Home / YA / TEEN / Crush Me Back / Chapter 11 - Chapter 13

All Chapters of Crush Me Back: Chapter 11 - Chapter 13

13 Chapters

Chapter 8: Same Feather

Naghimala ang langit. Naunang gumayak si Elizabeth kaysa kay Thad. Excited siyang pumasok dahil official na siyang lilipat sa top section. Sa wakas, magkakasama na ulit sila ni Thad sa classroom. Ang saya-saya niya. “Puwede bang tumigil ka na sa kakangiti?” “Bakit ba?” angil niya. “Masama bang maging masaya?” “Nakakangalay sa panga.” “Ang maging masaya?” pang-aasar niya rito kahit alam niyang ang kaniyang pagngiti ang tinutukoy nito. “Ang slow mo,” naiiling na wika nito. “Ang sungit
last updateLast Updated : 2021-12-24
Read more

Chapter 9.1: Sticky Note

Matiim na titig ang ipinukol ni Carlo kay Elizabeth. Dinuro nito ang babae. “Elizabeth Marie, layuan mo si Bruce!” mariin ang bawat bigkas nito sa mga katagang binitiwan. Pakiwari niya’y gusto siya nitong sabunutan at kaladkarin pababa ng hagdanan. “Anong kalokohan ‘yan Carla?” kunot-noong tanong niya. Wala namang makakarinig sa usapan nila dahil nasa sulok sila ng fourth floor. “Umayos ka nga!” Wala pang ilang segundo simula nang ilapag niya ang bag sa upuan nang hilaan siya nito palabas ng classroom at dinala siya sa fire exit. Hindi niya alam kung ano ang trip nito. “Hindi ko type si Bruce.” “Hindi ako ang may sabi no’n.” “Anong hindi ikaw? Kakasabi mo pa nga lang, e.” “Ito.” May inabot ito sa kaniya na sticky note. “May impaktang nagdikit niyan sa freedom wall. Ito pa.” 
last updateLast Updated : 2022-01-21
Read more

CHAPTER 9.2: Sticky Note

Pinagtaasan ni Elizabeth ng kilay si Trixie. “May show ba?” patay-malisya niyang tanong. “Wala kasi akong napanood. Busy kasi ako sa panlalalaki ko.” Tutal, malandi naman ang tingin sa kaniya ng iba, e di sige. “Excuse me, hahabulin ko lang si Carlo. Bye!” “The nerve!” sigaw ni Trixie. “Ang landi talaga!” (Whatever!) Wala naman siyang pakialam sa sasabihin nito. Dahil badtrip siya, mas pinili niyang gamitin ang hagdan kaysa elevator. Pero, agad niyang pinagsisihan ang desisyon. Pinagtitinginan kasi siya ng mga estudyanteng kaniyang nasasalubong at nagbubulungan pa ang mag ito. (Great! Sikat na talaga ako sa campus!) Okay lang naman kung pinag-uusapan siya sa kaniyang achievements kaya lang, hindi naman ganoon. Maling paratang pa ang dahilan kung bakit kilalang-kilala siya ng mga tao. Ikatutuwa pa niya kung pinag-uusapan siy
last updateLast Updated : 2022-01-24
Read more
PREV
12
DMCA.com Protection Status