Nag-oo naman ako kaagad. Natawa p
Natapos ang araw na isa sa mga araw na hinding-hindi ko makakalimutan, lahat kaming na naroon ay hinding-hindi namin iyon makakalimutan. Ang bilis ng araw, at ng panahon. Lumipas na ang halos limang buwan at ito magka-text kami ni Nezoi at saglit niyang pahinga at ako naman ay wala na ganoong ginagawa. Habang naiisip ko ang mga nagdaang araw ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari sa akin o sa amin sa buhay ko. Naging tuluy-tuloy ang pagda-date namin ni Nezoi at palagi niya akong dinadala sa iba't iba lugar, kainan, at marami pa kaming ginawa na talagang nasisimulan na naming i-fulfill ang mga pangakong hindi namin nagawa noon. Habang kausap ko sa telepono si Nezoi ay hindi ko maiwasan na mapalipad ang aking isipan dahil sa loob lang ng limang buwan ay marami na kaagad talaga ang mga nangyari. Nakapagtayo na ako ng business ko na coffee shop, at nakahan
"Hmm..." Tinanggal ko pa ang mukha ni Nezoi sa mukha ko dahil paulit-ulit niya na akong hinahalik-halikan, ginigising ako. Inaantok pa ako at tinatamad din akong tumayo. Kanina niya pa ginagawa iyong paghalik sa aking mukha kung saan-saan, pero gusto ko rin naman. Nag-iinarte lang talaga ako, pero mas nangibabaw ang antok ko ngayon kaya huwag siyang mangulit kung hindi ay makakasapak ako. "Come on, baby... kumakain na sila sa baba at tayo na lang 'yong hinihintay nila. Baka ano pa isipin nila? Hindi ba ayaw mo naman 'yon? Pero okay lang din na rito muna tayo para mayakap at makasama pa kita." Humiga siya ulit at niyakap niya ako mula sa likod. Nilalambing niya oa ako. Hindi ko na pinansin iyon at nagpatuloy pa rin ako sa pagtulog ko. Habang yakap-yakap ako ni Nezoi ay hindi niya na ako ginulo pa at nakatulog na ata kami pareho ngayon. Dahil hindi niya na ako kinul
Nagpatuloy ang kasiyahan namin at talagang ginawa na rin namin itong araw na ito na hindi makakalimutan na talagang naglasing ang lahat. Ito na rin ang way namin para makalimutan ang mga nangyari nitong nakaraang mga araw. Nagkaroon pa ng mga nakakatang*ng pinagsasabi sila Stamim tungkol sa pag-ibig, pero kung makapag-flex si Constraire no'ng kanila ay wagas. Si Stamim naman ay sobra pa sa sobra dahil sa sawi nitong mga naging karelasyon.Si Dorothy naman ay nakakayanan niya na rin. Kinakaya niya na ang pang-araw-araw na pagsubok sa kanya at iyong sessions niya sa isang psychiatrist ay nagiging maayos na ulit ang lagay niya. Ako? Ito katabi si Nezoi at hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil sa kakainom niya, mukhang naging minsan na lang din sa kanya ang ganito kaya hinahayaan ko lang siyang i-enjoy ang pagkakataon na ito."Buti pa si Themis, nasa harapan niya na
Natapos na ang hatol sa parehong partido at napatunayan ko na walang kinalaman si Nezoi sa lahat ng nirereklamo ng pamilyang ito. Tinanong ko pa nang tinanong kung sino ang nag-utos at sino ang nasa likod ng lahat ng ito pero hindi naman nila ito sinasagot, at palagi lang nilang sinasabi na wala. Nagde-deny pa rin sila kung sino at palagi nilang sinasabi na wala silang alam tungkol sa mga binabato kong mga tanong sa kanila. Talagang pinagtatakpan nila nang matindi, malaki siguro ang binayad sa kanila ng ga Villocarte. Hindi ko na ito pinilit pa dahil wala na rin naman na akong magagawa pa kung ganoon naman pala ang sasabihin nila. Sinasayang ko lang ang oras ko, nakulong ang manyak at iyong mga kasamahan nila. Nilahad ko rin ang naging sitwasyon nila sa akin, naging sobra-sobra ang babayaran nila at matagal din ang pagkakakulong. Deserved naman nila 'yon. Dapat lang.