Chapter 10"OKAY CLASS, wear your PE uniform and proceed to the soccer field," anunsiyo ni Mrs. Romero, PE teacher namin at lumabas na ng classroom.Iyon agad ang bungad sa'min kinabukasan ng martes. "Grabe naman 'yon kakasimula pa lang ng klase may PE agad," bulong ni Irish sa'king tabi nang mawala si Mrs. Romero.Nilingon ko siya at nagkibit balikat ayaw nang magsalita pa. Totoo naman kasi ang sinabi niya hindi pa man gano'n nagtagal ang klase pero may ganito na agad."Tara na magbihis na tayo," sabi ko sa kaniya at tumayo na. Kinuha ko ang dala kong paper bag at nanguna nang lumabas sa classroom. Mabilis din namang sumunod si Irish sa'kin.Habang naglalakad sa hallway papuntang CR ay walang tigil na naman ang bulongan ng mga tao sa paligid."Uy, girl alam niyo ba 'yong bagong chismis?""Anong chismis?""Iyong nangyari sa cafeteria kahapon girl, ano ka ba? Hindi mo alam?""Ako, ako alam ko ang
Last Updated : 2021-09-23 Read more