All Chapters of A Life With Five Attorneys (TAGALOG): Chapter 11 - Chapter 20

41 Chapters

Chapter 10

YOSHI"May kulang pa ba sa stock? Pakilista na lang lahat ng kulang para isahan na lang. Carlos, just call me if you need something, okay?" Abala silang lahat sa pag-aasikaso kung anong kulang sa mga stocks na gagamitin sa kaarawan ng costumer namin. "Yes, Attorney!" Tumango na lang ako at iniwan sila roon para lumabas ng stock room. Kinuha ko ang teleponong nakasilid sa aking bulsa at agad na kinuha para tawagan ang taong matagal ko nang gustong makausap. Kung hindi lang ako abala, paniguradong matagal ko nang nakausap itong taong 'to. Maya-maya lang ay sinagot niya ang tawag ko."Kuya Saint," pabungad na sabi ko. Alam kong antok pa 'to dahil ang tanghalian namin ay siya namang umagahan niya. Sanay na kami nang panahong kasama pa namin siya sa bahay, kaso umalis na siya para lang sundin ang deal nila ni Mara."8:1
Read more

Chapter 11

MARANapamulat ako nang maramdaman ang init na nagmumula sa nakakasilaw na glass window ng silid na hinihigaan ko. Walang tao sa loob kaya malaya akong tumayo para magtungo ng Cr. Nagulat ako sa malaking pagbabago ng mukha ko.Mas lalo akong pumayat at pumuti kumpara noon. Mas lalo ring humaba ang bagsak kong buhok na halos umabot na sa pang-upo ko. Maging ang mga tigyawat ko sa mukha ay unti-unti nang nawawala. Maraming pagbabago ang nangyari sa katawan ko. Ilang buwan na naman ba akong tulog? Kumuha ako ng tali sa buhok at ginamit para maipag-isa ang buhok kong magulo."Oh, cock! Daddy! She's awake! Mommy Mara is awake, emeeee!" Halos pare-parehas silang lahat ng reaksyon. Lahat ay nakaawang ang bibig habang nakatingin sa akin. Ngunit sadya yatang hindi marunong makontento ang mata ko, iba ang hinahanap. Maybe he's still mad at me. Pinilit kong ngumiti para hindi nila mahalata.
Read more

Chapter 12

MARAHindi mawala ang tingin ko sa limang lalaki na naka-top less at masayang nagtatawanan habang nakaupo sa buhanginan. Maaliwalas tignan ang paglubog ng araw lalo na't dito sa mismong puwesto. Ang saya nilang tignan na para bang mga batang wala pang dinadalang problema. Nahagip ng mata ko ang lalaking nakatingin din sa gawi ko ngunit ganoon na lang kabilis ang pagbawi niya ng tingin ng mahuli ko siya. Simula paggising ko wala siya, mabuti na lang at napilit siya ng apat na sumama sa amin. February 20 ngayon, kaarawan ni Callip, kaya naisipan namin na mag-night swimming. Sa Bohol naisipan ni Callip na mag-celebrate gayong dito naman lumaki ang kaniyang ina. He's 23 years old now pero hindi niya pa naisipang mag-asawa. Nakapagtataka lang na sa gwapo nilang 'yan, wala silang nagustuhan at wala pang napiling pakasalan. Sa kanilang lima, si Callip pa lang ang nakikita kong nagdala ng babae.
Read more

Chapter 13

MARAMay iilan pa ring mga kalalakihan at kababaihan ang nakatampisaw sa tubig kahit hating-gabi na. It's already 2 am in the morning but I'm still awake, obviously. Hindi ako makatulog sa 'di malamang dahilan. Tatlong araw na rin kaming nandito sa Bohol, akala ko isang araw lang kami rito. Paniguradong malaki na rin ang nagastos ni Callip dito.Napabuntong-hininga na lang ako at muling tumingala sa langit. Hindi ko gawaing tumitig sa kalangitan tuwing gabi pero parang pinagsisisihan ko na iyon. Namangha ako sa mga maliliit na bituing nakakalat at ang pagkalaking buwan na nagbibigay liwanag ngayon sa kapaligiran. Napakaganda. Ilang taon na akong namumuhay sa mundong ito ngunit ngayon lang sumagi sa isip ko ang titigan ang kalawakan."Ang ganda, 'di ba?" Kilala ko na kung kaninong boses iyon kahit hindi ko man lingunin. Umupo siya sa tabi ko at tumingala rin sa kalawakan na animo'y m
Read more

Chapter 14

MARA“DON’T YOU DARE HUG OTHER GIRLS, KALISTER SAVILLAN! OR ELSE I WILL CUT YOUR ALAGA!” Napalingon ako kung saan nanggaling ang matinis na boses na ‘yon.  Natanaw ng dalawang mata ko ang babaeng may katangkaran at halos lakad-takbo na ang ginawa nitong paghakbang papunta sa gawi namin. She’s wearing a green jumpsuit skinny and donned by the black stilettos.Napangiwi ako dahil sa suot niya. Sigurado ba siyang alam niyang resort ang pupuntahan niya? Para siyang dadalo ng debut celebration. Nilingon ko si Kal na ngayon ay mariing nakapikit habang nakahawak sa magkabilaang sentido.“Kilala mo siya, Kal?” untag ko. Napahilamos siya sa kaniyang mukha sabay tayo para salubungin ang babae. Paniguradong inis na siya, ni hindi niya man lang ako nasagot dahil dali-dali niyang sinalubong 'yong babae. Tumayo na rin ako galing sa pagkakau
Read more

Chapter 15

MARA"Omygosh! It's so mainit here!" Napairap ako ng wala sa oras dahil sa kaartehan ng babaeng nasa likuran ng upuan ko. Kanina pa umaalingawngaw ang boses niya, 'kala mo siya lang ang tao rito. Idagdag mo pa yung katabi kong kanina pa tulog kaya at the end, sa balikat ko nakasandal ang ulo. Hindi sana siya bangungutin. Mas lalo pa akong naiirita dahil sa ginawa niya sa akin kagabi. Sino ba namang makakalimot do'n? "Zhiah, can you please shut your fucking mouth?" Maging si Kal ay naiirita na rin sa kaniya. Pa'no ba naman kasi? Kanina pa siya putak nang putak kahit na sobrang init. E mas lalo nga lang umiinit dahil sa hininga niya. Ba't kasi ang layo ng Bugnaw Cave na tinutukoy ni Callip. Ilang metro ang layo niyon sa rest house nila kaya ilang oras na rin nagiinit ang puwetan namin dito."Geezz!" Kinuha ko ang librong kabibigay lang ni
Read more

Chapter 16

MARA"Are you okay?""H-Huh...oo! Hindi ka ba maliligo, Callip?" Half-naked na siya pero hanggang ngayo'y hindi pa lumulusong sa cave. Kanina pa nakaligo mga kasama namin maliban sa aming dalawa. Ewan ko ba, nawalan ako ng gana maligo."Hindi na lang siguro ako maliligo. I want to accompany you here since hindi ka rin naman maliligo." Kinuha niya ang tee-shirt na hinubad niya kanina at muli itong sinuot. Kami lang dalawa sa cottage kaya malaya kaming pag-usapan kung anong gusto naming pag-usapan. "You're not okay, Mara. It's obvious, may I know the reason?" Napaisip ako kung sasabihin ko ba. Humugot ako ng malalim na paghinga bago ko siya hinarap at kinausap ng tuluyan."Sa tingin mo, Callip, may deal pa bang nagaganap sa pagitan namin ni Saint?" Kumunot ang noo niya at saglit na n
Read more

Chapter 17

MARA"Are you hungry?" Napaangat ako ng tingin sa batang babaeng nakatayo sa harapan ko habang nakapamaywang. She looks more gorgeous because of her braided hair and curve eyelash. "I'm not hungry, I'm Mara." Napairap siya dahil sa birong binato ko sa kaniya. Napakasuplada talaga ng batang 'to, manang-mana sa tatay. Parang laging menopausal e."Ow, it sounds mais." Tumalilis na lang siya at agad na dumiretso sa kusina. Hindi ko man lang naintindihan kung ano 'yong sinagot niya sa akin. Sounds mais? Ano kaya 'yon. Ang korni mo, Ley!Gabi na pero hindi pa rin ako makatulog. Nakauwi na rin kami no'ng nakaraang linggo pa at ilang linggo na rin akong hirap makatulog tuwing gabi. Pinipilit nga nila ako na magpakonsulta pero tinanggihan ko sila. Silang apat lang, hindi kasama si Saint, demonyo 'yon. Minsan napapatanong ako sa s
Read more

Chapter 18

MARANaiinis ako dahil sa nasabi ko kagabi. Pinagsisisihan ko na sinabi ko 'yon, natatakot ako na baka sabihin niya sa demonyong 'yon ang sinabi ko. Sinadya ko talaga gumising ng maaga para lang maabutan si  Yoshi. Gusto ko siyang makausap.Patayo-upo na ang ginagawa ko dahil hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko bakit ko nasabi 'yon. Umupo ako saglit para humigop ng mainit na kape. Maya-maya lang ay napag-isipan ko na tumayo na lang. Hindi ako mapakali. Natatakot ako na baka sabihin niya 'yon sa manyak slash demonyo na lalaking 'yon!"Mara?" Napalingon ako kung saan nanggaling ang boses na iyon. He's wearing a blue polo and black pants, donned by his luminous black shoes. Pormal na pormal siya kung titignan kahit saang anggulo."Good morning, Kal. Kape?" anyaya ko sa kaniya. Sinuklian niya ako ng pagkatamis-tamis na n
Read more

Chapter 19

MARANaglalakad-lakad ako mag-isa sa mall habang bitbit ang shopping bag na may produktong nabili ko kanina. Komportable ako nag-ikot-ikot dahil sa suot ko. I'm wearing a peach one-shoulder tops and high-waist pants, donned by the cut-out heels.Hindi na ako masyadong nagmumukhang lola dahil tinuruan na rin naman ako ng designer nila Saint. That's why I'm very thankful with Saint's mom, her designer taught me how to dressed properly."Ang daming magaganda pero hindi ko alam kung anong bibilhin ko." Nagpalinga-linga ako habang nag-iisip kung ano talaga ang bibilhin ko. Hindi ko rin alam kung saan ako mag-uumpisang bumili. Balak ko rin kasi mag-grocery kasi wala ng stocks ang refrigerator nila Hezu. Wala rin naman akong gagawin kaya ako na lang ang nagkusa."Good morning, Ma'am. Ano pong sa'tin?" magalang na bati ng babaeng nakatayo sa gilid ko.
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status