Third Person's POV
"Nakikiramay po ako," wika ni Lucas sa ina ni Maggie.
Naririto siya ngayon sa lamay ng yumaong sekretarya. Madami din sa mga katrabaho nito ang nakiramay sa naiwang pamilya ng dalaga.
"Maraming salamat po, Sir Lucas. Hindi ko na po alam kung paano na ako ngayon, wala na ang nag-iisang anak ko." Humagulgol ang kaawa-awang ginang. Namatay ang asawa nito sa isang aksidente noon at ngayon nama'y maging ang nag-iisa niyang anak ay wala na din.
"Huwag po kayong mag-alala, ginagawa ko po ang lahat ng makakaya ko para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Maggie."
Hinaplos ni Lucas ang likod ng ginang at saka napagpasyahang umalis. Naisipan niya lamang dumaan dito at pagkatapos nito'y pupunta siya ng presinto upang makibalita. Pagkaparada niya ng sasakyan sa labas ng presinto ay may nakita siyang pamilyar na lalaki mula sa loob ng bulwagan.
Third Person's POV"Hey, sweetie, I need some money. I'll go shopping," wika ni Martha nang makapasok sa opisina ng asawa.Dinukot naman kaagad ni Fernando ang wallet mula sa bulsa at saka humugot doon ng sampung libo at iniabot sa asawa. Kunot-noong napatingin sa palad niya ang asawa."10k? Seriously? Dalawang damit lang ang mabibili nito," reklamo niya.Nagpakawala ng buntong-hininga si Fernando at kinuha ang credit card mula sa wallet. Iyon ang ibinigay niya kay Martha. Tuwang-tuwa namang tinanggap 'yon ng babae at saka hinalikan sa pisnge ang asawa."Thank you, honey. I love you, gotta go!" Matapos no'n ay mabilis siyang lumabas ng pinto at sumakay ng elevator.Sinundan lamang siya ng tingin ni Fernando at iiling-iling na ibinalik ang pansin sa laptop. Ngunit ilang segundo lang ay isinarado din niya at napasandal sa upuan. Sa loob ng halos limang taong
Third Person's POVKakapasok lamang ng silid ni Dara at naabutan niya si Joel na nakamasid sa bintana. Sinarado niya ang pinto at saka nilapitan ang binata na mukhang malalim ang iniisip.Niyakap niya ito mula sa likuran."Anong iniisip mo?" tanong niya habang hinahaplos ang likod ni Joel."I'm thinking of telling Tito Lucas the truth."Nabigla si Dara sa narinig. Humarap sa kanya ang lalaki na may bahid ng pag-aalala ang mukha."We can't escape here, Dara. Paano sila Derrick at Trixie? Tayo ang inaasahan nila, sigurado akong nag-aalala na sila para sa 'tin."Simula kasi nang mabangga nila ang mga tauhan ni Lucas noon habang namimili sa bayan ay wala na silang choice kundi ang sumama dito. Hindi din nila alam kung paano napaniwala ni Lucas na pamangkin niya si Dara para lamang tantanan na sila ng mga pulis.&nb
Third Person's POV"Seriously?" Napunta ang tingin ni Derrick sa kaibigan."Calm down, Rick. He help us—""How sure are you?" putol niya sa sasabihin ni Joel."Derrick, I swear to God, I'm not your enemy here. Kakampi niyo 'ko," saad ni Lucas.Kunot-noong napatingin sa kanya ang anak. Wala nang nagawa si Derrick dahil hindi na din naman niya mababago ito. Nandito na si Lucas, alam na din nito kung saan sila nagtatago."Ate Dara!"Lahat sila ay napatingin sa sumigaw. Lumabas ng pintuan si Marga at tumakbo papalapit kay Sandara. Kaagad niya itong ginawaran ng napaka higpit na yakap. Kasunod ni Marga si Trixie na dahan-dahan na lumabas ng pinto."Sir Lucas?" Nang makalapit ay humawak siya sa braso ni Derrick na kapwa nakatingin sa ama."Kung hindi dahil sa kanya, baka
Third Person's POV"Trixie? Marga?" Lumabas ng kusina si Dara nang walang matagpuan doong tao.Nilibot niya ang kabuuan ng bahay ngunit wala siya doong natagpuang kasama sa bahay. Saan naman kaya magpupunta ang mga iyon?Paglabas niya ay natanaw niya ang Montemayor ship. Mukhang may tao doon dahil naririnig niya ang ilang nagkukwentuhan. Umakyat siya at tinungo ang likurang bahagi nito."Happy birthday, Dara!"Nagulat siya sa biglang pagsabog ng confetti sa paligid. Nadatnan niya doon silang lahat. Sa gitna ay naroroon si Marga at may hawak ng cake. Kinantahan nila si Dara. Hindi naiwasan ng babae na mapaluha dahil sa saya. Ang akala niya'y nakalimutan na nito ang kaarawan niya.Hinipan na niya ang kandila at saka sila nagpalakpakan. Ito na siguro ang pinaka masayang kaarawan niya. Simula kasi nang mamatay ang mga magulang niya dahil sa k
Third Person's POV"Napaka ganda ng bahay na ito. Sinong nakatira dito dati?" tanong ni Lucas habang sinisiyasat ang kabuuan ng bahay."Well, wala naman po. Hideout talaga 'to ni Daddy kapag may pinagpaplanuhan silang transaction sa mga maimpluwensiyang tao. Wala na din pong masyadong nakatira kaya medyo naluluma na din," saad ni Joel.Nilibot ni Lucas ang buong bahay. Mayroon ditong mga lumang kagamitan, maalikabok na din ang ilang dekorasyon, at may bahay na din ng gagamba sa ilang sulok ng kisame. Bagaman may kalumaan na ay hindi ito nakabawas sa ganda ng bahay.Pinasok niya ang kwarto ni Trixie. Naabutan niya doon si Marga na abala sa pagguhit. Naupo siya sa kama at pinagmasdan ang ginagawa ng bata."Anong ginagawa mo d'yan?" nakangiti niyang tanong.Umangat ang tingin ni Marga sa matanda at saka ngumiti."Dino-drawing ko po
Third Person's POV"Meryenda po muna." Inilapag ni Sandara ang plato na may lamang sandwich at dalawang baso na may lamang orange juice.Ngumiti naman si Trixie sa kaibigan bago na ito umalis. Nasa sala ngayon sila Lucas at Trixie. Nasa labas sila Joel at Derrick kasama si Marga upang makapag-usap man lang ang mag-ama. Hanggang ngayon ay hindi pa din makapaniwala si Trixie na ang lalaking kay tagal na niyang hinahanap ay nasa harapan lang pala niya.Kinuha ni Lucas ang isang baso ng juice at saka himigop doon."Siguro po nakatadhana talaga kaming magkakilala ni Derrick para makilala ko po kayo," paninimula ni Trixie.Ngumiti ang matanda at saka pinagdaop ang palad."Yeah, this is so unexpected. Kaya siguro magaan ang loob ko sayo noon pa man," tugon naman ng matanda."'Yon din po ba ang dahilan kung bakit galit na galit po sa iny
Third Person's POVNakaupo sa dalawang bangko ang mag-asawang Herman at Josefa Orlando. Kapwa nakatakip ng duct tape ang pareho nilang mga bibig at nakatali ang kamay sa likuran. Nakapaligid sa kanila ang mga tauhan ni Fernando, lahat ito ay mga armado."So, where is your son?" tanong ni Fernando habang nakadekwatro sa sofa at nakatingin sa mag-asawa.Sinenyasan niya ang isang lalaki at tinanggal nito ang tape sa bibig ni Herman."Sinabi ko na sayo, h-hindi namin alam kung saan siya nagpunta!" sigaw niya.Ngumisi si Fernando at saka pinaikot-ikot ang baril sa kamay. Ilang butil na din ng pawis ang pumapatak mula sa noo ng matanda habang pinapanood ang kamay ni Fernando. Maging si Josefa at sirang-sira na ang make-up dahil sa kakaiyak.Sa labas ng mansyon ay kakatigil lamang ng sasakyan ni Joel. Lumabas siya mula sa asul na Ferrari F60 America. Hinugo
Third Person's POV"Tito!"Nabuhayan ng loob ang mag-asawa at si Joel nang makita si Lucas at ang mga tauhan nitong sunod-sunod na pinaputukan ang mga kalaban. Nang mapansin ni Herman si Fernando na tumakbo sa ibang direksyon ay kaagad niya itong sinundan.Pinaputukan niya ang direksyon nito ngunit huli na siya dahil nakasakay na ito sa kotse at mabilis na umalis sa lugar na iyon."Lucas!" natutuwang wika ni Josefa at saka lumapit sa matanda."Mabuti na lang po dumating kayo," saad ni Joel na may bahid pa din ng takot ang mukha.Napalingon silang lahat sa isang direksyon at nakita nila si Herman na kapit-kapit ang braso na naglalabas ng pulang likido. Mabilis siyang nilapitan ng anak at saka inalalayan sa paglalakad."He needs to take to the hospital, may tama siya," saad ng binata."I'm okay, it's not
Third Person's POVKinabukasan, pagkatapos makapagpasukat ng gown na susuotin ni Trixie para sa kasal nila ni Derrick ay sabay sila ni Lucas na umalis patungo sa sementeryo. May dala silang basket ng bulaklak at saka kandila. Tinungo nila ang puntod ni Trina.Naupo sila sa damo at saka tinanggal ang mga tuyong dahon at bulaklak na nakatabon sa lapida nito. Inilagay ni Trixie ang bulaklak sa tabi ng lapida at saka naman sinindihan ni Lucas ang kandila at saka pinatong dito."Mama, kasama ko na si Daddy, oh." Bakas sa boses niya ang galak nang banggitin iyon."Inah, itong anak mo, ikakasal na sa susunod na linggo. Dumalo ka doon, ha," wika ni Lucas.Hinaplos ni Trixie ang lapida ng ina habang inaalala ang mga panahong kasama pa ang yumaong babae. Noon ay isa lamang siyang batang babaeng nais laging mamasyal sa parke ngunit ngayon ay may asawa na siya at gumagawa na ng sariling p
Third Person's POVTumigil ang sasakyan nila Trixie at Derrick sa harap ng mental hospital sa siyudad. Parehas pa silang napatingala doon ng ilang segundo bago na mapagpasyahang bumaba.Matapos ma-discharge ni Trixie ay napagkasunduan nilang mag-asawa na bisitahin si Martha. Kahit na ayaw ni Derrick ay wala siyang nagawa dahil mapilit ang babae.Pagpasok nila sa bulwagan ay nagkalat sa paligid ang mga taong nakasuot ng puting damit at ang mga nurse na kasama nila. Mukha lamang itong isang simpleng gusali na tinitipon ang mga taong kailangan ng kalinga."Good morning, mister and misis Gomez." Sinalubong sila ng doktor na lalaki. Ito marahil ang may-ari ng ospital."Good morning, Doc. Can we talk to Martha Sandoval?" nakangiting wika ni Trixie."Of course, follow me. She's on the second floor."Sinundan nga nila ang dok
Third Person's POV-Flashback-"Nasaan ang asawa ko?!"Hindi napigilan ni Martha na pagtaasan ng boses ang babae sa morge. Mabilis na pumasok sa loob si Martha nang ituro ng babae ang daan. Nanlumo siya nang makita ang katawan ni Fernando na nakabalot na sa puting kumot."Fernando," wika niya sa mahinang tinig at halos pabulong na. Kaagad siyang lumapit sa katawan nito at nagsimulang bumagsak ang mga luha habang hinahaplos ang mukha ng asawa."Fernando!" Basag na ang kanyang tinig nang isigaw iyon. Nagpatuloy siya sa paghikbi at paghagulgol habang niyayakap ang katawan ng asawang wala ng buhay.Hindi niya matanggap na namatay ang asawa niya na may samaan pa sila ng loob. Kung alam lamang n'yang huling kita na niya sa asawa noong gabing iyon ay sana pinaramdam niya dito kung gaano niya ito k
Third Person's POV(2 months later)"Hi, Trixie. I don't know if why I'm doing this but maybe I feel guilty and I can't tell you this directly. Noong mga bata pa kami ng mama mo, nagpunta kami sa isang malawak na parang tapos may bangin sa dulo na matatanaw mo ang napaka lawak na karagatan at kalangitan. Pinangalanan ko 'yong Trixie, tapos napagkasunduan namin ng mama mo na ipangalan din 'yon sayo. We were happy back then, but everything fall down when you gave birth to Marga. Doon ko nalamang… hindi kita kadugo.""But before that, I just want to tell you something at sana pagkatapos mong mapanood 'to, hindi pa din magbago ang tingin mo sa papa. Peter, your boyfriend, hindi siya naduwag na panagutan ka. Ang totoo n'yan, pinapatay ko siya dahil ayaw niyang lumayo sayo. I'm sorry kung naging hadlang ako sa pagmamahalan niyong dalawa and believe me, pinagsisisihan ko na 'yon."&nb
Third Person's POVNagpatuloy sila sa pagtakbo at ngayon ay pinaghahabol na sila ng mga tauhan ni Fernando. Napakarami nila at mukhang hindi sila makakaligtas ng buhay kung hindi sila magmamadaling tumakbo. Kahit na masakit na ang katawan ni Derrick dahil pangko niya si Trixie ay hindi siya tumitigil. Kailangan niyang maging matatag para sa asawa."Lucas!" sigaw ni Fernando na ngayon ay nakikipagpalitan na din ng putok."Hayop ka! Alam kong ikaw ang nakabuntis sa asawa ko!"Nagtago sa likod ng puno si Lucas habang pinapakiramdaman ang paligid. Mahigpit ang kapit niya sa baril. Tagaktak na din ang pawis niya dahil sa pagtakbo."We did it because we love each other, Fernando. Kailanman, hindi mo madidiktahan ang puso ni Trina!" tugon naman ni Lucas.Sila lamang dalawa ang nasa kalagitnaan ng gubat. Ang mga kasama ni Lucas ay nauna nang tumakbo sa kanya
Third Person's POV(Earlier that day)Tahimik na kumakain ng hapunan nila si Fernando at Martha. Walang nagtangkang magsalita o magbukas ng usapan at tila nagpapakiramdaman silang dalawa. Maging ang mga katulong ay hindi din alam kung bakit gano'n ang mag-asawa."Martha, about kanina—""I'm finished." Bago pa man makapagsalita si Martha ay tumayo na ito at lumabas na ng dining. Dumiretso siya papunta sa kwarto nila.Nagpakawala ng buntong-hininga ang matanda at napatigil sa pagkain nang tumunog ang cellphone niya mula sa bulsa."Give me a good news," panimula niya sa usapan."Sir, natunton na po ng mga tauhan natin kung saan nagtatago sila Ms. Trixie at ang anak nito."Napangisi si Fernando nang marinig ang balita. Mabuti na lamang ay magandang balita ang dumating sa kanya, kahit papaano'y mababawasa
Third Person's POV"Y-yes!"Nagpalakpakan ang lahat nang isigaw iyon ni Trixie. Tuwang-tuwa namang isinuot ni Derrick ang kumikinang na singsing sa daliri ng babae. Matapos no'n ay niyakap nila ang isa't-isa. Isa na siguro ito sa pinaka masayang araw ni Trixie. Hindi niya akalaing sa gitna ng lahat ng kanilang pinagdaanan ay may pag-asa pa din pala silang maikasal."I can't wait to marry you tomorrow." Kumalas sa yakap si Derrick at saka hinaplos ang pisnge ni Trixie."Sira, bukas agad? May hinahabol ka ba?" Bahagyang natawa ang babae."No, I'm serious. We will get married tomorrow."Natigilan si Trixie dahil sa sinabi nito. Napatingin siya sa kaibigan at sa ama ngunit nagkibit-balikat lamang sila."A-anong ibig mong sabihin?""Everything was ready. 'Yong oo mo na lang talaga ang kulang pero ngayon, tul
Third Person's POVNapabalikwas ng bangon si Marga at mabilis na lumabas ng kwarto niya upang puntahan ang silid ng ina. Naabutan niya doon sila Derrick at Trixie na mahimbing na ang tulog.Nagising sila pareho nang sumampa ang bata sa kama at niyakap si Trixie. Nagkatinginan silang dalawa. Tila ba kinabahan sila pareho nang magsimulang humikbi si Marga."Oh, Marga. Gabi na, ah. Anong nangyari?" tanong ng ina at saka hinaplos ang likod ng anak."Mommy, napanaginipan ko po sila Lolo at Lola, pinatay daw po nila kayo ni Daddy." Halos magkandabara-bara na ang sipon nito dahil sa pag-iyak.Iniharap niya si Marga sa kanya at saka pinunas ang mga luha nito habang sinusubukan siyang pakalmahin."Shh… tahan na. Buhay pa kami ng daddy, oh. It's just a dream, sweetie, no need to worry." Tipid na ngumiti ang babae upang pagaanin ang loob ng bata.
Third Person's POV"Tito!"Nabuhayan ng loob ang mag-asawa at si Joel nang makita si Lucas at ang mga tauhan nitong sunod-sunod na pinaputukan ang mga kalaban. Nang mapansin ni Herman si Fernando na tumakbo sa ibang direksyon ay kaagad niya itong sinundan.Pinaputukan niya ang direksyon nito ngunit huli na siya dahil nakasakay na ito sa kotse at mabilis na umalis sa lugar na iyon."Lucas!" natutuwang wika ni Josefa at saka lumapit sa matanda."Mabuti na lang po dumating kayo," saad ni Joel na may bahid pa din ng takot ang mukha.Napalingon silang lahat sa isang direksyon at nakita nila si Herman na kapit-kapit ang braso na naglalabas ng pulang likido. Mabilis siyang nilapitan ng anak at saka inalalayan sa paglalakad."He needs to take to the hospital, may tama siya," saad ng binata."I'm okay, it's not