MARA
Napamulat ako nang maramdaman ang init na nagmumula sa nakakasilaw na glass window ng silid na hinihigaan ko. Walang tao sa loob kaya malaya akong tumayo para magtungo ng Cr. Nagulat ako sa malaking pagbabago ng mukha ko.
Mas lalo akong pumayat at pumuti kumpara noon. Mas lalo ring humaba ang bagsak kong buhok na halos umabot na sa pang-upo ko. Maging ang mga tigyawat ko sa mukha ay unti-unti nang nawawala. Maraming pagbabago ang nangyari sa katawan ko. Ilang buwan na naman ba akong tulog? Kumuha ako ng tali sa buhok at ginamit para maipag-isa ang buhok kong magulo.
"Oh, cock! Daddy! She's awake! Mommy Mara is awake, emeeee!" Halos pare-parehas silang lahat ng reaksyon. Lahat ay nakaawang ang bibig habang nakatingin sa akin. Ngunit sadya yatang hindi marunong makontento ang mata ko, iba ang hinahanap. Maybe he's still mad at me. Pinilit kong ngumiti para hindi nila mahalata.
MARAHindi mawala ang tingin ko sa limang lalaki na naka-top less at masayang nagtatawanan habang nakaupo sa buhanginan. Maaliwalas tignan ang paglubog ng araw lalo na't dito sa mismong puwesto. Ang saya nilang tignan na para bang mga batang wala pang dinadalang problema. Nahagip ng mata ko ang lalaking nakatingin din sa gawi ko ngunit ganoon na lang kabilis ang pagbawi niya ng tingin ng mahuli ko siya. Simula paggising ko wala siya, mabuti na lang at napilit siya ng apat na sumama sa amin. February 20 ngayon, kaarawan ni Callip, kaya naisipan namin na mag-night swimming. Sa Bohol naisipan ni Callip na mag-celebrate gayong dito naman lumaki ang kaniyang ina. He's 23 years old now pero hindi niya pa naisipang mag-asawa. Nakapagtataka lang na sa gwapo nilang 'yan, wala silang nagustuhan at wala pang napiling pakasalan. Sa kanilang lima, si Callip pa lang ang nakikita kong nagdala ng babae.
MARAMay iilan pa ring mga kalalakihan at kababaihan ang nakatampisaw sa tubig kahit hating-gabi na. It's already 2 am in the morning but I'm still awake, obviously. Hindi ako makatulog sa 'di malamang dahilan. Tatlong araw na rin kaming nandito sa Bohol, akala ko isang araw lang kami rito. Paniguradong malaki na rin ang nagastos ni Callip dito.Napabuntong-hininga na lang ako at muling tumingala sa langit. Hindi ko gawaing tumitig sa kalangitan tuwing gabi pero parang pinagsisisihan ko na iyon. Namangha ako sa mga maliliit na bituing nakakalat at ang pagkalaking buwan na nagbibigay liwanag ngayon sa kapaligiran. Napakaganda. Ilang taon na akong namumuhay sa mundong ito ngunit ngayon lang sumagi sa isip ko ang titigan ang kalawakan."Ang ganda, 'di ba?" Kilala ko na kung kaninong boses iyon kahit hindi ko man lingunin. Umupo siya sa tabi ko at tumingala rin sa kalawakan na animo'y m
MARA“DON’T YOU DARE HUG OTHER GIRLS, KALISTER SAVILLAN! OR ELSE I WILL CUT YOUR ALAGA!” Napalingon ako kung saan nanggaling ang matinis na boses na ‘yon. Natanaw ng dalawang mata ko ang babaeng may katangkaran at halos lakad-takbo na ang ginawa nitong paghakbang papunta sa gawi namin. She’s wearing a green jumpsuit skinny and donned by the black stilettos.Napangiwi ako dahil sa suot niya. Sigurado ba siyang alam niyang resort ang pupuntahan niya? Para siyang dadalo ng debut celebration. Nilingon ko si Kal na ngayon ay mariing nakapikit habang nakahawak sa magkabilaang sentido.“Kilala mo siya, Kal?” untag ko. Napahilamos siya sa kaniyang mukha sabay tayo para salubungin ang babae. Paniguradong inis na siya, ni hindi niya man lang ako nasagot dahil dali-dali niyang sinalubong 'yong babae. Tumayo na rin ako galing sa pagkakau
MARA"Omygosh! It's so mainit here!" Napairap ako ng wala sa oras dahil sa kaartehan ng babaeng nasa likuran ng upuan ko. Kanina pa umaalingawngaw ang boses niya, 'kala mo siya lang ang tao rito. Idagdag mo pa yung katabi kong kanina pa tulog kaya at the end, sa balikat ko nakasandal ang ulo. Hindi sana siya bangungutin. Mas lalo pa akong naiirita dahil sa ginawa niya sa akin kagabi. Sino ba namang makakalimot do'n? "Zhiah, can you please shut your fucking mouth?" Maging si Kal ay naiirita na rin sa kaniya. Pa'no ba naman kasi? Kanina pa siya putak nang putak kahit na sobrang init. E mas lalo nga lang umiinit dahil sa hininga niya. Ba't kasi ang layo ng Bugnaw Cave na tinutukoy ni Callip. Ilang metro ang layo niyon sa rest house nila kaya ilang oras na rin nagiinit ang puwetan namin dito."Geezz!" Kinuha ko ang librong kabibigay lang ni
MARA"Are you okay?""H-Huh...oo! Hindi ka ba maliligo, Callip?" Half-naked na siya pero hanggang ngayo'y hindi pa lumulusong sa cave. Kanina pa nakaligo mga kasama namin maliban sa aming dalawa. Ewan ko ba, nawalan ako ng gana maligo."Hindi na lang siguro ako maliligo. I want to accompany you here since hindi ka rin naman maliligo." Kinuha niya ang tee-shirt na hinubad niya kanina at muli itong sinuot. Kami lang dalawa sa cottage kaya malaya kaming pag-usapan kung anong gusto naming pag-usapan. "You're not okay, Mara. It's obvious, may I know the reason?" Napaisip ako kung sasabihin ko ba. Humugot ako ng malalim na paghinga bago ko siya hinarap at kinausap ng tuluyan."Sa tingin mo, Callip, may deal pa bang nagaganap sa pagitan namin ni Saint?" Kumunot ang noo niya at saglit na n
MARA"Are you hungry?" Napaangat ako ng tingin sa batang babaeng nakatayo sa harapan ko habang nakapamaywang. She looks more gorgeous because of her braided hair and curve eyelash. "I'm not hungry, I'm Mara." Napairap siya dahil sa birong binato ko sa kaniya. Napakasuplada talaga ng batang 'to, manang-mana sa tatay. Parang laging menopausal e."Ow, it sounds mais." Tumalilis na lang siya at agad na dumiretso sa kusina. Hindi ko man lang naintindihan kung ano 'yong sinagot niya sa akin. Sounds mais? Ano kaya 'yon. Ang korni mo, Ley!Gabi na pero hindi pa rin ako makatulog. Nakauwi na rin kami no'ng nakaraang linggo pa at ilang linggo na rin akong hirap makatulog tuwing gabi. Pinipilit nga nila ako na magpakonsulta pero tinanggihan ko sila. Silang apat lang, hindi kasama si Saint, demonyo 'yon. Minsan napapatanong ako sa s
MARANaiinis ako dahil sa nasabi ko kagabi. Pinagsisisihan ko na sinabi ko 'yon, natatakot ako na baka sabihin niya sa demonyong 'yon ang sinabi ko. Sinadya ko talaga gumising ng maaga para lang maabutan si Yoshi. Gusto ko siyang makausap.Patayo-upo na ang ginagawa ko dahil hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko bakit ko nasabi 'yon. Umupo ako saglit para humigop ng mainit na kape. Maya-maya lang ay napag-isipan ko na tumayo na lang. Hindi ako mapakali. Natatakot ako na baka sabihin niya 'yon sa manyak slash demonyo na lalaking 'yon!"Mara?" Napalingon ako kung saan nanggaling ang boses na iyon. He's wearing a blue polo and black pants, donned by his luminous black shoes. Pormal na pormal siya kung titignan kahit saang anggulo."Good morning, Kal. Kape?" anyaya ko sa kaniya. Sinuklian niya ako ng pagkatamis-tamis na n
MARANaglalakad-lakad ako mag-isa sa mall habang bitbit ang shopping bag na may produktong nabili ko kanina. Komportable ako nag-ikot-ikot dahil sa suot ko. I'm wearing a peach one-shoulder tops and high-waist pants, donned by the cut-out heels.Hindi na ako masyadong nagmumukhang lola dahil tinuruan na rin naman ako ng designer nila Saint. That's why I'm very thankful with Saint's mom, her designer taught me how to dressed properly."Ang daming magaganda pero hindi ko alam kung anong bibilhin ko." Nagpalinga-linga ako habang nag-iisip kung ano talaga ang bibilhin ko. Hindi ko rin alam kung saan ako mag-uumpisang bumili. Balak ko rin kasi mag-grocery kasi wala ng stocks ang refrigerator nila Hezu. Wala rin naman akong gagawin kaya ako na lang ang nagkusa."Good morning, Ma'am. Ano pong sa'tin?" magalang na bati ng babaeng nakatayo sa gilid ko.
MARA"Hey, baby! I made a chocolate cake for you!" Bitbit ang chocolate cake na gawa ko, lumapit ako sa kaniya. Walang bakas na tuwa sa mukha niya kaya kumunot ang noo ko."Saint? Is there something wrong?" He’s just staring at me while crying? What’s wrong with him? Hindi siya sumasagot kahit anong gawin ko. Sinubukan kong hawakan ang kamay niya pero iniwas niya agad ito."What’s wrong? Are you mad at me? Nagalit ka ba dahil sa sinabi ko kagabi? Hey! That was just a joke!" Tumawa ako na animo’y may nakakatawa sa sinabi ko pero wala pa rin siyang sagot. Nakatingin lang siya sa akin habang umiiyak. Gusto ko siyang yakapin pero hindi ko magawa dahil lumalayo siya sa tuwing lalapit ako."Saint, ano ba! Magsalita ka nga!" Inilapag ko muna ang cake na hawak at taas-kilay na hinarap siya."Hindi ka ba talaga magsasalita? Ano bang problema mo?" Pinilit ko
WARNING! MAY MGA EKSENANG HINDI ANGKOP SA MGA BATA. READ AT YOUR OWN RISK! SAINTFLASHBACK"Don't you dare hurt her again, Hyacinth! I won't hesitate to hurt you," I threatened her. I found out what she did to Mara before she was rushed to the hospital."Bakit, Saint? Dahil gusto mo na siya, huh? Kaya mas makakayanan mo na saktan ako para sa kaniya? Gano'n ba?" I closed my eyes tightly and clenched my fist. Earlier I insisted to not lay my hands on her."None of your business.""Hindi ako tanga, Saint. Oo, noong una pinili ko na huwag na lang pansinin ku
MARA"Cómos estás, Margarette?" Ibinaba ko ang cellphone na hawak at hinarap ang taong nasa harapan ko. As usual, she's wearing a thick make-up. Isama mo pa ang lipstick na sobrang kapal, tinalo pa ang color ng floorwax."Estoy bien, Hermana. Why are you here? Do you need something to say?" May inilabas siyang brown na envelope sa harap ko kaya agad ko itong kinuha para tignan kung ano ang nasa loob niyon. Halos mapanganga ako nang makita kung ano ang laman nito.It was the model ranking and I'm second to the highest! God, thanks! It's been a years when I entered modeling industry."Woah! Thank you for informing
HYACINTH"Hanggang kailan ka pa magmumukmok diyan, Hyaz? Ano? Ganiyan ka na lang araw-araw, 'te? Happy birthday pero naiinis pa rin ako sa'yo. Bumangon ka na riyan!" Tumagilid ako at tumalikod sa kaniya. Hanggang kailan din naman kaya siya titigil sa kakasermon sa akin? Tinalo niya pa sina Mama. Tsk!"Bes Hyaz, maawa ka sa sarili mo. Ang laki ng pinagbago mo, jusko! Tignan mo ang sarili mo sa salamin. Para ka ng ina na nag-aruga ng isang dosenang bata!" dugtong na sermon niya. Araw-araw siyang ganiyan. Kung hindi ko lang talaga siya kaibigan, malamang matagal ko na 'tong pinalayas sa apartment ko."I'm tired. Leave me alone and ignore my existence for a while," malamig na wika ko. Ilang taon na rin ang nakalipas simala nang naghiwalay kami ni Saint. Ilang taon na rin no'ng huli naming pag-uusap. Paniguradong masaya na sila ngayon. Wala na rin naman akong b
MARA"Iha, maayos na ang lahat. Pagkatapos ng therapy na ito, pupunta na kayo ng Spain," halos pabulong na sabi ni Mrs. Salvacheera. Hininaan niya lang ang boses niya dahil nandito si Saint."Kailangan po ba na sa Spain ako magpagamot? Sorry po kung demanding pakinggan, pero kasi si Saint e..." Hinaplos niya ang ilan pang natitirang hibla ng buhok ko at hinawakan ang kamay ko habang nakangiti. Siya nga pala, pinakalbo na ang buhok ko. Noong una nag-aalangan ako kasi nasasayangan ako sa mga buhok ko. Pero napagpasiyahan ko sa huli na pumayag na lang na ipakalbo."Are you afraid that my son will replace you?" Nag-aalangan akong tumango. "Don't worry. Hindi ganiyan ang ugali ni Saint. Trust me, okay?" "Salamat po sa lahat, Mrs. Salvacheera. Kapag po nakaluwag ako, babawi po ako sa inyo," walang pag-aal
MARAIsang linggo na rin ang nakalipas nang sumailalim ako sa first chemotherapy. Sa lahat ng therapy na binanggit ni Doktora Rainee, chemo pa lang ang nararanasan ko. Iisipin ko pa lang na sasailalim nanaman ako sa chemo ay kinakabahan na ako.Malalim na pagbuntong-hininga ang nagawa ko nang mapadapo ang tingin sa salamin. Kitang-kita rito kung paano unti-unting naglalagasan ang mga buhok ko. Marami na ang nabawas pero hindi naman ako masyadong napanot dahil may kakapalan ang buhok ko. Napag-usapan na rin naman namin nila Doktora na ipapaputol na lang ang buhok ko gayong mauubos din naman ito.Sobrang putla ko na rin. Dry na ang balat ko dahil sa sakit ko. No'ng sinukat nila ang timbang ko doon lang nakumpirma na malaki ang nabawas sa dito. Ang daming nawala sa akin dahil sa sakit na natamo ko. Nakakapanghinayang at nakakawalang-gana. Sina Hezu, Kal, Callip, at Yoshi naman daw ang
MARAKinakabahan ako dahil ngayon ang chemotherapy na sinasabi ni doktora. Kanina pa nila sinusubukang tanggalin ang kaba ko pero kahit anong gawin nila ay wala pa rin itong talab.Si Sachi, Yezhiah, Mr and Mrs. Salvacheera at ang pinsan ko lang ang kasama ko. Wala sina Saint. Kanina dumaan daw si Yoshi dito at may ibinigay na pagkain. Hindi ko siya naabutan dahil halatang may pasok din siya.Halos mag-iisang linggo na ako dito sa hospital. Mabuti na nga lang ay hindi na ako oras-oras naduduwal hindi katulad no'ng nakaraang araw."Charity, iha, samahan mo nga ang pinsan mo at kausapin. She's obviously nervous," rinig kong utos ni Mrs. Salvacheera. Oo, alam na nila na pinsan ko si Ana Mae. Nagtaka pa nga ako no'ng una dahil ang tawag nila kay Ana Mae ay Charity, iyon pala ay ipinangalan lang 'yon ni Mrs. Salvacheera sa kaniya.Ilang araw na silang na
MARA"Are you gonna sleep here, Mom? Dad?" Napalingon ako kay Sachi na mukhang naiirita na nandito ang mga magulang niya.Ilang araw na kasi silang nandito, maging si Yezhiah na dati lang ay galit na galit sa akin. Hindi ko alam kung anong nakain niyan bakit hindi na ako tinatarayan. Ang sarap nilang tignan. Ang sarap tignan na may mga taong handang magbantay sa akin kahit hindi ko sila kadugo. Napabuntong-hininga ako nang muling nanumbalik sa isipan ko ang offer ni doktora. "Dalawang beses ka lang magpapa-therapy dito sa Pilipinas, Margarette."Pagkatapos ng pangalawang therapy ay hindi ko na sila makikita. Hindi ko na siya makikita. Paano ko sasabihin kay Saint 'to? Paniguradong hindi siya papayag. "Dito kami matutulog ng Daddy mo, Sachi," tugon nito.
MARAWala akong ganang makipag-usap. Wala akong ganang kumain. Wala akong ganang magsalita. Wala akong gana sa lahat. Paano ko na lang sila haharapin kung unti-unti na akong nawawalan ng gana? Sa lahat ng tao, bakit ako pa ang nakasalo ng mga ganitong sakit? Bakit ako pa na hirap din sa buhay? Bakit ako pa na walang ibang hinangad kundi ang mamuhay ng masaya at tahimik?Alam ko na may mga taong mas malala pa ang napagdadaanan, pero hindi ko maiwasan na hindi kuwestyunin ang Diyos kung bakit ako? Bakit sa'kin Niya binigay ang ganitong pagsubok? Nagiging pabigat na ako sa mga taong kumupkop sa akin. Nagiging pabigat na ako sa lahat."Mom, aren't you gonna talk to us?" Walang buhay kong nilingon si Ley. Dati lang ay ganado akong makausap ang batang 'to pero ngayon ay tila nawala na iyon. Nawawalan na ako ng gana na harapin sila."L-Ley...."