“Lola, sa’yo napo ito, oh. May matitirhan po ba kayo? Gusto niyo po, i-pag book ko kayo ng hotel at ako na po bahala sa bayarin, h’wag po kayong mag-alala.” Hindi parin siya nagsasalita at naka tingin lamang sa akin na animo’y isa akong tanawin para sa kanya.Binalewala ko na lamang ito sabay abot ko nong mga gamit. Kinuha ko rin wallet ko at kumuha doon ng 10 thousand pesos.” Doon na siya humindi at sinenyas niya pa ang kamay niyang ayaw na.“Pero Lola, hindi naman po ito utang. Tanggapin niyo na po, para matahimik narin ako, ayoko pong may nakikitang mga matanda na nagpa laboy-laboy lang kahit saan, nasasaktan po ako.” Totoo iyon. Nasasaktan talaga ako kapag ka mayroon akong nakikitang gano’n.Ngumiti ito. Sumilay kaagad sa’kin ang kulay dilaw niyang mga ngipin ngunit imbes na mandiri ako ay mas lalo pang dinurog ang puso ko.“Napaka bait mo, Iha.” Hinawakan niya ang kaliwang kamay
Last Updated : 2021-12-20 Read more