“Ano ka ba, nagkalagnat lang ako kanina, lagnat lang iyon. Okay na ako,” natatawang saad ko pa rito.“Lagnat? What’s that?” nawala naman kaagad sa mga labi ko ang kaninang naka paskil na ngiti roon. Humiwalay ako ng yakap sa kanya at binalingan siya ng kuwestiyonableng tingin.“Hindi niyo alam kung ano ang salitang lagnat?” manghang turan ko. Grabe, ang saya siguro maging Witch kagaya nila dahil hindi sila nagkakasakit.Parang batang tumango siya sa tanong ko. Hindi ko tuloy mapigilan na kurutin ‘yong pisngi niya.“Ouch. That hurts.” Reklamo niya sa akin. Bigla na lang agad na wala ang ngiti sa aking mga labi ng mapagtanto kong sinunog niya pala lahat ng mga pananim dito sa mansyon niya.“Ikaw,” sabay turo ko sa kanya, “Bakit mo sinunog ang mga pananim dito, ha? Wala na ngang buhay mga pananim mo rito, susunugin mo pang kabute ka!” malakas na tinampal ko siya sa kan
Last Updated : 2021-11-22 Read more