Home / Romance / Awakening Her Bloodlust / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of Awakening Her Bloodlust: Chapter 21 - Chapter 30

75 Chapters

Chapter 21

Nagising ako sa sunod-sunod na katok mula sa pintuan ng kwarto ko. What the hell? Tinatamad pa akong bumangon dahil tatlong oras lang ang tulog ko. Sabado ngayon kaya dapat ay binabawi ko ang tulog ko dahil simula nang pumasok ako sa university ay ilang oras na lang akong nakakatulog. Ang hirap ng kurso ni Ryven, dagdag pang pang-doctor ang sulat niya. Inis akong napabangon nang makarinig ulit ng katok. “Ano ba!” sigaw ko. Nang buksan ko ang pintuan ay kinukusot ko pa ang mga mata ko. Pero nang makita ko na kung sino ‘yon ay nagsalubong ang kilay ko. “Fellin?” “What the hell happened to you?” iyon agad ang bungad niya sa akin. Siguro ay napansin na nito ang eyebags kong busog na busog. “This is your fault,” sagot ko. Paano ba naman kasi, tinambakan kami ng assignments kahit weekends na. Tapos may pinagawa
Read more

Chapter 22

He needs protection. Seriously, hindi na tama ang ginagawa ni Matthew kay Ryven. Hindi ko maintindihan kung paano niya nagagawang saktan ang sarili niyang anak. “Nasaan ang medicine kit mo?” tanong ko rito. Seryoso pa rin ang mukha ko at nahahalata kong naiilang na siya dahil doon. Tinuro niya sa akin ang kinaroroonan non kaya agad ko itong kinuha at sinimulang gamutin ang mga sugat niya. Wala na siyang damit ngayon dahil pinatanggal ko ito para mas mapadali ang paggamot. Pinilit ko talaga siyang sabihin sa akin ang totoo at tama nga ako. Lahat ng sugat at peklat na ‘to ay galing sa kademonyohan ni Matthew. Hindi na ako nakapagtanong pa kung bakit dahil nahalata kong ayaw niya nang pag-usapan pa ‘yon. Seriously? Anong klaseng demonyo ba ang sumapi kay Matthew para magawang ganituhin ang anak? Si Dad nga na pinalaki si Gin kahit hindi nito tunay na anak ay hindi niya natamo ang
Read more

Chapter 23

Malakas ang tibok ng puso ko ngayong nandito kami sa basement. Kaming dalawa lang ni Fellin ang nandito dahil hindi pa rin nakakauwi si Fion galing sa misyon na binigay ni Dad. Si Gin naman ay wala rin dito. Hindi ko alam kung saan siya nagpupunta dahil hindi rin naman sinasabi ni Dad kung anong pinagawa nito sa kaniya. Ilang beses na akong napalunok nang magsalita siya. “So, pumunta ka sa condo ni Ryven pero hindi mo sinabi sa akin,” panimula nito. Naging sarkastiko ang tono niya kaya mas lalo akong kinabahan. Narinig niya ang usapan namin ni Ryven noong isang araw. “B-biglaan kasi. Nakalimutan ko ring sabihin sa ‘yo.” Napayuko ako dahil sa pagkautal. Nang tingnan ko siya ay wala pa ring emosyon ang mga mata nito. “Anong pinag-usapan n’yo?” tanong niyang muli. Tumikhim ako bago sumagot. “Tungkol lang sa project,” sagot
Read more

Chapter 24

“What are you doing here?” tanong kaagad ni Ryven nang makababa na si Matthew mula sa sasakyan. Pero halata pa rin dito ang kaba na pinagtakhan ko. “I didn’t came here for you. I came here for Fevianna.” Saka ito tumingin sa akin. Inilibot ko ang paningin sa paligid dahil binanggit niya ang totoo kong pangalan, baka may makarinig. Buti na lang ay iilan na lang ang mga estudyanteng napapadaan at malayo sila sa amin kaya walang makakarinig sa kung ano mang pag-uusapan namin. “What do you want?” tanong ko. Kahit na kinakabahan din ay pinilit kong magmukhang hindi nababahala sa presensya niya. Ngumisi ito at humakbang palapit sa akin pero biglang pumagitna si Ryven. Laking gulat ko nang gawin niya ‘yon, napaatras pa ako habang nanlalaki ang mga mata. Likod niya na lang ang nakikita ko ngayon at hindi ko alam kung anong ekspresyon nito. “You’re o
Read more

Chapter 25

Dalawang linggo na ang nakalilipas simula nang pumunta si Matthew sa university. Dalawang linggo na rin akong naging mailap kay Ryven. Hindi sa iniiwasan ko siya, bumalik lang kami sa dati na halos walang pakialam sa isa’t isa. Pero tuloy pa rin ang trabaho kong obserbahan siya. Mabuti nga at hindi ito nangungulit. Ramdam niyang hindi ko siya gustong kausapin kaya siya na rin ang dumidistansya. Christmas break ngayon at nandito lang ako sa kwarto, nakakulong. Ilang beses na akong niyayaya nina Jasper na mamasyal pero lagi rin akong tumatanggi. Ewan ko ba, bigla akong nawalan ng gana sa lahat. Dagdag pa ang pag-iwas sa akin ni Fellin. Simula kasi nang tanggalin ko ang camera sa ID ko ay alam kong na-disappoint siya. Mas naging malamig ito sa akin at mukhang wala na siyang balak na sabihin pa sa akin ang mga plano niya. Si Fion naman ay hindi pa rin umuuwi. Ewan ko kung dito siya magcecelebrate ng Christmas. Wala nam
Read more

Chapter 26

New Year’s eve na. At nandito kami ngayon sa bar. Sa ilang araw na pag-aaya nila Jasper sa akin ay ngayon lang ulit ako nakapayag. Well, gusto kong maranasan kung anong pakiramdam nang may kasama sa pagsalubong ng bagong taon. Wala namang bago sa mansyon. Hindi pa rin ako pinapansin ni Fellin dahil mas naging busy siya ngayon. Ewan ko ba sa batang ‘yon, napakabata niya pa para magpakalubog sa trabaho. Medyo nakokonsensya lang ako dahil ang kapal ng mukha kong magchill samantalang ako itong nakatatanda. Hindi rin nakauwi si Fion at ang alam ko ay nasa Palawan siya ngayon. Mas nakakagalaw ako nang naayon sa gusto ko ngayon dahil wala rito si Jiro. Out of town siya simula no’ng Christmas Break kaya hindi namin siya kasama. Mabuti nga iyon dahil mas nakakagalaw ako nang maayos. “Vanna, let’s dance,” nakangiting aya sa akin ni Emma. Bigla kong naalala ang ginawa ko sa party ni Jasper noong
Read more

Chapter 27

Hindi ako nakatulog. Dalawang araw matapos ang nangyari sa bar ay hindi na talaga ako nakatulog. Hindi mabura sa isip ko ang ginawa ni Ryven. Sinusubukan kong ipilit pero sa tuwing pumipikit ay mukha niya ang nakikita ko at labi naman nito ang nararamdaman ko. Para na akong tangang paikot-ikot dito sa kama habang sinasabunutan ang sarili dahil hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Pasukan na naman. Bagay na iniiwasan ko dahil ibig sabihin lang non ay makikita ko ulit si Ryven. Hindi ko rin inaasahang gagawin niya ‘yon at mas lalong naguluhan ang isip ko dahil sa ginawa niya. Hindi ko makalimutan ang kuryenteng naramdaman ko no’ng magkadampi ang mga labi namin. “Good morning class,” bati ng prof at kasabay niya sa pagpasok si Ryven kaya naman muli na namang nagtama ang mga mata namin. Agad akong umiwas dahil nahihiya pa rin ako sa nangyari. Hindi kami nagkaroon ng pagkakataon na mag-usap pa
Read more

Chapter 28

Nakaupo kami ngayon ni Jai sa bench sa likod ng building habang hinihintay siyang magsalita. Ilang beses na akong napapabuntong-hininga dahil sa pagkailang. “U-uh… Kayo na ba ni Ryven?” Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. “No. B-bakit mo naman naitanong?” Ngumiti siya. “Nakita ko kung paano siya tumingin sa ‘yo,” sagot niya. Napaiwas ako ng tingin saka muling bumuntong-hininga. Maraming ibig sabihin ang tingin na ‘yon. Hindi dapat basta-basta nag-aasume. At kung tama nga ang hinala niya, hindi pa rin pwede. “That’s impossible,” sagot ko na lang, “‘yan ba ang balak mong itanong kaya mo ako gustong makausap?” Umiling siya. “No. Ang gusto kong malaman ay kung ano ang nararamdaman mo.” Muli akong napatingin sa kaniya. Bakit? Ano namang p
Read more

Chapter 29

“Okay ka lang?” Awtomatiko akong napalayo nang maramdaman ang mainit na hininga ni Ryven sa tainga ko. Doon ko lang na-realized na narito pala ako sa classroom namin at nasa tabi ko siya ngayon! “Anong ginagawa mo rito?” salubong ang kilay na tanong ko. “Huh? Kanina pa ako nandito, kanina ka pa rin tulala diyan. Ano bang iniisip mo? Ako ba ‘yan?” Mas lalong nagsalubong ang kilay ko sa tanong niya. Assumero. Iniisip ko ang napag-usapan namin ni Jai kahapon. Nakaramdam ako ng awa sa kaniya, nagi-guilty rin ako dahil parang ako pa ang nakagulo. Dagdag pa itong si Ryven na lapit nang lapit sa akin. “Huwag ka ngang assuming!” Bigla ay pumasok na naman sa isip ko ang paghalik niya sa ‘kin. Tangina! Bakit ba hindi ko na lang makalimutan ‘yon? Narinig ko ang mahinang pagtawa nito dahilan para mapatingi
Read more

Chapter 30

What the hell did just happen?! Ngayon lang ako nakapagreact sa sinabi niya. Ngayon lang pumasok sa isipan ko kung anong ibig sabihin no’n! Shit! Ang slow ko nga talaga! Hindi na ako muling nakapagtanong pa dahil dumating na ang prof. This will gonna be awkward for the both of us. Natapos na ang klase nang mapansin kong wala na si Ryven sa upuan niya. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko man lang napansin na umalis na pala ito. Nagkibit balikat na lang ako saka naglakad paalis. Habang naglalakad sa corridor ay may narinig akong pamilyar na boses sa loob ng bakanteng room. Nang silipin ko ‘yon ay nakita ko si Jai na kaharap ang isang lalaki habang nagsasalita. Kahit na nakatalikod sa akin ang lalaki ay nakilala ko agad ‘yon. Si Ryven. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil sa pagpipigil na pakinggan ang pinag-uusapan nila. Nanatili pa ako doon ng ilang segundo habang pinagpipili ang
Read more
PREV
1234568
DMCA.com Protection Status