“Nauuhaw ka ba?”Walang gana akong tumingin kay Gin nang itanong niya ‘yon. Kalaunan ay umiling din ako saka binalik ang tingin sa panonood.Ilang araw na ba akong nakakulong dito? Almost a week? It felt like a year. All I did for the past days were to eat, take a bath, sleep, and repeat.Napapansin ko na rin na patagal nang patagal ay pawala ako nang pawala ng gana. There’s no sunlight, I’m becoming pale. Wala akong balita sa labas. Kung meron man, tungkol lang sa misyon. But about Ryven and my friends, none. “Nagugutom ka ba? Padadalhan kita ng pagkain.”Muli akong umiling. Wala akong gana, wala akong gana sa lahat. Gin was just visiting here. Walang mga araw na hindi siya bumibisita. Pero ayan lang naman ang kadalasan niyang mga tanong. Wala rin siyang dalang kahit ano maliban sa pagkain at tubig sa tuwing papasok siya rito. At kung lalabas naman ay ilolock nila ang pinto at mag-isa na naman ako.“Matutulog na ako,”
Magbasa pa