Third Person's POV"Hey, sweetie, I need some money. I'll go shopping," wika ni Martha nang makapasok sa opisina ng asawa. Dinukot naman kaagad ni Fernando ang wallet mula sa bulsa at saka humugot doon ng sampung libo at iniabot sa asawa. Kunot-noong napatingin sa palad niya ang asawa. "10k? Seriously? Dalawang damit lang ang mabibili nito," reklamo niya. Nagpakawala ng buntong-hininga si Fernando at kinuha ang credit card mula sa wallet. Iyon ang ibinigay niya kay Martha. Tuwang-tuwa namang tinanggap 'yon ng babae at saka hinalikan sa pisnge ang asawa. "Thank you, honey. I love you, gotta go!" Matapos no'n ay mabilis siyang lumabas ng pinto at sumakay ng elevator. Sinundan lamang siya ng tingin ni Fernando at iiling-iling na ibinalik ang pansin sa laptop. Ngunit ilang segundo lang ay isinarado din niya at napasandal sa upuan. Sa loob ng halos limang taong
Last Updated : 2021-12-17 Read more