Home / Romance / Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig / Chapter 1071 - Chapter 1080

All Chapters of Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig: Chapter 1071 - Chapter 1080

2077 Chapters

Kabanata 1071

"Hindi ko alam kung kaninong anak ang nasa tiyan ko. Nakalabas na ako sa wakas sa bilangguan, pero wala akong pera at walang lugar na pupuntahan. Bumalik ako sa Lynn Family para maghanap ng hustisya. Hinarap ko si Lincoln Lynn tulad ng kung bakit siya nagsinungaling sa akin at hindi sinagip ang buhay mo. Sinabi niya sa akin na sinubukan niya pero hindi mo na nakayanan, at sinabi niya sa akin na nilibing ka niya doon sa bayan natin. Gusto kong bumalik pero wala akong pera. May hindi pa akong pinapanganak na bata at hindi ako makabalik.""Patawarin mo ako, Mommy, patawarin mo ako. Hindi ko alam na buhay ka pala sa buong oras na 'to. Akala ko patay ka na, akala ko nilibing ka ng tatay ko. Desperado akong kumita ng ilang pera, sakto lang para makabalik ako sa bayan natin, pero kalaunan ay pinaghahanap ako ng mga Lynn. Nagtago ako ng anim na taon doon, pero kahit saan ako tumakbo, palagi akong nahahanap nina Lincoln at Jade. Wala akong magawa kundi itago ang pagkakakilanlan ko at lumipat n
Read more

Kabanata 1072

Nilapitan ni Marcus ang madungis na babae nang tinawag niya itong tita. Nanigas ang babae at binaling ang maulap niyang mga mata kay Marcus. Dumaloy ang mga luha sa kanyang pisngi, pinapalis ang dumi habang dumadaloy ang mga ito. Sa isang namamaos na boses, tanong niya, "Batang lalaki, anong... tinawag mo sa akin ngayon lang?"Umabante si Marcus at hinawakan ang mga kamay ng babae sa tuwa. "Tita, ikaw ang tita ko, 'di ba? HIndi ka anak ng step-mother ko, pero ng lola ko talaga. Tita kita sa dugo."Hindi maayos ang pagsasalita niya sa galit na estado. "Pero tita, pinalaki ka ng step-grandmother ko. Napilitan kayong dalawa na lumayo mula sa Shaw residence at nanirahan sa maliit na bahay. Sa taon na mag-eighteen ka, sinabi ng step-grandmother ko sa lolo ko na ikaw talaga ang anak ni lola. Ang step-grandmother ko, nakakabilib siya sa dami ng kanyang talento. Tinatago ko pa rin ang mga guhit niya hanggang ngayon..." inaral ni Marcus ang ekspresyon ng tita niya, pero halos buong mukha niya
Read more

Kabanata 1073

"Kumakain ka ba na parang tao? Hindi! Malamang nabubuhay ka sa dugo ng tao! Gagong matanda, hindi mo lang gusto ang mga kidney ng anak ko, sinusubukan mo ring i-frame siya sa lahat ng mga krimen na 'yon. Akala mo wala na siyang taong masasandalan o taong magtatanggol sa kanya, 'di ba? Diyan ka nagkakamali! Nandito ako! Ipagtatanggol ko ang anak ko! Ikaw gagong matanda ka na kaya lang apihin ang mga mahihina! Akala mo ba isa kang lalaking makapangyarihan sa lahat na kaya lang kuhain ang buhay ng ibang tao kung gugustuhin? Sinubukan mong hamakin ang anak ko nang paulit-ulit sa pamamagitan ng pag aalipusta at pamamahiya sa kanya, dahil akala mo ay walang tatayo sa likod niya, hindi ba? Hayaan mong sabihin sa'yo, gagong matanda, nasa likod ako ng anak ko! Ang sino man sa inyo ang sumubok na manakit sa kanya at papatayin ko ang bawat tao sa pamilya mo! Naging pagala gala akong natutulog sa kanal araw araw, ano pa ba ang dapat kong katakutan?"Ang mga salita niya ang nagpailing sa mga taong
Read more

Kabanata 1074

"Oh...!" Nagulat, tumalon si Lincoln at nahulog sa lupa. Tumitig siya sa madungis na babae sa harapan niya, natatakot. "Hindi ka... hindi ka patay? Paanong..."Umismid siya. "Lincoln, minaliit mo ako. Kaya ko nang mabuhay mag-isa simula nang mag-labing walo ako. Nasubukan kong magmakaawa ng pangkain, matulog sa ilalim ng mga tulay, at makipagsapalaran sa pagkain laban sa mga daga, mabangis na pusa at aso. Simula noong natulog akong mag-isa sa ilalim ng tulay, nakipag-away din ako sa mga siga na gustong i-molestiya ako! Paano kong hahayaan ang sarili kong mapatay mo ng madali lang? Tsaka, may anak pa ako ritong nagdudusa, syempre hindi dapat ako mamatay!""Ikaw..." Sa puntong ito, ganap nang nasa estado ng pangamba at pagsisisi si Lincoln, sa punto na hindi na niya makita ang sasabihing salita maliban sa "ikaw". Sa katotohanan na tumakbo siya sa unang asawa niya sa tapat mismo ng bahay ni Sabrina ay sapat na para hindi mabaliw siya. "Niloko mo ang anak ko at pinadala sa bilangguan s
Read more

Kabanata 1075

"Lincoln Lynn! Isa kang halimaw na dapat mamatay! Buntis ang anak ko sa anak ni Sebastian Ford 'nong oras na 'yon, pero inutusan mo ang alibughang anak mo na makisali habang nakikipagkita sa kanya ang anak ko! May puso ka ba talaga, Lincoln?? Dapat kang mamatay ng milyon na beses at kahit iyon ay hindi sapat! Hindi ka lang tumangging sabihin sa anak ko na ang ama ng anak niya ay buhay pa rin at nasa tabi na niya, sinubukan mo ang lahat ng kaya mo para patayin ka nang paulit-ulit! Ang isang ama na gaya mo ay dapat pira-pirasuhin ng mabangis na hayop pagkatapos mamatay!"Sobrang balisa at naiinis si Lincoln na masumpa sa ganitong paraan. Desperado na siyang tumakbo, pero padami nang padami ang mga taong pumapalibot sa kanila, na siyang nag-iiwang wala siyang tiyansa na makatakas. Kaya niya lang tumayo at tanggapin ang mga hinanakit ng palaboy na babae. Gustong aluin ni Sabrina ang kanyang Mommy, nang makita kung paano siya sumigaw kay Lincoln gamit ang namamaos na boses. Mga siyam na
Read more

Kabanata 1076

Isang palaboy na babae ang napatigil nang marinig niyang may tumawag sa kanya ng "Mama". Lumingon siya kung saan nanggaling ang boses at sumunod si Sabrina, nalaman niya lang na ang asawa niyang si Sebastian ay nakatayo sa kabilang dulo ng karamihan ng tao.Si Sebastian ay nakatayo nang may mahigpit na ekspresyon, siya ay bihis na bihis na naka-suit at bahagyang nakayuko nung sandaling yun."Sebastian..." Tinawag siya ni Sabrina.Sa likod ni Sebastian ay ilang indibidwal na hindi makilala ni Sabrina. Ito ay halong matatanda at mga bata, ang ilan ay mukhang normal na mga tao na mataas ang estado, habang ang iba naman ay normal na mga taong nagtatrabaho sa mga opisina. Walang may alam kung bakit plano ni Sebastian na gawin ito kasama ng mga estrangherong yun. Dumaan siya sa gitna ng maraming tao papunta kay Sabrina at sa palaboy na babae, bago siya pormal na yumuko. "Mama..."Ang palaboy na babae ay humihikbi nang walang tigil nang sumagot siya sa paos na boses, "Ikaw...handa ka bang
Read more

Kabanata 1077

"Nung siyam na taong nakalipas, ang anak mong si Selene ay nakikipag-inuman sa isang grupo ng lalaki sa bar at siya ay nalasing. Siya ay dinala naman sa isang maruming hotel ng isang lalaking nasa apatnapu," sabi ni Sebastian sa malamig na boses.Ang mukha ni Lincoln ay namula nang sobra."Nung oras na nagising na si Selene, siya ay nagalaw na ng matandang lalaki sa paraang gusto niya. Yun ang unang beses niya sa isang lalaki, kaya siya ay nagalit nang matindi at merong kutsilyo sa mesa. Ito rin ang parehong kutsilyo na ginamit ng matanda para bantaan si Selene, pero sa bandang huli, ito ang naging armas na ginamit ni Selene para patayin siya. Pagkatapos nun, siya ay natakot sa pag-iisip na baka siya ay makulong o mamatay, kaya nanloko kayo ng mga tao at ipinalit niyo si Sabrina sa kanya! Gumastos kayo ng medyo malaking pera para dito kaya ang lahat ay naging perpekto, pero Lincoln, ang ibig sabihin ng pineke ay pineke! Siyam na taon na ang lumipas simula nung insidenteng yun, at si
Read more

Kabanata 1078

Ang old Master Shaw ay tumingin kay Sebastian, at nanginginig ito. "Se-sebastian, ano...anong sinasabi mo?""Narinig mo ako, tanda," sumagot siya nang walang pag-iingat.Napanganga si Old Master Shaw sa kanya.Hindi na siya interesado kay old Master Shaw, kaya si Sebastian ay lumingon na para tumingin kay Lincoln, na nahuli na. "Lincoln Lynn, dalhin mo na ang anak at asawa mo sa istasyon ng pulis at ipaliwanag mo ang bawat isang detalye tungkol sa kung paano napunta si Sabrina sa kulungan sa nakalipas na maraming taon!" sinabi niya sa napakalamig na boses."Hindi..." umangal si Lincoln."Grandpa Shaw, tinupad ko ang pangako ko sa inyo sa buong panahong yun," dagdag ni Sebastian, "sinabihan mo ako na wag kong galawin ang Lynn Family. Nangako ako at sumunod ako sayo. Pero kung gumawa sila mismo ng krimen laban sa batas, edi hindi ko na yun kasalanan, tanda. At saka, baka kailangan mo rin sumama sa kanila..."Ang old Master Shaw ay nanatiling tahimik.Gumapang si Marcus papunta kay
Read more

Kabanata 1079

Pero, hindi nagbanggit si Sebastian ng kahit ano tungkol sa mga Shaw. Sa wakas ay nakumbinsi ang babae sa pagbanggit ng maling pagkakakulong kay Sabrina at ng mga isyu tungkol sa pagkakakilanlan nila ni Aino. Mahigpit siyang tumango bago siya tumingin muli kay old Master Shaw at Marcus. "Pero wala talaga...akong relasyon sa kanila. Pakiusap gusto kong lubayan na nila ang anak ko simula ngayon. Kung hindi sisirain ko sila kahit na wala nang matira sa akin kundi ang mga ngipin ko.""Auntie..." Nagsimulang umapaw muli ang luha sa mga mata ni Marcus. Ang lalaking nasa tatlumpu, at nakasuot ng suit na may perpektong imahe ng isang maginoo ay humagulgol nung sandaling yun. Tumingin siya sa nanay ni Sabrina at nagmakaawa, "Auntie, noon pa man pamilya na ang turing ko sa inyo. Nakilala ko na agad kayo nung oras pa lang na nagpakita kayo ngayon, kahit na ang mukha niyo ay natakpan na ng buhok niyo, pero ang mga mata niyo ay talagang kamukha ng kay Sabrina. Simula nung una kong nakita si Sabrin
Read more

Kabanata 1080

Mabilis na hinawakan ni Marcus si old Master Shaw. "Lolo. Lolo, ayos lang po ba kayo?"Ang tingin ni old Master Shaw ay lumabo dahil sa luha at siya ay nakaramdam ng pagkahilo. "Siya...siya ba talaga ay tita mo?""Isang daang porsyento po itong totoo, Lolo!""Buhay pa rin siya?"Tumango naman si Marcus. "Ang mga Lynn ang nanloko sa inyo! Ang impormasyon na nakuha ng mga magulang ko ay totoo. Si Auntie ay ikinasal kay Lincoln Lynn hindi nagtagal matapos niyang umalis sa bahay, pero hindi siya namatay sa panganganak tulad ng sinabi ni Lincoln. Silang dalawa ay nagdiborsyo din yung tumagal."Edi...edi dapat mo pala silang habulin...""Habulin ang tita ko, ibig niyong sabihin?" tanong ni Marcus."Halika na!"Agad na pumasok ng kotse ang dalawa, pero si Marcus ay bumaba ulit matapos nilang isara ang mga pinto ng kotse sa likod nila. Pumunta siya sa kotse ng pulis kung saan ipinasok si Lincoln at sinabi sa mga pulis, "Pasensya na, pero pakiusap dalhin niyo siya maya mayang kaunti. An
Read more
PREV
1
...
106107108109110
...
208
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status